webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 155

Ang kaninang pangyayari ay isang hindi inaasahan at nakakatakot talaga ngunit mabuti na lamang at walang nasaktancsa buong pangyayaring ito.

Minor damages lamang at hindi naman big deal iyon lalo pa't normal lamang ang awayan kahit saang Auction House. Siya na lamang ang bahalang magpaliwanag sa Auction House Leader nila.

Mabilis namang umaliwalas ang mukha ng lahat lalo na ng mga kalalakihan nang makita nilang muli na papasok ang magandang dalagang si Miss Hee. Halatang ang atensyon ng mga ito ay nasa kaniya o sa presensya niya.

"Pasensya na sa pangyayaring naganap kani-kanina lamang, kalimutan na lamang natin iyon. Pero ngayon ay kailangan pa rin nating ipagpatuloy ang pagpapasubasta." Sambit ng magandang dalagang si Miss Hee habang nakangiti pa ito ng matamis.

"Oo nga, ang ganda ni Miss Hee!"

"Nasa langit na ba ako?!"

"Kalimutan na natin ang kaninang nangyari. Isa ka talagang hulog ng langit Binibining Hee!"

"Ang sinumang magpapaalaala ng pangyayari kanina ay bubugbugin namin yan!"

"Oo nga, I'm sure natakot ka talaga Binibini. Wag kang mag-alala Binibini dahil ako ang poprotekta sa'yo!"

"Wag kang maniwala sa kaniya Miss Hee, ako lang ang nararapat sa'yo!"

"Wag nga kayo, ako lang ang nararapat sa kaniya!"

Tila nagbangayan na ang mga grupo ng mga kalalakihan na naririto sa loob ng malaking bulwagan kung saan isinasagawa ang nasabing pagpapasubasta.

Napatawa na lamang ng malakas ang magandang dalagang si Miss Hee kung saan ay siya namang tila nagpatigil sa mga nagbabangayang mga kalalakihan.

"Salamat sa inyo dahil kahit papaano ay napasaya niyo ako sa inyong mga pahayag pero wag na tayong magpatumpik-tumpik pa dahil ang pangatlong item sa second phase ng Auctioning ngayon ay hindi niyo palalagpasin." Masayang sambit ng magandang dalagang si Miss Hee habang mabilis nitong binuksan ang isang malaking pabilog na takip sa harapan niya.

[Mabuti na lamang at palagi niyang ine-entertain muna ang mga naririto upang di mainip ang mga ito habang pinipwesto ng mga tauhan ng mismong Jade Auction House]

Agad na bumungad sa kanilang mga mata ang isang bagong gawang espada. Sa unang tingin ay makikitang ordinaryong espada lamang ito na siyang ikinagulat ng mga marami rito.

Ang binatang lalaking si Li Xiaolong ay hindi alam ang kaniyang magiging reaksyon lalo pa't kahit siya ay napapangitan sa napili niyang lagyan ng kaniyang pambihirang talento sa inscriptions. Naisip niya ngayon na napakababa pala ng kalidad na ginamitan niya ng kaniyang sariling inscriptions.

Imbes na malungkot si Miss Hee sa naging reaksyon ng mga dumaling mga martial artists na naririto ay tila lumawak pa ang kaniyang mga ngiti

"Huwag kayong magpapaloko sa itsura. Mukha lanang itong ordinaryong espada na gawa sa ordinaryong metal ngunit bagay na bagay itong gamitin ng isang Bone Forging Stage na martial artists upang labanan at mapinsala ang isang Pulse Condensation Stage. Isang one boundary gap ang item na ito na maaaring gamitin ng inyong mga anak o kung sinumang kaangkan ninyo!" Malakas na sambit ng magandang dalagang si Miss Hee habang matamis pa itong nakangiti sa harap ng madla.

Tila isang malaking pasabog naman ito sa lahat. Hindi man ito ganoon kalakas kagaya ng mga Xiantian Realm item level kani-kanina lamang pero isa itong standard level na item na pwede sa lahat ng mababang lebel na martial artists.

Sa huli ay umabot sa 100,000 gold coins ang presyo ng pagpapasubasta na nangyayari para sa item na isang Inscription Sword. Talagang sobrang taas na ito ng nasabing bidding. Pero given how valuable the Inscription as well as the sword then it is just right about the price bid.

Marami pang napasubasta na item ang dumaan maging ang mga item ng batang lalaking si Li Xiaolong katulad ng Brown Armor, Metal Gauntlet, Sharp Axe, Anti-Poison Robe ay mabilis na nabili ng 50,000 gold coins hanggang 150,000 gold coins. Talagang ang mga presyong ito ay labis na napasaya ang batang lalaking si Li Xiaolong lalo na at malaki ang nakuha niyang tubo o kita rito kumpara sa nagastos niya rito samahan pa ng kaniyang sariling skills lamang sa pagiging inscriptionists.

Hanggang sa nagpatuloy pa ang nasabing pagpapasubasta kung saan ay marami pang items ang napasubasta at marami din ang nakakuha ng mga items na pinapasubasta na siyang ikinasiya ng maraming martial artists na naririto. Random item kasi kaya ganon na lamang ang saya nila dahil di malaki ang bid sa mga items.

Wala pang nakakuha ng atensyon ng batang lalaking si Li Xiaolong (Honorable Long) sa mga items na nakikita niyang pinapasubasta hanggang sa....

Mabilis na binuksan ng magandang dalagang si Miss Hee ang isang maliit na kahon. Makikita ang isang tila ordinaryong batong parisukat.

"Ang item na ito ay isang batong parisukat. Isa ito sa masasabi naming useless na item na nakita namin sa ngayon. Hindi pa tukoy kung saan gamit ang maliit na bagay na ito. Magsisimula ang item na ito sa zero gold coins!" Sambit ng magandang dalagang si Miss Hee. Halatang wala siyang masabi sa item na ito. Galing ito sa matandang babaeng lumapit sa kanila. Wala silang kaide-ideya sa kung ano ito.

Marami ang hindi interesado sa nasabing item na ito. Walang anumang deskripsyon na nakasulat at kung magbi-bid sila ay wala rin silang mapapala. Ang mismong Jade Auction House na mismo ang nagsabi na hindi nila matukoy ang nasabing bato. Hindi naman kasi lahat ng mga items rito ay sobrang valuable pero masasabing orihinal. Wala rin silang panahon upang tuklasin ang bagay na hindi nila alam gamitin noh.

Thump! Thump! Thump!

Tila nakaramdam ng kakaibang pamilyar na koneksyon ang batang lalaking si Li Xiaolong sa nasabing maliit na parisukat na bato. Hindi niya alam kung bakit pero parang mayroong kakaiba mula sa maliit na pirasong bagay na ito na hindi niya maipaliwanag kung bakit.

Mabilis siyang lumbas sa kaniyang silid sa pamamagitan ng pagtanggal ng manipis na tela sa kaniyang harapang bahagi ng pribadong silid. Hindi siya makapagpigil sa kaniyang sarili na makuha ang nasabing maliit na misteryosong item na ito.

Agad niyang itinaas ang kaniyang kaniyang kamay at ipinakita ang kaniyang sariling privilege badge.

"Ako na ang bibili niyan!" Malakas na sambit ng matandang lalaking si Honorable Long ( Li Xiaolong) na siyang ikinalingon ng lahat.

...