webnovel

Chapter 14: Stranger we meet again

Para akong bata sa kindergarten na hindi mapakali sa paggalaw ang sapatos

dahil ilang oras nalang at matatapos na ang klase. Ewan ko nga rin kung may

natutunan nga ba ako sa mga subjects ko sa mga nakalipas na oras. Tanging nasa

isip

ko lang talaga ay ang mga nangyari kagabi. Lalong lalo na ang mukha ni Joaquin.

Nakapagpaalam na nga ako sa trabaho na sa rest day ko na lang ilipat ang dapat na

trabaho ko ngayon. Gusto ko talagang mapuntahan ang opisina ni Joaquin. Mabilis

akong napalingon sa pinto nang umaalingawngaw na ang ingay ng bell.

Buti na lang at mabilis rin kumilos ang professor namin kaya't mabilis rin kaming

nakalabas. Walang lingon at diretso lang ang tingin ko dahil hinahabol ko ang

oras. Sabik lang siguro ako kaya kala mo nakikipagkarera ako na hindi alintana

ang mga nagkalat na mga estudyante dahil tanghalian na. Saglit akong tumingin sa

relo ng maramdaman kong manginig ito. Tsaka ko lang naalala na nilagyan ko pala

ito ng alarm na nagpaalala ng plano kong pumunta kay Joaquin. Kaso nagkamali

ako. Bigla akong napahinto dahil sa isang harang sa daanan ko.

"So-"

Kahit nagkalat ang bangs niya sa kanyang noo, kita ko parin ang arko ng kanyang

kilay at bahagyang kunot ng noo. Nakatingin siya sakin pababa. Tila na istorbo ko

pa yata siya sa pag aayos ng dulo ng kanyang polo na nakatupi hanggang sa siko

niya. Napayuko nalang ako at itinuloy ang sinabi ko.

"Sorry." Pagkatapos ay mabilis akong naglakad palayo at hindi na lumingon.

Nakalimutan ko na nga ring isipin kung bakit siya naroon. Akala ko dala ko parin ang sabik at tapang ko ng makatayo nako sa tapat ng

pinto ng klinika niya. Doon ko lang napagtanto na hindi ko pala alam ang

sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Hindi ko talaga alam kung

paano ko siya babalaan. Ilang inhale,exhale din ang ginawa ko bago ako nakaramdam

ng kalma upang katokin ang pinto. Lalapat na sana ang kamao ko sa kahoy na pinto

nang biglang bumukas ito.

Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi ng malingon na siya sa pinto. "Just in

time."

"Ah, hello po." Napangiti narin ako para batiin siya.

"Come in, come in." He sounded like Jack Sparrow asking him to have a drink also

in broad daylight. He didn't wore the same sarcastic tone like last night. It was

a good thing though. A calming scent welcomed me as I walked inside. The smell

tingled my memory gland. I knew I had smelled that scent before but I just didn't

know where, when or how.

"Sit down." He let me sit on his golden brown leather coated sofa.

"Hypnotized by the smell right?" He asked as he caressed his skinny newly

manicured fingers on his wavy blackish-gray hair. He didn't look the same the

last time we met. He just wore loose khaki colored long sleeves, gray chino pants

and a brown loafer.

"What will you drink? or food in mind?"

"Ayos lang po ako. Anyways…" Mabilis kong kinalkal ang bulsa ng pantalon ko para

ilabas ang debit card niya. "Napulot ko po yan nung lumabas po kayo ng elevator."

Tsaka ko ito iniabot sa kanya.

Muli siyang ngumiti sa akin nang kunin niya ito. "Thanks."

"Ah, hindi ko po ginalaw yan. Hindi po ako masamng tao." Pagtatanggol ko sa

sarili ko.

Nakakakilabot lang dahil tango at ngiti lang ang sagot niya saakin habang umiinom

sa tasang puti na hawak niya. Muli ulit tumahimik at paligid ng matapos akong

magpaliwanag.

"Don't worry, walang laman yan. Para iwas scammer." sambit niya sabay tupi ng

debit card tsaka niya ipinatong ito sa lamesa.

Nakaramdam ako ng konting pagluwag sa paghinga ko ng sambitin niya iyon. Kahit

papaano ay alam niyang hindi ako masamang tao.

Ibinaba niya ang tasa sa ibabaw ng lamesa na nasa tabi ng sofa na kinauupuan

niya. "Ano na nga pala ang pangalan mo?" "Morris po. Pero Jerrylyn Gabino po ang

totoo ko pong pangalan."

Napa de quatro siya ng upo. "Jerrylyn… Hmm... Inoobserbahan kita ka gabi mula sa

kinauupuan ko. You seem hesistant. Why?"

Pati ako napaisip bakit nga ba ako napatulala nung mga oras na umalis si Doc.

