webnovel

Chapter 12: You can be useful

Kakaumpisa pa lang ng huling semestre pero puro si Ma'am Gui na siyang Dean

namin ang humalili sa naiwang subjects ni sir Rajah mula ng araw na mawala ito.

Sa tatlong araw na iyon, hindi ako nawalan ng tenga sa imbestigasyon. Pinilit

kong makapangalap ng mga usap usapan tungkol sa isyu. Buti nalang at magaling

kami ni Hannibal. Maswerte ako dahil wala ni isang ebidensya ang nagdawit sa

pangalan ko. Buti na lang. Kaya natapos ang linggo na panatag ang loob ko. Pero

dahil sa imbestigasyon na iyon, may nalaman akong isa pang sikreto. Mula sa isang

tagong server na ang isang channel doon ay para sa mga estudyante ng university

namin.

Doon nagrarant ang mga estudyante sa ilalim ng mga aliases, may isang user

doon na nasa ilalim ng alyas na IcebergTheory. Nakausap ko ito sa pamamagitan ng

pribadong mensahe ng magtanong ako ng update sa kaso ni Sir Rajah nang banggitin

nila na umalis ang isang student dahil sa sexual harassment. Mula kay

IcebergTheory, gusto rin pala talaga ni Ma'am Gui na mawala sa pwesto si Sir

Rajah para sa promotion dahil 'he doesn't deserve that respectable place.' Kaya

laking tuwa raw niya ng pumanaw ito pero may konting inis raw rin siya dahil

hindi na niya magagawang pagbayaran ang kasalanan. Nang tanungin ko pa siya

tungkol sa tinutukoy niyang kasalanan ay hindi na siya sumagot pa.

Dahil sa pag uusap na iyon, muli akong nakareceive ng request mula sa isang

user na nasa ibang channel na ang alyas nito na GreenFortune. Hiningi niya muna

ang account number namin ni Hannibal bago niya sinabi ang tungkol sa request

niya. Tungkol ito sa Golden Fortune Hotel. Sakto namang dumating ang notification

ng pagdating ng pera ay ang pagsagot niya sa tanong ko kung ano ang gusto niyang

i-request.

"Alam kong legit kayo… So sa darating na linggo. Darating sa Hotel na yun si

Doctor Yan. Magchecheck-in siya sa room 1006. Usually, between seven to eight,

nasa smoking area siya. At kapag eight na, aakyat na siya ng room niya at oorder

ng isang bote ng white wine. Mga ilang minuto ay darating na ang isang babaeng

simple lang ang suot pero elegante tingnan na may dalang paper bag na brown. Mga

isang oras o mahigit pa ang tinatagal noon. Tapos lalabas ang babae na wala na

ang paper bag na dala niya nung una."

Naguluhan ako sa chat niya dahil hindi ko makita roon ang request niya. Para na

siyang nagkwento mula sa perspective ng isang stalker. Muli akong nagtanong

para malinawan ako.

"Saan doon ang request mo? Kung yung paper bag, madali lang iyon. Bukas na

bukas malalaman mo rin kung saan nila kinukuha."

Inabot ng dalawang minuto bago siya muling sumagot.

"Ang gusto kong mangyari ay ikaw ang mag deliver sa kanya ng paper bag."

Nahinto ako sa pagtatype noon. Mabilis akong nakaramdam ng pagtayo ng buhok

ko sa batok. At mabilis na bumalik sa aking alaala ni Sir Rajah na hinawakan ng

mahigpit ang braso ko. Hindi ako nakasagot agad kaya nagpatuloy sa pagtype si

GreenFortune. Nagbigay siya ng numero at email address.

"I-text mo yung number. Magpakilala ka at sabihin mo ikaw ang kukuha ng

package ni Katrina. Ang irereply niyang lugar ay ang pinagkukunan mo ng package"

"Wait, mawalang galang na ho, mukhang alam mo na yung mga gagawin bakit

hindi ka ang gumawa?"

