webnovel

3

"Ijo, kumusta!" Mabilis na nakalabas ng bahay sina Ma'am Cha at mga katulong pagkarating namin sa garahian.

Diretso ko nang kinuha ang mga gamit sa likod. Nandun pa rin ang galit ko sa puso. Nakakainis talaga.

Tumulong na rin sa akin sina Aling Bering.

"How was your journey?" Tanong ni Ma'am Cha sa kanya.

"It was good tita...except--- " Bigla siyang lumingon sa akin. Don't tell me ako ang nakapag badtrip sa kanya. Siya nga tong nang badtrip sa akin. Napaka-inosenteng sumagot sa kanyang tita eh ahas naman pala. Para sa akin, hindi bagay sa kanya ang ngumiti dahil kitang-kita naman na plastik lang.

'Except---?' Mukhang na-curious si Ma'am Cha.

"Ahh, it was nothing Tita." Buti na lang, sagot niya habang nakipag beso-beso dito.

"Okey, pumasok na tayo. I'm so sorry Ijo. I'm just so busy. Kaya si---"

"It's okey tita. It's okey." Mukhang ayaw niya talagang ma mention ang pangalan ko.

Don't worry. Wala din naman akong plan na makipagkilala sa'yo. Napaka-malas at nabasa ko pa pangalan mo.

Dumiretso na sila sa sala habang kami ay abalang-abala sa paghahakot ng mga bagahe niya.

'Ija, just put it in his room. Mamaya na natin yan i-aarange." Utos ni Ma'am Cha sa amin.

Napaka-spoiled naman niya kung kami pa ang mag-aarange ng gamit niya.

"Eliza?"

"Yes ma'am Cha?"

"We'll talk later, ok?"

"Ok po Ma'am."

Naku, ano kaya ang sasabihin niya sa akin. Kailangan ko ring banggitin sa kanya ang nais ko. Di bale ng maging muchacha ako sa bahay na 'to. Huwag lang maging PA niya. As in Personal Assistant niya? Feeling ko, hindi ko talaga keri.

Matapos maipuwesto ang mga bagahe, tinulungan ko na si Aling Bering. Hinihntay ko rin ang oras na kakausapin ako ni Ma'am Cha. Ilang oras din ang lumipas. Malapit na mag-alas syete. Baka nag-aalala na sila mama. Hindi ko nasabi sa kanila kung nasaan ako kaya nilapitan ko na si Aling Bering upang humingi ng tulong.

"Aling Bering.. pwede ko po bang kausapin na si Ma'am Cha? Hindi po kasi ako nakapag-paalam ng maayos kina mama. Hindi ko rin nasabi sa kanila kung nasaan ako."

"Ahh oo nga Ija. Halika.' Buti na lang mabait din itong si Aling Bering. Mukhang hindi takot na isturbuhin ang amo niya.

"Kakarating mo lang Ijo. May gagawin ka na agad?"

Narinig namin ang pinag-uusapan nila.

"Yes, tita. I can't disappoint the agency. I need to continue doing the photoshoot even if I'm here."

"So, what about your studies?"

"I'm doing fine. And I plan to continue it here."

"That's good Ijo. But, you can't do it alone Ijo."

"What do you mean tita?"

Kumakabog na ang dibdib ko. What if---

"Aling Beriiingg!!" Tawag ni Ma'am Cha.

Medyo nataranta kaming dalawa ni Aling Bering dahil kanina pa kami nakikinig sa kanila.

"O-opo ma'am."

"Nasaan si--"

Mukhang alam na yata ni Aling Bering kung sino ang hinahanap.

"Andito po ma'am." Itinulak niya ako sa harapan ng mga ito. Bigla namang sumimangot si Sir Mayabang.

'Ija, sit down. We need to talk about something. Maupo ka muna."

Nagdadalawang-isip man ngunit umupo na rin ako.

Ano kaya 'to?

"Ija, this is my nephew."

"Yes,ma'am"

"You want work right?"

"Yes ma'am." Sagot ko ulit sa malumanay na boses. Hula ko na yata ang nais niyang iparating. Tiningnan ko si Sir Mayabang. Hindi ko alam kung anong iniisip niya.

"I want you to be his PA."

Hindi ko maiwasang ma-shock. NO! NEVER! NEHEHEHE-VERRRR!

"Do you know what I'm tryin' to say?"

