webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 538

"Paano'ng nangyari ito?!" Ito ang katanungang nasa isip ni Wong Ming nang maramdaman nitong tila sinipsip ng kakaibang baging ang nasabing ipo-ipong inilabas niya.

"Sumuko ka na binatang taga-labas. Hindi mo kakayanin ang kakaibang alagang naging alas ko sa pakikipaglaban. Hindi mo ko matatalo!" Sambit ng babaeng kalaban ni Wong Ming sa kasalukuyan.

"Oo naman. Hindi talaga tayo matatalo ng nag-iisang lampang taga-labas Venissa. Siya nga pala binata, bago ka sumuko ay magpapakilala ako. Ako si Fernodo at sa ayaw at sa gusto mo ay sasama ka sa amin patungo sa aming trubo kung ayaw mong idaan namin ang lahat ng ito sa dahas!" Sambit ng lalaking kalaban ni Wong Ming matapos itong magpakilala. Makikita sa mukha nitong hindi na din ito natutuwa.

"At paano naman kung hindi?! Hindi niyo alam ang magagawa ko sa inyo kung ipagpipilitan niyo ang kagustuhan niyo!" Walang pakundangang wika ni Wong Ming bilang sagot sa sinasabi ng dalawang nilalang nagngangalang si Venissa at Fernodo.

Mas naging nakakatakot ang ekspresyon ng pagmumukha ng dalawang nilalang na siyang kalaban ni Wong Ming sa kasalukuyan.

"Pwes, huwag mo kaming sisihin kung may magagawa kaming hindi maganda sa'yo dahil sa katigasan ng ulo mo taga-labas!" Sambit ng babaeng si Venissa na ngayon ay parang hindi na maipinta ang mukha nito at gusto ng lupigin ng lubusan ang pinapatugis sa kanila ng tribal chief nila.

Muling nag-usal ng kakaibang lengwahe ang nasabing babaeng nilalang na kalaban ni Wong Ming na si Venissa. Kitang-kita kung paanong mabilis na magkaroon ng kakaiba ngunit malaking bukol sa dulo ng mga baging at sa kalaunan ay naging mga nagtatalimang bibig na naglalaway pa.

Hindi naman mapigilang mamangha ni Wong Ming ngunit nakaramdam din siya ng panganib sa nasabing kakaibang transpormasyon ng dambuhalang baging na inilabas ng babaeng kalaban niya.

Maamo man ang pagmumukha ng binibining nasa harapan niya ay kabaliktaran naman ito sa magagawa niya.

Mabilis na humaba ang baging at kitang-kita ni Wong Ming ang papasugod na mga nagtatalimang mga bibig na siyang dulo ng kakaibang baging na ito na handa na siyang sakmalin kung saan ay makikitang parang gutom na gutom ang mga ito.

Ramdam ni Wong Ming na may mali sa mga baging na ito. Ramdam niya ang kasamaang bumabalot sa mga uto na animo'y matagal na itong kumakain ng mga buhay na nilalang.

Bago pa man makalapit sa kaniyang mismong kinaroroonan ay makikita ang kakaibang enerhiyang umalpas sa katawan ng binatang si Wong Ming habang kitang-kita ang labintatlong maliliit ngunit nagkikislapang mga espadang tumigpas sa mga dulo ng mga baging.

PAH! PAH! PAH!

Walang pag-aalinlangang nagkandaputol-putol ang mga kakaibang bibig ng buhay na mga baging habang kitang-kita parang kumibot-kibot pa ang nasabing bibig ng mga baging kahit na naputol na ito sa mismong baging.

Maya-maya pa ay naging asido na lamang ang mga naputol na mga bibig ng mala-halimaw na baging. Ang mga batuhan at lupang binagsakan nito ay mabilis na umusok at nagkaroon ng itim na likido.

"Grrrr... Pagbabayaran mo ito hangal na binata! Hinding-hindi mo ko matatalo!" Malakas ngunit galit na galit na wika ng magandang babaeng kalaban ni Wong Ming na si Venissa. Kitang-kita kung paanong mas pumula ang mga mata nito.

Walang pag-aalinlangan nitong inilabas ang munting punyal sa kamay nito at mabilis na hiniwaan ang palad niya. Nakangisi at malademonyo itong nakatingin sa binatang kinakalaban nila.

