webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 136

"Hahaha... Wag kasi puro yabang at salita lang, dapat gawin mo. Nakalimutan kong ipaalala sa'yo, mukhang unti-unti ka ng nakakalimutan ng mga tao rito. Isang nilalang na katulad mo na unti-unting nagde-decline ay mukhang mapapaalis na sa Jade Auction House hahahaha!" Paninindak ng matandang lalaking si Master Jing habang makikitaan ng kasiyahan ang pagmumukha nito. Siya din kasi ang dahilan kung bakit unti-unting bumababa ang nalilikom na salapi ni Master Liwei nang hindi nito nalalaman ngunit alam niyang may alam na ito nitong nakaraang araw. Konting panahon na lamang at mawawala rin ito sa lugar na ito.

"Ano'ng ibig mong sabihin Jing? Mukhang may binabalak kang masama laban sa akin!" Seryosong sambit ng matandang lalaking si Master Liwei. Makikitang hindi pa rin nababawasan ang inis niya kay Master Jing lalo na sa paraan ng pananalita nito. Alam niyang may kinalaman itong si Master Jing sa kabulastugan na nangyayari sa kaniyang pagsusubasta.

"Hahaha... As if naman, hindi ko na kailangan iyon noh dahil ang lider natin mismo ang magpapalayas sayo palabas ng Jade Auction House!" Mapanuyang sambit ni Master Jing. Alam niyang wala siyang karapatang mapalayas itong si Master Liwei kahit na gusto niyang mapalayas ito ngayon din. Sana noon pa diba.

"Hmmmp, wag kang magsalita ng patapos Jing dahil malapit ko ng maabot ang quota ng dapat kong malikom na salapi!" Inis na sambit ng matandang lalaking si Master Liwei habang nakatingin sa direksyon ng matandang lalaking si Master Jing.

"Talaga ba?! Paano kong sabihin kong hindi ka na maaaring protektahan at pananatilihin ng Auction House Leader natin hahaha..." Malademonyong sambit ng matandang lalaking si Master Jing habang may nakapaskil na kakaibang ngisi ito sa kaniyang mga labi. Tila mayroon itong nais iparating o ipahiwatig sa kaniyang sinabi patungo sa mismong si Master Liwei.

Nangunot naman ang kunot na noo ng matandang lalaking si Master Liwei nang marinig niya ito. Tila ba mayroon siyang hindi pa nalalaman sa mga hakbang o ginagawa ng matandang lalaking si Master Jing. Sigurado siyang mayroon itong pinagkakaabalahan lately at kung paano ito bigla-bigla na lamang nawawala.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan lalo pa't nag-isip ng malalim ang matandang lalaking si Master Liwei patungkol sa maaaring tinutukoy ng kapwa niyang Master ng Jade Auction House na si Master Jing.

Sa huli ay isa bagay lamang ang naiisip niya na siyang tinutukoy nito.

"Wag mong sabihing isa ka ng ganap na Xiantian Realm Expert?!" Tila gulat na gulat na sambit ng matandang lalaking si Master Liwei habang makikita ang labis na pagkagulat. Makikitaan sa boses nito ang hindi pagkatuwa sa sinasabi niyang ito partikular na ang pagtaas ng lebel ng Cultivation nito.

"Hahaha... Natumbok mo hehehe... Nakalimutan mo atang sa susunod na linggo na ang huling palugit sayo ng Jade Auction House Leader kaya maghanda ka ng mag-alsa balutan at lumayas sa lugar na ito hehehe." Nagagalak na sambit ng matandang lalaking si Master Jing. Tila ba ang pangyayaring ito ay umaayon lahat sa kaniyang plano. Masasabi niyang oras na para sabihin ito sa mortal niyang kaaway sa posisyong ito na si Master Liwei. Mula kasi noong pagdating niya rito ay ni hindi man lang nagkaroon ng progreso ang Cultivation Level ni Master Liwei, kaya ito ang naging kaparaanan niya upang ungusan at lamangan ang kinaiinisan niyang si Liwei.

