webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 426

Ngunit mabilis na bumalik ang paningin niya ng magsalitang muli si Ginoong Li San habang tikom ang bibig ng lahat dahil sa presensya ng dalawang estrangherong kakadarating lamang.

"Wala kaming alam sa sinasabi mo Binibini, mukhang mali ka ata ng lugar na pinuntahan dahil kailanman ay walang batang isinilang rito na mayroong espesyal na pangangatawan at mas lalong walang nilalang na nagtataglay ng Ice Phoenix Body dahil isa lamang iyong alamat!" Seryosong saad ni Ginoong Li San habang dinedepensahan nito ang pagbibintang ng magandang babaeng sakay ng isang dambuhalang ibon.

Napangisi na lamang ang napakagandang babaeng estranghero habang mabilis na natuon ang atensyon nito sa batang babaeng nasa hindi kalayuan habang tila kasama ito ng mag-asawa na may akay pa na tila sanggol na bata.

Napangisi ito habang nakatingin rito. Naglakad siya patungo rito ngunit nawala ang ngisi niya nang makitang hinablot ito ng isang nilalang. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay nakita lamang niyang naglaho ang mga ito sa kanilang pwesto at nakita niya ang aninong papatakas.

Nakaramdam naman ng pagkamangha ang napakagandang babae habang tila nagbago ang kulay ng mata nito habang nakatingin sa papalayong nilalang na kinuha ang pakay nila sa lugar na ito.

"Anong palagay ng nilalang na iyon ay makakatakas siya sa paningin ko? Kahit saang lugar ka pa pumunta ay hindi-hindi mo matatakasan ang Vermilion Eye na taglay ko." Nakangising sambit ng magandang babae habang unti-unti na itong lumipad papalayo upang sundan ang papalayong mga nilalang. Hinding-hindi siya makakapayag na makawala pa itong muli, matapos ang lahat ng dusa at pinagdaanan niya ay kailangan niyang magtagumpay ngayon dahil hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Lahat ng gagawin niya ay para ito sa iisang layunin nila.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Nakita ng lahat ang mabilis na paglipad ng napakagandang babaeng estranghero sa isang direksyon habang labis na takang-taka ang lahat dahil dito. Kunot-noo ang lahat habang hindi nila magawang maibuka ang mga bibig nila dahil natira rito ang isa pang estrangherong lalaki habang nakatingin lamang sa papalayong nilalang.

Ang isa pa sa kinakatakutan talaga nila ay ang dambuhalang halimaw na ibon na katabi lamang ng nasabing lalaking estranghero. Seryoso at tila wala ring emosyon ang mga mata nito.

...

BANG!

Tumilapon ng malakas ang batang si Li Xiaolong kasama ang nakababatang kapatid nitong si Li Zhilan sa isang matarik na parte ng kabundukan.

Nakita niyang nawalan ng malay ang kapatid niya. Medyo malayo na sila sa lupaing sakop ng Green Valley ngunit dahil sa kumpiyansang hindi sila masusundan ng babaeng estranghero ay hindi niya aakalaing matatamaan sila ng atake nito mula sa malayo.

Agad na nilapitan nito ang pwesto ng kapatid niya. Alam niyang talo siya rito dahil wala siyang binatbat sa babaeng estranghero na nakasunod pala sa kanila at parang lumalabas na pinaglalaruan lamang siya nito. Higit na mabilis at malakas ito kumpara sa inaakala niya. Parang kabute lamang itong biglang lumitaw mula sa kanilang gawi na eksaktong tumama ang may kalakasan nitong atake na tinamaan ang kaliwang balikat ng batang si Li Xiaolong.

Tah! Tah! Tah!

Rinig ng batang si Li Xiaolong ang paglangitngit ng mga tuyong dahon na tinatapakan ng babaeng estranghero na nakasunod sa kanila kani-kanina pa ilang minuto ang nakakalipas. Naglalakad ito patungo sa direksyon kung saan naroroon siya kasama ang walang malay na kapatid niyang si Li Zhilan.

