webnovel

First stop, Egypt..

Parang na culture shock siya ng kaunti pagbaba niya sa airport. Sari- saring turbans, burkas, at mga lalaking nakadamit na mahaba ang kanyang mga nakita. Bihira lang din ang nagsasalita ng English kaya naman laking tuwa niya ng makita niya kaagad ang personal driver/ tour guide na kasama sa binayaran niya.

Ang pangalan nito ay Abdel. Nakakapagsalita naman siya at nakakaintindi ng English pero medyo hirap silang magkaintindihan ni Sheya dahil sa makapal na accent ng lalaki sa tuwing siya'y nagsasalita.

Madaling araw pa lang kaya ibinaba muna siya ni Abdel sa kanyang hotel upang makapag pahinga at ayusin na din ang kanyang mga gagamitin sa araw na iyon.

Dahil alam niyang first time ni Sheya sa Egypt, pinayuhan niya itong mag almusal na muna bago sila at umalis at umorder ng foul medames, tameya at traditional baladi bread na kakailanganin niya dahil marami silang pupuntahan sa araw ma iyon.

Ang foul medames ay nilutong fava beans. Ang tameya naman ay patties na gawa din sa parehong beans na fava.

Pagkatapos ng almusal ay umalis na sila ni Abdel at sinimulan na ang paglalakbay..

" Saan tayo pupunta?" Tanong niya sa kanyang tour guide.

" Magugustuhan mo panigurado" Nakangiting sagot ni Abdel.

Saan kaya siya dadalhin ng Abdel? May mamuo kayang pagtitinginan sa dalawa habang magkasama silang namamasyal?