webnovel

School Fieldtrip: Destination 1 (Tagalog)

Nag aaral si Ethan Anderson sa Sky Academy, pang apat sa mga magagandang paaralan sa lugar nila. One day, their teacher announced that they will be having a school fieldtrip which is free. Masasaya ang mga kaklase niya sa announcement na ito dahil once in a blue moon lang mag pa fieldtrip ang academy. Pero ang hindi nila alam, this is more than a fieldtrip.

YuHelixir · Horror
Not enough ratings
4 Chs

FIRST GAME

‼ chapter contains gore that may upset readers. read with caution.

Nathan, 11:41am, 6/14/29

I slowly opened my eyes.

It's so bright.. Urgh.

"You're finally awake!" Sabi ng boses na nanggagaling kay Traze. Tinabunan niya ang ilaw, mukha naman niya ngayon ang nakikita ko.

Inilayo ko ang mukha niya gamit ang kaliwang kamay ko dahil tatayo ako, "Tabi." sabi ko at tumayo.

"I thought my honeybooboo is dead. I was ready to cry!" He placed his index fingers below his eyes, gesturing that he is crying.

"Para kang tanga" Saad ko. "I wouldn't die just like that."

"Tama tama. Ikaw talaga, Traze. Tigil tiglan mo si Nathan." Pagkampi ni Ethan. Hinampas niya ang ulo ni Traze at sinabing layuan muna ako dahil may gusto siyang sabihin sa akin.

Traze sulked like a child, "Hindi na pala ako?" at lumayo.

Yumuko si Ethan at Tinapik ang balikat ko, "Calm them down." At may tinuro sa likod ko. Tumingin naman ako kung saan naka-turo ang daliri niya, mga kaklase ko, mga kaklase kong nagkakagulo.

Tumingin ulit ako kay Ethan, "Ba't ako?" Tanong ko.

"Kailan ka pa naging paniki? Pabirong sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin, "isasabit kita patiwarik tulad ng mga paniki"

Mahinang tumawa ang lalaking 'to. Minsan talaga hindi ko nag-gets humor ng mga kaibigan ko.

"President ka namin Ethan 'di b---" iwinasiwas niya ang kamay niya sa harap ko, "Hush! You know that I can't handle these people." saad niya. "So am I." sagot ko. Naging president pa ang pusanginang 'to. "Alam kong minumura mura mo na ako dyan sa ulo mo." dinuro duro niya ang noo ko. "You're good at words, I know you can handle them." I sighed. "Fine."

Tumayo ako at pumunta sa harap. I told them to calm down and don't panic, that's the least I could say.

"We will do something about it, everyone should stay calm and not panic." Wow, Nathan, very assuring.

Someone raised a hand.

"Yes?"

"Do you guys know where my other bags went? My beauty care is there!" A girl asked.

Oh. That's the first thing you'll ask? Is that beauty care important when we're here, don't know where the fudge is this, trying to figure out how to get out? And how am i suppose to know? I just woke up for fudging goats sak--

"Uhm, hello? Vice president?" pag putol ng babae sa iniisip ko. Ah, sumagot nanaman ako mentally.

"Don't worry, hahanapin namin." Sinabi ko at binigyan siya ng tipid na ngiti.

Tumingin tingin ako sa paligid. Puti ang pintura ng silid, may dalawang pinto, mesa, orasan, at kutsilyo. Other than that, mga kaklase ko at ang mga gamit nalang namin.

Pumunta ako sa table kung saan maytoong digital clock at kutsilyo sa tabi. Hinawakan ko ang digital clock at sinuri 'yun. Nakita ko naman ang switch kaya binuksan ko na lang at inilapag, wala namang importante roon.

Now the doors. Pumunta ako roon at chineck ang mga pinto. "Has anyone open these?" tunayo ako sa harap ng isang pinto. "Yes! We tried but it's not opening!" A girl said.

Triny ko buksan. Not that I don't trust them but it's better to see it for myself. At katulad nga ng sinabi nila, hindi nga siya nagbubukas. Ganun din sa isa.

Nagulat kaming lahat ng may biglang tumunog banda roon sa may digital clock. It was a loud beeps. Tinignan ko naman agad kung saan nanggagaling 'yon, tinignan ko ang ilalim ng mesa at may nakita akong speaker. Doon nanggagaling ang tunog.

Before i knew it, my classmates are panicking.

"Is that a bomb!?"

"Are we going to die!?"

