webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 45

"Tigil-tigilan mo ko sa kadramahan mo batang Xiaolong. Ang anyo at edad mo ay isang mapanlinlang. Akala mo siguro ay yun lamang ang napansin ko sa iyo?! Marami pa akong naobserbahan na hindi pangkaraniwan sa isang anim na taong gulang na bata o gusto mong tanggalin ko mismo ang Bloody Gem na nakabaon sa palad mo?!" Sambit ng Quoll na si Fai habang mabilis nitong tiningnan ang kanang palad ng batang si Li Xiaolong.

"Paano mo nalaman ang bagay na ito?! Kung ganon ay hindi ka lamang isang ordinaryong daga o kung pusa ka man. Talagang alam mo na ang dalawang sikretong tinatago ko. Masaya ka na ha?! May ginagawa ba kong masama ha?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang hindi nito mapigilang umiyak.

Tila nahabag naman ang loob niya sa batang si Li Xiaolong.

"Alam kong marami ka pang tinatagong sikreto batang Xiaolong. Talagang hindi talaga nila malalaman ang tiantago mong Grade dahil ngayon ay isa ka ng ganap na Xantian Realm Expert na may profession na isang Grandmaster Craftsman. Kahit na sinong malalakas na nilalang ang makakaalam ng sikreto mo ay siguradong magkakaroon ng delubyo sa pagitan ng apat na kaharian. Tingin mo ba ay hindi manganganib ang buhay ng sinuman lalo na ng pamilya mo?! Kailangan mong lisanin ang Li Clan sa madaling panahon at lumayo pumunta sa Sentral na parte ng Dou City. Kung magmumukmok ka lamang dito at hayaang magdecline ang pambihirang talentong meron ka ay paano mo maiaangat ang sarili mo maging ang naiipit mong Li Clan?! Kahit di mo sabihin ay alam kong iniipit ng Sky Flame Kingdom ang iyong sariling angkan. Sa oras na ma-dissolve ang angkan niyo ay hindi natin alam kung mabubuhay pa ng matiwasay ang pamilya mo." Mahabang salaysay ng Quoll na si Fai.

"Paano mo nalaman ang bagay na ito?! Paanong nalaman mong isa akong Xiantian Realm Expert na siyang pinakatatago kong lihim lalo na ang pagiging Grandmaster Craftsman ko?! Hindi ka ba natatakot sa kaya kong gawin sa iyo?!" Seryosong sambit ng batang si Li Xiaolong habang nakatingin sa Quoll na si Fai. Mabilis nitong pinalabas ang nakakatakot na enerhiya sa kaliwang kamay nito.

"Hahaha... Nagpapatawa ka ba?! Isa ka lamang Xiantian Realm Expert. Wala akong kinatatakutan at hindi ang isang Xiantian Realm Expert ang magbibigay takot sa akin dahil kayang-kaya kong protektahan ang aking sarili. Matagal ng nalugmok ang buhay ko at kahit ang kamatayan ay hindi ako kayang takutin. Paano ko nalaman ay dahil sa aking obserbasyon tsaka walang restrictions ang lugar na kinaroroonan mo kanina. Walang sinuman ang makakalipad ng ganon kataas at kabilis kung hindi ang tunay na eksperto lamang ng Xiantian Realm Expert pataas." Seryosong sambit ng Quoll na si Fai.

"Mabuti naman. Matanong ko nga, saan ka pala nanggaling?! Bakit parang ngayon lang kita nakita dito?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong sa Quoll na si Fai.