Tila nagulantang muli si Master Liwei sa sinabing ito ng matandang lalaking si Master Jing lalo na at nakalimutan niyang sa susunod na linggo na pala ang kaniyang natitirang oras na palugit. Sa totoo lang ay nawawalan na siya ng pag-asa, kung hindi lang dahil sa nakaraang insidenteng tila bangungot para sa kaniya ay hindi siya magiging ganito kasaklap ang kaniyang kapalaran lalo na at requirements pa naman sa kanilang trabaho ang maging Xiantian Realm Expert. Masasabi niyang ang kaniyang pag-alis dito ay hindi malayong mangyari nga. Gusto niya man ang posisyong hinahawakan niya rito ay wala siyang magagawa kung hindi siya ganap na Xiantian Realm Expert.

"Hmmmp! Hindi mangyayari yun, ano ka siniswerte?!" Seryosong sambit ni Master Liwei habang nagpipigil lamang ito ng inis. Malaki ang ginuguol niyang panahon at oras para sa kung saan siya ngayon. Dugo at pawis niya ang kanjyang puhunan rito tapos mapapaalis lamang siya. Kung kailangan niyang magmakaawa muli at lumuhod sa harap ng Jade Auction House Leader ay gagawin niya wag lang siyang ipatanggal dahil sa mababang lebel ng Cultivation niya.

"Sorry ka nalang Liwei. Kinalaban mo kasi ako at palaging iniinis kaya yan ang bagay sa'yo. Mas bagay ka sa putikan kaysa sa loib ng Auction House. Total naman ay isa ka pa ring mahinang nilalang na wala ng pag-asang maging Xiantian Realm Expert sa hinaharap hahahaha!!!!" Mapanghamak na sambit ng matandang lalaking si Master Jing. Makikitang hindi man lang siya nakaramdam ng awa kay Master Liwei bagkus ay labis na poot at galit na naipon na siguro hanggang sa kasalukuyan.

Tila nakaramdam naman ng habag ang batang lalaking si Li Xiaolong (Honorable Long) dahil sa pangyayaring ito. Alam niyang napakasaklap naman ng requirements ng Jade Auction House ngunit alam niyang ganoon din sa ibang mga Auction House. Hindi naman sila rerespetuhin kung wala silang lakas na tinataglay lalo na sa kanilang mga Auction Masters. Hindi siya tanga o mangmang para isipin na madali lamang ang trabaho ng isang Auction Master lalo na ang paraan ng kanilang pagtrato sa isat-isa ay napakakomplikado. Kumbaga ay pataasan ng pride kahit na pareho ang kanilang posisyon sa isang organisasyon. Ang internal struggle sa mga ito ay maikukumpara sa tubig at langis, gustong palaging umangat pero sa nakikita niya ay mukhang naglabas na ng pangil ang Master Jing na ito lalo na at tila ba gusto na nitong mangagat at tuluyang ilugmok sa putikan ang matandang lalaking si Master Liwei. Sa nakikita niyang ito at sa mga narinig niya ay nasa alanganing posisyon ang matandang lalaking si Master Liwei dahil halatang malaking problema nito ang lebel ng Cultivation nito.

"Master Liwei, mukhang kailangan na nating pumunta sa mismong lugar subastahan kaysa mag-aksaya pa tayo ng oras dito. Mukhang wala namang importanteng bagay rito." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa katauhan at boses ni Honorable Long na nakabalatkayo bilang isang matandang lalaking gusgusin na suot ang isang mahabang kupasing roba.

"You!!! m----!" Sambit ng matandang lalaking si Master Jing ngunit mabilis itong naputol nang mabilis na nagsalita ang matandang lalaking si Master Liwei.

"Mabuti pa nga, O siya mauna na kami." Kasuwal na pagkakasambit ng matandang lalaking si Master Liwei habang mabilis nitong hinarap si Master Jing.