webnovel

Chapter 13: It left a mark

Binuksan ko na ang pouch ko para bayaran ang inumin ko at extra ni Doc Yan

ng umulit sa isipan ko ang sinabi niyang paliwanag tungkol sa divorce nila ni

Katrina. Alam kong totoo ang sinabi niya. Alam kong ginusto iyon ni Katrina. Kaya

wala nang ibang rason para tapusin ang ang masayang gabi niyang iyon. He don't

deserve it. Ang inisip ko nalang ay ang paliwanag ko kay Hannibal. Nag iwan ako

ng bayad sa ibabaw ng counter at tsaka tumayo mula sa upuan ko. Napansin ko na

naging kalmado at wala na sa paligid ang tumatawang lalake.

Galing sa sixth floor ang elevator kaya kinailangan ko pang maghintay at titigan ang repleksyon ko sa pinto ng elevator. Napansin kong umangat bahagya ang palda

ko paakyat sa tuhod ko dahil na rin siguro sa hapit ito sa akin at sa pagkakaupo

ko kaya agad ko itong hinila pababa. Dahil sa mga oras na yun si Makee lang ang

alam kong gising pa, siya nalang ang tinext ko para magpasundo pagkatapos ng

limang minuto. Sakto namang bumukas ang elevator na sakay nito ang asawa ni Doc.

Yan.

May pagkakulot rin ito tulad ni Katrina, pero manipis lang ang labi. Ngumiti

siya sakin kaya ngumiti rin ako pabalik tsaka siya lumabas ng elevator. Doon ko

na lang napagtanto na kaarawan pala ni Doc Yan ang araw na iyon.

Sasarado na sana ang pinto ng elevator nang may isang kamay na may recently

manicured na kuko ang humarang sa pagitan. Naging dahilan ito para mabuksan muli

ang elevator. Bumungad sakin ang lalakeng ang lakas ng tawa kanina. Pero sa

pagkakataon na iyon, malinaw ko na siyang nakilala. Sa kabila ng perpektong gupit

ng kanyang balbas at ang paliwanag hawi ng kanyang kulot na buhok. Nakilala ko

parin si Joaquin Peña.

"Sorry." Sabay nag peace sign pa siya. Hindi na siya diretsong nakalakad

papasok kaya bahagya ko siyang inalalayan. Pasulyap-sulyap ako sa kanya para

tignan kung anong floor niya. Buti nalang at maayos pa ang paningin ko at nakita

kong fourth floor siya namalagi. Nang mapindot na niya ang numero ay umayos na

siya ng tayo. Inayos niya ang maroon niyang vest at pati rin ang polo niyang itim

na two buttons down.

Halong takot at tuwa ang naradaman ko. Hindi ako makapaniwalang nasa tabi ko

si Quinn. Hindi dapat kami nagkita. Hindi pwedeng magtagpo ang landas namin.

Hindi siya pwedeng makita ni Rick.

"Balita ko, nagkaroon ka ulit ng memo"

Bigla akong nagising sa kahibangan ko ng mangibabaw ang sopistikadong malalim

niyang boses sa loob ng elevator. Kaagad akong napalingon sa kanya na sumandal na

sa gilid malapit sa mga pindutan. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango.

"No wonder... Such naiveness will definitely leave a mark."

"Pasensya na po. Nagkaroon lang po talaga personal issue."

Lumingon lang siya saakin at walang emosyong tumitig saakin ng panandalian bago

nag salita.

"Same as before... Mukhang ikaw ata ang nakainom ah? That you forgot what you

signed up for."

Nanatili nalang akong nakangiti sa kanya para sabayan ang kalasingan niya.

Mabilis ko ring ibinaling ang pansin ko sa numerong nagpapakita ng floor

number.

Buti nalang at naging four ang numero. Marahang nag bukas ang pinto kaya

marahang naglakad palabas si Joaquin. Pero natigilan ito at humawak bigla sa

pinto para mapigilang ang pagsara nito. Lumingon ito sa akin at nakangiting

inabot sakin ang isang calling card.

"This is the second time, aware ka naman ata. You need to visit me this week

again."

I was left there standing at the door of the elevator holding the card in my

hand. I had no idea why I just watched him within the narrowing gap of the

elevator door as he walked with some random woman. Then I looked at the card. And

for the second time, it isn't a surprise anymore. I'll definitely see myself

standing infront of Juniper Building…

Napansin ko pa ang kumikinang na bagay sa gilid ng paningin ko. Bahagya ko itong

nilingon at doon ko nadiskubreng nahulog ni Quinn ang kanyang debit card.

Mabilis ko itong pinulot para imbestigahan. Tugma ang pangalan nito sa

calling card. Nagtatalo na naman ang mga boses sa utak. Maaaring kamukha lang ni

Joaquin yun at baka sumipa na ang pina colada sa akin. Maaaring si Joaquin iyon

at malamang, mas malala na ang magiging consequence ko. Tinignan ko ang relo ko at dalawang minuto nalang bago ang alas diyes. Muli na namang bumukas ang

pinto. Akma namang sasakay si Rick ngunit na pahinto nang magtagpo ang tingin

namin.

"Anak ng-"

"What the-"

Nagtagpo rin ang aming mga salita sa pagkakataong iyon. Mabilis ko kaagad

pinindot ang pagsara ng pinto ng elevator kaso mabilis rin siyang nakapasok.