Hinding-hindi siya matatalo o magpapatalo sa isang binatang taga-labas lamang. Malakas sila at walang makakatalo sa kanila at iyon ang dapat na mangyari lamang. Walang lugar sa Ashfall Forest ang mga mahihinang nilalang at hindi nila nais biguin ang Tribal Chief nilang si Goren.

Itinutok ni Venissa ang kamay niyang hiniwaan sa tila naghihingalong halamang baging na pinatubo niya kanina.

Sa pagpatak ng dugo niya rito ay nag-iba ang kulay ng halamang mula sa berdeng kulay nito ay naging kulay pula ito katulad ng dugong ipinatak ng dalaga. Sa ginawa nito ay tila naging senyales ito ng panibagong transpormasyon ng dambuhalang baging na pinatubo nito kani-kanina lamang.

Sa isang iglap ay nagkaroon ng kakaibang penomena ang nasabing kakaibang halamang pinatubo ni Venissa. Kitang-kita na ibang-iba na ito lalo na at muli itong humaba at nagkaroon ng malaking pagbabago sa buong halamang baging na ito.

Nagkaroon ng kaliskis ang nasabing baging at tumubo ang dambuhalang mga ulo sa dulo ng nasabing kakaibang halamang ito. Nagkaroon ng mga mata at nagtatalimang mga bibig na animo'y mga kumpol-kumpol na mga ahas itong nakatingin sa gawi ng binatang kalaban ng mga itong si Wong Ming.

Naglalaway at tila naging mas mabangis ang anyo ng nasabing bagong transpormasyon ng dambuhalang baging na pinatubo ng kalaban ni Wong Ming na si Venissa.

Alam niyang kailangan niyang mag-ingat ng mabuti kung ayaw niyang siya ang masakmal at maging biktima ng pambihirang halamang ito.

"Lagot ka ngayon binata lalo pa't hindi na ordinaryong baging ang mga butong itinanim ni Venissa. Isang Demonic Blood Sucking Serpent Vines ang halamang personal na kino-cultivate ni Venissa ang mga ito kaya wala ka ng takas sa bagsik nito hehehehe!" Pananakot na wika ni Fernodo sa binatang nasa hindi kalayuan na nakalutang habang makikitang nasa ganoon pa rin ang posisyon nito.

Imbes na matakot si Wong Ming ay nakaramdam siya ng kagalakan na matunghayan at maranasang labanan ang nasabing kakaibang halamang ito na isang Demonic Blood Sucking Serpent Vines.

Hindi pa nararanasan ni Wong Ming na malabanan ang mga hapamang inilagaan mismo ng personal ng mga ekspertong nilalang.

Alam niya ang patungkol sa Demonic Blood Sucking Serpent Vines dahil na rin sa mahilig siyang magbasa ng mga kakaibang uri ng pagcultivate ng mga ekspertong umaasa sa kanilang sariling kakayahan upang paunlarin ito.

Alam niyang isang demonic vines ang mga uri ng ganitong klaseng mga buto. Sa mga malawakang labanan ay sigurado siyang magagawang makipaglaban ng kung sinuman gamit ito. Ngunit isa sa mga maaaring panggagamitan nito ay maaari siyang mag-alaga ng uri ng mga Cultivationvines na kaya siyang tulungan sa mga alanganing mga pangyayari.

Ngunit ang mga baging na pinatubo at kino-cultivate ng kalaban niyang si Venissa ay lubhang masama at napakamapanganib lalo na at maaaring malagay sa peligro ang buhay nito kapag nagutom ang nasabing halamang ito dahil wala itong kinikilalang master kapag hindi masupil ang gutom na nararamdaman nito. Walang magagawa ang nasabing cultivator na nagcucultivate kundi pakainin ito ng mga buhay na mga nilalang kaysa ang mismong may-ari ang babalikan nito.

Nabasa pa niya na darating ang araw o panahong lalakas at hindi masusupil ang paglaki ng Demonic Blood Sucking Serpent Vines at mismong ang nagcucultivate nito ang kakainin nito ng buhay upang maging ganap nitong makuha ang kinakamit nitogn kalayaan at makapag-anyong tao na rin.

Kwento-kwento lamang iyon ngunit alam ni Wong Ming na maaaring totoo iyon lalo na at walang impisible sa mundong ito. Isa pa ay interesado siya sa Demonic Blood Sucking Serpent Vines na nasa harapan niya lamang upang masulusyunan ang kasalukuyang kinakaharap niyang problema.