The room is now full of screams and loud beeps. It's so annoying. They're so noisy. Traze tried to calm them down, but seems like nobody's listening.

The beeping sound lasted for 2 minutes. Now it stopped. Ngunit, napalitan naman ito ng boses ng babae.

"Ehem! Ehem! Hello.. Hello...? Good morning students! Are you scared? Terrified? Don't be!we will be playing today!"

"play"

"Is this some kind of prank?" I could hear their whispers and silent murmurs.

"The game is called: Who's the weakest?

The game mechanics is, kill a living organism within the time limit and choose a door after doing the first task! Failing to do so will have a consequence!

Oh, before i could forget, choose a door wisely. If you choose the wrong door..... YOU'LL BE CUT TO HALF!"

Malalakas na tawa ang narinig namin sa speaker. Ang iba'y nanginginig at umiiyak sa takot, because who wouldn't? Me.

Natigil lang ang pag yawa ng babae sa speaker ng may biglang lumipad na sapatos na tinamaan ang lamesa.

"Sabihin mo kung nasaan kami!" Sigaw ng babae na bumato ng sapatos.

"i'll tell you if you finish this game" she giggled. "Anyway, please wear these smartwatches" A box appeared below the table. "Instruction, rules, and anything you need to survive is there! Have fun and don't die at your first game!"

" TIMER. STARTS. NOW."

The digital clock who was displaying the time earlier turned in to timer. 10 minutes, the clock displayed.

"Nathan!" Tawag ni Traze. Lumingin ako sa kanya at akmang may ibabato, "Smartwatch mo! Catch!" Nasalo ko naman at isinuot na sa kanang kamay ko. Mayroon din kasi akong relo sa kaliwang kamay, ayoko namang tanggalin 'yon kaya sa kanang kamay ko na lang 'yon sinuot.

"Ang weird mo tignan." Ani Traze na nasa likod ko.

"Pupunta ka naman pala sa akin binato bato mo pa 'yung smartwatch."

"Trip trip ko lang."

Napa buntong hininga ako at nilagpasan siya. Nakita ko ang mga classmates ko na nagpapanic, they don't know what to do.

Nararamdaman ko naman ang pagkataranta sa mga boses nila kaya nag taas ako ng beses at nag bitaw ng mga salita para kumalma sila. Halos 45-- teka, ngayong binigyan ko ng pansin ang bilang namin, parang kakaunti nga lang kami. Nangalahati ata kami, at mostly taga ibang bus ang nandito. Nasaan ang iba naming mga kasama sa bus? I sighed. Buti na lang hindi kaming tatlo nahiwalay.

Hinanap ko si Ethan, at nang mahagilap siya ng aking tingin ay nag simula na akong mag lakad at pinuntahan siya. Nasa kabilang corner siya ng silid, kinakausap si Traze.

Ngunit bago pa man ako maka punta sa kanilang dalawa'y may kung sino ang kumapit sa braso ko. Si Natasha 'yun, ang Muse ng klase. "w-what should we do, vice president?" nauutal na tanong niya. I cringed. Mukhang sinasadya niya ang pagka-utal. Tinitigan ko siya ng ilang saglit bago bigyan ng sagot, "kill something" at dali daling nag lakad palayo. Ngunit bago pa man ako maka layo'y may humawak nanaman sa kabilang braso ko. Ganoon din ang tanong niya. Hindi na ako nakalayo dahil nag sunod-sunod na sila, pare-parehas ang tanong.

Bakit ba eto pa ang inuuna nila? Wala ba silang utak para mag isip ng solusyon? Can't even pretend that they're thinking?

ANNOYING.

Dapat pala hindi na ako nag presinta kanina na hahanapan namin ng solusyon 'to.

I sighed again.

Tinanaw ko sila Ethan at Traze na nasa lamesa naman ngayon. Kung kanina'y may kung anong kinukuha sila sa mga bag na naka compile sa gilid, ngayon na may may kinakalikot sila sa ilalim ng lamesa.

"Traze, Ethan, you called?" Malakas na sabi ko at nag dali daling kumalas sa grupong naka kumpol sa akin.

Hindi naman nila ako tinatawag, ginamit ko lang talaga sila as an excuse. Atsaka, may kailangan din naman akong sabihin sa kanila kaya it's only fair.

Pag dating ko ay tila ba nalilitong tumingin sa akin si Traze at gusto akong tanungin 'Ha? Tinawag ba kita?' wala na akong time para mag explain kaya iwinasiwas ko ang kamay ko sa mukha niya na ang ibig sabihin ay 'wala'.

