webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 135

"Master Liwei, bakit ba kayo napahinto. Mukhang may madaldal na langaw ang nag-iingay sa paligid. Kailangan na nating pumunta sa venue kaysa mag-aksaya sa walang kwentang insekto na nag-iingay." Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa katauhan at boses ni Honorable Long. Sa totoo lang ay nagpipigil lamang siya tumawa lalo na sa paraan ng pananalita nito. May class naman kasi ang matandang lalaking si Master Jing, feel niyang bumawi sa pagtatanggol at personal na pagpunta ni Master Liwei kanina sa labas ng Jade Auction House.

Hindi naman nabigo ang batang lalaking si Li Xiaolong (sa katauhan ng tila matandang lalaking nasa kupasing roba na si Honorable Long) dahil tila ano mang oras ay bubuga ng apoy ang matandang lalaking si Master Jing.

Anong sabi mo?! Hindi mo ba ko kilala kung sino ka mang pulubi ka. Bakit ka naririto. Bawal ang mga maralita rito, baka gusto mong ipakaladkad kita rito papunta sa putikan na dapat mong kalagyan!" Galit na galit na sambit ng matandang lalaking si Master Jing. masasabi niyang tila ba wala itong pakialam sa gusgusing nilalang na nakasunod sa direksyon ng pesteng Liwei na mortal niyang kaaway sa loob ng Jade Auction House.

Tila naningkit naman ang mata ng matandang lalaking si Master Liwei. makikitang hindi ito natutuwa sa narinig niyang mga salita patungkol kay Honorable Long.

"Ayusin mo ang tono ng pananalita mo Jing dahil isa siya sa aking mahalagang bisita sa oras na ito!" Pagalit na sambit ng matandang lalaking si Master Liwei habang sinasaway niya si Master Jing.

"Hahahaha... Nagpapatawa ka lang diba Liwei hindi ba? Iyan bisita? Bwisita pwede pa hahaha!" Mapanuyang sambit ng matandang lalaking si Master Jing habang tinitingnan nito ang matandang lalaking gusgusin sa loob ng kupasing roba.

"Jing, hindi ka ba titigil huh? Bisita ko siya, wag mong hayaang ako pa ang mabuwiset sa presensya mo." Seryosong sambit ng matandang lalaking si Master Liwei na halatang may pagbabanta sa tono ng pananalita nito.

"Oh wow, coming from MASTER LIWEI. As if naman na mapapatahimik mo akong kupal ka. Alam mong halos kapantay lamang tayo ng posisyon sa loob ng Jade Auction House kaya ayusin mo ang pananalita mo!" Ganting sagot naman ng matandang lalaking si Master Jing. Hindi niya hahayaang aapi-apihin laamng siya o gawing sunod-sunuran ng pesteng nilalang na katulad ni Master Liwei na in fact ay kapantay niya lang ng posisyon sa loob ng Jade Auction House. Para sa kaniya ay sino ito para utusan siyang tumahimik?!

"Talaga ba? Mukhang bilib na bilib ka sa sarili mo Jing ah. Alam naman natin na hindi mo yan pinaghirapan ko saan ka ngayon." Patutsada naman ng matandang lalaking si Master Liwei habang nakatingin ito sa direksyon ni Master Jing. Hindi niya hahayaang maging hari-hari na ang pesteng si Jing dito. Ni hindi niya ito kailanman pinapakialaman ngunit palagi siya nitong kinikuwestiyon. Hindi din siya magpapaapi rito at basta-basta lamang aatras.

"Ano'ng ibig mong sabihin Liwei, na hindi ako karapat-dapat sa posisyong ito bilang isang Auction Master ng Jade Auction House?! Ganon ba?!" Inis na sambit ng matandang lalaking si Master Jing habang makikitaan ng iritasyon ang mukha nito. Ang kapal din nitong gamitin sa kaniya ang pangyayaring ito upang baliktarin ang sitwasyon. Naiinis talaga siya sa pangyayaring ito. Kung hindi dahil sa rules ng Jade Auction House ay noon pa nagkaroon ng giyera sa loob ng pook na ito.