"Opo ma'am."

"Don't worry. Lalakihan ko ang magiging sweldo if you do good. Okey?'

Tama. Bawal ang personal feeling sa trabaho. Hindi ko naman din siya kaano-ano. Bahala na basta magkaroon lang ako ng trabaho.

'

"Okey po ma'am. No problem."

Napangiti naman si Ma'am Cha sa sinabi ko. Naisip ko. Hindi naman siya ang problema eh. Kailangan ko ng pera para maipagpatuloy ni bunso ang kanyang pag-aaral. Simula ngayon kailangan kong kontrolin ang sarili ko. Kahit gaano pa siya kayabang.

"Sige po ma'am. Uuwi na po ako."

"Wait... Aling Bering.. dalhin mo muna si Eliza sa kusina. Give her some snacks."

"Opo ma'am."

Ha? Wala ba siyang planong pauwiin ako?

"Naku, huwag mag-alala." Sabi ni Aling Bering sa akin.

Sige, malapit lang din naman ang bahay namin. Trisikel lang ang sasakyan ko pag-uwi.

Naisip ko muli. PA? Ahhh.. brrrrrrrrrr... Okey lang yan Eliza.Isipin mo ang pamilya mo. Huwag ang mayabang na yan. Besides, you need salary, not him.

Napabuntong-hininga ako.

I waited na naman for a few minutes. Tinulungan ko na si Aling Bering ngayon sa pagluluto. Grabe. Ang daming nilang katulong. Nasaan na kaya yong iba? Hindi ko man lang namalayan na wala na yong iba. Nag-usap-usap na rin kami ni Aling Bering tungkol sa kanyang mga gawain sa bahay na ito. Maya-maya, ipinatawag akong muli ni Ma'am Cha. Kinakabahan na talaga ako.

"Ija, please help Thomas fix his things please. And dito ka na matulog. Kinausap ko na parents mo. And it seems they agreed since kakilala naman pala nila si Aling Bering so no problem."

Napanganga ako sa sinabing ito ni Ma'am Cha. Ang bilis naman yata. Saan naman siya kumuha ng cellphone number wala naman akong binigay sa kanya. Natulala ako medyo. Hindi ko talaga akalaing mabilis din naman pala to si ma'am. Hindi ako makapaniwala.

"Aling Bering, ikaw ng bahala sa tutulugan niya ha?'

"Walang problema po Ma'am."

Umakyat na din siya sa itaas.

"Aling Bering?"

Huhuhu, hindi alam nina mama to. Wala silang kaalam-alam sa plano ko.

"Ano ka ba, ok lang yan. Puntahan mo na si sir. Tapos bumaba ka dito sa kusina. Sabay na tayong maghapunan."

"Ah, o-opo Aling Bering."

Mukhang nakalimutan ko yata kung saan ako puputa. Wala ako sa isip. Gusto ko sanang umuwi. Malalim na ang gabi. Kailangan ko pang tulungan si Mr, Mayabang sa kanyang mga gamit. Nakakainis naman o.Trabaho to...

Bulong ng isip ko.

Tugs!

Walang-wala talaga ako sa isip ko. Nabangga tuloy ako sa pintuan ni Mayabang.

"TSK TSK TSK. Wala na talagang mas tatanga pa sayo."

Ayon nakatayo na siya sa harap ng kuwarto niya. Crosshanded. Isa pa... lumaki talaga ang mga mata sa aking nakita. Napakakalat ng gamit niya. Yung iba niyang mga bagahe nasa kama. Kalat na kalat. Hindi ko talaga maimagine.

Ganun ka ba nag-aayos ng gamit?

"Ano pang tinatayo-tayo mo dyan?'

"Iligpit mo na 'to. Gusto ko ng matulog. Pwede mo bang unahin tong nasa kama?"

Ahhhhhh!!!! Parang puputok na talaga ang ulo ko sa galit. Sabi ko na nga ba eh!

"YES SIR!"

Kinuha ko na agad ang mga nagkalat na damit sa kama. Ayoko ng makipag-talo pa. Kundi mababaliw na ako.

"Hayyyy... thank God!"

Dumiretso na agad siya sa kama upang humiga. Hmmm???

'Teka? Hindi mo ba ako tutulungan?"

"Can't you see? I'm sleepy. PA kita, kaya trabaho mo na yan."

