webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 154

Napangiti naman sa kaniyang kaloob-looban lamang ang batang lalaking si Li Xiaolong sa hindi inaasahang naging sagot ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng. Talagang napaka-stubborn nito at ayaw na ayaw nitong nagkakaroon ng utang na loob sa sinuman.

Sa totoo lang ay kusa niya lamang ginawa iyon out of his will pero dahil sa kasamaan ng ugali ng prinsipeng mapanghusga na nagngangalang Yuan Feng ay napilitan siyang magpabayad rito. It turns out na may mapapakinabangan pa rin pala siya kahit papaano lalo pa't kailangan niya ng malaking halaga ng salapi o kayamanan na kailangan niya sa susunod na mga araw, buwan, taon man o kung kailan ito mauubos.

Mabilis na nagliwanag ang kamay ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng at dito ay lumitaw ang isang singsing.

"Bilang kabayaran sa ginawa mo ay nasa loob ng interspatial ring ang nasabing hinihingi mong halaga na 500,000 gold coins. Isang Middle Grade Interspatial ring iyan ns kasama sa ibibigay kong kapalit ng ginawa mo. Kalimutan mong may utang na loob ako sa'yo tanda!" Seryosong sambit ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng habang nagpipigil ng sarili upang masigawan niya o makapagmura sa tusong matandang lalaking nakasuot ng kupasing roba na si Honorable Long.

Tila nagliwanag naman ang pares ng mga mata ng batang lalaking si Li Xiaolong pero hindi ito nakikita ng marami dahil natatakpan ito ng manipis na tilang pansaklob sa kaniyang ulo.

Makikitang ibibigay na sana ni Prinsipe Yuán Feng ang nasabing interspatial ring ay mabilis itong nagsalita.

"Paano palang mayroon kang dalawang pambihirang talisman na ito? Saan mo ito nakuha? Don't tell me ay nauna kang bumili bago magpasubasta?!" Sambit ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng kay Honorable Long habang makikita ang labis na pagtataka o kuryusidad sa pares ng mga mata nito. Halatang gusto nitong makuha ang sagot mula rito.

Napangiti na lamang ang batang lalaking si Li Xiaolong dahil sa tanong ito ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng.

"Isa akong Honorable Guest ng Jade Auction House. Malamang ay isa iyon sa benefits ko hehe... Tama ba ko Master Liwei?!" Sambit ng matandang lalaking si Honorable Long (Li Xiaolong) kaharap si Prinsipe Yuán Feng at mabilis din itong tumingin sa entablado kung nasaan ang direksyon mismo ng nasabing si Master Liwei ng Jade Auction House.

"Tama iyon Prinsipe Yuán Feng. Mabuti at wala ang ama mo rito kung hindi ay lahat ng mga pinapasubasta namin ay kinuha na niya lahat." Awkward na sambit ng matandang lalaking si Master Liwei habang nagkakamot pa ito ng kaniyang sariling batok. Naalala niya pa noong halos parating naririto ang nasabing si Haring Yuán Han na siyang ama ni Prinsipe Yuán Feng kung saan ay mabilis na natatapos ang kaniyang sariling auction house dahil dito pero madalas ay dumadalo si Haring Yuan Han sa Auction na pinangungunahan ni Master Jing na siyang karibal niya sa pagpapasubasta. Given na rin naman na hindi siya makapagnegosasyon sa ibang mga Auction Seller dahil na rin sa matandang lalaking si Master Jing na labis niyang kinaiinisan kaya halos walang natira sa kaniya upang magpasubasta.

"Oo nga pala, kay Master Jing lang pala siya dumadalo o nagpapadala ng tauhan niya upang bumili ng nasabing items na natipuhan niya. Talaga namang maswerte pa rin pala ako." Sambit ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng habang mabilis nitong ipinalutang sa ere ang nasabing interspatial ring papunta sa mismong kamay ng matandang lalaking nakasuot ng kupasing roba na si Honorable Long.

Mabilis din itong naglakad pababa ng hagdan at walang lingon likod na nilisan ang malaking bulwagan na ito. Nasa isip rin ng Prinsipe Yuán Feng na nakuha na ng matandang lalaking nakasuot ng kupasing roba na nagngangalang Honorable Long ang mga mahahalagang item kaya wlaang dahilan upang manatili pa siya rito. Ayaw niyang ipamukha pa sa kaniya na isa siyang katawa-tawang nilalang sa mga naririto. Mataas ang prjde niya at marami pa siyang dapat asikasuhin. Alam na rin niyang napaslang ang nagtangka sa buhay niya kaya wala na siyang dahilan upang manatili pa rito upang mas ipahiya pa ang kaniyang sarili.

Mayroon pa siyang importanteng gawin. He just want to mess around pero siya pa ang nabwisit at pumalpak pa ang plano niya sana. Kailangan niyang gawin ang ibang bagay-bagay kung hindi ay baka wala siyang magawa para makabawi sa kapalpakan niyang ito.

Nakita na lamang ng lahat ang pag-alis ng prinsipeng si Yuán Feng palabas ng Jade Auction House.

...

Dahil sa pangyayaring ito ay dumami pa ang nakikiusyuso sa nangyayaring pagpapasubasta ngunit karamihan ay hindi nakapasok sa loob. Nakontento na lamang ang lahat na magmasid mula sa labas ng Jade Auction House. Isa sa napag-usapan nila ang pagpunta ng isang Prinsipe na si Yuán Feng na kakaalis lamang at ang pangyayari sa loob ng Jade Auction House. Sa kabilang banda, Marami rin ang nag-uusap patungkol sa pangyayari sa loob ng Feathers Guild branch na isa ring maugong na usap-usapan.

...

Sa loob ng Jade Auction House...

Mabilis na umaksyon naman ang matandang lalaking si Master Liwei nang makaalis na ng tuluyan ang nasabing prinsipe na si Yuan Feng sa pamamagitan ng pagsivert ng isipan ng mga naririto ngayon.

"Pasensya na sa malaking abalang nangyari lalo pa't mayroong hindi pagkakaunawaan na ng nangyayari kanina. Siguradong abala ang prinsipe at ngayon ay ipagpapatuloy na ang subastahan." Nakangiting sambit ng matandang lalaking si Master Liwei. Halatang nakahinga na ito ng maluwag. Akala niya ay talagang magmamatigas pa ang nasabing prinsipe na si Yuán Feng, mabuti na lamang at hindi.

Agad dumalo sa loob ng entablado ang magandang dalagang si Miss Hee. Umalis kasi siya kanina dulot ng pangyayari kani-kanina lamang. Andun lamang siya sa backstage. Akala kasi nito ay mayroong mangyayaring labanan. Sa totoo lang ay si Miss Hee ang nag-inform kay Master Liwei patungkol sa bagay-bagay kanina lamang.

He is not that kind of powerful enough upang eksakto niyang masukat ang lebel ng Cultivation na mas mataas sa kaniya. Ito rin ang nag-inform sa kaniya sa mas nakakakilabot na impormasyon na alam niya kani-kanina lamang na hindi dapat malaman ng iba kung hindi ay siguradong magdudulot ito ng masamang ideya patungkol sa Jade Auction House.