webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 153

Alam na alam nito ang pangyayaring ito ngunit kahit siya ay hindi alam ang gagawin kanina lalo pa at huli na ng mapansin niya iyon idagdag pang isa lamang siyang hamak na Peak Houtian Realm Expert na matagal ng na-stuck sa lebel ng Cultivation na ito.

Nabigla naman ang batang lalaking si Li Xiaolong ( Honorable Long) sa sinabing ito ng matandang lalaking si Master Liwei.  He really didn't expect this.

"Hindi ko aakalaing mayroong pambihirang obserbasyon si Master Liwei. Kung di lang dahil sa nangyari sa nakaraang mga taon ng buhay nito ay hindi imposibleng nakatapak na ito sa lebel ng Cultivation na Xiantian Realm o higit pa." Namamanghang sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang isipan lamang.

Makikita naman ang pagkamangha sa mukha ng mga naririto at makikita sa mukha ng ilan ang pagkadismaya sa kanilang sarili lalo pa't karamihan ay pinagyayabang pa o ipinagmamalaki ang kanilang galing sa pag-obserba sa isang sitwasyon. Sa bilis kasi ng mga pangyayari ay alam naman ng karamihan na ang kanilang naging pokus ay ang nasa bingit na kamatayan na lalaking si Prinsipe Yuán Feng. Kahit sino naman ay ganoon rin lalo pa't wala din silang matutulong sa sitwasyong kani-kanina lamang naganap.

"Buti na lang at mayroon akong Quassi-late Stage Xiantian Realm item katulad ng Golden Barrier Talisman at Red Capturing Ropes Talisman na isang Middle Xiantian Realm item . Kung hindi ko ginamit iyon ay pati ang silid mo at namin ay baka sumabog na dahil sa impact. Hinihingi ko lang ay 500,000 gold coins sa dalawang talisman ko!" Inis na sambit ng matandang lalaking nakasuot ng kupasing roba na si Honorable Long. Halatang ayaw na nitong makiapgtalo pa sa binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng.

Sa totoo lang ay nanghihinayang talaga ang batang lalaking si Li Xiaolong sa dalawang pambihirang talisman niyang iyon. Kung alam niyang sobrang mahal ng Xiantian Realm item na katulad ng talisman na ginawa niya ay hindi niya ito ginamit kanina pero alam niyang hindi magandang baliwalain lamang na mapahamak ang nasabing prinsipe na ito na isang anak ng hari at ng napiling concubine nito dahil siguradong malilintikan talaga siya dahil masisiwalat lahat ng sikreto niya na isa lamang siyang hamak na bata na minamaliit ng karamihan dahil sa murang edad nito.

Agad namang natulala ang lahat sa narinig nila dala ang pagkabigla. Nang makarekober ang ilan ay hindi nila mapigilang mag-usap-usap at nagpahayag ng kanilang mga saloobin.

"Isang Quassi-late Stage Xiantian Realm item at Isang Middle Xiantian Realm item? Goodness! Hindi ba nito alam ang halagang iyon?! Kung pagsasamahin ang dalawang item na iyon ay nasa 800,000 gold coins iyon o higit sa milyong gold coins ang nmhalaga nun!"

"Oo nga. Kung ako ang may ganoong klaseng item ay talagang itatago ko iyon o ibebenta sa mas malaking halaga!"

"Sang-ayon ako sa sinabi niyo. Tunay na pambihira ang dalawang item na iyon. Kung sa akin sana iyon ay di ko gagamitin iyon o gagawin katulad ng talentadong matandang lalaking."

"Nararapat lang na bayaran ni Prinsipe Yuán Feng ang dalawang pambihirang talisman na iyon mula sa kagalang-galang na si Honorable Long."

"Hindi ko aakalaing isang malakas na eksperto pala ang lalaking iyan. To think na pinapabayaran niya lamang ang kaniyang sariling ginamit na dalawang pambihirang talisman ay malaking sakripisyo na iyon."

"Totoo nga, nagkamali ako sa pag-obserba kung sino ang mas nakatataas dito. Akala ko ay isang ordinaryong pulubi lamang kanina ang matandang lalaking iyan na usap-usapan sa labas ngunit ngayon ay nakita ko na hindi lamang pala ito normal na martial artists."

"Sayang yun!"

"Hoy yung bibig niyo! Baka hindi niyo alam na tayong lahat ang malalagot kapag may nangyaring masama sa mahal na prinsipe Yuan Feng. Akala niyo ay makakatakas tayo sa awtoridad ng Sky Flame Kingdom pag nagkataon?!"

"Oo nga, naiisip ko palang ay nangangatog na ang buong sistema ng katawan ko!"

Halos natahimik ang lahat dahil dito. May punto rin ito. Alam nilang ang matandang lalaking ito na nagngangalang Honorable Long ay tunay na matalino at malawak ang pag-iisip to think na alam nito ang labis na kaparusahan na igagawad sa kanila. Malalaman kaagad ng awtoridad ng buong kaharian ng Sky Flame Kingdom ang masamang mangyayari sa prinsipe dahil sa mayroong pambihirang tracking skill at ang may bakas ng iniwaang life line ang prinsipe sa nasabing kaharian na tinitirhan nito mismo. Sa oras na may abnormalidad o anomalya sa sitwasyong ito ay talagang ubos sila pagnagkataon alam din nila na sa oras na ito ay mayroong mga espiya ng Sky Flame Kingdom na nakakalat sa paligid lamang o baka meron din dito sa mismong loob ng Jade Auction House.

"Payag ka ba sa 500,000 gold coins Prinsipe Yuán Feng? Alam naman natin dito na nagmagandang-loob lamang si Honorable Long sa kaniyang ginawang tulong sa iyo. Kahit ako man ay walang maitutulong sa'yo kanina o kung sakaling umatake sa'yo ang assassin na iyon." Seryosong sambit ng matandang lalaking si Master Liwei habang makikita ang lungkot sa mukha nito.

Naintindihan naman ito ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng. Pero nagulat talaga siya sa pagiging prangka nito. Alam rin ni Prinsipe Yuán Feng kung gaanong hirap ang dinanas ni Master Liwei upang makamit lamang ang posisyon nito sa loob ng Jade Auction House kahit na napakababa pa rin ng Cultivation Level nito at walang sign ng pagtaas sa mahabang panahon na nakalipas na. Tila nakaramdam siya ng labis na guilt para sa matandang lalaking si Master Liwei.

"Sige na nga. Basta 500,000 gold coins na ang hiniling mo walang labis at walang kulang." Sambit ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng kahit na alam niyang hindi bukal sa loob niya ang magbigay ng ganito kalaking halaga ng pera. There's no way na mananalo pa siya laban sa matandang lalaking nakasuot ng kupasing roba na si Honorable Long lalo pa't nasa panig nito si Master Liwei at iba pang mga saksing martial artists na naririto. Napagtanto niyang delikadong kalaban ang mismong matandang lalaking nakasuot ng kupasing roba na si Honorable Long na hindi niya pa alam ang pagkakakilanlan nito.