"Alam mo? Napakatalino mo rin ano? Paano ko malalaman kung saan ko ilalagay tong mga gamit mo. Dapt ikaw magsabi sa akin."

"Kaya mo na yan." Sinuong na niya ang ilalim ng kumot. Mukhang seryoso talagang matutulog na siya.

Bahala ka. Ilalagay ko to kung saan ko gusto. Ikaw nang bahalang maghanap. Bahala ka!

"Hoy! Ano to?"

"Ano na naman?"

Hinila ko ang kumot niya para makita niya ang hinahawakan ko.

"Wala ka talagang hiya ano? Pati undies mo, ako pa ang magliligpit."

Itinapon ko sa kanyang mukha ang brief niya.

"Hmm.. " Sarkastikong ngiti nito. "akala ko itatago mo."

"At bakit ko naman itatago? HA!"

" Aseess... You know? for.. inspiration."

May tupak din pala ang taong 'to no? Bigla kong naalala ang mga teleserye, drama, at pelikula kong napapanood. The more you hate, the more you love ba ka'mo? Tapos may istorya ring, hindi sila magkasundo pero sa huli, nagka-debelopan? Luma na yan. It will never happen to me.

"Hoy! Anong iniisip mo? A a ahh..."

"Wala!"

Ipinagpatuloy ko na ang pagliligpit.

"Sige... ahhh.. wait." pagdaragdag pa niya. "Bukas, I need to talk with you about something."

"OO NA!"

Galit na talaga ako pero iniiwasan ko lang marinig ni Ma'am Cha. Kailangan ko ang trabahong ito. Kailangan kong makaipon ng pera.

zzzzzzzz....

Aba! Tulog na si Demonyo. Minadali ko na ang pagliligpit upang makalabas na ako sa kuwarto niya. Napakarami. Kailangan ko pa 'tong itipo ulit dahil sobrang kalat nito. Inayos ko talaga ang pagkakaligpit. Bahala na talaga siya kung saan niya hahanapin ang susuutin niya. Inihanger ko yaong mga damit na may malalambot na tela. Ang dami ring accessories. Anong klaseng tao ba 'to? Daig pa ang babae sa kaartehan? At last, for 45 minutes, natapos ko na rin. Alas nuebe na ng gabi. Naku! Napakalonely naman ng bahay na'to. Mga freelancer lang ba yung mga katulong kanina. Hininaan ko na ang mga apak ko sa hagdanan upang hindi makadisturbo.

"O ija? Tapos ka na? Halika na kumain na tayo."

"S-sige po Aling Bering."

"Ano ka ba. Ang haba-haba naman ng tawag mo sa akin. Manang na lang o di kaya ay tiya."

"O s-sige po. Mas ok nga po yun eh hehe."

"Teka po. Tatawagan ko po muna sina mama."

Kinuha ko agad ang cellphone ko para tawagan sina mama.

"Huwag kang mag-alala. Tinawagan ko na sila. Ipinaliwanag ko na sa kanila kaya huwag ka ng mag-alala. Ang importante, may trabaho ka na. Di ba, yun ang gusto mo?"

"Talaga po? Siyempre naman po. Salamat nga po pala A---- Tiya. Hahaha."

"Hahaha. O sige kumain ka na."

"Salamat po. Umaga lang po ba maraming tao dito?" Hindi ko na talaga matiis ang pagtataka.

"Ahhh oo.." sagot naman ni A--- Tiya Bering. "kinuha lang sila ni Ma'am para makatulong sa paglilinis pero ang totoo ako lang talaga mag-isa dito, si Gerry, umuuwi din yon tuwing alas otso. Si Loren naman yung assistant ni ma'am, pumupunta lang din dito kapag ipinapatawag ni ma'am." dagdag pa niya.

"Talaga po? Wow!" hindi ko maiwasang mapamangha. "Tapos, hindi po nababawasan ang sweldo."

"Hindi."

Sana, naging katulong na lang ako. Sa tingin ko mas madaling maging katulong sa bahay lang kesa maging PA mayabang na Thomas na yan.

Kriiingggggg!!!!!!!!!!!!!!!!

Muntik ko ng maitapon ang kutsarang hawak-hawak ng tumunog ang mala teleponong nakadikit sa dingding sa kusina.

"PA! Water please.!"

HAHAY! Babagsak na yata ang mundo ko!