webnovel

2

TOTOT!!!!! TOTOT!!!! TOTOTOTOTOTOTOTOTOTOT!!!!!!!!!

"Ahhhhh!!!!!!!!!!!!!!"

Naku! Anong oras na?

Alas otso na?

Bukas, bago mag 8:30 dapat nandito ka na ha.

Agad akong bumangon. Naku, first day pa nga male-late na ako. Baka hinihintay na nila ako.Nakakahiya naman kay Aling Bering at sa magiging amo ko. Hindi ko na iniligpit ang hinigaan. Agad akong nagbihis dahil wala ng time maligo. Wala na ring time para kumain. Kailangan ko munang magsepilyo kaya dumiretso na ako sa kusina matapos makapagbihis.

"O anak, gising ka na? Halika kumain ka na."

Nasa hapa kainan na sina mama at papa. Tulog pa si bunso.

"Naku ma, huwag na po."

Humalik ako sa kanilang mga pisngi.

"May nakita ka na bang trabaho?" Tanong ni mama. Hindi ko pa planong sabihin sa kanya dumiretso na agad ako upang magsepilyo.

"Ma, mamaya ko na po sasabihin.'

Pagkatapos kong mag-sepilyo. Lumabas na ako agad. Bakas sa kanilang mukha ang pagtataka.

"Manong para!'

Sumakay agad ako sa traysikel na dumaan sa aking harapan.

"Anak! Mag-ingat ka!' Dumungaw pa sina mama at papa sa bintana. Iwinagayway ko na rin ang aking kamay.

Kabadong-kabado ako. Naku, anong oras na?????

Ang sarap sabihin... Manong pakibilisan.

8:45 na ng makarating ako sa malaking bahay. Hayy salamat...

"Manong ito po bayad."

Nasa labas pa lang ako'y sinalubong na ni Aleng Bering.

"Bakit ngayon ka lang?"

"Naku, sorry po aleng Bering. Patawad po talaga."

"Okey lang, halika na. Nag-aantay si Ma'am Cha."

"Talaga po?"

Pagpasok ko...Wow, ang dami naman pala nilang katulong. At ang busy-busy yata nila. May namumunas sa sahig. May babaklas at nagbibihis ng mga kurtina. At may pasunod-sunod kay Ma'am Cha na para buntot dala-dala uli ang telepono. Sa wakas nakita niya rin ako.

"Siya na ba iyon?"

"Ahh opo ma'am." Taimtim na sagot ni Aleng Bering.

"Ahhhh.. ikaw yung kahapon." Ngayon, ako na ang kinakausap niya.

"Opo. Opo ma'am." Ngumiti ako ng bahagya.

"Nakapunta ka na ba ng airport?'

Hmm? Nakakagulat naman ang tanong niya.

Napatingin ako kay Aleng Bering ngunit sumenyas naman siya na sagutin ko agad.

"Ahhhhh.... opo!"

"Are you sure?" Manisisnang tanong ni Ma'am Cha.

Medyo nagdadalawang-isip ako. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin.

"Opo, sure po."

"Ok, good."

Inabot niya sa akin ang dalawang cardboard at isang libong piso.

"Pumunta ka kay Manong Gerry. Magsama kayo sa airport. Kung kinakailangan, gamitin mo ang pera for refuelling. I'm just so busy Ija."

"Ma'am, si Sir Thomas po."

Tawag na naman.

Agad naman siyang umalis para sagutin ang tawag. Hindi ko alam kung anong gagawin. Anong pupunta sa airport?

"Halika ka na, Elisa. Sasamahan kita sa garahe."

"Ano pong gagawin namin sa airport Aleng Bering. Sino pong susunduin."

" Si sir Thomas, Sige na bilisan niyo."

Hindi pa rin maipinta ang aking ekpresyon. Napaka-weird naman ng pakiramdam ko. Nakakatakot naman.

