webnovel

4

"Monday to Friday, you'll be with me 24/7. Saturday and Sunday tha'll be your break. But! It's optional. Kapag ipinatawag kita. Tick! Dapat nandito ka na."

Akala mo'y may-ari ng isang kompanya na nagdidikta sa kanyang mga empleyado sa aking harapan itong si Mr. Mayabang.

"Ano? Break tapos kung tatawagan, kailangan pa kitang puntahan?! Napaka-unfair naman yata nun!"

Alas kwatro y medya ng umaga ay ginising na niya ako. Akala ko ba kung anong importanteng bagay ang sasabihin niya sa akin. Tungkol pala ito sa magiging schedule ko sa kanya. Kumbaga orientation? Naiinis na talaga ako sa kanya pero sat'wing naalala ko ang purpose ko sa trabahong ito medyo napapawi ang pagkainis ko sa kanya.

"O sige po, Boss."

Patango-tango na lang ako sa mga sinasabi niya habang nakaupo sa sofa at hawak-hawak ang notebook at papel. Minsan pasilip-silip pa si Ma'am Cha sa amin kaya hindi ko magawang magalit sa harapan niya.

"Umaga't gabi, ikaw magliligpit ng mga gamit ko.Ikaw mag-lalaba. Hindi ako sana'y na kung sino-sinong maglalaba sa mga damit ko."

Gusto ko na talaga siyang sitahin sa mga pinagsasabi niya.

Pigil...Relax...Inhale...Exhale..

Ang lakas maka-demand..! Maya-maya tumigil din siya. And dami na niyang pinagsasabi.

"Aling Beriing, anong oras na po?"

Tinanong niya si Tiya na noo'y namumunas sa sala.

"Alas siyete y medya na po sir."

Bigla na lang niyang itinapon sa akin ang dala niyang papel at bolpen at humarurot sa itaas.

"Be ready. I should not be late."

Ano?

"Opo Sir....!" Ang yabang talaga!

-----

Kumukulo na ang tiyan ko. Ilang oras na ang binyahe namin. Nakalimutan ko na palang kumain dahil sa pagmamadali namin. Saan ba kasi kami pupunta. Ang dami niyang dalang damit. Ano kayang gagawin niya sa mga ito?

"Manong bilisan mo baka male-late na ako."

Gaano kaya ka-importante ang pupuntahan namin at nagmamadali siya. Naawa ako kay Manong Gerry. Napaka-demanding niya kasi. Gusto yata kaming i-disgrasya sa pagmamadali niya.

Sa tingin ko. Naapakalayo pa namin. Kaliwa, kanan, likod, harapan. Wala naman akong makitang bahay eh. Sa gawing kanan ay ang napakagandang buhay na karagatan. Gumuguhit pa ang mga asul na ulap sa ibabaw nito. Napakagandang tingnan. Ang lamig pa ng hangin dala ng sea breeze 'ata at ang mabilis na takbo ng sasakyan.

"Malapit na tayo. " tinuro niya ako. "ikaw, dapat sumunod ka sa akin kahit saan ako pumunta at dapat dala-dala mo ang mga ito."

Iba ka rin ano? Ibig yata niyang sabihin ay ako ang magdadala ng mga gamit na iyon.

Maya-maya, himinto na ang sasakyan. Wow! Hindi ko namalayang nakarating na pala kami. Parang may pormang aisle ang dating. Nakahilera sa bawat gilid ang iba't ibang uri ng bulaklak. Ang ganda ng paligid. Kinuha ko na lahat ng gamit at saka bumaba. Napakaganda. White sand to ah. Tapos sa may unahan. Nakahilera rin ang limang tent. Ang daming tao. Para yatang magkakaroon ng shooting.

Teka, huwag mong sabihing, artista ka?

Umiral na naman ang pagka-ignorante ko. Napatitig ako kay Sir Mayabang. Pwee? Dee nga?

"Thomas, hey! Bakit ngayon ka lang?"

Lumapit sa amin ang isang lalaking medyo may katandaan na na nakasuot ng eyeglass na may kaunting balbas sa ibabaw ng kanyang mga labi.

"Sorry, direk. Medyo may kalayuan din kasi tong napili mong lugar."

"Siyemprre. Don't you like it. Ang ganda ng lugar. It's not just and ordinary seashore. May nag-aalaga dito kaya nga ang ganda-ganda di ba?"

Ayyy?? Bakla? Napabuntong-hininga na lamang ako. Sa istio ng kanyang pananalita, parang medyo gay din naman pala ang lalaking ito.

"Sino siya?"

"Ahh, this is my PA."

"Ahh okey."

Huwag mong sabihinh pagseselosan mo ako?

