webnovel

Destination.. known!

Matapos ang nakakalokang eksena nung isang gabi, naisip niyang kailangan nga talaga niya ng bakasyon para lumayo muna pansamantala at bigyan ng panahon ang kanyang sarili.

Matapos ang mahabang pag iisip, nakapagdesisyon na din siya sa wakas kung saan siya pupunta.. Destination Holy land!

Matagal na rin nyang gustong pumunta sa mga makasaysayang lugar doon. Ano pa nga ba ang mahihiling ng isang manlalakbay kung mapuntahan at makita niya sa kanyang sariling mga mata ang mga historical at ancient cities na madalas ay sa history books lang napag aaralan.

Excited niyang ini- imagine na sa wakas ay mararating na niya ang mga lugar, disyerto, templo, na minsang tinapakan at nilakaran ng mga unang tao na nsa bibliya.

Masaya din siyang isipin na mapupuntahan niya ang mga dagat at ilog na gumuhit sa kasaysayan ng mundo at siyempre pa, matikman ang mga kakaiba at masasarap na pagkain na marahil ay minsan ding kinain ng mga unang tao.

" Dati ang akala ko'y kasama ko si Toby na magta travel, hindi ko inasahan na ako mag isa ang tutupad sa lahat ng mga pangarap ko." wika niya sa kanyang sarili.