"H-hello po manong Gerry. Ako po si Elisa." Pagbati ko sa driver. Siyempre, bago ako eh. Kahit hindi naman ako ganun ka friendly may sense of getting-along-with other people din naman ako.

Ni hindi man lang ako nilingon at tiningnan ni manong Gerry at agad ng sumakay sa driver's seat ng sasakyan.

Hmmm? Sumakay na lang ako agad sa backseat.

Kinakabahan ako. Oo. Natatakot? Nahihiya? Hindi ko alam! Sino ba kasi susunduin ko dun? Napakatahimik ng paligid ko. Tanging ang tunog ng pagtakbo ng sasakyan ang siyang maririnig.

"Ayyy!"

Akala mo'y nabundol ang sasakyan.

"Manong? Okey lang po ba tayo?"

Napaka-isnabiro naman nito ni Mang Gerry, kanina niya pa ako hindi kinikibo. Minsan nakakatakot din siyang tingnan dahil mahaba ang kanyang buhok. Akala mo'y kontrabidang kidnapper sa isang pelikula.

Ilang minuto pa. Humina na ang takbo ng sasakyan. Bahagya itong lumiko

Eeee... airport!!!! Nakakahiya. Tapos ito yung damit ko? Hindi ko naman akalain na ura-urada akong uutusan ng ganito. Ganito ba ang mayayaman. Dapat sila ang susundo kasi pamilya nila iyon eh. Sa bagay sobrang busy talaga ng mayayaman. Tawag dito, tawag doon. Walang pahinga.

Pero natatakot talaga ako. Ang huli kong punta sa airport ay yung hinatid namin ng mga kaklase ko ang bestfriend kong si Jen.

Eeeee... hindi ko na matandaan. Basta nakakahiya.

Maya-maya...huminto na si Manong Gerry. Sumilip ako sa bintana ng sasakyan.

Oh, Diyos ko! Kasalanan ko ba kung lumaki akong ignorante?

"Sige na bumaba ka na. Dito na ako maghihintay."

Sa wakas nagsalita na si Manong Gerry.

Kaya pala hindi niya ako kinakausap dahil hindi naman pala niya ako naririnig. Kanina pa nia suot ang kanyang headset.

Wow, sabay pala sa uso tong si Manong. Pa head dance, head dance pa.

"Psst... baka nakababa na si Sir. Bilisan mo."

"O-opo."

Agad na akong bumaba. Ewan ko pero parang pinipigilan ng mga paa ko ang paggalaw. Huhu...and daming tao. Ang dami nang dalang bagahe. Ang gaganda ng kanilangga suot.

Hmp! Bahala na.

"Ija.. ! Nakalimutan mo."

Hay naku.. ang tanga ko talaga. Nakalimutan ko ang cardboard. Tama! Picture yun at name ni Sir Thomas.

"Salamat po."

Dumiretsp agad ako sa arrival area.

Curious ako kung anong mukha ng Sir Tomas na yan. Sa sobrang kaba ni hindi ko man lang natignan ang carboard na yun.

Woaw! Ang buong akala koy tanda na ang susunduin ko. Mukhang binata yata to ah! Hmmm...more than that, may hitsura din.

Ayan! Nagsilabasan na ang mga tao. Napaka-ignorante ko talaga. Kung ano-ano na lang ang gestures na pinanggagawa ko. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao.

Iwinagayway ko talaga ang dalawang cardboard na may pagbati, picture at pangalan ni Sir Thomas.

WELCOME HOME! DEAR, THOMAS! :)

Hmmm...curious talaga ako kung anong mukha niya sa personal.

Ang dami ng tao pero hindi ko pa rin siya nakikita.

"Tsk, tsk, tsk, tsk"

Nagulat ako ng lumapit sa akin ang isang lalaking matipuno ang katawan na naka leather jacket at pants na animo'y member ng isang rock band. Hinablot niya mula sa akin ang dalawang cardboard. Siyempre nagulat ako.

"Akin na nga to!

Nagtagpo ang mga kilay nito habang hinablot ang mga cardboard.

