webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 539

Walang pag-aalinlangang mabilis na pinaatake ni Venissa ang nasabing kakaibang halamang gustong dumispatya sa nasabing binatang mula sa labas ng Ashfall Forest.

Alam niyang ito ang pakay nila at pinapahanap sa kanila ng tribal chief nila na si Chief Goren. Hindi sila maaaring mabigo sa pagkakataong ito lalo pa't hindi ito ikatutuwa ng lider ng tribo nila.

Parang gutom na nilalang ang bawat dulo ng baging habang naglalaway ang mga ito na takam na takam sa presensya ng bibiktimahin nilang si Wong Ming na itinuturing na estranghero sa lugar na ito. Nag-uuhmnahan ang mga itong tumtawid sa distanya ng mga ito sa mismong binata.

Sa isang iglap ay lumitaw ang labintatlong maliliit na sword needle na siyang naniniwala si Wong Ming na kailangan niyang mag-ingat sa kakalabanin niyang mga nilalang lalo na sa mismong nag-uutos sa mga pambihirang halamang ito na kayang-kaya na kainin siya ng buhay.

Gumalaw at umikot ang nasabing maliliit na piraso ng mga sword needles sa ere habang maigi itong kinokontrol ng enerhiya ni Wong Ming.

Bago pa tuluyang makatawid ang nasabing atake ng mga parang gutom na gutom na bahagi ng mga baging ay kitang-kita na hindi takot ang mga itong sumugod bagkus ay mas bumilis ang pagpunta nila sa kinaroroonan mismo ni Wong Ming.

Slash! Slash! Slash!

Sunod-sunod na pag-atake at pagwasiwas ng maliliit na mga sword needles sa mismong katawan ng nmga naglalaway na mga baging habang kitang-kita ni Wong Ming kung paanong nangagputol ang nga ito o humiwalay sa mismong katawan ng pambihirang halamang.

Napangiti naman si Wong Ming sa kaniyang sariling nakita. Pakiramdam niya ay andali lang palang talunin ang nasabing demonic blood sucking vines.

Ngunit nawala ang mga ngiti sa bibig at mismong mga mata nito nang mabilis na nagsalitang muli ang magandang babaeng may pasimuno ng labanang ito sa nasabing lugar.

"Wag kang magsaya kaagad binatang taga-labas dahil hindi pa dito nagtatapos ang labanang ito hahaha tingnan mong mabuti ang pambihirang kakakyahang magagawa ng alaga kong Demonic Blood Sucking Vines." Nakangising wika ni Venissa habang nakaharap sa gawi ni Wong Ming.

Sa isang iglap ay kitang-kita ni Wong Ming ang tila mabilis na pagkaroon ng kulay pulang enerhiya ng naputol na baging ng Demonic Blood Sucking Vines kung saan ay bigla na lamang tumubong muli ang mga dulo ng nasabing mga baging at parang bumalik muli ang dating anyo ng mga ito.

Halos lumuwa naman ang mga mata ni Wong Ming sa kaniyang sariling nasaksihan. Hindi niya aakalaing ganito ang kalalabasan ng nasabing abilidad na meron ang Demonic Blood Sucking Vines.

"Hindi maaari ito. Paano'ng nangyaring tumubo ito ng ganon kabilis? Ang abilidad ng pag-regenerate ng mga baging ay diba dapat ay ilang oras pa bago bumalik ang lahat?!" Nagtatakang naisambit ni Wong Ming habang nanlalaki pa rin ang dalawang mata nito. Such a monstrous regeneration ay kinakailangan ito ng mahabang oras.

"Hahaha... Bakit naman sasabihin ni Venissa ang patungkol sa kakayahang meron ang pambihirang halamang kino-cultivate nito ng mahabang panahon. Ano ka siniswerte?!" Nakangising demonyong sagot ni Fernodo habang nakisabat na rin ito sa nasabing usapan. Hindi niya hahayaang malaman ng binatang taga-labas ang sikretong nakakubli sa Demonic Blood Sucking Vines.

