webnovel

Chapter 15: Butterfly effect

××× OOO ×××

"Good morning Mrs. Gui" Pagbati nilang lahat sa babaeng nasa late 30s na ang

itsura at shoulder length ang hazel brown niyang buhok na inipit niya sa gilid ng

kanyang tenga. Kumikinang ang hikaw niyang perlas. Kasunod naman niya ang isang

lalakeng may bangs na kapantay lang ng suot niyang salamin. Naka necktie siya ng

ash grey at nakapolo siya ng black. Kita ang kanyang black leather belt dahil

naka tuck in ang polo niya sa kanyang grey chino pants. Naka suot din siya ng

sapatos na balat at kulay itim ito. Naka sukbit naman sa bulsa ng kanyang polo

ang dalawang ballpen. Isang pula at isang itim. May hawak siyang itim na clear

book. Kitang kita sa mga mata ng mga estudyante ang paghanga sa itsura pa lang ng

lalaking iyon.

"Ok students, last kayong maiinform about this since kayo naman ang huling

klase ko this week. This is Sir Rick Cua. Ang substitute ni Sir Rajah. I assigned

him to handle the electives subject. Sir will be handling this subject class

every Wednesday. Siya ang aking bagong T.A for the rest of the semester at even

sa OJT. If my sources are right, some of you know him already right? Yung mga

under sa subject ni… Sir Rajah." Pagtatanong ni Madam Gui.

"Yes, ma'am " sabay-sabay namang sagot ng mga estudyante. Nagsimula ng mag

bulung-bulungan ang mga estudyante na mukhang nakakita ng artista.

"Well yes, siya yung sinasabi ng ibang class na substitute . He may not be a

teacher in degree but that doesn't mean that he can't teach you guys. He

graduated with an MBA major in Entrepreneurship." Pagpapaliwanag ulit ni Madam

Gui.

Tuloy parin ang bulungan ng mga estudyante habang ang iba ay sikretong

hinanap sa internet ang pangalan ni Rick. Nabulabog ang bulungan ng may isang

estudyanteng babae ang nagtaas ng kamay at tinanong si Rick.

"Sir, pwede ba kaming mag OJT sa resort mo?"

"Depende kung anong desisyon ni Ma'am Gui."

Tuloy parin sa pagningning ang mga mata ng mga estudyante. Puro ngiti ang

halos lahat ng estudyanteng babae kahit nakatingin lang si Rick kay Ma'am Gui.

"Sa April pa naman ang OJT kaya relax lang muna kayo. Since malapit na

kayong grumaduate, you all need to be prepared and be well trained. Wala naman

sigurong papalya sa klase ni Sir?" Bahagyang tinapik ni Ma'am Gui ang balikat ni

Rick. Naging tango lang naman ang naging sagit ni Rick sa kanya. "You don't have

the reason to be absent right?" Biro ni Ma'am Gui na naging dahilan para

magtawanan naman ang mga estudyante.

"Well, sir bahala kana dito." Nagpaalam na si Madam Gui bago umalis ng

silid. Ngumiti at nagpasalamat naman pabalik si Rick.

Ipinatong niya ang clear book sa lamesang nasa harap niya. Nakangiti lang

ang mga estudyante at kaya ang katahimikan ang naghari. Inilabas niya mula sa

bulsa niya ang isang whiteboard pen. Nagsimula siyang magsulat sa board.

"Once again, good morning I'm Mr. -" napalingon ang lahat sa pintuan sa

likod ng klase ng may kumatok kahit bukas naman ito.

"Good-" lumaki ng kaunti ang mata ni Jerrylyn at muntikan nang mahulog ang

nagiisa at magaan na librong hawak niya.

"Good morning-" Nginitian lang siya ni Rick na nakasukbit ang mga kamay sa

bulsa ng kanyang pantalon. Pero alam ni Jerrylyn ang ngiting iyon ni Rick ay

hindi para batiin siya ng bukal sa puso.

"Sir… sorry I'm late." Nakayuko na lang lumakad papunta sa kanyang upuan si

Jerrylyn na dalawang row ng upuan ang layo sa pinto. Gusto lang niyang kainin

siya ng sementong kinatatayuan niya.