"Ah... Eh... Secret! Ayokong sabihin sa'yo. Pero matanong ko nga, bakit pala naging Xiantian Realm Expert ka na pero imposible namang lumitaw ang isang Extreme Martial Art Genius sa maliit na angkan na ito. It's a pity dahil napakamaralita ng mga tao dito at isang malaking kasayangan ito kung hindi ka magpapatuloy sa iyong Cultivation. Kung di ka sasabak sa mga labanan sa katulad mong lebel o mas mataas pa ay siguradong pagsisisihan mo to balang araw." Sambit ng Quoll na si Fai. Tila ba nahabag siya rito. Nasa Early Stage Xiantian Realm ang Cultivation Level ng batang si Li Xiaolong nvunit dahil sa pagrestrict ng batong nasa kamay kanang kamay nito ay siguradong hindi siya mahahalata nito. Anim na taong gulang pa lamang ito ngunit nasa Xiantian Realm Expert na ito. Kahit siya ay hindi rin makapaniwala ngunit sa loob ng Dou City ay maraming mga Martial Arts Geniuses doon at mayroong mga tough competition na nangyayari doon sa iba't ibang lugar maging sa mga underground places. Siguradong it is a good start para sa batang ito. Kung makakatagpo man ng malalakas na kalaban o nilalang ang batang si Li Xiaolong ay tadhana na ang bahala doon. Hindi naman niya hawak ang buhay niya maging ang batang si Li Xiaolong.

Kung tutuusin ay humanga siya sa batang si Li Xiaolong dahil hindi ito magpadalos-dalos ng desisyon. Sa kakayahan niyang ito ay maaari niyang matawag ang atensyon ng sinuman lalo na ng apat na kaharian ngunit ang risk na ma-expose ang sarili at malagay pa sa ibayong panganib ang mismong angkan ng Li ay tinago at kinimkim niya ang lahat ng alalahanin ang problemang ito. Sinong mag-aakala na mayroong Extreme Martial Art Genius ang nakatago lamang sa maliit na angkan ng Li Clan?!

"Ayokong sabihin sa'yo ang lahat ng mga itinatagong lihim ko. Masyado pang maaga para sabihin ko ang lahat ng alam ko. Kahit ang apat na kaharian na kaharian ay hindi makakatulong sa akin ng malaki bagkus ay ako pa mismo ang maghahatid sa kanila sa kawakasan lalo na sa angkang kinabibilangan ko." Malungkot na saad ng batang si Li Xiaolong at pinahid ang mga luha niya. Sa totoo lang gusto niyang mabuhay ng normal katulad ng ibang batang Martial Artists. Paano naman iyon mangyayari lalo na sa kasalukuyan niyang lagay ay siya mismo ang maghahatid ng delubyo sa mga ito. Hindi niya man ito ginusto eh.

"Pero nagtataka ako batang Li Xiaolong kung bakit pumunta ka sa Shangyang Academy na nasa teritoryong sakop ng Wind Fury Kingdom?! Kung alam mo palang maghahatid ka lamang ng delubyo kung sakaling madiskubre nila ang iyong pinakatatagong sikreto?!" Sambit ng Quoll na si Fai na tila hindi ito kumbinsido sa naunang sinabi ng batang si Li Xiaolong.

"Paano mo nalaman na pumunta ako sa Shangyang Academy at paano mo nalaman ang Wind Fury Kingdom?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang nagtataka ito. Naka-cross arm pa itong nakatingin ngayon sa napakacute na Quoll na si Fai.

"Ah ehhh... Narinig ko sa magandang babaeng kausap mo. Kasintahan mo ba yun?! Infairness, napakaganda niya hehe...!" Napahagikhik na sambit ng Quoll lalo na sa huling pangungusap na sinabi nito sa batang si Li Xiaolong.

"Napakamalisyoso ng utak mong daga ka ha. Tama ka pero bakit nakikinig ka ng usapan ng may usapan ha?! Chismoso ka ba?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong na medyo may inis. Napakadelikado pala ng nagsasalitang Quoll na ito. Pakinggan ba naman usapan nila.

"Hindi ako tsismoso. Nagsabi lang ako ng totoo. Pinagkalat ko ba?!" Sambit ng nasabing Quoll na si Fai pabalik sa batang si Li Xiaolong.

"Oo na. Pumunta lang naman ako doon para mamasyal eh. Nakakabagot kaya!" Sambit ng batang si Li Xiaolong.

"Utuin mo na mga matsing wag lang ako bata. Tingin mo ba bebenta sakin yan?!" Nakapangalumbabang sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai.