webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 540

Imbes na maduwag si Wong Ming ay bigla na lamang itong napangisi ng nakakaloko habang pasalin-salin ang tingin sa dalawang nilalang na siyang kalaban niya at nagsalitang muli.

"Hehehe yun ang inaakala niyo. Nagsisimula pa lamang tayo!" Nakangising wika ni Wong Ming at mabilis na nagsagawa ng panibagong martial arts skill.

Skill: Sword Needle Bomb!

Kitang-kita nina Venissa at Fernodo kung paanong unti-unting nagliwanag ang mga bibig ng mga buhay na baging at nagkaroon ng tila kakaibang kinikilos ng mga ito.

BANG! BANG! BANG!

Sa isang iglap ay malakas na sumabog ang labintatlong mga buhay na baging na siyang nagresulta ng pagkaputol at pag-ulan ng mga parte ng mga ulo ng dulong bahagi ng Demonic Blood Sucking Vines.

Umalingasaw ang mabaho at tila nasusunog na amoy ng mga napinsalang dulo ng mga baging kung saan ay parang bigla na lamang nangitim ang mga ito.

Nanlaki naman ang mga mata ni Venissa nang makaramdam siya ng kakaiba sa kaniyang sariling pambihirang halamang kino-cultivate niya matagal ng panahon noong nag-umpisa siyang alagaan ito.

Ngunit dahil likas na mapagmataas at mayabang si Fernodo ay mabilis itong nagwika hindi alintana ang nangyayari sa bahagi ni Venissa.

"Hmmp! Hindi ko aakalaing nasiyahan ka na sa iyong ginawang mga atake binatang taga-labas ngunit ako na ang magsasalita sa iyong patuloy ka lamang mabibigo. Patuloy lamang na babalik sa dati ang Demonic Blood Sucking Vines na parang wala lang hahaha!" Puno ng pagmamayabang muli na sambit ni Fernodo habang makikitang sobrang kampante nito na nakatingin sa direksyon ng binatang taga-labas.

"Talaga ba Ginoo?! Natakot naman ako bigla sa iyong mga paalala." Sarkastikong turan ni Wong Ming habang kitang-kita sa bibig nito ang mapanglarong ngiti, ngiting nakakaloko.

Mabilis namang pumangit ang ekspresyon sa mukha ni Fernodo habang nakatingin sa gawi ng binatang tila hindi sineryoso ang mga sinasabi niya. Parang nababastusan siya sa pag-uugali ng binatang estranghero na hindi nabibilang sa kanilang tribo o sa alinmang asosasyon sa Ashfall Forest.

Ngunit ang sumunod na mga sandali ang hindi inaasahan ni Fernodo nang mapansin ang tila matinding pananahimik ni Venissa nang lingunin niya ito.

"Venissa, ano'ng nangyari sa'yo? Bakit parang natuod ka diyan at hindi nagsasalita?!" Direktang tanong naman ni Fernodo sa nananahimik na dalaga.

"H-hindi... Hi-hindi maaaring mangyari ito. Ang alaga kong Demonic Blood Sucking Vines ayyyy.------!" Sambit ni Venissa nang pa-histerikal nang mabilis itong tumalsik sa hindi kalayuan habang sumuka ito ng inboluntaryo nang masaganang dugo mula sa bibig nito.

"VENISSAAAAAAAAAA!!!!" malakaa na sigaw ni Fernodo nang mapansin at masaksihan ang nakakapanghilakbot na naganap sa babaeng kasamahan nito. Kitang-kita niya ang mabilis na panghihina ng dalaga at kung paano itong mabilis na humina.

Mabilis na dinaluhan ni Fernodo ang binagsakang katawan ng dalaga ngunit nanlaki ang mga mata niya sa kaniyang sariling naabutan.

Hindi na humihinga si Venissa, ang baabeng sabay niyang lumaki sa loob ng Fire Demon Tribe. Kitang-kita niya ang ibayong sakit sa mata nito habang kitang-kita niya sa ekspresyon ng pagmumukha nito ang takot at tila may gusto itong sabihin sa kaniya.

Nag-isip ng malalim si Fernodo nang mapansin niyang wala ng buhay ang kababata niya.