Yan. Then I looked

straight into his eyes. "It's been four year, in fact, maglilimang taon na po

pero I still feel, confused. Although I'm clueless to whose telling the truth. I

don't think deserve ni Nicolo na maranasan ang galit ni Katrina. He deserve to be

saved from his karma. And... His family needs him."

"How about Raphael? The molester? His family needs him too. Is in it unfair?" He

continued

writing on a clipboard laid beside him.

"I don't-… No. It isn't. Merong evidence. And if I didn't act that time, then

he'll just continue doing what he does." Maliliit at may kalabuan na mga piraso

ng alaala niya ang nalipana sa diwa ko. Parang mga ibon na nabulabog ang

pamamahinga sa mga sangay ng gubat.

" Sa tingin mo, anong pagkakaiba ni Peter at Raphael."

Nakaramam ako ng biglaang pagkakilabot. Bakit niya na sambit ang pangalan ni

Peter. He is way different than Sir Rajah. He is a mile far away from Sir Rajah's

monstrosities.

"Hindi molester si Peter." Mabilis kong sagot.

"Pero? Nakalimutan mo na yata ang pero"

Natahimik ako saglit. Hindi ko kayang sambitin ang pero ng hindi naiiyak o

hahagulgol.

"Then you are just repeating the same mistake again. Thinking you are their hero

even though your not. Dyan nasisira ang critical thinking skills mo."

Naningkit ang mga mata ko nang marinig ko ang mga katagang iyon. "Ako?" sabay

turo ko sa sarili ko habang bumubungisngis. "I don't think like that. I just give

what they deserved."

Tango lang ang nakuha kong sagot kay Quinn na nagsusulat parin sa clipboard niya.

Tapos ay muli siyang tumingin saakin at ngumiti. "Do you enjoy being that kind of

hero? "

Hindi ko siya maintindihan dahil hindi ko alam kung masaya ba ako o hindi sa

ginagawa ko. Hati ang sagot ko. Walang saktong sagot ang utak at isip ko para

rito. "Yes? Maybe? Sometimes no."

"Kung hindi ka pala sigurado, bakit mo pa tinutuloy ito? Hindi ba dapat hiwalay

ang personal interest sa propesyonal na pagdedesisyon?"

Napansin ko ang pagiba ng tono niya. Mula sa pagiging magalang hanggang sa naging

deretyahang tono.

Muli ko siyang tinitigan ng diretso. Ramdam ko na ang pagiba ng ihip ng hangin sa

klinika niya. Alam kong kailangan ko nang umalis.

"Kung gusto mo talaga yang trabaho mo, aayusin mo. This is your last. Kapag hindi

mo pa inayos, baka ibang promotion ang ibigay ko sainyong dalawa."

I was aiming for that. I was hoping to be located somewhere far from them. I was

hoping to last on this job with a higher position. Yet, I'm still on the verge of

telling Will and telling my family.

"I will po sir."

Mabilis nakong tumayo hawak ang bag ko. "Don't repeat mistakes. Sinatra0q Learn

from it." Inilahad ko ang palad ko sa harap niya at

nguniti ng may dangal. Kahit papaano ay gumaan ang utak at puso ko.

Ngumiti naman siya pabalik saakin at nakipag daupang palad saakin nang may galak

sa kanyang labi. "Thank for attending this session. I guess I'll see you on my

birthday."

Umalis nga ako ng klinika niya. Ramdam ko ang sobrang galak. Higit pa ito

sa galak na binibigay ni Makee kapag nakakasama ko siya. Higit pa sa tuwa ko

kapag may natapos kaming trabaho ni Hannibal. Higit pa sa galak kapag

nagkakaharap kami ng pamilya ko sa harap ng hapag kainan. Pakiramdam ko ay parang

isang bata na pinayagang makipaglaro sa mga bata na nasa kalsada. Malaya mula sa

pagiisip na maaari siyang pagalitan. Malaya siyang maging bata.

Naramdamdaman ko na lang ang pagnginig ng cellphone ko sa bulsa ng pantalon

ko. Saglit lang ito kaya alam ko na agad na text ito. Agad kong nakita ang

mensahe na galing kay Hannibal. Mabilis napawi ang kalma ng puso ko nang makita

ko ang salitang 'mama' sa text niya.

"May sinend akong pictures sa gmail mo. Tungkol iyon sa mama ng isang kliyente."

Agad akong pumara ng jeep pauwi. Naisip ko agad na tumambay sa eleven/eleven na

hindi kalayuan sa bahay. Doon lang ako pwedeng tumambay. Ramdam

ko na rin na nagwawala na ang tyan ko kaya kailangan ko nang kumain. Nakakatawa

lang dahil madalas akong kumain ng lunch na kasama si Makee pero kaming dalawa

lang ang nakakaalam nun. Actually, every Monday, Tuesday and if he had the

chance, even Friday was included. Maybe Hansel and him only had the chance to

meet at dinner. I just don't know. All I know, I enjoy accompanying him.