"What an epic first impression you made. Ms.?" Nakangiti ngunit iba ang

tingin ni Rick kay Jerrylyn. Kahit tingin lang iyon, ramdam niyang nagsitayuan

ang buhok niya sa buo niyang katawan. Pero hindi siya nagpatalo sa nararamdaman

niya. Mabilis siyang tumindig mula sa kanyang upuan.

"Gabino, Sir. Jerrylyn Gabino Sir" Seryoso at walang emosyong sabi ni Jerrylyn.

Tanging tango lang ang sinagot sa kanya ni Rick. Paulit ulit naman niyang

minumura si Rick sa kanyang diwa nang nakaupo na siya dahil hindi niya pwedeng

gawin ito sa harap ng klase.

"Ok. My name is Mr. Rick Cua. I'll be teaching this class, this class Services

Marketing. I hope we can get along well." He smiled again as he took a glance of

Jerrylyn who was silently cursing in her mind. He felt overwhelming power over

her. He felt like holding the strings of his puppet, Jerrylyn.

Isang linggo palang mula nang tumapak ang mga paa ni Rick sa teritoryo ni

Jerrylyn pero sa pakiramdam ni Jerrylyn, tila taon na ang lumipas. Bawat

pagkikita nila ni Rick sa hallway, sa klase at kahit sa tuwing inuutusan siya ni

Rick para may dalhin sa faculty. Pakiramdam niya, may gagawin itong masama.

Masamang bagay na siguradong malaki ang magiging epekto sa buhay niya. Sa

pagpasok ni Rick sa campus, napagtanto ni Jerrylyn na lumiit na ang espasyo na

pwede niyang galawan. Sa sobrang sikip, isang maling galaw at malalaman kaagad

ito ni Rick. Alam niyang hahanapan siya ni Rick ng butas para bumigay siya.

Pansin rin ni Jerrylyn ang tila magandang turing ng mga estudyante sa kanya.

Hindi niya maunawaan kung anong meron kay Rick at ganun nalang sila magkandarapa.

Isa rin iyong dahilan nang paghihirap nang kanyang mga kilos. Hindi rin niya

magawang makausap ng personal si Hannibal dahil doon. Kaya, puro usap nalang sa

cellphone ang usapan nila. Hindi niya na nga rin magawang makita ang mga kliyente

nila dahil sa pangambang pinapanood ni Rick ang bawat niyang galaw. Nakokonsensya

na tuloy siya para kay Hannibal dahil siya nalang lagi ang humaharap sa mga

kliyente. Naging dahilan tuloy ito sa paghina ng pangalan nilang dalawa sa

industriya na pinasukan nila.

Nagbabadya ang mga numero na manatili lang na mababa. Nagbabadya ang

sitwasyon na kinabibilangan ni Jerrylyn ngayon na maaaring may magsakripisyo

kapag hindi nila nagawan ng paraan ang kinakaharap nilang problema. Dahil sa

sobrang layo ng diwa niya mula sa kanya, hindi na niya napansin ang pagtayo ni

Rick sa tabi niya.

"Mag-green light kana!"

Inis na bulong niya sa hangin habang nakatitig sa traffic light mula sa kabilang

banda ng kalsada. Wala rin siyang kaalam-alam na inoobserbahan na siya ni Rick

habang palapit ito sa kanya. Ang katagang iyon ay mabilis na kumatok sa pintuan

ng alaala ni Rick. A cheery voice of a man echoed in his head resembling Jerrylyn's

word.

Green Light! Green Light!

Humigpit ang hawak niya sa kanyang cellphone na nasa loob ng bulsa ng kanyang

chino pants nang marinig niya ang katagang iyon.

"Every dog that goes astray… "

Isang pamilyar na boses ang pumukaw sa atensyon ni Jerrylyn. Kilala niya ang

boses na iyon kaya agad siyang napalingon sa kanyang gilid.

