webnovel

No boyfriend no problem

Araw- gabi nagtatrabaho si Sheya at tuluyan ng nabaon sa limot ang mga masasaya masasakit na alaala na iniwan ni Toby sa buhay niya.

Lumago na din ang kanyang negosyo. Nabili na niya ang kabilang lote at nakapag expand na siya. Na feature na din sa iba't- ibang magazine at tv programs ang kanyang cafeteria.

Naisip niyang maari na siyang magbakasyon pansamantala upang makapag relax naman matapos ang halos isang taong walang pahinga.

" Saan kaya ako magbabakasyon?" Tanong niya sa kanyang sarili. Habang hindi pa siya nakakapagdesisyon, minabuti muna niyang mag shopping at magpa make- over.

Namili siya ng mga bagong sapatos, damit, bags at pabango. Pagkatapos ay tumungo sa salon upang magparebond siya ng buhok at magpakulay. Nagpalagay din siya ng nail at eyelash extensions. Sunod nito ay facial at full body masage. Ngayon lang niya uli naalagaan ang sarili at masaya ang kanyang pakiramdam.

Oo nga at single siya pero maganda naman ang takbo ng kanyang negosyo, mahal siya ng kanyang mga empleyado at masaya siya tuwing nakikita niyang maraming tao ang nasisiyahan at nasasarapan sa kanyang mga produkto.