"Ano'ng pakay mo Binibini? Bakit mo gustong kunin ang kapatid kong si Li Zhilan? Arrghh!" Seryosong saad ng batang si Li Xiaolong habang napahiyaw pa ito ng makaramdam siya ng sobrang hapdi ng malalim na sugat sa kaliwang balikat niya. Tila napaso ito ng sobrang lala habang makikitang pinipigialn niya lang maiyak dahil sa labis na sakit.

Bahagyang napahinto pa ito at nagwika.

"Hindi ka naman siguro bingi upang ulitin ko pa ang sinasabi ko diba? Kailangan ko si Li Zhilan, Li Zhilan nga ba ang pangalan niya? Mukhang hindi mo alam ang pagkakakinlanlan ng kinakapatid mo o nagpapanggap ka lamang na hindi mo talaga alam ang totoong katauhan ng kapatid mo? Hmmm..." Nakangiting sambit ng babaeng estranghero habang makikitang parang sarkastiko itong nakatingin sa gawi ng batang di niya pa kilala.

"Kilala ko si Li Zhilan. Hindi ako natatakot sa isang hamak na katulad mo lamang. Hindi mo ko maaaring takutin dahil lamang sa totoong katauhan ni Li Zhilan. Sigurado naman akong makakaya kang paslangin ng Yi Clan's Patriarch sa oras na may gawi kang masama sa kapatid ko!" Pagbabantang sambit ng batang si Li Xiaolong habang pinapakita niya na hindi siya natatakot rito.

Marami na siyang nakaharap na malalakas na mga nilalang at kayang-kaya niyang harapin ang nilalang na ito.

Bahagyang nanlaki ang pares ng mga mata ng estrangherong babae dahil sa labis na gulat. Hindi niya aakalaing tuso ang batang nilalang na nasa harapan niya. Nalaman niyang bata talaga ito base sa bone structure nito at wala siyang nakitang bakas ng pagkatakot sa mga mata ng musmos na batang ito.

"Hehehe... Ako pa ang tinakot mo bata? Bakit sino ba ang kumidnap sa batang ito? Ako ba ha? Baka nakakalimutan mong hawak ko ngayon ang buhay mo maging ng kapatid mo. Kahit anong gawin mo ay hindi ka makakapagsumbong pa dahil wala dito ang sinasabi mong pesteng demonyong nilalang na iyon hmmp!" Saad ng magandang babaeng estranghero habang makikitang tila galit na rin ito dahil sa ginawang ito ng nasabing nilalang na binanggit ng batang lalaking sa unang tingin niya pa lamang ay napakaordinaryo lamang nito ngunit parang kausap niya ay halos kaedaran niya lamang na sobrang matured magsalita. Hindi niya kailanman naranasan na magalit sa mga bata ngunit ngayon ay parang nabali na ang ideyang iyon.

Nagulat na lamang ang batang si Li Xiaolong sa biglang paglitaw ng babaeng estranghero sa harap niya sabay sakal sa kaniya sa ere na siyang dahilan upang magkalayo siya sa kapatid niya.

Tila pakiramdam ng batang si Li Xiaolong ay mawawalan siya ng hininga dahil sa higpit ng pagkakasakal sa kaniya ng estrangherong babae na siyang sumunod sa kanila.

Sinubukan pa ng batang si Li Xiaolong na manlaban ngunit pakiramdam niya ay nawawalan siya ng lakas at kahit anong pagpupumiglas na gawin niya ay parang balewala lamang ito.

Ang tanging nagawa lamang ng batang si Li Xiaolong ay tingnan ang mga mata ng estrangherong babae habang unti-unti siyang nauubusan ng hiningang dulot ng mas paghigpit pa ng pagkakasakal sa kaniya ng nilalang na ito na nakangisi pang nakatingin sa kaniya.

may nagbabasa pa ba nito? wag na ba kong mag-update? hahahaha

jilib480creators' thoughts