webnovel

School Fieldtrip: Destination 1 (Tagalog)

Nag aaral si Ethan Anderson sa Sky Academy, pang apat sa mga magagandang paaralan sa lugar nila. One day, their teacher announced that they will be having a school fieldtrip which is free. Masasaya ang mga kaklase niya sa announcement na ito dahil once in a blue moon lang mag pa fieldtrip ang academy. Pero ang hindi nila alam, this is more than a fieldtrip.

YuHelixir · Horror
Not enough ratings
4 Chs

D-DAY

Nathan, 2 days before the fieldtrip

"So, Ethan, sasama ka ba sa fieldtrip?" Tanong ng bestfriend kong si Traze. Tinitigan ko muna siya bago bigyan ng sagot. "I don't know. It depends." I shrugged my shoulders. "It's settled then!" Aniya at ngumiti na tila ba may kakaiba siyang gagawin. Sigh. He's gonna do something again at madadawit nanaman ako dito. I sighed again.

Yumuko na lang ako sa aking upuan at napa-tingin sa labas. Napa-isip ako tungkol sa fieldtrip namin this upcoming friday. Isn't it weird? Magpapa-fieldtrip sila, hindi lang 'yon, libre pa. I am aware that this school is financially stable, pero i just can't imagine them throwing away money. This school is also known for being outside-world-distant dahil once in a blue moon lang sila magkaroon ng outside activities. Once in a blue moon nga rin ang fieldtrip dito eh. Paano ko nasabi? Dito kami nag aral ni Traze simula grade 1 at dito din namin nakilala si Ethan. What's also weird is wala pa silang binibigay na brochure for our stops. Hindi ba't karaniwang binibigay 'yon 2-3 days before the fieldtrip itself? I sighed again. Ilan kaya ang sasama? Maybe half of our class will come. Well, they can choose whether to go or not since it's free naman. Napa-buntong hininga ulit ako bago ipinikit ang mata. Lunch naman ngayon, matutulog muna ako saglit.

Nathan, fieldtrip day, 7:35 am, 6/14/29

"Nathan my one and only sugar boo boo~!" Sigaw ng isang pamilyar na boses na nakakairita pakinggan.

Si Traze 'yon. Nilingon ko kung saan nanggagaling ang boses at nakita siyang tumatakbo ng mabilis papunta sa direksyon ko bitbit ang bag, maleta, at rectangle na container na naka-plastic. Akmang tatalunan niya ako kaya bago niya 'yon magawa ay hinarang ko siya gamit ang kaliwang kamay ko. My right hands are full right now kaya pasalamt siya hindibko siya nasapak. "Stop it, Traze. Hindi ka ba nahihiya?" Binitawan ko siya at sinamaan ng tingin. "Baby, bakit naman ako mahihiya." pangaasar niya pa habang nag t-twinkle eyes. Kung hindi ko lang hawak ang barrel bag ko sa kanang kamay ko'y baka nasapak ko na siya. "Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo?" Tanong ko habang tinititigan siya ng masama. Tumawa lang siya at hinampas ang likod ko bago siya pumunta sa iba pa naming kaklase. Bakit pala siya nagdala ng maleta? Fieldtrip 'to hindi outing. Marami-rami rin ang sumama. Halos limang pu kami sa classroom at apat na pu't lima ang sumama.

Nathan, 7:40 am, 6/14/29

Dumating na ang bus na sasakyan namin. Naunang pumasok si Traze sa bus at nag pahuli naman ako. Matapos nilang sumakay lahat ay umakyat na ako't naghanap ng upuan. Tumingin tingin ako sa mga upuan at nakita kong kumakaway si Traze. Nang tinignan ko siya ay hinampas hampas niya ang upuan sa tabi niya para roon ako maupo. "Dito ka na sa tabi ko, Nathan!" Naka ngising alok niya. Pumunta naman ako dahil mukhang wala ng bakanteng upuan at ayoko namang bumaba pa ng bus para lang pumunta sa kabilang bus. Umupo ako at tinignan siya. Sa hita niya ay ang container na dala dala niya na may laman palang mga insekyo. Tinapik ko siya, "Para saan 'yan? May pinapadala ba silang ganyan?" Tanong ko. "Tsk! Ikaw talaga, Nathan! You don't know how to have fun. " Tinignan tignan niya ako, nakikita ko sa mga mata niya ang 'para ka namang lolo Nathan'. Ngumisi siya at ini-angat ang container at tinapat sa mukha ko, "Let's scare them later" at kinindatan ako. Tumawa siya ng mahina at itinago sa tela ang container na may insekto. Para siyang nasisiraan ng bait, I can't believe him. Napabuntong hininga ako.