"Okey, let's get started. Nandito na si Thomas. " sabay palakpak ng kanyang kamay.

"Okey,' nagre-ready na si boss. " remember what I've told you huh. You have to keep an eye on me. Huwag kang aalis. Huwag kang pupunta kahit saan. I need this clothes. Kaya dapat dala-dala mo palagi yan. Okey"

"O-okey po BOSS. hAISSHH!" sagot ko sa kanya. Imaginin mo yun? Ang dami niyang pinagsasabi.

Ahhh, so hindi pala to film shooting kundi photo shoot lang. Ahhh... okey. Wala akong ideya dun eh. Kapag nagpophoto-shoot, kailangan pa ba talagang pumunta sa malayong lugar. Di ba pwedeng magset na lang ng background?

'Pssst! Ano pang ginagawa mo/ Halika na."

"Ahh. y-yes boss!"

Nahihiya ako. Paano, ang daming tao. Lahat sila busy. Wala man lang akong makausap samantalang si boss ay busing-busy sa pag po-pose. Akala mo'y si Jake Cuenca ang dating. Yung ibang assistant mukhang kinikilig pa kapag nakikita ang abs niya. Seesss!!! Ano bang meron sa abs at ang daming nahuhulog dyan.

Sobramg na bo-bored na talaga ako.

"Excuse me."

Lumapit sa akin ang isang babaeng naka-black at feeling ko isa yun sa mga tauhan ng director of photography.

"Ba-bakit?"

"Kanina pa kasi kita tinitignan, mukhang na bo-bored ka yata. Bago ka pa sa mga ganito, ano?. Akin na yan."

"A-alin? Ito? Ahh, oo nga eh. Feeling ko gusto kong matulog haha."

Ang tinutukoy pala niya ay ang mga damit kong dala-dala.

"Oo. Mabigat yan. Ako na ang bahala. Ganun talaga kapag pictorial." sabi niya.

Mukhang mabait naman ang babaeng ito. Siya pa ang nakapansin sa akin sa dinami-daming tao dun. Sa tingin ko safe din naman yata na ibigay ko sa kanya ang mga iyon dahil kasama naman siya sa team.

"Sige, ako ng bahala. Akin na."

"Talaga? Okey lang?"

"Oo okey lang. "

"Sige salamat ha."

Naisip kong bumalik sa sasakyan dahil nandun naman si Manong Gerry.

"Ahh, miss. Pakisabi na lang kay Sir Thomas ha na bumalik ako sa sasakyan. Babalik na lang ako dito mamaya kapag tapos na ang pictorial."

"Okey, no problem." :)

"Ahh, miss ako nga pala si Eliza. :)"

";) Ako si Louriel."

"Sige, salamat ha."

"Okey lang Eliza."

Humakbang na ako palayo sa site.

Hmm.. mukhang magandang mag stroll dito ah. Napakaganda talaga ng lugar. Sinimulan ko ng baybayin ang tabing-dagat. Napakaganda ng bawat hampas ng alon. Humahalimuyak ang hangin sa bango ng mga bulaklak sa di kalayuan. At kaygandang pagmasdan ang bawat paligid. Sobra akong naaliw sa aking paglalakbay. Hindi ko na naisipang bumalik sa sasakyan. Di ko na rin namalayang, umakyat na pala ako sa pang-pang. Wow! Mas magandang tignan dito. Mula sa itaas. Kitang-kita ko sina boss at ang mga staff. Kitang-kita ko rin si Mang Gerry sa loob ng sasakyan na busing-busy din sa pakikinig ng musika.

Ang ganda talaga. Sana dito nakatirik ang bahay ko. Ang sarap siguro ng feeling. Paggising mo sa umaga. KItang-kita na ang asul na dagat at sasalubungin ka pa ng malamig at humahalimuyak na simoy ng hangin.

Sa ibaba ng aking kinatatayuan, sariwa ang bawat hampas ng alon sa gilid ng dalisdis. Kahit kailan hindi ako takot sa matataas kaya humakbang pa ako patungo sa bingit nito. Ibinuka ko ang aking mga kamay at sinalat ang masarap na hangin. Kayganda sa pakiramdam parang gusto kong lumipad.

Hhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!

Ilang saglit...

para akong dinuduyan ng hangin...

hhhhhhhhhh...

hhhhhhhhh...

hhhhhhhhh...

Hanggang sa tuluyan dumampi ang ang aking katawan sa tubig. Sa ibabaw ng alon. Napanaw ang aking diwa. Kinain ng tubig dagat ang aking buong katawan. Pakiramdam ko, katapusan na ba 'to. Huwag muna. Nandyan pa si mama, papa at bunso.

" SI ELIZA!!!"