"Always end up in the pound…"

Nakangiti nga sa kanya si Rick pero alam ni Jerrylyn na hindi totoo iyon. Alam

niyang may tinatago ang ngiting iyon ni Rick. Tinignan siya ni Jerrylyn mula ulo

hanggang sa paa at walang imik. Ang kaibahan sa mga nakaraang pormahan niya ay

hindi siya naka necktie at medyo magulo ang buhok niya. Napanatili niya parin ang

neat looking na pormahan niya. Ngunit hindi niya napigilan ang sarili na

magsalita nang mapansin niya ang suot ni Rick na bracelet na pambabae. Saktong

sakto ang paglihis ni Rick ang manggas ng light blue nitong polo. Alam niya kung

kanino ito galing.

"Nagsasayang ka lang ng pera at oras kung patuloy mo kong susundan." sabi ni

Jerrylyn na patuloy sa pagtanaw lang sa traffic light.

Sarkastiko namang humagikgik si Rick. Isang hagikgik na may nilalaman. "The world

doesn't revolves around you, Jerrylyn. It never did."

Kung isa lang siya sa mga babaeng nahalina sa itsura ni Rick, malamang

mahuhulog kaagad ang loob niya rito. Ngunit tila, bumaligtad ang mundo.

Pagkatapos ng hagikgik na iyon ay nakaramdam siya ng hiya at panliliit.

Kinakatawan ni Rick ang mga bagay na hindi siya. Kababae niyang tao, hindi niya

magawang magdamit ng fancy style. Silang dalawa at isang elementary ang tanging

nagaantay sa pagtawid. Kaya malakas ang loob ni Rick na takutin si Jerrylyn. Alam

niyang may tinatago si Jerrylyn sa campus. "Your sister seems very talkative and

open about everything." Sa tono ni Rick ay nahulaan na ni Jerrylyn na sa ilalim

ng magaang bigkas ni Rick ng mga salita ay ang bigat ng binabalak nito. "I bet

she would like to know my story, right?"

Hindi na nagawang makatingin ni Jerrylyn kay Rick kahit masaya lang ang

pinapakita nito. Kahit na hindi halata sa tono ni Rick ang pananakot nito, nagawa

naman niyang mapabangon ang mga buhok ni Jerrylyn sa batok nang tapikin ni Rick

ang balikat niya. Nagawang yanigin ang buong katawan ni Jerrylyn ang tapik na

iyon. Kakaibigang tibok ang naramdaman niya. Tibok na nagbigay sa kanya ng

malamig na pawis sa kanyang noo.

Mabilis siyang napalingon na nakakunot ang noo at bahagyang nanlaki ang

kanyang mata. Habang si Rick ay nakangiti lang na kala mo nakakaloko at nakahawak

parin sa balikat ni Jerrylyn. Marahang napatras si Jerrylyn na naging dahilan

para mapabitaw sa kanyang balikat si Rick.

"Wala-wala siyang alam-" Nabalot parin ng kaba ang ang tono ni Jerrylyn kahit

anong kalma niya kaya nagawa siyang pigilan ni Rick.

"Green light na."

Nagawa nalang ni Jerrylyn ay panoorin si Rick na lumakad palayo. She couldn't

believe how he could just walk and blended naturally among the crowd after. Like a

butterfly gracefully hovered above the field of flowers. Like a butterfly

bewitching the dog run after him.

Tila nasemento siya sa kanya kinatatayuan kaya tuloy ang pulang ilaw ng

traffic light ay nagmistulang pulang langit ng gabi sa kanyang isipan. He was gone

seconds ago yet his scent still left a mark on her shoulder like some kind of a

talisman. She still felt him lingering on her shoulder. Her tears started to fill

up her eyes yet she kept thinking she must not. Naalala tuloy ni Jerrylyn ang

kapatid niya ng mga oras na iyon. Madadamay ang kapatid niya at ang buong pamilya niya kung hahayaan niyang lumaki ang pwersa ni Rick. Nangangamba siya sa pagiging unpredictable niya. Kung saan-saan nalang sumusulpot. Tila alam ni Rick ang

pupuntahan ni Jerrylyn. Tila inoobserbahan siya nito.

××× OOO ×××