webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 137

Pagkatapos nito ay mabilis siyang lumakad papaalis ng lugar na ito na tila nakaramdam siya na tila na-hotseat siya at hindi stable ang lagay ng pag-iisip nito.

Nagpupuyos man sa inis at galit na nararamdaman ang matandang lalaking si Master Jing ay hindi na niya nagawa pang makabato pa ng masasamng salita laban kay Master Liwei. Kahit na inis na inis siya sa matandang hukluban na kasama ni Master Liwei ay wala siyang paanhon upang pag-aksayahan ito ng oras. Mas magandang atakehin na lamang ang mortal na Kaaway niya rito. Isa pa ay hindi siya maaaring mangialam pa sa oras na ito lalo pa't may punto rin ito dahil ilang minuto lamang ay mag-uumpisa na ang nasabing gagawing pagsususbasta na pangungunahan ng mortal niyang kaaway na si Master Liwei.

Isa pa sa ikinakatakot at ikinaalarma niya ay baka siya pa ang sisihin ng Jade Auction House Leader dahil sa delay na nagaganap at baka maisipan pa ng hangal na si Liwei na gamitin ito upang masamain siya sa kanilang lider na siyang hindi niya hahayaang mangyari.

"Just you wait Liwei, may araw ka rin sa akin! Hmmp!" Naiinis na sambit ng matandang lalaking si Master Jing sa kaniyang isipan lamang. Hindi niya gusto ang pangyayaring ito ngunit kailangan niyang ilugar ang kaniyang sariling kapakanan. Kung magpupumilit siya ay siya pa rin ang magmumukhang talunan.

Sa totoo lang kasi ay masaya siya sa mga oras na ito. Nasa kaniya pa rin ang huling halakhak.

Agad siyang umalis sa lugar na ito na salungat sa direksyon ng lugar na isasagawa ang pagsususbasta ni Master Liwei. Alam naman kasi niyang kagaya ng mga nauna at nagdaang pagpapasubasta nito ay maliit pa rin o kapiranggot lamang ang malilikom nitong salapi. Hindi kagaya niya o nila na hindi matatawaran ang halaga ng salaping nalilikom niya bawat auction na isinasagawa niya.

So far ay nasa magandang mood ito paalis ng lugar na ito. Nagpipigil lamang siya ng kaniyang inis kay Master Liwei. Mas itutuon niya ang kaniyang sarili kung paano niya mapapaalis ng tuluyan ang pesting si Master Liwei sa Auction House na ito.

...

Naging maayos naman ang pagsuyod ng daan nina Master Liwei at Honorable Long (Li Xiaolong). Bawat dinadaanan nila papasok sa pasilyong ito ay nagbibigay galang sa matandang lalaking si Master Liwei.

Napakaayos naman ng paglalakad nila ngunit hindi lingid sa kaalaman ng batang lalaking si Li Xiaolong na makikita ang matinding inggit, galit at pandidiri sa kaniya ng mga iilang mga nilalang na nakakasalamuha ng matandang lalaking si Master Liwei. Nakita niya pa kung paano siya pag-usapan ng mga ito ngunit mabilis naman niyang isinawalang-bahaal ito.

Nakarating na rin sila sa loob ng malawak na silid kung saan gaganapin ang pagsusubasta. Sa ikatatlong palapag siya ng silid inilagay ng matandang lalaking si Master Liwei. Masasabing isa itong VIP room. Dahil na rin dito ay nakakuha ito ng marmaing atensyon mula sa marami. Nang nawala na nga sa pwesto niya ang matandang lalaking si Master Liwei ay mabilis na nagbulong-bulungan ang mga usisero't usisera lalo na sa unang palapag kung saan naroroon ang mga ordinaryong mga martial artists na walang nireserbang silid o hindi ganon kaimportanteng tao na may mabanang posisyon lamang sa lipunan.

Magkaganon man ay hinayaan na lamang ito ng batang lalaking si Li Xiaolong lalo na at ayaw niya ng gulo o maka-offend ng sinuman sa mga ito. Alam nkya kasing mayroong mga nilalang na tinatawag na low-key at mahilig magtago sa mga ordinaryong mga nilalang lamang, kung sakaling ma-offend niya ito ay siya rin ang mamomroblema. Mas mabuting hayaan na lamang na siya ang batuhin ng mga salita kaysa siya pa ang makasakit o maka-offend sa malalakas na ekspertong umaaligid-aligid lamang.

Nakita na lamang ng batang lalaking si Li Xiaolong na naroon sa kabilang pwesto ang tatlong indibiduwal na sa tingin niya ay kanina pa nakarating dito na walang iba kundi ang pinaniwalaang nanggaling pa sa Dou City. Wala siyang panahon upang tandaan ang pangalan nila o makipag-ugnayan sa kanila.

Naagaw naman ang atensyon niya maging ng lahat ng dumating ang isang matipunong lalaki na may maamong mukha habang nakasuot ito ng kulay pulang roba. Nagsusumigaw sa karangyaan at pagiging noble ang nasabing bagong dating na nialang na ito. Sa postura at dating palang ng presensya at kasuotan nito ay masasabing nabibilang ito sa upper echelon ng lipunan.

Dahil sa pagdating ng nilalang na ito ay nag-umpisa namang magbulong- bulungan ang mga taong naririto. Tila ba ang pagdating ng nilalang na ito rito ay isang malaiing big deal o big deal nga ba?!

This time ay hindi mapigilan ng batang lalaking si Li Xiaolong ang makinig. Tila pakiramdam niya ay pamilyar sa kaniya ang awrang nakapalibot sa nasabing lalaking bagong dating na ito na malayo ang pwesto ng silid nito sa kaniya. Good thing is malapit lamang sa kaniyang kinaroroonan ang mga tumpok ng mga tao kaya maririnig niya ng malinaw ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Si Prince Feng yan diba? Galing siya sa Yuán Family ng Sky Flame Kingdom!"

"Totoo ba yang sinasabi mo baka nag-iimbento ka lang!"

"Sa tingin ko ay si Prince Feng nga yan. Hindi nga lang siya ganon katanyag sapagkat anak lang naman siya ng isang concubine nt mismong hari ng Sky Flame Kingdom."

"Totoo yan, hindi ganoon kalaki ang ginagampanan nito sa loob ng Sky Flame Kingdom. Sa lahat ng anak ng hari ng ating Sky Flame Kingdom ay siya lang ata ang masasabing walang tsansang mapili bilang umupo sa trono."

"Tama ka sa sinabi mo. Kailan pa nagkaroon ng pagkakataon ang sampid sa pamilya. Malamang sa malamang ay ang napiling maging Crown Prince at ang sumusunod sa yaoak nito ang maihalal bilang susunod na hari."

"Usap-usapan na rin kasi na may malubhang karamdaman ang hari ng Sky Flame Kingdom at matanda na rin ito kung tutuusin. Siguradong totoo nga ang bali-balitang ito na lumalaganap na sa mga bayan rito."

"Magsitigil nga kayo at wag maingay, kapag narinig kayo ni Prince Feng ay baka kayo pa ang pag-initan nito at maparusahan."

Tila napatahimik naman ang mga usisero't usisera na nag-uusap usap. Masasabing sang-ayon sila sa sinasabi ng mga ito. Kasabay rin nito lamang ay nag-umpisa na nga ang pagpapasubasta ng mga bagay-bagay sa okasyong ito.