"Wala akong sinasabi. Baka nga hehehe...!" Pasimpleng sambit ng matandang lalaking si Master Liwei. Yung animo'y wala siyang sinasabi pero bakas ang pang-iinis sa tono ng pananalita nito

"Grrrr... Good, mukhang ginagalit mo talaga ako Liwei!" Pasinghal na sambit ni Master Jing habang makikitaan ng pagpipigil sa sariling mag-alburuto sa labis na inis at galit.

"So ano'ng gagawin mo? Magpapaawa ka naman sa lider natin? Yan naman ang palagi mong ginagawa eh!" Mapang-asar na sambit ng matandang lalaking si Master Liwei. Akala nito ay magpapatalo siya rito. Sinong sinindak nito? Siya? Alam naman ng lahat kung ano'ng pag-uugali ang meron si Master Jing na siyang kinaiinisan ng lahat. Napakasipsip kasi nito ngunit hindi naman makaprotesta ang iba.

"Hmmmmp! Hindi ko talaga aakalain na ganyan din kakapal ang pagmumukha mo na sabihin sakin yan Liwei, maghintay ka lang dahil mapapaalis rin kita sa loob ng Auction House na ito!" Mapagbantang sambit ni Master Jing habang hindi mapaismid sa huli. Ayaw na ayaw niya ang pag-uugali ni Master Liwei. Yung tipong ang presensya pa lamang nito ay maiinis at kainis-inis na talaga para sa kaniya.

"Oh, talaga ba? Sa pagkakaalam ko ay hindi ka naman galing mismo rito. Ikaw ang sampid sa Jade Auction House!" Matapang na sambit ni Master Liwei habang pinapamukha nito kung sino ang nauna rito at kung sino ang baguhan lamang sa larangan ng trabahong ito na pagsusubasta. Kung sino man ang outcast sa kanila ay si Master Jing ito.

"Hindi ka pa rin makamove on sa pangyayaring iyan. Matagal na kong naririto. Ang importante ay kung sino ang may mas malaking kontribusyon sa loob ng Jade Auction House. Hindi parehas sa'yo, nangangapa pa rin ng salapi, ni hindi makaabot sa standard na kita ng isang Master ng Auction House." Mapang-asar na sambit ng matandang lalaking si Master Jing. Hindi siya aatras sa pagbabatuhan ng argumentong ito. Alam niyang panalo pa rin siya dahil mas malakas ang kapit niya sa Auction House Leader lalo na sa mga kasosyo niya maging sa malawak na koneksyon niya sa pagsususbasta. Hindi siya magpapatalo sa pipitsuging Auction Master na si Master Liwei.

Tila napikon naman ang matandang lalaking si Master Liwei sa mga salitang ito na sinabi ng matandang lalaking kapwa niya Master na si Master Jing.

"Maghintay ka lang MASTER JING dahil ihahampas ko sa'yo ang perang malilikom. Hindi nga nagrereklamo ang lider natin tapos ikaw puro ka nalang dada ng dada." Tila naiinis na sambit ni Master Liwei. Yung tipong halos mapikon na siya rito pero pinipigilan niya lamang pumutok sa inis at galit na nararamdaman niya.

"Malamang sa malamang ay dismayado na ang Lider natin sa'yo. Sino ba naman kasi ang magugulat sa pinapakita mong mga halaga ng salapi pagkatapos mong magpasubasta hindi ba? Ni wala man lang binatbat sa kinikita ko sa bawat pagsusubasta. Nakakahiya ka!" Mapanuyang sambit ni Master Jing kay Master Liwei habang nakapaskil pa rin ang nakakaasar na ngisi nito.

Tila dumilim naman ang pagmumukha ng matandang lalaking si Master Liwei sa sinasabing ito ni Master Jing. Aaminin niyang maliit man ang kaniyang nalilikom na pera ngunit hindi naman to the point na hindi siya nakakakalahati sa nalilikom na salapi ni Master Jing.

"Balang araw ay maipapamukha ko sa'yong sampid ka na mayroon pa rin akong halaga para sa Jade Auction House." Seryosong sambit ng matandang lalaking si Master Liwei habang nakatingin sa direksyon ng matandang lalaking si Master Jing. Halatang inis pa rin siya rito.