"Hindi kita binayaran para kwestyunin ako na kliyente niyo."

"Pasensya na ho, pero sobrang detalyado ng mga paliwanag mo."

"Ok, I understand the curiosity. Hindi lang ikaw ang nagsabi ng ganyan.

Matagal ko ng iniimbestigahan si Doc. Yan kaya gawin mo nalang ang request."

Nagawa kong mahanap ang routine ni Doc. Yan tuwing aakyat siya ng Baguio at

nagchecheck in sa hotel na iyon. Tugmang-tugma ang sinabi niyang detalye sa

nadiskubre namin ni Hannibal. Pero hindi nga lang ang nagcheck in na room na

naging 1280 na family room. Dahil sa binayad ni GreenFortune, nadagdagan ang

pambayad ni Hannibal sa operasyon ng anak niya kaso ngalang wala pa ring eye

donor.

Limang araw ang ginugol namin sa paghahanda sa gagawing request. Pero ako

ang mas lalong naghanda dahil ako ang napagdesisyunan naming humarap kay Doc.

Yan. Pinaghandaan ko talaga ito ng mabuti dahil ayaw ko nang mangyari ang

pagrereklamo. Dalawang request nalang at tapos na kami kaya hindi ko na ito

palalagpasin pa.

Dumating nga ang araw ng pagkikita namin ni Doc. Yan. Lumipas ang araw pero

hindi parin nawawala ang kaba ko. Hindi ko alam kung ano kasing gagawin niya sa

babaeng dumadating sa room niya. Huminga ako ng malalim para mawala ang kaba ko.

Mahigpit kong hinawakan ang paperbag na nakuha ko sa isang dropping center.

Nagcheck in ako sa room na tatlong pinto malayo sa kanya. Malas lang dahil yun

nalang ang available na malapit doon. Pagkarating ko sa room ay agad kong

ipinaalam ito kay Hannibal.

Nakaupo ako sa kama at tinitigan sa aking harapan ang paper bag. Hindi ko

sinubukan na tignan ang loob nito dahil breach of contract yun. Inilibot ko ang

paningin ko sa buong room. Nakakatrigger ng alaala mula sa kabataan namin noon.

Sa kalagitnaan ng paglalayag ng isip ko, boses ng mga batang lalake na nag

aasaran ang nagkalat sa labas ng kwarto.

Napatayo ako agad at bahagyang sinilip ang hallway. Sa kaliwang direksyon ng

hallway, kung saan nandun din ang pinto ng kwarto ni Doc. Yan, nakatayo ang isang

lalakeng may katangkaran at maputi. Katabi niya ang isang chinitang balingkinitan

at maputi rin. Parehas sila at ang dalawang batang lalake na excited na pumasok

sa kwarto nila. Mabilis ngunit marahan ko rin isinara ang pinto ng kwarto ko.

Sopistikado ang bar ng hotel.

Melodiya ng piano ang nagbibigay buhay sa paligid. Doon niya ako pinaghintay

batay sa kanyang text saakin. Habang inaantay ko siya ay umorder ako ng pinya.

colada. Puro mga mukhang sopistikado ang mga tao sa paligid. Tila bituin ang mga

alahas nila kung kuminang. Mga taong kayang hawakan sa leeg ang mga mahihina

gamit ang pera. Pero may isang lalakeng malakas ang malalim ngunit eleganteng

boses. Nakikipagbiruan siya sa mga grupo ng mga taong nakaupo sa pabilog na upuan

habang sabay silang umiinom. Hindi ko siya masyadong inanininag dahil nakakalito

ang pinaghalong grey at blue na ilaw nila di tulad ng kinauupuan ko na hindi

ganun makinang na yellow ang ilaw.