Kinuha ko ang cellphone at ear pods ko sa satchel bag at nagpatugtog na lang. Dahil matagal tagal pa naman kami sa destinasyon namin ay umiglip muna ako saglit.

10:48, 6/14/29

May kung sinong tumatapik at tumatawag sa akin. "Natha...! Gisi..g..! Huy!" Nagmulat ako ng mata at nakitang si Traze ang tumatapik sa akin. Humikab ako at tinanong siya kung anong nangyari at tila tuwang tuwa siya. May tinuro siya sa labas, "May mga weirdo roon sa gitna, oh." Tumayo ako at tinignan ang labas, may mga balot na balot na mga lalaki at may... baril? Kinusot ko ang mga mata ko at tinignang muli ngunit lumabo lang lalo ang mata ko. Ang lakas ng music nila, ano 'to suprise performance bago kami pumunta sa pupuntahan namin? Umupo ulit ako sa kinauupuan ko at tinanong si Traze, "kanina pa ba 'to?"

"hindi, ngayin ngayon lang din. Nung ginising kita, nagsisimula na sila."

"Hindi na nga tayo binigyan ng brochure for our fieldtrip, may mga ganito pa na hindi naman nakakatuwa." Naiiritang sabi ko. Well, I might be the only one who's noy happy about this since all of my classmates seems to be enjoying it. Vini-videohan pa nga nila.

"Damn, kalma ka lang, Nathan. Highblood na highblood, ah? Dapat pala 'di na kita ginising" Hinampas hampas niya ang likod ko at tumatawa.

Tinapik ko ang kamay niya sa likod ko at sinamaan siya ng tiningin. Kahit na sinamaan ko siya ng tingin ay tuloy pa tin siya sa pag tawa. Para talagang timang 'to si Traze minsan.

Tinignan ko na lang ulit ang mga naka-costume sa harapan ng bus namin. Marahil tumigil ang bus namin dahil ang sasakyan at ibang kasamahan nila'y nagkalat sa gitna, gilid, at sa kasunod naming bus. Ang dami nila masyado, so maybe the bus driver really didn't have a choice. Alangan namang banggain niya lahat, 'di ba? Haha.

Inilibot ko ulit ang mga mata ko sa mga kaklase ko, ineenjoy talaga nila. What's so fun about this? Isn't it much more fun kung makakarating na tayo sa destination natin? Tsk. This is annoying. I sighed.

"Isn't it weird?" Tanong naman ng lalaki sa likuran ko. Pamilyar 'yon kaya nilingon ko ang nasa likuran ko. At siya nga, my another bestfriend, Ethan. "What's weird?" Tanong ko. He looked at me for a few seconds. Bigla siyang tumayo at pumunta sa upuan namin ni Traze. "Usog." Sabi niya na tila ba'y inuutusan niya kami at wala kaming choice kundi sumunog. Dahil nasa gilid ng bintana naka upo si Traze, busy siya sa mga sumasayaw sa labas at hindi napansin si Ethan.

"Sabi ko usog" pag uulit niya.

"Ayoko." Tipid na sagot ko

"Uupuan kita."

"Wala na ngang space, wala ka ng mauupuan." Hindi naman ganoon kasaikip, gusto ko lang diya asarin. Sa totoo lang ay pang tatluhang upuan 'to, ang laki lang talaga ng space na nakain ni Traze kaya nag mukhang pang dalawa.

Sinamaan niya ako. Yes, like that, magalit ka. Napa ngiti naman ako sa ginagawa ko, pero natanggal 'yon ng bigla akong upuan ni Ethan sa hita. "Punye--" Napatigil ako. "Ang bigat mo! Alis!" Sigaw ko sabay tulaksa kanya papunta sa gitna namin para maupo.

"Wow! Nice one, Ethan! You broke the calm personality of Nathan!" pabirong sabi niya. "At hindi lang 'yon, muntik na rin siyang mag mura! Apir tayo dyan par!" Kailan pa 'to naka tingin sa amin ni Ethan? Akala ko busy siya sa mga sumasayaw sa labas!