"Tama ka Fernodo sa iyong sinabi. Hindi mo na dapat malaman ito taga-labas dahil wala rin namang silbi dahil mamamatay ka rin naman hahaha!" Saad naman ng magandang dilag na si Venissa habang matinis pa itong humalakhak ng pagkalakas-lakas dahilan upang mainis si Wong Ming sa inaasta ng mga kasalukuyang kalaban niya.

"Kung hindi niyo sasabihin ay aalamin ko ang lihim ng Demonic Blood Sucking Vines at maaari kong pakinabangan ang lihim na nakakubli sa pambihirang abilidad ng pambihirang halamang ito." Turan ni Wong Ming sa isipan niya lamang habang desidido siyang malaman ng madaling panahon ang sikretong meron ang Demonic Blood Sucking Vines.

Natahimik na lamang si Wong Ming bigla ngunit agad din itong nagwika muli sa pasaring ng mga kaaban niyang wala talagang impormasyon na gustong ilabas ang mga bibig ng mga ito.

"Kung gayon ay hayaan niyong ako ang tumuklas at puksain ang pambihirang halamang pinakainiingat-ingatan mo magandang binibini!" Nakangiting sambit ni Wong Ming habang nakatingin sa pambihirang baging na parang wala man lang natamong pinsala mula kanina.

"Yun ang hindi ko hahayaang mangyari binata. Humanda ka ng tikman ang bagsik ng mga alaga ko takam na takam ng kainin ka!" Malakas na saad ni Venissa habang mabilis na nagliwanag ang mata nitong tanda na kinontrol na nito ang sarili niyang halamang baging.

Mas naging mabagsik ang anyo ng nasabing mga halimaw at makikita ang biglang paghaba ng mga ito patungo sa direksyon ni Wong Ming.

Napakabilis ng mga ito at sa isang iglap lamang ay natawid ng mga ito ang distansya sa pagitan nito at ng nasabing binata.

Walang nagawa si Wong Ming kundi ang umiwas sa pamamagitan ng pagtalon ng mataas paatras sa orihinal nitong pwesto

BANG! BANG! BANG!

Sumabog ng malakas ang lupang kinaroroonan kanina ni Wong maging amg mga batuhan at mga naglalakihang punong nasa lugar na ito.

Hindi iyon naging dahilan upang tumigil ang matinding atakeng meron ang Demonic Blood Sucking Vines dahil tila hayok na hayok ang mga itong sinundan ang gawi ni Wong Ming.

Skill: Lotus Light Strike!

Sa isang iglap ay biglang lumitaw muli ang labintatlong maliliit na mga sword needles at mabilis na nagliwanag ang mga ito na animo'y mayroong kakaibang enerhiyang bumabalot rito.

Mabilis na lumipad sa ere ang labintatlong maliliit na sword needles at parang naging mumunting liwanag ang mga itong tumungo sa direksyon kung saan naroroon ang mismong pambihirang baging.

Napangiti na lamang si Venissa sa nagi kilos at pamamaraan ng binatang nagmula sa labas ng Ashfall Forest at mabilis na nagsalitang muli.

"Hahahaha isa kang hangal binatang taga-labas! Hindi mo matatalo ang aking mga alaga! Tingnan natin kung may magagamit ka pang pang-atake sa aking mga susunod na mga atake!" Malakas na wika ni Venissa at walang ano-ano pa ay biglang bumuka ang bibig ng mga halimaw sa dulo ng mga baging.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong kinain ng mga halimaw ang papasugod na maliliit na mga sword needles niya.

Ilang segundo pa ang nakakalipas ay kampante naman si Venissa sa naging takbo ng pangyayari. Nagkatinginan pa sila ni Fernodo sa kalagitnaan ng kaganapang ito.

"Tapos ka na binatang taga-labas. Sumuko ka na!" Mayabang na saad ni Fernodo matapos nitong masaksihan kung paanong nawala lahat ng labintatlong sword needles. Alam niyang walang kasingtalim ang mga ngipin ng mga buhay na baging ng Demonic Blood Sucking Vines.