webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 427

Ngunit bigla na lamang nagulat ang estrangherong babae nang makita nitong napangisi ang batang si Li Xiaolong habang nakatingin sa mga mata nito.

POOF!

Nakita na lamang ng estrangherong babae ang sarili niya sa loob ng isang kakaibang lugar na ngayon niya lamang nakita sa buong buhay niya.

BANG!

Napatilapon ito ng malakas nang malakas siyang sinipa ng batang si Li Xiaolong sa likuran niya dahilan upang magkalayo ang distansya niya kanina.

Mabilis namang ibinalanse ng estrangherong babae ang sarili niyang katawan at mabilis na sinayad ang paa nito bago magback flip.

Lumipad ito sa ere habang nakatunghay sa direksyon ng batang si Li Xiaolong na hindi pa nito kilala.

"Sino ka bata? Ano'ng klaseng lugar mo ako dinala? Hindi, ano'ng klaseng ilusyon ito?!" Tila nanggalaiting sambit ng estrangherong babae. Dahil sa kagandahang taglay nito ay hindi agad mababatid na galit ito.

Halatang nagtataka ito sa kapaligiran na kinaroroonan nito at kung anong klaseng abilidad o ilusyon itong kinaroroonan niya.

"Hehehe... Sana ay naisip mo yan bago mo kami kalabanin. Halatang wala kayong binabalak na mabuti sa inyong paglitaw sa munting lupain namin. Ako nga ang dapat magtanong kung ano ang gusto mo sa kapatid ko!" Inis na saad ng batang si Li Xiaolong habang makikitang nagtataka rin ito sa paglitaw ng mga estrangherong babae at lalaki kasama ang isang dambuhalang ibon na tinatawag na Vermilion.

Sa halip na sagutin ng estrangherong babae ang sinabi ng batang si Li Xiaolong ay nag-isip ito ng paraan upang makaalis sa nasabing ilusyong ito. Pakiramdam niya kasi ay mayroong nakaambang panganib sa lugar na ito na di niya mawari.

Ramdam niya ang mga malalakas na presensya sa kapaligirang ito ngunit hindi niya matukoy kung saang lugar ang mga ito naroroon. Parang nakakapanghilakbot nga ito na hindi niya mawari kung ano o sinong nilalang ito nagmumula ang naglalakasang enerhiya.

Agad niyang inilabas ang isang gintong medalyon. Ilang segundo lamang ay bigla itong umilaw at naglabas ng kakaibang enerhiya.

PAH!

Bigla na lamang na uminit ang nasabing gintong medalyong hawak-hawak ng estrangherong babae at mabilis niya itong nabitawan dahilan upang tumalsik ito sa malayo.

AHHHHHH!

isang malakas na pagpalahaw ng estrangherong babae ang maririnig sa buong lugar na ito. Kitang-kita ng batang si Li Xiaolong ang pagkasunog ng kanang kamay ng nasabing nilalang

"Ano'ng klaseng lugar ito? Bakit kahit ang pambihirang medalyon na family heirloom ko ay hindi man lang makatakas sa pesting ilusyong ito?!" Pasigaw na sambit ng estrangherong babae habang makikitang tila gulong-gulo ito. Hindi niya alam kung paanong nangyari ito at alam niyang napakalakas ng family heirloom na pinamana sa kaniya mismo.

"Hahaha... Wala kang magagawa Binibini sa lugar na ito. Isang itong lugar na hindi sakop ng kaalaman mo. How a mere heirloom compare to a Billion year old Artifact?!" Seryosong saad ng batang si Li Xiaolong habang may mapanghamak na tingin habang nakatunghay ito sa direksyon ng magandang binibining di niya alam kung saan ito nagmula.

Nanlaki naman ang mga mata ng estrangherong babae sa sinabing ito ng pesteng batang kausap niya sa kasalukuyan. Gumuhit ang galit sa mukha nito na siyang labis na hindi nito mapigilang manggalaiti.