Dahil pinagtutulungan nila akong dalawa ay nainis ako at piningot silang dalawa. Nag tagal ang pag papalitan namin ng ganti hanggang sa sumuko na si Ethan.

"So eto na nga, " panimula ni Ethan. "Wala namang festival or public cosplay performance na gaganapin ngayon, wala ring malapit na cosplay center dito kaya I find it weird. Naka military pants din sila, but they can't be cosplaying a AA3 armies. Lumang umiporme ang gamit nila, i mean 'yung pants, luma" Naka-focus lang si Ethan sa tablet niya habang kwine-kwento sa amin ang suhestiyon niya. Ang laman ng tablet niya ay ang mga real-time and upcoming events na mangyayari ngayong araw. Sa aming tatlo, si Ethan ang maalam sa technology. I remember bago namin siya maging kaibigan ay isa siyang tahimik na studyante na walang ginawa kundi pumindot pindot sa tablet niya. Like that Ipad kid meme. Siya ang Ipad kid ng grupo.

Tinignan ko si Traze, mukhang dumbfounded ata or lutang lang, hindi ko alam. Naka-nganga lang siya at naka-tiningin sa tablet ni Ethan. I snapped a finger on him para naman magising siya.

Ibinalik ko ang atensyon ko kay Ethan, "so you're saying that..."

"Yup! They're terrorist!"

"..mga baliw sila?" Huh?

"Ha? Anong baliw?" Sinapawan niya ako habang nagsasalita kanina kaya baka 'baliw' lang ang narinig niya sa sinabi ko. Umiling ako sa kanya bilang pag hindi at nag iwas ng tingin. May pagka-lakas din niyang sinabi na terorista ang mga sumasayaw sa harap kaya may ilang napa-lingon ngunit nag iwas din ng tingin.

Nanlamig ang mga palad ko. I have a bad feeling about this. Tinignan ko si Traze kung nakikinig ba siya sa usapan namin ni Ethan ngunit abala lang siya sa mga insekto niya. Ibinaling ko na lang muli ang tingin kay Ethan, "Are you sure?" paninigurado ko. "paano mo nasabi?"

"If you look closely, makikita mong old model ng rifles 'yan." tinuro niya ang mga balot na tao sa labas. "halika, tignan mo" hinila niya ang t-shirt ko papunta sa bintana sa pwesto ni Traze. "tignan mong mabuti ha, minsan pa naman lumalabo 'yang mata mo"

He's right, minsan nga blurred ang vision ko lalo na pag bagong gising. Earlier tumingin ako sa kanila pero 'di ko 'yun nakita ng maayos dahil malabo pa ang mata ko pero ngayong medyo ayos na ang paningin ko, makikita ngang old models ng rifle 'yun.

Inayos ko na ang pwesto ko at tinanong si Ethan, "Should we call the police? We need to inform th--" bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay bigla kaming hinampas sa hita ni Traze ng kalakas-lakas. Pusangina, ang sakit.

"Aray! Anong problema mo Traze!?" Daing ni Ethan. Hinimas ko lang ang parte na hinampas niya habang si Ethan naman ay tila galit kay Traze. Muntik niya na rin kasing mabagsak ang tablet niya, importante pa naman sa kanya 'yun.

"Ha? Wala naman akong problema ah." Naguguluhang sabi niya. "Anyway tignan niyo oh, tapos na ata silang sumayaw at magpa-bida." tinuro niya ang mga tao sa labas. "Papasok ata sila dito oh, manghihingi ng barya. HAHAHAHAHAH" pabirong sabi niya.

"Papasok?" I mumbled. "Wait--" sasabihan ko na sana ang driver na huwag silang papasukin ngunit nauna na si Ethan, "DRIVER! CLOSE THAT DOOR!" sigaw niya.

Naka-tunog naman ata ang mga lalaking balot.na balot kaya dali daling tumakno papalapit sa pinto ng bus. Hindi rin kasi naka-react agad sa sinabi ni Ethan ang driver kaya may isang naka-pasok at dalawang naka-harang sa pinto. He was carrying something, a tank, and a spray. Oh. It's a sleeping gas.

PSSSTT.. PSSSTT..

The last thing I heard was my classmates screaming and coughing.

The next thing I knew, I was in a white room.