Tinignan ko naman si Ethan at nginitian niya ako, "Told ya, can't handle those people, only you."

tinitigan ko siya. " 'wag mo akong ma only you only you dyan, baka gusto mong tawagin ko mga fangirls mo" pagbabanta ko sa kanya.

kinakabahang tumawa siya, "joke lang"

Naki-upo ako sa kanila at sinilip ang ginagawa ni Traze. " Anong ginagawa mo dyan?" tanong ko.

"Nothing, just looking for something useful here."

"Found anything?"

"Wala." Napa buntong hininga si Ethan.

Tumayo na si Traze at nag pagpag ng pantalon niya. "Let's clear this game, you guys get the door. Ako na bahala sa first task."

Iniabot ni Traze ang kamay niya at kinuha ko naman 'yun para tumayo. "Kaya niyo na yan" sabay himas sa likod.

"Pinunasan mo lang ako ng dumi 'no"

"Hindi ah"

Pusangina, naka puting polo pa naman ako.

"Tara na" Ani Ethan at akmang ilalagay ang kamay niya sa polo ko.

"Huwag." tinignan ko siya ng masama. "tatawagin ko talaga fangirls mo" pagbabanta ko.

Iniangat naman niya ang dalawang kamay na tila ba'y sumusuko na siya. "Tara na, Ethan."

Bigla na lang may nag sisigawan. Nagulat ako kaya nilingon ko kung saan nanggagaling ang ingay. Galing 'yon sa grupo ng mga babae at lalaki.

"Kailangan nating pumatay ng tao!" Sigaw ng lalaki.

"May mangyayari ba kung hindi tayo papatay!? Bakit kailangan nating pumatay!?" Mangiyak ngiyak na sigaw ng babae.

"Gusto mo bang mamatay tayong lahat!? Isang tao para sa ating lahat! It's that easy!"

"Edi bakit hindi mo patayin ang sarili mo!?"

Mukhang nainis naman ang lalaki sa sinabi ng babae kaya bigla niyang hinila ang damit ng babae. Nagsisigawan ulit ang mga babae.

Akmang sasapakin ng lalaki ang babae ngunit buti na lang naka responde agad si Traze.

"Chill ka lang bro, 'wag pairalin ang init ng ulo. Mag isip ka." Ani Traze.

Nandilim lalo ang mata ng lalaki ngunit wala na siyang nagawa dahil baka mapahiya niya pa ang sarili. Binawi niya ang kamay niya sa mga hawak ni Traze at nag lakad papalayo. Sinigurado naman ni Traze na ok lang ang babae bago siya pumunta sa ginagawa niya.

Now back to what i am doing. Pumunta ako sa kabilang pinto dahil tinitignan na ni Ethan ang kabili. Chineck ko 'yon at triny buksan but it won't budge.

"Maybe we need to kill the living organism first before we can open this?" I said.

"Yeah that's probably the case." Sagot ni Ethan.

"What's taking Traze so long anyways?" Tinignan ko ang relo sa kaliwa ko. "we only have 4 minute---" Nilingon ko si Traze at nagulat sa nakita. Pinipigilan niyang saksakin ng lalaki ang babae. Sila ring dalawa 'yung nagsisigawan kanina. Nagdudugo na ang kanang kamay niya dahil 'yung patulis ang hinahawakan niya.

"Traze!" Sigaw ni Ethan at tumakbo para rumesponde. "What the hell are you doing, Jace!? Sigaw niya na may nakakatakot na tono't ekspresyon. Hinawakan niya ang kamay ng lalaki kung saan naroon ang kutsilyo, "Bitawan mo" nakakatakot na sabi niya. Nanginginig na binitawan ni jace ang kutsilyo, muntik pa atang maihi.

Ngayon lang siya ulit nagalit ng husto, this might be new to our classmates. Core memory unlocked ya'll.

"w-we need to kill someone! Or we're gonna die!" Nanginginig na sabi ni Jace.

Ethan opened the container beside Traze at sinaksak ang isang insekto dun. Tinitigan niya ng masama ang lalaki, "Didn't it said to kill a living organism? You're an idiot."

Ding! Ding!

"First task complete! Now open the door to complete this game! Additional 3 minutes on the timer. Current time: 4 minutes and 12 seconds."

A small screen appeared above the doors. There's a death door and freedom door. Death at the left, freedom at the right.

