webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 43

Samantala...

Nang makita ito ng Quoll na si Fai ay mabilis siyang nahintatakutan.

"Hindi ko aakalaing sa edad nitong anim ay nakaya niya ng ma-master ang State of Calmness o Art of Calmness ngunit makakatulong kaya yan sa pagpili nito ng nararapat niyang Cultivation Manual?! Bibihira lang ang gagamit ng ganitong pamamaraan para mahanap ang nararapat na Cultivation Manual para sa kaniya yet this young boy dare to use this kind of Art?! How Pathetic!" Mapang-uyam na sambit ni Fai sa nasaksihan niya sa kaniyang sarili lamang. Nakikita niya ang ginagawa ng batang si Li Xiaolong ngunit hindi niya makita ang mismong Cultivation Manuals o ang mga lugar. Limitado lamang ang kaniyang sariling kakayahan ngayon.

Ang hindi niya matanggap ay ang gamitin nito ang ganitong pamamaraan. Kahit siya noon ay hindi niya ginawa ang ganitong klaseng pamamaraan. Alam niyang nasa Asura Grade Martial Talent ang batang ito pero sa lebel ng karanasan ay wala ito. Kahit gaano ka pa katalento ay wala pa rin itong kwenta kung napakababa pa ng Cultivation Level mo how much more sa hindi pa nag-uumpisang magcultivate katulad ng batang si Li Xiaolong. Walang kwenta rin ito. Yun ang hindi mabali-baling rules sa Cultivation World na ito.

Nakita lamang ni Fai habang inoobserbahan nito ang batang si Li Xiaolong na nauubos na ang oras at panahon niya rito. Tila ba hindi siya mapakali. Gusto niya talagang bigyan ng kahit na isang Cultivation Manual ito ngunit sa ginagawa nito ay kahit isang manual siguro ay baka hindi na siya makakuha nito.

"Ano bang ginagawa mo batang Li Xiaolong. Gusto mo ba kong konsensyahim dahil wala kang mskuhang kahit na isang manual?!" Sambit lamang ni Fai sa kaniyang isipan habang ang buntot nito ay gumagalaw-galaw na parang uod o ahas. Kinakabahan na siya sa outcome na ito. Sa susunod na buwan kasi niya muling mabubuksan ang spatial pouch na ito. Kahit kailan ay hindi niya maaaring sabihin ang sikretong bagay na ito. Kung malaman ito ng kahit na sinuman lalo na ng mga tao o nilalang na may masamang hangarin na kunin ito sa kaniya ay siguradong katapusan niya na. Ngunit isinawalang-bahala niya lamang ito. Napakalayo niya sa mga mortal niyang mga kalaban para mabilis siyang mahagilap ng mga ito. Sisiguraduhin niyang sa oras na iyon ay handa na siyang harapin ng harap-harapan ang mga ito at sa kaniya ang huling halakhak.

Tila nagulat na lamang si Fai sa sumunod na mga pangyayaring ginawa ng batang si Li Xiaolong.

...

Nakapikit ang mata ng batang si Li Xiaolong habang ang kaniyang sariling katawan ay nakalutang sa ere.

Tatlong minuto na ang nakakalipas nang hindi namamalayan ito ng batang si Li Xiaolong dahil hindi nito alintana ang oras.

Maya-maya pa ay mabilis na bumukas ang dalawang mga mata nito at makahulugang ngumiti.

Mabilis na lumipad ang batang si Li Xiaolong sa napakataas. Tila ba hindi ito tumitigil paitaas.

Maya-maya pa ay natanaw nito ang nasa isang daang mga Cultivation Manuals na mabilis na lumilipad at umiikot-ikot sa ere. Naglalabas nag mga ito ng kakaibang enerhiya at aura. Kumpara sa mga nakafixed position na mga Cultivation Manuals, ang mga ito naman ay tila ba may buhay.

Biglang ni-lock ng batang si Li Xiaolong ang kaniyang mata sa isa sa mga Cultivation Manuals na naririto. Agad niyang pinuntahan ang mga ito ngunit nang hahablutin niya ito ay mabilis na lumipad palayo sa kaniya ang mga Cultivation Manuals.