Nang makarating nako sa eleven/eleven, agad akong bumili ng makakain at

tsaka binuksan ang laptop ko. Nakita ko nga ang litratong sinasabi ni Hannibal.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ang mukha ni Mama ang una kong nakita pero dalaga

pa siya rito. Pamilyar saakin ang mukha ng katabi niyang babae. Litrato niyang

nakasama sa isang group photo na ang background ay isang shipment port. Alam kong

nagtrabaho siya dati sa Customs. Malamang, katrabaho niya ang katabi niyang

babae.

Kalakip sa litratong sinend ni Will ay isang mensahe niya.

"Kasama pala siya ng Mama mo noon sa Customs. Yan ang susunod na trabaho natin.

Yan si Daisy nung dalaga pa siya. Kung naaala mo, siya yung runaway bride... And

now, literal siyang naging runaway. Baka bumalik raw dito sa Baguio. Utos ng same

na client natin noon, hanapin siya at palayuin dito sa Baguio. Maselan ang

pagbubuntis ng asawa ng ex-fiancé ni Daisy kaya delikado raw ito sa stress na

maaring idulot ni Daisy.

-From Hannibal. "

Hanggang sa mga oras na iyon, hindi ko alam kung paano ko pababalikin si

Daisy sa pinanggalingan niya. Last time na balita ko sa kanya, umalis na siya ng

Baguio. Hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang pagusbong ng lumang alitan.

Matagal na nang nalimutan ng ex-fiancé niya ang nakaraan nilang dalawa. Kahit

baligtarin pa namin ang mundo ay hindi namin siya mahahanap kaagad. Doon palang

panalo na si Daisy.

Naistorbo ang pagmumuni ko nang muling tumunog ang cellphone. Para

makasiguro, tinignan ko muna ang pangalan ng tumatawag. Nang makumpirma ko ito na

si Makee ito, agad ko ito sinagot.

"Naka rest day ako." agad kong bungad sa kanya na walang gana.

"It's Monday. Bakit ang aga mo naman ata? May ka date ka? Am I interrupting?"

Tama ang hinala ko. Nagtaka nga siya kung bakit naka rest day ako. Tama nga ako

na maghihinala na naman siyang may kasama ako. Wala namang bago. Tila na sanay

nako sa ganung gawaiin niya. Ilang taon na rin naman na kaya nasanay na rin ako.

Ayos na rin yun para mabantayan na niya ako. Pero nakakapagtaka lang dahil hindi

ko man lang maramdaman na mag-sawa.

"Nagrequest ako kay Ma'am na bukas nalang ako magtratrabaho. May kinailangan lang

akong ayusin."

Nanahimik lang siya habang nagpapaliwanag ako. Alam ko ang ginagawa niya.

Pinapakinggan niya kung nagsisinungaling ako.

"So,why did you call? Emergency ba?"

"I-ummm… Wala naman. Anyway, kung nasaan ka man, may kwento lang ako. So don't

hung up."

Nilagay ko ang headset ko para hindi ako mangawit sa paghawak dahil sa haba ng

kwento niya tungkol kay Hansel. Pero hindi ko inaasahan sa mga oras na iyon na

maririnig ko ang pangalan ni Rick Cua.

"Rick Cua, pangalan nung lalakeng photographer sa Baler. Siya pala ang substitute ni Sir Rajah. Siya din ang panelist natin."

Mabilis na kumunot ang noo ko. Kaya pala siya nasa campus kanina at naka formal

wear.

"Ba-bakit siya? Like how did that happen?"

"Ewan ko rin. Sinabi lang ni Ma'am Gui, tsaka diba kasama mo siya last time?

Hindi niya ba nabanggit na siya pala may-ari ng resort."

Hindi ko mapigilan na magmura sa utak ko. Gusto kong murahin si Rick dahil sa

pagpasok niya sa campus. Gusto ring magwala ng puso ko dahil seemingly at ease

lang ang tono ni Makee. Wala man lang bahid ng galit, inis or lungkot ang tono niya. Gusto kong marinig kahit isang emosyon lang. Binigyan niya na naman ako ng

problema.

"Nasalubong ko lang siya nung may pinuntahan ako sa hotel na job opening."

"Well, kung ganun, kailangan mo na siyang galangin magmula ngayon." Pagbibiro

niya sa akin. Taliwas ito sa takot na yumayakap saakin.

"Anyways… " Biglang nagiba ang tono niya. Halata talagang bwisit na siya kay Rick

noong una palang. Wala naman akong magagawa. "Nagkita kami ni Hansel kagabi pero not over dinner…"

At doon na nga niya inumpisahang ikuwento ang pag uusap nila ni Hansel.

Tungkol ito sa plano nilang dalawa after ng graduation ni Makee. Kung tutuusin,

maganda ang plano nilang dalawa. Parehas nilang pangarap iyon eh. Pero hanggang

kailan nila paplanuhin iyon?