"Morris, isn't it?". Tanong bigla ng lalakeng nakita ko sa hallway. Nakaupo

ito dalawang upuan ang layo saakin. Tumango ako sa kanya bilang sagot. Doon ko

malinaw na nakita ang mukha niya. May kaliitan ang mata niya, at palangiti. Hindi

ko muna inabot sa kanya ang paper bag at hinayaan ko muna siyang magorder.

"Sorry, usually I meet all of you at the room pero…"

"No sir. It's ok. Mas komportable din naman dito."

"Relax ka iha, I don't have…" Umakto siya na parang nag sa-sign language.

"If you know what I mean." Napabungisngis nalang siya saka uminom. Pagkatapos ay

marahan niyang binuksan ang paper bag. Kaso hindi ko naiwas ang atensyon ko sa

isa pang boses ng lalake. Napatingin tuloy ako rito pero kaagad ko ring pinansin si Doc Yan.

Doon ko lang nalaman ang laman nito. Isang picture frame na kasing laki ng

short bond paper. Muli na naman akong napalingon sa lalakeng malakas ang boses

ngunit bumalik ulit kay Doc. Yan. At sa paglingon kong iyon ay siya naman ang

ningning ng ngiti ni Doc Yan ng makita niya na nasungkit ng dalagita ang gold

medal sa international swimming competition. Pero ang nakakagulat rito ay nasa

litrato si Nick na naka-akbay sa dalagita at kasama ang ina niya.

"Last time, Katrina sent a girl young as you. She was Hilda. Dala naman niya

yung pictures ni Misha nung debut niya."

Muli niyang ibinalik ito sa paper bag. Sinenyasan niya ang bartender at

tsaka ibinigay ito. Kahit gusto ko ulit mapalingon sa lalakeng malakas ang boses,

uminom nalang ako para bolahin ang sarili ko.

"Meron bang dahilan bakit po niyo isinisikreto sa pamilya niyo ngayon ang

tungkol sa unang pamilya mo? May karapatan pa rin po ang asawa mo ngayon."

Saglit siyang lumingon sakin bago muling uminom.

"We both felt like caged animals… slowly losing our senses of who we truly

are... Kaya hindi na kailangan ng wife kong malaman. We become happy after

freeing each other."

Ang mga salita niyang iyon ay tila hanging habagat. Lalong nagpalakas ng alon ng

damdamin ko. Lalong humigpit ang hawak ko sa aking hawak na pouch dala ko.

"Paano po yung mga anak niyo sa parehong pamilya?"

"Surprisingly… Nikolai and Misha… are doing great."

Actually, he was right for his son. Matagal na naming nakasama ni Marilyn

si Nick. He has a good heart. Masaya siyang kasama kahit na para siyang si

Doraemon kung ngumiti. After all these years, hindi ko inaasahan na makikita ko

sa personal ang taong nakikita ko lang ang impormasyon sa harap ng computer

screen. I didn't expect na magkakaroon ng request patungkol sa kanya.

Muli siyang lumagok ng inumin bago nagkwento muli. "And for Katrina… she

looks happier than before. At some point in my life, I realized… buti nalang

talaga at Katrina decided to divorce me. We both knew it was for the best."

Itinaas niya ang baso niya sa ere at tumingin sakin na may ngiti sa labi. "Let's

toast for my little girl's success. Kasi sa susunod iba na naman ang makakausap

ko."

Dahan-dahang lumuwag ang pagkakahawak ko sa pouch ko. Hinawakan ko rin at

itinaas ang baso ko sa ere. Sabay namin sinabi at toast at uminom. Tumayo naman

siya sa kinauupuan niya.

"I'll just go to the restroom."

Tumango lang ako sa kanya at pinanood siya maglakad palayo. Binaling ko muli

ang tingin ko sa inumin niya. Napatitig ako dito habang inuubos ko ang saakin.

Napansin ko naman na sumenyas sa akin ang bartender kung kukuha pa si Doc Yan ng

isang baso. Tumango ako rito kaya naging abala ito sa paggawa ng inumin ni Doc.

Yan.