Mabilis na nabalutan ng itim na enerhiya ang buong pangangatawan niya at kitang-kita ni Wong Ming ang pagbabagong nagaganap sa lalaking natitirang kaaway nito. Hindi siya nangangamba sa mga oras nito bagkus ay nasisiyahan siya sa pangyayaring ito na siyang inaasahan niya na.

Mabilis na nilingon ni Fernodo ang kinaroroonan ng binatang taga-labas na siyang dahilan ng pagkapaslang ng kababata niya.

"Pagbabayaran mo itong lahat taga-labas. Hindi ko mapapalampas ang ginawa mo kay Venissa. Pagbabayaran mo to!" Malakas na sigaw ni Fernodo patungo sa binatang nakatayo sa hindi kalayuan na siyang nakalapag na ngayon.

Hindi pa man nakakapagsalita si Wong Ming ay nakaramdam siya ng pagbabago sa binatang tila nagsasagawa ng pambihira nitong martial arts technique.

Martial Arts Technique: Wings of Darkness!

Kitang-kita ni Wong Ming ang biglang pagbago ng anyo ni Fernodo at nabalutan ang buong pangangatawan nito ng purong itim na enerhiya at tumubo ang dalawang naglalakihang mga pakpak nito.

Pumagaspas ito na ere na animo'y isa itong napakalaking halimaw na ibon dahil sa laki ng mga pakpak nito dahil sa isinagawa nitong martial arts technique.

Imbes na pangambahan si Wong Ming ay tila determinado ang mata nitong labanan din ang natitirang kaaway nitong gusto siyang tugisin. He would test his opponent bago niya ito paslangin kagaya ng ginawa niya sa babaeng kasamahan nitong nabibilang sa Fire Demon Tribe.

Ngunit napakabilis ng pangyayari at sa isang iglap ay natawid ng galit na galit na si Fernodo ang kinaroroonan ni Wong Ming.

Walang pag-aalinlangan nitong inaatake ang nasabing nilalang na mula lamang sa labas ng Ashfall Forest na pumaslang sa kababata niya.

Misteryosong lumabas ang mga nagtatalimang mga tinik sa pakpak ng bagong anyo ni Fernodo at nakuta ni Wong Ming ang sarili niyang umiiwas sa mga atake ng kalaban niya.

Kahit na sobrang lapit ng distansya ni Fernodo kay Wong Ming ay tila hindi man lamang niya itong matamaan ng mga atake niya.

"Para sa isang tribong kinabibilangan mo ay masyado ka atang mahina ginoo. Hindi ko aakalaing napakalampa mo at mahina kumpara kay Venissa." Mapangmaliit na turan ni Wong Ming habang nakangisi ito ng nakakaloko.

Galit na galit na tiningnan ni Fernodo ang binatang taga-labas. Hindi niya hahayaang insultuhin ng mahihinang nilalang kagaya ng kalaban niya.

"Talagang ginagalit mo ako binatang taga-labas. Hayaan mong tulungan kitang ilibing ng buhay kasama ko hehehe!!!" Malademonyong wika ni Fernodo habang buo na ang desisyon nitong gamitin ang huling alas niya laban sa binatang taga-labas.

Hindi niya aakalaing ang kaniyang kasalukuyang lakas at pamamaraan ng pakikipaglaban ay sobrsng hina kumpara sa minamaliit niyang nilalang. All he could do now ay paslangin ang binatang taga-labas sa anumang uri ng bagay na mapapaslang niya ito kapalit man ang buhay niya.

Martial Arts Technique: Full Demon Form!

Sa isang iglap ay nabalot ng napakaitim na enerhiya ang buong pangangatawan ni Fernodo at kitang-kita niya ang malaking pagbabago sa katauhan nito.

Ang katangian ng pagiging tao ay parang napalitan ng malademonyong kaanyuan nito. Kitang-kita ni Wong Ming ang bagong anyo ng nasabing kalaban niyang nagngangalang Fernodo ngunit ngayon ay hindi na ito si Fernodo kundi isa na lamang itong uri ng demonyong gusto siyang paslangin sa kahit na anong klaseng pamamaraan na gugustuhin nito.