webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 625

Isang Yellow Spike Spider!

Ito lamang ang naiusal ni Wong Ming sa kaniyang sariling isipan nang mapansin ang tila papalapit ng dambuhalang magical beast sa kinaroroonan niya.

Shrriiiieeekkkkk!

Nagpakawala ng nakakatakot na tunog ang dambuhalang Yellow Spike Spider at mabilis na gumapang ito sa mga sangang dinaraanan nito.

Alam niyang hindi magiging kampante ang nasabing nilalang na ito upang gumawa ng kakaibang taktika upang lituhin lamang ang magiging biktima nito.

Ang tanging nagawa ni Wong Ming ay mabilis itong tumalon at matulin na tumalon-talon sa mga sangang dinaraanan nito.

Hindi aakalain ni Wong Ming na ang nasabing nilalang na ito ay nag-eexist sa lugar na ito.

Paano niya nalaman ang nasabing magical beast na ito ay dahil marami din ang napapabalitang mga Yellow Spike Spider sa mga kagubatan ng Golden Crane City.

Dahil sa mabilis na paggalaw ni Wong Ming ay naungusan niya ang nasabing dambuhalang gagambang iyon.

Nakakatakot ang kabuuang kaanyuan ng halimaw na iyon habang mayroon itong nagkakapalang balahibo sa mga balat nitong kulay dilaw. Ang kapansin-pansin pa rito ay ang mga spikes nito sa bawat galamay nitong walo ang bilang.

Maya-maya pa ay naramdaman ni Wong Ming na tila hindi siya makagalaw sa kinaroroonan niya.yun pala ay mayroong mga maliliit na mga likidong tila umuulan sa buong kapaligiran dahilan upang mataranta siya.

Kung di nagkakamali si Wong Ming ay isa itong malagkit na bagay na siyang maaaring magtrap sa mabibiktima ng dambuhalang Yellow Spike Spider.

Ang tanging nagawa na lamang ni Wong Ming ay gumawa ng mainit na apoy upang masunog ang mga umuulang mga butil-butil na likido.

Kaya ang nangyari ay tila umaapoy ang kapaligiran ni Wong Ming.

Ramdam ni Wong Ming na puro na siya dungis at hindi naman siya matutusta ng ordinaryong mga apoy.

Mas mabuti na nga ito kumpara sa maabutan o malapa siya ng Yellow Spike Spider.

Nasa Level 3 lamang ang klasipikasyon ng Yellow Spike Spider ngunit ang abilidad nitong kumontrol ng mga bagay-bagay sa teritoryo nito lalo na ang paglalaro ng hinahapunan nito ay siyang espesyalidad nito.

Gayunpaman ay kinakailangan ni Wong Ming na makaalis sa lugar na ito ng Yellow Spike Spider dahil para sa kaniya ay isang delikadong taktika kung nandirito siya. Kayang-kaya siyang i-trap ng magical beast na ito kung di siya gagawa ng paraan na naaayon sa kaligtasan niya.

Ilang minuto lamang ang nakalilipas ay tila namilog ang mga mata ni Wong Ming at napatigil sa kinaroroonan niya nang mapansin ang isang malaking bulto ng dambuhalang nilalang sa harapan niya. Iyon ay walang iba kundi ang mismong Yellow Spike Spider.

Bigla na lamang itong lumingon sa kinaroroonan niya at nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.

Parang gutom na gutom ang nasabing Yellow Spike Spider at tumutulo ang malalagkit nitong mga laway habang nakatingin sa kaniya.

"Nalintikan na, at gusto pa ata akong gawin nitong pagkain ngayon!" Seryosong turan ni Wong Ming sa sarili niya at hindi ito nagpatumpik-tumpik pa at bumalik si Wong Ming sa kinaroroonan niya.

Ngunit gaya nang nauna ay tila ang uwi niya sa paglayo sa nasabing halimaw ay tila lumalapit pa siya rito.

Walang nagawa si Wong Ming kundi harapin ang nasabing halimaw sa kasalukuyan at hindi na siya tumakbo pa.

Baka sa matinding pagtakbo pa siya mamamatay nito.

Ang tanging ginawa na lamang ni Wong Ming ay inilabas nito ang kaniyang sword needle at nahati ito sa labindalawang parte sa maliliit na bersyon ng orihinal na sword needle.

Shrriiiieeekkkkk!

Umatungal ng malakas ang Yellow Spike Spider na tila nakaramdam ng sakit sa gubawa bu Wong Ming.

Tatlo sa mga galamay ng Yellow Spike Spider ang nasugatan niya at nag-iwan siya rito ng malalalim na hiwa.

Magkagayon pa man ay hindi bumagal at nanghina ang nasabing Yellow Spike Spider at gumapang pa ito at sa huli ay tumalon ito ng malakas patungo sa kinaroroonan mismo bi Wong Ming.

Naging hudyat iyon kay Wong Ming upang umatakeng muli.

