webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 152

"Hmmp! Hindi mangyayari iyon. Sabihin mo ang halaga ng maaari kong ibayad sa'yo tanda nang manahimik ka na. Baka sa bagay na ito ay tatanggi ka pa?!" Sarkastikong sambit ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng habang nakatingin sa matandang lalaking nakasuot ng kupasing roba na nagngangalang Honorable Long. Halatang napipilitan na lamang siyang gawin ito dahil ayaw niya ng pinuputakan siya ni Master Liwei. Alam niyang kahit ang ama niya na mismong hari ng Sky Flame Kingdom ay sumusuko na kapag nagsalita na ito. Naisip niya rin na masyado ng marami ang oras na kaniyang nasayang rito at alam niyang wala na siyang mapapala pa kung isasagawa niya muli ang planong ito. Perfect timing na sana iyon ngunit nasira ito nang dahil lang sa matandang lalaking nakasuot ng kupasing roba na si Honorable Long.

Mabilis namang nalipat ang atensyon ng matandang lalaking si Master Liwei sa matandang lalaking si Honorable Long. Mataman niya itong tiningnan at mabilis na nagwika.

"Sang-ayon ka ba sa sinabi niya Honorable Long?!"

Tila seryosong sambit ng matandang lalaking si Master Liwei kay Honorable Long.

Mabilis namang nag-isip ang batang lalaking si Li Xiaolong. Kung tutuusin ay isa itong malaking oportunidad para sa kaniya. Kailangan niya rin ng malaking salapi ngayon hindi lamang sa kaniyang sarili kundi para na rin sa kaniyang sariling mga magulang. Upang mas lumakas pa at umunlad ay kailangna niya ng mapagkukunan ng salapi lalo na at hindi libre ang lahat ng materyales na ginagamit o gagamitin niya upang gumawa ng nasabing talisman. Sa susunod ay gagawa siya ng aktuwal na mga sandata na mayroong mga inscriptions. Sa ngayon ay tanging nagagawa biya lamang ay gumuhit ng mga pambihirang sinbolong natutunan niya sa pagiging inscriptionists. Pasalamat siya sa kaniyang sariling Cultivation Manual na mayroong iba't-ibang klaseng mga panggagamitan.

Nang makapag-isip-isip ang batang lalaking si Li Xiaolong ay mabilis na siyang nagwika.

"Ah okay, it's a deal. Sino bang tatanggi sa alok ng Prinsipe Yuán Feng ng Sky Flame Kingdom. Tatanggi pa ba ako?! I'm sure naman na di ka naghihirap diba?!" Sambit ng matandang lalaking si Honorable Long ( si Li Xiaolong) na siyang nakangiti pa ito ng pagkalaki-laki.

Nagpigil naman ng inis ang binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng. Maraming mata ang nakatingin sa kanila llao na sa kaniya. Kailangan niyang maging kalmado. Naisip niyang it's not good na ma-offend ang Jade Auction House dahil baka ito pa ang dahilan ng matinding pagkabigo niyang makamit ang korona at trono ng kasalukuyang hari na siyang sarili niyang ama.

"Good. Mabuti na ang klaro. Magkano ba ang hinihingi mong kapalit?!" Bagot na bagot na sambit ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng. Halatang wala na siyang oras na makipagtalo pang muli.

"500,000 gold coins!" Malakas na sambit ng matandang lalaking nakasuot ng kupasing roba na si Honorable Long habang makikitang masaya ang tono ng pananalita nito.

Tila nanlaki naman ang pares ng mga mata ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng maging ng iba pang mga martial artists na naririto.

"500,000 gold coins?! Nagbibiro ka ba, ang laki na ng halaga na iyon. Mukha ba kong gatasan ha?!" Tila naiinis na sambit ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng dahil halatang nagpipigil lamang itong saktan ang matandang lalaking nakasuot ng kupasing roba dahil mukhang piniperahan na siya nito.

Hindi naman makapagpigil pa ang mga saksing mga martial artists na naririto. Maging sila ay gulat na gulat kung saan ay nagulantang talaga sa narinig nilang sinabi ng matandang lalaking nakasuot ng kupasing roba na inaakala lamang nilang matandang pulubi kani-kanina lamang. Hingin ba naman na halaga sa Prinsipe Yuán Feng ay nagkakahalaga ng 500,000 gold coins.

"500,000 gold coins?! Masyado naman atang malaki iyon!"

"Hay naku, mukhang may magagagtasan naman ang matandang pulubing iyan!"

"Taghirap siguro ng matandang pulubing iyan kaya grabe prumesyo!"

"Hoy... 500,000 gold coins yun. Kahit may 5,000 gold coins ka lang ay mabubuhay ka na ng kalahating taon pero itong matandang ito ay talaga namang sobra-sobra ang hjnihingi nito!"

Tila hindi sang-ayon ang mga saksing mga martial Artists na naririto sa gustong mangyari ng matandang pulubing ito na naririto. Malaking halaga ang hinihingi nito na ikinalula ng karamihan sa naririto.

"ayaw mo pa ng 500,000 gold coins lang ang hinihingi kong kapalit? Kung tutuusin ay Estimated value lamang iyon ng ginamit kong dalawang talisman na naririto." Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang nakatingin ngayon sa gawi ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng.

Tila nagulat naman ang binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng aa sinabing ito ni Honorable Long. Mabilis ding napalitan ito ng pagkainis sa mukha nito.

"Hindi ako naniniwala. Sino ba ang niloko mo? Dalawang talisman na iyon sa halagang 500,000 gold coins? Nagpapatawa ka bang talaga?!" Gigil na sambit ni Prinsipe Yuán Feng habang nakatingin sa direksyon ng matandang lalaking si Honorable Long.

"Talaga ba? Hindi mo ba alam ang umatake sa iyo? Napaslang ka na sana ng isang Late Xiantian Realm Expert Kung hindi ko napigilan ang agresibong atake nito laban sa iyo. Nakabulagta ka sana ngayon kung hindi dahil sa akin!" ganting sambit rin ng matandang lalaking si Honorable Long. Halatang hindi siya makakapayag na apakan lamang ang kaniyang sariling ego noh.

Napasinghap naman ang lahat ng saksi na naririto. Halatang gulat pa rin talaga sila. Sa bilis ng pangyayari kanina ay talaga namang hindi nila napansin kung gaano kalakas ang nasabing atake.

Napanganga na lamang ang binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng sa sinabing ito ng matandang lalaking nakasuot ng kupasing roba na nagngangalang Honorable. Bumubuka-buka pa ang bibig nito pero he can't utter any words from his own mouth. Natahimik rin ang lahat dahil maging sila ay wala ring maisalita tungkol dito.

"Ahemmm... Tama ang sinabi ni Honorable Long. Isang Late Xiantian Realm Expert ang nasabing nagmula ang atakeng iyon. Isa iyong pambihirang Late Xiantian Realm Skill na 12 Lotuses Sword ngunit hindi pa ito gaanong kalakas lalo pa't isang sword fragments lamang ang gamit niyon na maituturing lang na nasa Early to Middle Xiantian Realm pagdating sa mapaminsalang atake nito. Kung nagkataon na labindalawang piraso ng sword iyon ay talagang hindi ka makakatakas sa atakeng iyon." Mahabang sambit naman ng matandang lalaking si Master Liwei.