webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 44

Nakita naman ng Quoll na si Fai na bigla na lamang sumugod ang batang si Li Xiaolong sa mga lugar na kinaroroonan ng mga Cultivation Manuals. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito. Kapag naipagpatuloy ang katangahang ito ay malamang sa malamang ay wala talaga itong makukuha.

"Pesteng bata to oh, nakita niya ngang di nga mahuli, sinubukan pa ulit. Hay naku!" Sambit ng Quoll na si. Hindi niya alam kung tanga ba ang batang si Li Xiaolong o pinipilit lang nitong maging tanga. Kahit ano mang gawin nito ay imposibleng makakuha ito ng isang libro man lang sa isang daang Cultivation Manuals na tila buhay dahil ang bawat isa sa mga ito ay napakapambihira at napakaekstraordinaryong Cultivation Manuals. Imposible ang naiisip nito.

Maya-maya pa ay halos paubos na ang isang minutong palugit sa natitirang oras niya sa loob ng Spatial Pouch sa mismong Cultivation Library.

10

9

8

7

6

5

4

3

2

1

POOOOOFFFFFF!!!!!!!!!!

Bigla na lamang lumitaw ang batang si Li Xiaolong sa harapan ng Quoll na si Fai.

"Hahaha... Paano yan Bata, natalo ka sa pustahan natin hehehe...!" Tila malademonyong ngumisi ang napacute na Quoll na si Fai.

Tiningnan naman siya ng batang si Li Xiaolong at nagwika.

"Umalis ka sa kinatatayuan mo Fai baka madurog ka." Babala ng batang si Li Xiaolong.

"Huh?!" Naramdaman ng Quoll na si Fai ang isang malaking bagay na babagsak sa kaniya.

Bago pa siya mabagsakan nito ay mabilis siyang umalis sa pamamagitan ng pagtalon paatras.

BANGGGGG!!!!!!!

Malakas na bumagsak ang isang napakalaking bagay sa lupa na siyang nagdulot ng napakakapal na usok.

Nang mawala ito ay nakita ng napakacute na Quoll na si Fai ang malaking bagay na ito.

"Huh?! Totoo ba to?! Isa ka bang halimaw sa katawan ng isang bata, Li Xiaolong?! Napakaraming mga libro naman ito wait wait wait, no way... Mahigit isang daang mga  Cultivation Manuals?! Hmmmm... No way! Nakuha mo ang lahat ng pambihirang Cultivation Manuals pero paano?! Isa ka lang namang bubwit!" Sambit ng Quoll na si Fai.

Parang bored naman siyang tiningnan ng batang si Li Xiaolong. Kitang-kita niya kung paano manlaki pa ang mata ng napakacute na Quoll na ito.

"Hindi yan totoo fake yan. Tsaka di ko yan nakuha lahat nakuha. Marami pang natirang Cultivation Manuals sa loob ng lugar na yun. Makabubwit ka eh isa ka lang namang nagsasalitang dagang walang tiwala sa akin!" Sambit ng batang si Li Xiaolong sa sarkastikong pamamaraan. Dito lang talaga siya sa mukhang daga n mukhang squirrel na nagsasalitang hayop na ito siya natutong maging sarkastiko. Ewan niya ba sa nagsasalitang squirrel na ito eh Cultivation Manuals lang naman ang nakuha niya ang OA ng Quoll na si Fai dito.

Natawa na lamang ang batang si Li Xiaolong nang biglang subukang tanggalin ng Quoll na si Fai ang bagay na nagsisilbing nakabalot sa isang daang pambihirangCultivation Manuals.

Ngunit may napansin siyang isang bagay na pumukaw ng kaniyang sariling atensyon.

"Hindi maaari ito. Bata saan mo napulot ang mga batong ito?!" Tila lubos na nagtataka at kuryusidad na tanong ng Quoll na si Fai.

Tila nagulat naman ang batang si Li Xiaolong sa tanong na ito ng Quoll na si Fai. Hindi niya alam kung matatawa siya rito o hindi.

"Bato lang naman yan sa sapa eh. Ginawa ko yang panglagay sa aking tali para mahuli ko ang mga Cultivation Manuals na ito hehe..." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang nagkakamot ng kaniyang sariling batok.

"Hmmmp! Wag mo kong lokohin batang Li Xiaolong. Alam kong alam mo ang tinutukoy ko. Kailan mo pa nalaman ang pambihirang panggagamitan ng batong tinatawag na Bloody Gem?!" Seryosong sambit ng Quoll na si Fai. Imposibleng makakalusot pa ang batang si Li Xiaolong sa kaniyang katanungang ito. Nang makita niya ang mga batong ito sa mga taling ginamit niya ay alam niyang may tinatagong sikreto ang batang ito na hindi niya nalaman kaagad.

"Ano pa nga ba ang point ng sasabihin ko kung alam mo na pala. Edi ginamit ko ito para mahuli ko ang mga Cultivation Manuals. Wala namang rules na bawal ang ganitong taktika diba. Baka akusahan mo ako ng pandaraya dahil sa ginawa kong to." Tila sarkastikong sambit ng batang si Li Xiaolong.

"Alam ko ang pinupunto mo bata ngunit alam kong halos alam mo na ang gamit ng batong tinatawag na Bloody Gem. Hindi ko aakalaing alam mo ang eksaktong distansya ng mga trap  o patibong na ginawa mo para mahakot lahat ng Cultivation Manuals ngunit ang precision ng pagsagawa mo ay insane. Kung sino-sino lamang ang gumamit nito ay malamang naging abo na ang Cultivation Manual maging ang sarili ng  mga ito ay maaaring mapinsala o worst ay mapaslang din. Who exactly are you?!" Tila bakas ang kaseryosohan sa boses ng maliit na nilalang na Quoll habang nakapatong ngayon sa ibabaw ng mga tumpok ng mga pambihirang Cultivation Manuals. Ang maliliit na kamay nito ay nasa ilalim ng baba nito habang nag-iisip ng mga bagay-bagay patungkol sa kakayahan ng batang si Li Xiaolong.

"Ano naman kung ganon. Nasa akin na iyon kung paano ko tatakasan ang problemang iyon. Bakit ko naman sasagutin ang tanong mo? Close ba tayo?!" Tila naiinis na sambit ng batang si Li Xiaolong habang tinitingnan ang napakacute na Quoll. Wag lang sanang ipakita ang nagtatalimang mga ngipin nito.

"Hahaha... Tunay ngang mapanlinlang ang anyo mo bata. Sa batang edad mo lamang ay mayroon ka ng malaking sikretong tinatago. Hindi ko aakalaing ang kasalukuyan mong edad ay ginagamit mong excuses para linlangin ang sinumang nilalang. Mabuti na lamang at di ka nakapasok sa loob ng Shangyang Academy dahil baka ano'ng delubyo pa ang maihatid mo sa kanila!" Tila galit na pagkakasabi ng nasabing Quoll na si Fai sa batang si Li Xiaolong.

"Delubyo? Nagpapatawa ka ba?! Ano'ng delubyo ang pinagsasabi mo Fai? Isa lamang akong ordinaryong bata kung makapagsabi ka sa akin ng kung anong masasakit na bagay ay kala mo nakakatuwa pa iyon?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang hindi nito mapigilang makaramdam ng sama ng loob sa Quoll na so Fai.