webnovel

1

"Ma, don't cha worry. Makakahanap din ako ng trabaho."

Pilit kong ikinomfort si mama. Lagi na lang kasi siyang nasa sala nakatitig sa kisami.

"Ma... nakikinig po ba kayo sa akin? Ano po bang tinititigan mo dyan? Nagbibilang po ba kayo ng butiki?"

"O anak, andyan ka pala?"

"Yesss... kanina pa po."

"Ayy...sori anak. Ang dami ko kasing iniisip."

"Oo nga po. Eh, ilan po ba?"

"Yung problema?"

"Hindi po, yung butiki."

Atlast napa-smile ko na rin si mama.

"Anong kinalaman ko dun sa butiki?"

"Kanina pa po kasi kayo nakatitig sa kisami. Akala ko nagbibilang po kayo ng butiki."

"Ahhh..."

"Ma. Smile ka naman dyan."

Hinila ko ang kanyang mga pisngi para gumuhit ng ngiti sa kanyang mukha. Pero iba pa rin yung natural. Nitong mga nakaraang araw, patong-patong na problema ang dumating sa amin. Napuno kami ng utang. Naputulan pa ng kuryente. Nawalan pa ng tubig. 50/50 pang makapag-aral si bunso sa highschool. Matalino naman tong kapatid ko kaso naubusan na kami ng slots para sa scholarship niya. Si tatay naman, hanggang pagkain lang ang inaabot ng kanyang kita. Buti na lang at natapos ko na ang highschool. Minsan tumutulong na rin ako kay mama sa paglalabada. Kay hirap ng buhay. Apat nga lang kami pero halos di na namin mapakain ang mga sarili namin. Awang-awa na ako sa aking mga magulang. Kaya napagpasyahan kong huwag munang magkolehiyo.

"Tsss..."

O hayan na si bunso. Laylay balikat na naman. Bad news na naman to.

"O anong balita?"

"Ubos na talaga ate eh..."

"Naku... anong gagawin natin?"

Parang binagsakan na yata kami ng isang daang kilong semento sa balikat.

"Ma. Napagpasyahan ko na. Maghahanap talaga ako ng trabaho."

"Pero anak?"

"Buo na po desisyon ko ma."

"Kaya mo ba anak?"

"Siyempre kaya. Anak mo yata ako dba? Nagmana yata ako sayo."

Tinapik ko si bunso upang bigyan siya ng pag-asa.

"Huwag kang mag-alala bunso. Papag-aralin kita. Patatapusin kita bago ko papag-aralin ang sarili ko."

At niyakap niya ako.

"Salamat ate. Promise mag-aaral ako ng mabuti."

"Siyempre...dapat lang."

Hindi pa rin mawala sa mukha ni mama ang pag-aalala.

"Ahh, ma. Ako na nga po po pala ang magdadala sa mga nalabhan ng damit kina Aling Bering."

"O sige anak, salamat."

Hayy... masayahin naman si mama. Pero ngayong araw na to parang hinulugan ng langit.

Ahh basta, hahanap ako ng trabaho. Mamaya magtatanong ako kay Aling Bering kung may alam ba siyang mapapasukan ko. Alam kong hindi magiging sang-ayon si mama kapag nagtrabaho ako bilang kasambahay. Pero ito lang ang alam kong paraan.

Ilang minuto rin at nakuha at nailigpit ko na ang mga sinampay.

"Ma, alis na po ako. Ihahatid ko na po 'to."

O sige anak, mag-ingat ka ha."

"Opo ma."

Buti na lang at nag-leave ang kasamang labandera ni Aling Bering kasi kami ang sumalo sa gawain nito ni mama. Buti na lang at nagkaroon kami ng kita dahil dito.

Ang bigat ng dala ko. Lakad dito.

"Tao po???!!!!"

Hayyy, sana magkaroon ako ng bahay na ganito kalaki. Balang-araw... Huwag lang akong kawalan ng pag-asa.

"O ija, andyan ka na pala."

Isang matanda ang lumabas mula sa magandang bahay na iyon. Siya si Aling Bering. Kapit bahay namin siya kaya lang malimit lang namin siyang nakikita dahil araw-araw bukang-liwayway din itong umaalis sa kanya. Binigyan ko siya ng ngiti.

"Aling Bering, magandang umaga po. Ito na po pala ang mga nilabhan namin."

"Naku, salamat Ija. Kay ganda mo. Hindi ka bagay magdala nito."

"Naku, wala yun Aling Bering. Hindi na importante itsura ngayon sa hirap ng buhay."

Maya-maya'y lumabas ang kanyang amo upang iabot sa akin ang bayad. Kahit matanda na'y napakaganda niya.

"O Manang, sino siya?"

"Ahhh, anak po ni Nena ma'am."

Inilibot ng babae ang kanyang mga mata sa akin. "Ang ganda mong bata. Hindi ka ba nag-aaral."

Medyo nahihiya ako sa kanya pero pinilit ko siyang sagutin kahit nauutal ako.

"S-salamat po ma'am. Tumigil po muna ako ma'am."

"Naku ija, sayang naman."

Napabuntong-hininga na lamang ako.

'Ma'am? ma'am?"

Isa pang katulong ang lumapit sa amin dala-dala ang isang telepono na siyang iniabot sa babae.

"Si sir po.." Agad naman niya itong tinaggap at umalis sa harapan namin.

"O really? Oh! I'm so ecxcited...Kailan?"

Mukhang exciting yata talaga ang natanggap niyang tawag. Hindi ko namalayan, natulala yata ako sa kakatitig sa babae. Ang ganda niya talaga.

"Hoy! Okey ka lang."