"Let's choose the death doo--" Before I could finish saying what I'm about to say, the guy named Jace ran in front of the freedom door. "We should choose the freedom door! Bakit mo naman pipiliin ang death door when it's obvious that it's the freedom one!?"

Dumbass.

"If you want to live, go with m---" He cut me off again. "GO WITH ME IF YOU WANT TO LIVE!" Tinignan ko siya ng masama, kanina niya pa ako kina-cut off, nakaka-bastos.

Surprisingly, may mga kumampi sa kanya. Ano 'to, idiots will attract idiots? Lmao.

May 15 na sumama sa amin at 8 naman sa kanya. Binuksan ko na ang pinto at pinauna ang mga babae. We're minding our own business here nang bigla nanamang nag salita si Jace. " Ikaw? Elise! Dito ka!" sabi niya sa babae na nasa harap ni Traze. "Didn't the woman said to you earlier that if we finish this game she'll tell us where we are!" Tanong niya na may tonong galit. Bago siya pumasok sa pinto'y tinaas niya muna ang kanang kamay at ibanaba ang daliri maliban sa gitnang daliri. May ilang patagong tumawa, ngunit hindi ata natago ni Traze ang sa kanya.

Siya nga pala 'yung babaeng bumato sa digital clock gamit ang sapatos kanina.

"Let's see who's right, Mr. vice president." huling hirit pa ni Jace bago pumasok. Hindi ba pwedeng manahimik na lang siya.

Pag pasok ko sa loob ay isa nanamang kwarto na pa-square at may puting pintura. May dalawang pinto ulit, at sa gilid ay ang isang malaking glass wall. Nakikita ang kabila nito kaya ng makita akong tumingin ni Jace sa pader ay minura niya ako.

Tinitigan ko lang siya hanggang sa may biglang tumamang mabigat na bagay sa likod ko. Nilingon ko ang likuran ko para makita kung ano 'yun, bag ko pala na naiwan sa kabila, nakalimutan ko.

"Buti na lang andito ako, paano ka na pag wala ako?" Si Traze ang bumato. Kinuha ko na ang bag ko. Sling bag ang style niya kaya isinabit ko sa kanan ang strap at inilagay sa kaliwa ang bag.

Naka pasok na ang lahat kaya automatic na nag lock ang pinto.

BEEP. BEEP. BEEP.

"Sigurado ka bang tama na sumama tayo sa kanila?" tanong ng isa sa kaibigan niya. "We can trust them, don't worry" sagot naman nito.

-BEEP!-

"15 people chose the death door while 8 proplr chose the freedom! I am now going to announce whose side is the winner...."

Lahat ay kinakabahan maliban sa akin. I'm confident with my choice, it's just common sense.

There was a drum roll on the speaker. "The winner is the death door!"

Lahat sila ay naka-hinga ng maluwag maliban sa kabilang kwarto. Nagpapanic silang lahat, desperately asking for help, saying they don't wanna die.

Nawala na ang nagsasalita sa speaker at napalitan ang tunog nun ng mga sigaw, sigaw ng mga nasa kabilang kwarto.

Lumabas ang mga matatalim na chainsaw sa magkabilang pader at nagsimulang umikot at lumapit sa gitna.

"tulong ayokong mamatay!"

"kasalanan mo 'to jace!" "tulong!" halo halong sigawan ang narinig namin.

Mabilis na lumalapit ang mga chainsaws kaya nagkukumpol silang lahat sa gitna.

Malapit na... Sobrang lapit... Konting lapit na lang at mapipiraso na sila.

Zzzrrrrrrr! Zzzrrrrrr! AAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!

Nahati ang mga katawan nila. Halves, fourths, eights, the blood is all over the glass wall. Nagkalat din ang mga laman loob nila. Ang ilan ay naka palumpon pa sa chainsaw. Their body parts are desperately hanging to not fall off. May iba pa ngang nangingisay ngisa--

"Tara na, Nathan. Ano pang tinatayo tayo mo dyan?" Pag tawag ni Ethan sa akin na nasa likod na ng pinto. Ah. "Coming." pumunta na ako sa pinto. Ako na lang pala ang naiwan.

Bago ako maka lumabas ay tumingin ulit ako sa glass wall. "They could have hid in the sides of the glass wall" I mumbled.

"Hm? Ano 'yon? Tanong ni Traze.

"Wala"

"Nathan! Stop being so mahangin my honeybunch."

"Stop it, Traze."

- 8 Have DIED. -

- 45 Students, 37 left. -