Ilang segundo din bago ko marealize na siya pala ang hinihintay ko.

Hmmp! Napaka-arogante naman nito. Ipinasa niya sa akin ang mga bagahe niyang dala. Sa bigat nito muntik na talaga akong mawalan ng balanse.Muntik ko nang maimumod ang mukha ko sa sahig. Nakakainis! Pinagtititiigan ako ng mga tao.

"Ikaw ba magiging PA ko? Dalhin mo lahat ito." Astang mayabang nito. Tapos, umuna na siya at iniwan man lang akong naghihirap sa pagdadala ng kanyang mga bagahe. Walang puso talaga!

Buti na lang tumulong si Manong Gerry.

"O, ija. Akin na. Magandang araw po sir. " Sambit niya sabay kuha sa mga bag kong dala.

Dumiretso na si Sir mayabang sa backseat. Siyempre katulong lang din naman ako kaya doon ko na rin sana plano sumakay.

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya ng binuksan ko ang car door.

"Doon ka sa front seat. Gusto mong tumabi sa akin?"

HAAIISSHH!!!

Kung hindi lang sana siya kaano-ano ni Mam Cha. Sees!! Kanina pa sana...kanina ko pa sana siya nabugbog. Ang yabang!

Pinigilan ko na lang ang sarili ko kaya dumiretso na ako sa frontseat. Buti pa si Mang Gerry kalmadong-kalmado. Kanina pa niya suot- suot ang kanyang headset.

Handa na kaming umalis. Sinilip-silip ko si Sir mayabang sa salamin. Napaka-seryoso. At aba, naka headset din. GRRR.. Kapag tinitignan ko mukha niya. Talagang nakakainis. Napahiya niya ako s airport kanina. Pero, ok lang... sige na lang.

PA? Anong PA?

Naalala ko ang mga sinabi niya kanina.

"NEVER!"

Mas pipiliin ko pang maging tagalinis sa bahay kesa maging buntot niya.

Maya-maya... binasag niya ang katahimikan.

"Manong, ilang taon na po kayo nagda-drive?" Biglang tanong niya.

"Sampung taon na po Sir." Pormal na sagot naman ni Mang Gerry.

Eh, kanina habang kinakausap ko siya hindi man lang ako pinansin. Eto talaga si Mang Gerry o. Tsss...

" Bakit po Sir?" Lakas loob niyang tanong.

"Mukha kasing ngayon ka lang nakapag-drive."

Mukha talagang lumuwa na ang mata ko sa sinabi niya. Napakainsulto niya!

Hindi ko akalaing gaganunin niya si Mang Gerry. Mayabang na. Wala pang respeto sa nakakatanda. Insulto yun eh. Mukhang hindi na yata ako makapagpigil. Gusto ko talaga siyang suntukin. Ngunit, alam yata ni Mang Gerry ang nararamdaman ko ng mga minutong iyon. Tinapik niya ang balikat ko na para bang nagsasabing...kumalma ka, huwag mong patulan, amo natin yan.

Grrrr....

Hindi ko talagang mapigilang titigan siya ng buong galit mula sa salamin.

NEVER! Hindi ako papayag na magiging PA mo! NEVER!

"Hoy! Psst.." Bigla na lang niya akong tinawag. Wala akong ganang lingunin siya. Pero, pinilit ko ang sarili ko upang makaiwas sa gulo.

"Ano po yun Sir?" Malumanay kong sagot.

"PA... PA na magiging tawag ko sa'yo.

Attt... I don't need to know your name so don't say it anymore." Dagdag pa niya. Akala niya sasagot ako.

"And then, pag-usapan natin assignments mo pagdating natin sa bahay,"

AHHHH!!!!

Hindi ko na talaga kayang pigilan ang sarili ko. Pero wala na akong ibang magawa kundi ang sumimangot ang dumabog ng bahagya sa sahig ng sasakyan.

Hinintay ko na lang na makarating kami sa bahay.