webnovel

Ang haba ng hair ni ateng!

Hindi pa din makapagdesisyon si Sheya kung saan siya pupunta. Habang pumipili ng kanyang destination, may nag pop up sa kanyang messenger.. si Toby nangangamusta.

Sinagot ito ni Sheya ng maayos. After all, matagal na panahon na din ang nakalipas. Naghilom na ang kanyang mga sugat at masaya na siya sa kung anong meron siya ngayon.

Pagkatapos makipag- kamustahan, tinanong ni Toby kung pwede sila mag usap ng personal.

Pumayag si Sheya. Handa na siya makipag kaibigan kay Toby at naisip niyang makabubuti na rin na magkaron sila ng closure.

Nagkita sila sa isang Italian Restaurant. Umorder ng Carbonara na may Mozzarella cheese si Sheya. Steak at potatoes on side naman ang order ni Toby kasabay ang isang bote ng red wine para sa kanilang dalawa.

Toby: Salamat at nakipagkita ka sa akin. Akala ko hindi mo ako papansinin.

Sheya: Bakit naman hindi? Kung ano man ang nangyari dati, tapos na yun. Past is past nga diba sabi nila. Bakit mo nga pala gusto makipagkita?

Matagal na natahimik si Toby bago nagsalita muli.

Toby: Patawarin mo ako sa mga nagawa ko sayo. Gusto kitang ligawan uli at ipakita sayo na ikaw talaga ang babaeng mahal ko.

Si Sheya naman ang natahimik..

Sheya: Nakakagulat naman yang mga sinabi mo. Ang alam ko ay ikakasal ka na. Anong nangyari?

Toby: Nagkamali ako ng decision. Hindi kita dapat sinaktan. Bigyan mo sana ako ng isa pang pagkakataon.

Sheya: Matagal na kitang napatawad. Hindi ako makakapag desisyon ngayon. Paalis ako at magbabakasyon. Siguro pagbalik ko doon ako makakapag isip.

Natapos din ang gabing hindi inasahan ni Sheya. Tinanggap na niya kasi dati sa sarili niya na hindi sila para sa isat- isa ni Toby.

Ngunit hindi pa pala tapos sa mga pasabog ang gabing iyon. Bago sila maghiwalay ng landas at sumakay sa kani- kanilang mga sasakyan, muling nagsalita ang binata.

" Pakakasalan kita Sheya. Bigyan mo lang ako ng isa pang pagkakataon para itama ang lahat ng aking pagkakamali. Hihintayin ko ang sagot mo sa iyong pagbabalik"