Nagsimulang naging buong muli ang labindalawang sword needles.

Nagpakawala si Wong Ming ng dalawang paekes na atake sa ere gamit ang nasabing sword needle na hawak niya. Alam niyang ang atakeng ito ay malakas ngunit dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi niya na-maximize ang talas ng sword attack niyang ito.

BANG! BANG!

Dalawang pagsabog ang naganap sa ere kung saan ay sigurado si Wong Ming na natamaan ang nasabing Yellow Spike Spider.

Eeeeeecccckkkkk!

Nagpakawala ng malulutong ng tunog ang Yellow Spike Spider at kitang-kita ni Wong Ming kung paanong nagawa ni Wong Ming na pinsalain ang hard shell nito sa bandang tiyan ng halimaw bago siyang tuluyang lumayo sa kinaroroonan nito.

Natawa naman si Wong Ming sa naging resulta ng labanang ito. Kailangan niyang sirain ang kakaibang pattern ng Teritoryo ng Yellow Spike Spider. Alam niyang nasa spider formation siya ng halimaw na ito.

Mabuti na lamang at sagana siya sa kaalaman ng mga magical beasts sa mundong ito at isa ito sa mga advantages niya kung sakaling may makaharap man siyang mga halimaw.

Bago pa man mawasiwas ni Wong Ming ang hawak niyang sword needle ay naramdaman niya ang kakaibang pwersang humila sa kaniya patungo sa itaas hanggang sa naramdaman ni Wong Ming ang pagpulupot ng malagkit na bagay sa dalawang kamay niya maging sa mga paa nito.

Kitang-kita ni Wong Ming ang paghigpit ng mga kamay niya at ng mga paa nitong pinaghihiwalay ng agresibo.

Namilog at nakaramdam ng panganib si Wong Ming. Alam niyang matalino ang Yellow Spike Spider at marami itong taktikang maaari siyang mabitag nito.

Kitang-kita ni Wong na kapag magpapatuloy ito at maaaring matatalo siya o ang masama ay makain pa siya.

Biglang nagliwanag ang mata ni Wong Ming at sa pagkakataong ito ay nahating muli ang sword needle sa labindalawang parte.

TCH! TCH! TCH!

Walang kahirap-hirap na napigtas nito ang mga nakapulupot sa kaniyang lawa ng Yellow Spike Spider.

Mabilis na umangat ang katawan ni Wong Ming sa ere sa maingat nitong inihanay ang labindalawang sword needles sa iba't-ibang bahagi ng hinihinalaan niyang pinagmumulan ng Spider Web Formation na ginawa ng Yellow Spike Spider.

Sa pamamagitan ito ay nagliwanag ang mga sword needles tandang nagsagawa si Wong Ming ng martial arts skill gamit ang mga maliliit na sword needles na ito.

Skill: Penetrating Sword Intent!

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong lumusot ang mga sword needles sa mga labindalawang parte ng Teritoryo ng Yellow Spike Spider tandang mayroon itong pambihirang kakayahan sa paggawa ng pormasyon upang markahan ang teritoryo nito at di na makaalis ang kaniyang sariling mabibiktima.

TZZZZ! TZZZZZ! TZZZZ!

Rinig na rinig ni Wong Ming ang pagtalsik ng labindalawang sword needles at ang pagkawasak ng nasabing pormasyong dulot ng Yellow Spike Spider.

Dahil dito ay nagbago ang pattern ng mga sangang dinaraanan niya at unti-unting nangalagas ang mga dahon na siyang nasa teritoryo ng Yellow Spike Spider.

Patunay na nawalan na ng bisa ang nasabing pormasyong nilagay nito dahilan upang hindi na ma-attain ng mga puno ang nasabing walang pagkalagas o pagbabago nito dahil sa kakaibang pormasyon na gawa ng Yellow Spike Spider.

Dahil sa ginawa ni Wong Ming ay kitang-kita ni Wong Ming kung paano'ng nanghina ang nasabing Yellow Spike Spider.

Ginamit nito ang vitality nito upang buhayin ang mga punong ito kung kaya't natitiyak ni Wong Ming na nabawasan ang lakas na taglay nito.

Ito ay magandang senyales at tamang pagkakataon upang labanan ni Wong Ming ang Yellow Spike Spider.

Gamit ang labindalawang sword needles ay mabilis na bumalik ito at pumalibot sa balikat ni Wong Ming at ulo sa paarkong posisyon.

Skill: Sword Needle Strike!

Napakabilis ng pangyayari at nakita na lamang ni Wong Ming na pinagpipiraso na lamang ng kaniyang Sword Needles ang mga parte ng katawan ng Yellow Spike Spider.

Napaslang ng tuluyan ni Wong Ming ang Yellow Spike Spider at inilagay ang labi nito sa loob ng interspatial ring niya.

Mabilis na rin nitong nilisan ang lugar na ito upang ipagpatuloy ang kaniyang paglalakbay sa loob ng Red Mountain Ranges.