"Kalokohan iyang sinasabi mo! Billion year old Artifact? Sinasabi ko sa'yo bata, wag mo kong pinagloloko dahil kayang-kaya kitang paslangin!" Pagbabantang sambit ng estrangherong babae sa batang lalaking kausap niya. Halatang pinagtitripan lamang siya nito. Billion year old niya mukha niya dahil wala siyang narinig na pinaka-ridiculous words liban dito.

Agad nitong hinawakan ang kanang kamay niya ng isa pa niyang kamay upang pigilan ang tila umaagos na masagang dugo sa kanang kamay niya. Halatang napinsala nga ito ng malala.

"Hindi mo kailanman dapat bastusin ang edad ng nasabing artifact na ito. There are things that you even a person who are in Peak Purple Heart Realm cannot understand it. Total ay dito ka naman makukulong buong buhay mo, bakit pa ako magpapaliwanag." Seryosong saad ng batang si Li Xiaolong habang mabilis na lumipad papalayo.

Ngunit hindi pa man siya nakakalayo-layo ay biglang nataranta naman ang estrangherong babae dahil sa sinabing ito ng batang si Li Xiaolong.

"Sandali, ano'ng makukulong? Sino ka ba?! Sa oras na makaalis ako rito ay ako mismo ang papaslang sa'yo!" Nanggalaiting sambit ng estrangherong babae habang makikita ang labis na galit sa mukha nito.

Mabilis na nagpakawala ito ng isang napakalakas na martial arts skill na alam nito.

<Vermilion Skill: Fire Shadow Ball!>

Isang napakalaking bolang apoy ang biglang nakita nf batang si Li Xiaolong patungo sa kaniya ngunit napangisi na lamang ng malademonyo ang batang si Li Xiaolong sa ginawang ito ng pesteng nilalang na ito.

"Ako si Li Xiaolong, tandaan mo ang pangalang yan Binibini. Hanggang sa muli!" Nakangising sambit ng batang si Li Xiaolong. Bago pa man siya matamaan ng naglalagablab na atakeng pinakawalan ng estrangherong babae ay mabilis itong naglaho na parang bula sa ere.

POOF!

Ang napakalakas na atake ng estrangherong babae ay bigla na lamang parang naglaho na lamang na parang bula rin nang mayroong kung ano'ng klaseng pwersa ang binangga nito mula sa himpapawid.

Halos manghilakbot naman ang nasabing estrangherong babae sa nasaksihan niya. Dito siya napaisip sa kakaibang lugar na kinaroroonan niya. Isang malawak na platform ito habang mayroong mga naglalakihang mga parang floationg islands sa ere. This place is so isolated. Sinubukan niyang tawagin pa ang batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong o kung sino pang nilalang ang naririto ay wala siyang narinig na nagrespond. This means to say na nag-iisa lamang siya sa lugar na ito.

Sinubukan niyang mag-obserba sa paligid at pawang mga walang laman o bakas ng buhay ang mga lugar na naririto. Sinubukan niyang puntahan ang mga malalayong parte ng nasabing lugar na ito ngunit wala siyang napala. Hindi niya alam kung ano'ng kalseng hiwaga ang kinapapalooban ng lugar na ito lalo na at mukhang wala siyang makitang labasan rito.

Hindi niya alam kung ilang segundo, oras siyang paulit-ulit na sumusubok na hanapin ang labasan ng lugar na ito ngunit wala siyang makita hanggang sa may napansin siyang isang pigura ng nasabing nilalang sa isang sulok ng platform. Nakita niya ito kanina ngunit nang makita niya sa malapitan ito ay nakita niyang isa pala itong pigura ng isang napakagandang babae. Kumpara sa taglay niyang kagandahan ay batid niyang mas higit itong marikit kumpara sa kaniya dahilan upang siya'y mapasimangot.

"Buti nalang ay isa kang estatwa kung hindi ay maiinggit pa sana ako sa'yo. Ang galing ng umukit sa'yo na aakalain kong totoo ka." Puno ng sungit na saad ng nasabing estrangherong babae sa nasabing estatwa. Hindi nito alam na isa pala itong nilalang na malaki ang papel o gampanin sa loob ng lugar na ito.