"Ahh, Aling Bering." Medyo nagising ang aking damdamin. " Ang ganda po niya ano?'

"Ngayon mo lang ba siya nakita."

"Opo, sat'wing pumupunta po kasi kami ni mama dito, hindi po ako tumutuloy."

Hinila ko siya sa labas ng kusina. Bigla kong naisip ang isa ko pang kailangan.

"Ahhh, Aling Bering. Gusto ko po sanang mag-apply bilang katulong at gusto ko po sanang humingi ng tulong sa inyo."

"Ha? Bakit? Hindi ka na ba talaga mag-aaral?"

"Ahh, ehh.. alam niyo naman po diba? Ang sitwasyon namin?"

Talagang nagmakaawa ako sa kanya.

"O sige. Pero alam ba ng nanay mo?"

'Naku, naku, naku. Wag niyo po sanang sabihin kay mama. Pleaseeeee... Ako na po ang magsasabi."

"Sige ija, ikaw bahala.'

"Naku po, maraming salamat po. Eto po number ko. I-text niyo po ako ha."

Ibinigay ko na para mas madali akong makontak ni Aling Bering. Hangga't maari, hindi muna dapat malaman ni mama na pagiging katulong ang papasukan ko.

"Sige po, alis na po ako. Babye po."

"Sige ingat ka."

Yes. Sana makapasok ako. Kung pwede sana kasama ko si Aling Bering. Pero okey lang kahit sa ibang bahay ako makapasok. Ang saya-saya ko kahit wala pa naman. Ganun kasi talaga, para gumana ang swerte kailangan maging masaya ka. Kailangan hindi ako mahahalata ni mama. Sasabihin ko sa kanya kapag nakuha na ako para hindi siya makapigil. Alam kong mag-aalala siya sa akin dahil baka hindi ko kayanin ang trabaho. Hindi naman importante kung gaano kahirap basta't matulungan ko ang pamilya ko.

Oras-oras kung sinusulyapan ang cellphone ko. Sana, mag text na si Aling Bering.

'Anak, may hinihintay ka ba?'

"Ahh wala naman po."

Mukha yatang nahalata ni mama ang mga kilos ko.

totot...totot.

Yes! Baka si Aling Bering na 'to.

Hi, Elisa. Busy ka ba?

Hmmmpp!!! Narito na naman si Kevin. Ang matagal ko ng suitor since highschool. Sinira na naman niya expectation ko. Sorry na lang kasi wala akong load kaya inignore ko na. Sa totoo lang, na touch din ako kay Kevin kasi sobrang sincere niyang manligaw sa akin. Ganun na ba talaga ako kaganda.? (Echoos lang.) Ang dami kong manliligaw pero lahat sila maliban sa kanya ay sumurrender. Kaso, ayaw ko muna talagang mag-boyfriend. Bitter nga daw ako sabi ng mga kaibigan ko. Buti sila wala kasi silang problema sa pamilya kaya okey lang sa kanila. Yan ang palagi kong naiisip. Anong magagawa ko? Yan talaga ang perspective ko eh.

Mahal ka, pero hindi mo mahal.

Mahal mo, pero hindi ka mahal.

Isipin mo na lang kung manyari yan sayo? Yan din ang lagi nilang sinasabi sa akin.

Anong pakialam ko? Mahaba pa naman ang panahon. At syaka, ang daming lalaki sa mundo.

k-kriiinngggg..k-kriing...

Unknown number...

Baka si Aling Bering na talaga 'to kaya lumabas muna ako at saka sinagot ang tawag.

"Hello po. Aling Bering?"

Excited na akong marinig ang balita mula sa kanya.

"Oo, ako nga ito ija."

'Ano pong balita.'

"Bukas pumunta ka dito."

Sobra akong nasiyahan, sabi ko na nga ba. Kailangan positive ako.

"Talaga po?'

"Oo, ija. O sige ibaba ko na 'to ha. Napakabusy namin dito eh.'

"Sige po, salamat po talaga ha."

Ang laki ng mga ngiti at napatalon pa ako sa tuwa. Yes! May trabaho na ako. Hindi ako sigurado pero alam kong meron na dahil hindi naman ako tatawagan at papupuntahin kung wala di ba?

'Ate, okey ka lang?"

"Ayy kabayo!' Grabe nagulat ako. Bigla na lang kasing sumulpot si bunso sa likuran ko.

"Saan ka ba nanggaling? Ginulat mo naman ako eh."

"Ate? Eksaherada! Nagulat na kayo dun?"

"Ahh, wala... hindi nga pala ako nagulat. Hehe joke lang yun."

Ayaw kong mahalata ni bunso baka magsumbong siya kina mama at papa.

"Sino yung kausap mo? Ang saya-saya mo yata?"

Sabi ko na nga ba...

"Ahh.. wala yun. Si Michelle yun. Kilala mo? Yung classmate ko."

Ayan biglang nag-iba ang kanyang ekspresyon. Paano, matagal na niyang crush si Michelle na mas matanda pa sa kanya si Michelle ng tatlong taon.

"Hmmm... alam ko yang iniisip mo."

"Ate naman eh. Hindi mo naman sinabi. Alam mo namang matagal ko na siyang crush.'

"Asuuussss... hoy mag-aral ka muna."

"Nag-aaral na ako no? Nagpa-enroll na kami ni mama kahapon. Kaso hindi ako scholar.'

'Naku okey lang yan."

"Ate... pahiram ng cp mo."

"Hmp! Ano ka? Hindi pwede bunso."

'Sige na ate." Pinilit niyang agawin sa akin ang cp. Hindi pwede. Baka biglang tumawag ulit si Aling Bering.

"O hayan na si papa!"

Tumakbo na ako.

'Ate!'