Nabunggo pa nga niya ako na naging dahilan para maitulak niya ako ng bahagya sa

gilid. Naging tyansa ko iyon para pasimpleng itago sa pouch ko ang calling card

at debit card ni Quinn habang siya naman ay inayos ang suot niyang mustard yellow

na long sleeve polo. Sakto lang ang sukat nito sa katawan niya tulad ni Quinn

kanina pero siya ay naka-tuck in pa.

"Nako eto na naman ang american gigolo" asar ko sa kanya sabay irap at

humarap na lang sa pinto ng elevator para pindutin ang ground floor button. Kaso

mabilis na naman niyang sinangga ang kamay ko.

"Aray!" singhal ko sa kanya

Kumunot lang ang noo niya sa akin. "You're up to something again aren't you? Kaya

ka nandito."

Tinaasan ko naman siya ng kilay at tsaka siya dinuro ng pouch ko. "Bakit?

May ebidensya ka?"

Naglayag ang kanyang tingin mula sa aking ulo hanggang pa pabalik sa mata ko

na tuloy pa rin ang kunot ng noo. "Tignan mo yang get up mo… Last time I saw you

transforming to someone WHO ISN'T you, something terrible happened."

Bigla akong natawa na sarkastiko sa mismong harap niya. "Kung-" Napaurong bigla

ang dila ko dahil napagtanto ko na hindi ko dapat siya masyadong maliitin.

"What Jerrylyn?" Paghahamon niya sa akin.

Bigating tao rin siya kaya dapat iwasan ko siya dahil kung hindi malalaman

niya ang buhay ko sa likod ng mga inosente kong ngiti. Masisira lang ang planong

kong sirain siya bago ako ang masira niya.

"Hindi tayo magkakilala kaya don't act like we do." Kalmado kong paliwanag

tsaka ako humarap sa pinto ng elevator at muling sinubukan na pindutin ang ground

floor kaso muli niya itong sinagi pagilid.

"Nakakainis ka na." Lalo pa akong nabwisit sa kanya pero pinili ko nalang

na higpitan ang hawak sa pouch ko.

"Your not answering my question"

"Well wala akong isasagot sa tanong mo ok? Ganito nalang, kung ano ang

naiisip mo, yun nalang." Nanatili nalang akong nakaharap sa pinto ng elevator

kaya napansin ko na gumalaw na ang numero.

"Don't act na hindi mo ako kilala at hindi kita kilala, Ms. Jerrylyn."

Hindi ko na siya nilingon dahil alam kong magaling siya para mahalata niyang may

tinatago ako. "May ebidensya ka ba sa akusasyon mo? Ni ayaw ko na ngang

makabangga ka."

"Oh come on Jerrylyn, we both know why you are doing this little games."

Sarkastiko niyang pasada kaya napatingin ako sa kanya ng masama. Ngumisi lang

siya na tila naghahamok pa. Sakto namang bumukas ang elevator kaya agad siyang

nakalakad palabas. Kaso parehas pa kaming nakita si Makee sa front desk na

nagtatanong na sa receptionist. Muli tuloy siyang lumingon sa akin.

"See you next week Jerrylyn!" Sayang saya niyang isinigaw ang mga salitang

iyon sabay pa ang pagkaway niya. Napalingon tuloy ang receptionist at si Makee sa

direksyon ko. Pero si Makee, tumingin lang ng diretso kay Rick at pabalik sa

akin. Ang mga tingin niyang iyon ay kaya na akong tanungin kung bakit ako

nakacheck in sa hotel kasama ang isang lalake.

Tahimik lang kaming sumakay sa dala niyang van. Tulad ng dati, amoy na naman

cinnamon ang loob nito. Pero kahit away-bati kami, hindi ko magawang magsawa rito. Siya parin ang takbuhan ko. Binuksan ko nalang ang radyo niya pero

kinonekta ko ang phone ko para musika ko ang tumugtog.

"...And I'll use you as a warning sign

That if you talk enough sense, then you'll lose your mind…"

Palagi kong tinutugtog ang awit na iyon sa gitara ko kaya hindi ko

mapigilang makasabay. Humuhuni rin ako tulad ng kanta. Sa paraan iyon ay nabasag

ang katahimikan sa sasakyan.

"... And I'll use you as a focal point

So I don't lose sight of what I want…"

Mabilis akong napalingon kay Makee nang kantahin niya ang mga sumunod na lyrics.

Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan ng wala sa oras.

"...And I've moved further than I thought I could.

But I missed you more than I thought I would…" Pagtutuloy ko na ikina-ngiti naman

niya. Kahit hindi siya nakatingin sa akin ay kita ko parin ang ningning ng

kanyang ngiti.

"Alam mo pala itong kanta." sayang saya kong puri sa kanya. Muli lang naman

siyang ngumiti

And I'll use you as a warning sign

That if you talk enough sense, then you'll lose your mind

"Favorite ko yan actually." nakangiting paliwanag niya. "At ni Hansel."

Pero, kahit anong tamis pa ng ngiti niya ng mga oras na iyon, alam kong may

pagtataka parin siya sa nakita niya. Hindi niya lang pinapahalata. Sanay na ko sa

mga tingin niyang iyon. Sa tagal na naming magkakilala, halos ng tungkol sa buhay

niya alam ko na.