"Huh?! Marunong umiwas ang mga ito?! Paanong nangyari ito? Kailangan kong makuha ang Cultivation Manual na iyon!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang pilit nitong kinukuha at inaabot ang tumatakas na Cultivation Manual na iyon.

Napakaliksi ng mga ito at kahit alinman sa isang daang Cultivation manuals na naririto ay  tila umiiwas sa batang si Li Xiaolong.

"Tila dapat kung galingan sa paglipad para mahuli ko ang Cultivation Manual na iyon!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang pilit nitong hinahabol ang Cultivation Manual sa pamamagitan ng paglipad ng mabilis ngunit ang kaniysng pamamaraan ay hindi naging madali at epektibo.

Lubhang mabilis ang paglipad ng Cultivation Manual na ito. Tila ayaw niyang madampian lamang ng batang si Li Xiaolong.

"Hoy batang Li Xiaolong, ano'ng ginagawa mo ha?! Talagang sinusubukan mong hulihin ang isa sa halos isang daang Cultivation Manuals na yan?! Nahihibang ka na ba?!" Sambit ng Quoll na si Fai.

"Malamang hinuhuli ang bubwit na manual na iyan. Talagang tumatakas pa eh. Pwede namang manatili lamang itong nakalutang diba?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikitang determinado ito at nakangiti pa.

"Aba, napaka-over confident mo namang bata ka. Napakapambihirang mga Cultivation Manuals ang mga iyan kaya kung binabalak mong makakuha ka niyan sa kasalukuyan mong lakas at kakayahan ay osang napakaimposibleng bagay. Mauutakan mo ba ang mga buhay na mga Cultivation Manuals na iyan sa lugar o teritoryo nila mismo?! Mag-isip ka nga!" Tila naiiritang sambit ng Quoll na si Fai. Kung saan kumuha ng katigasan ng ulo ang batang ito ay hands down talaga siya rito. Tunay napakaliksi ng mga Cultivation Manuals na ito at sino ba naman ang gugustuhing makuha ang maski isa sa kanila?! Masasabi niyang ang Spatial Pouch na ito ito ay maraming mga lugar at isa na rito ang Cultivation Libary. Ang mga pambihirang mga manuals at mga scrolls ay may mga buhay. Hindi man ito nananakit ngunit hindi mo rin ito makukuha sa sariling kakayahan mo lamang at imposibleng mautakan mo ang mga ito. Tatlong nilalang pa lamang ang alam niyang nakakuha ng tatlo sa mga Cultivation Manuals na naririto at masasabi niyang mga malalakas na mga eksperto ang mga ito na hindi aakalaing nag-eexist. Kahit nga siya ay hindi nakakuha ng maski isa sa mga ito tapos ang batang ito ay nangangarap na makuha at magmay-ari ng isa sa mga pambihirang mga Cultivation Manuals?! How ridiculous.

Kung alam lang siguro ng batang ito na kahit siya ay nangangarap kunin ang isa sa mga ito at di nagmamamay-ari ngunit di niya iyon sasabihin. Ayaw niyang pagtawanan ng batang nilalang na ito.

Masisiyahan talaga siya kung makakakuha ito ng magandang manual pero di siya umaasa rito na makakakuha ng isa sa isang daang pambihirang Cultivation Manual. Alam niyang imposibleng mangyari ito.

"Wanna bet?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong.

"Ikaw talagang bata ka. Ang tigas ng ulo mo, yang kahanginan at kumpiyansa mo sa sarili na lumampas pa sa kalangitan ang siyang magsisilbing bangungot mo sa hinaharap. Sige ba. Alam ko namang ako ang mananlo eh hehe..." Sambit ng Quoll na si Fai.

Natuwa naman ang batang si Li Xiaolong. Sa pananalita ng naaabing Quoll na si Fai ay alam niynag tinatanggap nito ang nasabing betting na mangyayari.

Alam ng batang si Li Xiaolong na humigit kumulang isang minuto na lamang  ang natitirang oras niya para makakuha ng isang Cultivation Manual. Lihim lamang itong napangisi sa ideyang pumasok sa kaniyang isipan na hindi alam ninuman. Isa mang kabaliwan ang naiisip niyang ideya pero isusugal niya rito ang lahat.