webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 425

Kasalukuyang naririto ang batang si Li Xiaolong sa loob ng Green Valley habang mataman siyang nakatingin sa mga grupo ng mga indibidwal na miyembro ng Peacock Tribe na papaalis na sa lupain ng Green Valley.

Malungkot ang lahat maging siya ay nakaramdam ng lungkot at awa sa naging desisyon ng Peacock Tribe lalo na nang mapansin niyang hindi man lang kumonsulta o nagpakita man lang ang Peacock Tribe Chief Huang Chen maging ang amain nitong si Huang Lim.

Nakakagulat man isipin ang pangyayaring ito ay masasabi niyang hindi talaga nagbabago ang Peacock Tribe dahil pansarili lamang nila ang iniisip nila. Naiinis man ang batang si Li Xiaolong ay hindi niya iyon ipinahalata lalo na at buong akala niya ay tutulungan sila ng Peacock Tribe but in this time of crisis, they are not lucky enough to get things done.

Halata rin ang dismaya sa mga mukha ng mga Green Martial Valley Union officials ang pagkawaglit sa kanila ng Peacock Tribe. They are just starting to develop and progress pero heto sila, walang magawa sa sitwasyong kinasasadlakan nila.

Nalulungkot man isipin ngunit ganon talaga ang buhay, walang permanente at kahit magkaganon pa man ay kailangan nilang maging matatag.

...

Lumipas pa ang tatlong araw ay palala ng palala ang lagay ng buong Sky Flame Kingdom lalo na at halos lahat ng mga atensyon ay nasa kanila. Lumaganap na rin ang karahasan maging ang tila pagkakagulo sa sentral na bayan.

Pinagbawalan ang lahat ng miyembro ng Green Martial Valley Union na pumunta-punta sa labas maging ang iba pang mga angkan mula sa labas ay ganon din ang ginawa.

Ang naging aktibidad na lamang ng lahat ay magcultivate upang magpalakas pa lalo at magkaroon ng breakthrough sa kanya-kanyang lebel ng boundary. Dahil na rin sa pambihirang Thunder Type Dragon Veins ay tila naging cultivation place ang buong Green Valley.

Masaya ang lahat sa pagcucultivate ngunit problemado din ang mga ito. Walang magagawa kundi lumaban kung sakaling may manggulo at sakupin ang lupain nila ng mga dayo mula sa ibang kaharian.

BANG!

Isang malakas na tunog sa himpapawid ang narinig ng lahat na parang kakaiba ito.

Ang mga nagcucultivate sa cultivation grounds ay naisturbo ng dahil sa kakaibang tunog. Kaya dali-daling nagpunta ang mga ito kasama na rito si Li Xiaolong sa pinanggagalingan nito.

Nakita ng lahat ang isang dambuhalang ibon sa himpapawid. Napakalaki nito at napakagandang nilalang na hindi lubos aakalain ng lahat na makakakita sila ng ganitong kagandang Magical Beast sa buong buhay nila.

Takang-taka ang lahat sa presensya ng isang dambuhalang pulang ibon na aakalain mong parang kakulay ng apoy ito habang nasa himpapawid ito.

Nakita ng batang si Li Xiaolong ang isang napagandandang babaeng nakasakay sa ibabaw ng Vermilion Bird habang kasama nito ang isang matipunong lalaking mayroong

"Bakit nandito ang mga nilalang na ito. Sino ang nagpadala sa kanila papunta sa lupaing ito." Puno ng pagtatakang saad ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang isipan lamang. Gulong-gulo siya sa totoo lang dahil malabo namang pumunta ang mga nilalang na ito lalo na ang dalawang nilalang na nakasakay sa mismong Vermilion Bird.

Sa kasuotan maging sa presensya pa lamang na ito ay nagsusumigaw na sa karangyaan habang ang nakaagaw talaga ng atensyon niya ay ang suot na simbolo ng mga ito na hindi niya mawari kung ano ito.

Nagulat na lamang ang lahat ng lumitaw ang mga opisyales ng Green Martial Valley Union papunta sa harap ng bagong dating na nilalang.

"Sino kayo? Bakit nandito kayo sa loob ng Green Valley?!" Matapang na tanong ni Ginoong Li San habang nakatingin sa dalawang estrangherong sakay ng isang dambuhalang ibon.

Talagang agaw-atensyon talaga ang mga nilalang na kadarating na kadarating lamang. Halatang makikitang walang pagsidlan ang nasabing pagtataka ng lahat sa pagdating ng di inaasahang bisita.

Kitang-kita ng lahat ang unti-unting paglapag ng dambuhalang ibon sa lupain ng Green Valley. Pawang mangha at labis na pagtataka ang makikita sa mga mukha ng mga saksing miyembro ng Green Martial Valley Union.

Unang bumaba ang matipunong lalaking mayroonf kulay pulang robang suot habang sumunod namang bumaba sa dambuhalang ibon ang napakagandang babaeng tila hindi kumukupas ang ganda habang tinititigan mo ito ng matagal. Ganon ang karisma ng dalawang nilalang na ito pagkababa pa lamang ng mga ito habang malaya silang inoobserbahan ng lahat ng naririto.

Maging ang batang si Li Xiaolong ay labis rin ang pagtatakang dulot ng paglitaw ng dalawang nilalang na ito. Ramdam niyang hindi mga ordinaryong nilalang ang mga ito sapagkat hindi man lang niya naramdaman ang lebel ng cultivation ng mga ito o kung saang boundary ng cultivation ang mga ito nahahanay. Nagsusumigaw ng panganib ang presensya ng mga ito dahil ni wala siyang masagap na enerhiya sa loob nv katawan ng mga ito.

"Tinatanong pa ba iyan Ginoo? Naririto lamang ako dahil may kailangan ako rito kunin." Walang prenong saad ng napakagandang babae habang makikitang wala itong emosyong nakatingin sa gawi ni Ginoong Li San na siyang tumatayong pinuno ng Green Martial Valley Union.

"Matanong ko kung ano ang gusto mong kunin magandang binibini? Maaari namin iyong ibigay ngunit maipapangako mo bang huwag kayong gagawa ng anumang gulo sa Green Valley na aking nasasakupan?!" Puno ng kaseryosohang sambit ni Ginoong Li San habang may himig ng pakiusap. Talagang wala siyang alam patungkol sa bagogn saltang mga nilalang na ito. Ni hindi niya maramdaman ang tunay na lakas ng mga ito maging ang lebel ng cultivation ng mga ito ay wala siynag mahita. Hindi siya tanga upang hindi malaman na higit na malakas ang mga ito kaysa sa kaniya o sa kanilang nasa Green Valley.

"Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa, iharap niyo sa akin ang batang babaeng mayroong espesyal na katawan ng isang Ice Phoenix. Kung hindi ay hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko sa inyong lahat." May himig ng pagbabantang wika ng magandang babae habang unti-unti nitong inilibot ang mga mata nito sa bawat nilalang na nakikita niya.

Naging alerto naman ang batang si Li Xiaolong at biglang nakaramdam siya ng ibayong dagundong mula sa dibdib niya dahil sa labis na kaba dulot ng pangambang nararamdaman niya sa mga oras na ito.