webnovel

our sort off fairytale

[ COMPLETED IN BOOKLAT & SWEEK | UPDATES WEEKENDS ] "I love you because everything seems better when you're there, when you're right here with me." Marquis Gilbert von Beckenbauer was left for dead on the hands of his competitors because he had the lead of the game for his country's princess husband search. Nagising na lang siya na nakabenda at sa realisasyon na nasa ibang bansa siya. Walang envoy. Walang phone. Walang kahit ano bukod ang sarili at ang dala-dala niyang passport, kendi, at isang bill. At hindi siya gaanong nakakaintindi ng Tagalog. In short, he's practically going to have a really hard time getting back on the game. Hindi pwede iyon dahil hindi niya gustong mapunta sa kamay ng mga nagtangka sa kanya ang pinakamamahal niyang Prinsesa. Ang makakatulong na lang sa kanya ay ang nagligtas sa kanyang babae. The girl who he should have rather left alone but he can't. Not when watching her look like she carries the world in her shoulders makes him worry so much. And not when he's starting to care for her more than he even cares about anyone else. Pero... hindi ba ang prinsesa ang mahal niya?

pinutbutterjelli_ · Urban
Not enough ratings
23 Chs

six } You, A Week, and a Proposal

IT was Gilbert's fourth day on Marieke's humble abode. Noong una, hindi niya pa inaasahan ang makikita. He was expecting a house, her own house. Pero nakatira ang dalaga sa isang studio type na apartment. Ang kabuuan niyon ay kasing lawak lang ng kwarto niya. At ngayon niya lang narandaman na ganon na pala kagara ang pamumuhay niya kung ang medyo malawak niyang kwarto sa Dutchy ay bahay na ng dalaga.

It feels cozy though.

May mini kitchen sa unang kalahati ng kwarto. May isang lamesa at dalawang upuan na gawa sa kahoy sa harap noon. Asa tabi ng kalahating iyon ang CR. At sa natirang espasyo ay may isang bookshelf. Sa taas noon ay may mga potted plants. Cactus, to be specific.

Sa kabilang kalahati naman ay may sofa at TV. May overhead digital clock sa taas ng TV. At may maliit na circular table sa harap at beanbag. Nasa kalahating parte ring iyon ang pinto sa isang kwarto.

Nang binuksan iyon ng dalaga ay may isang double deck. Sa baba ang kwarto nito at sa taas ay walang kutson o ano. Sa halip iyon ang naging suporta nang fake rose vines na nahuhulog pababa ng lower half ng double deck. Na kung sinumang matutulog doon ay magmumukhang Sleeping Beauty.

He looked at her when he saw it. Agad na nag-iwas ng tingin ang dalaga at marahas na namula. Pula hanggang sa mga tainga nito. Ngumiti lang siya at tumingin pa sa kabuuan ng kwarto. May isang unicorn na nakalagay sa isang upuan sa tapat ng kama nito. It was a lamp. Wala namang wallpaper ang dingding, napinturahan lang. White and below are statice flowers blooming everywhere.

And the rest was history.

She offered to fix the upper bed but he didn't want her removing the vines she had lovingly decorated her room with. Kaya sa sofa na lang siya natulog. It was in more ways than one uncomfortable. Pero nakakatulog pa rin naman siya. He adapted. Nakaisip na siya ng ilang magandang mga posisyon kung saan siya makakatulog nang maayos.

Bukod doon, tumulong din siya sa gawaing bahay. And she looked at him in a sense that she wonders how he could possibly exist... A guy like him. Pr-in-ove niya na marunong siyang maghugas at maglinis. Hindi na nagsalita ang dalaga matapos noon.

For the past two days, she took care of his wounds. Hindi nga nila napansin na nabuksan na naman pala ang stitch niya hanggang sa nakarandam siya ng matinding kirot. Kaya bantay sarado siya rito. And on those days, they were pretty companionable. Emphasis on the pretty. May mga oras kasi na parang nakakalimutan nito na may kasama ito sa bahay. Like specifically right now.

Hindi siya nagulat nang makita ang dalaga. Nakatayo ito sa harap niya at hawak hawak nito ang bat na nakalagay sa tapat ng kwarto nito. It was raised above her head.

Kakagising nito na napansin niya dahil magulo pa ang buhok nito at nakasuot ito ng... hamster onesie. It is cute. If not for the fact that she looks like she's gonna bash his head in. Nung unang naganap iyon ay sobrang gulat na gulat talaga siya.

Pero ngayon, tumayo siya mula sa kinauupuan at napapiksi ito. Gumalaw din ang isa nitong paa palikod. Yep. It was defense. But she's not really going to hit him. He raised a hand. She stepped back again.

Para talaga itong cautious na hamster. And here she thought that it was Valwicks who have intense trust issues.

"Fraulein Marieke... It's me. Gilbert," mahinang wika niya. Inilagay niya pa ang kamay sa may dibdib. Ngumiti. Friendly and gentle.

Kumurap kurap ito at unti-unting napalitan ang guarded expression nito nang pagkapahiya. Mabilis na ibinaba nito ang bat at akmang tatakbo pabalik ng kwarto pero hinigit niya ang sleeve ng dalaga. Nagulat pa siya sa kung gaano kalambot at ka-fluffy ng sleeve na iyon. "Vait."

Tumigil ito pero hindi siya hinarap kaya pinaharap niya ito. She looks away almost immediately. Her face red. Nag-squat siya sa harap nito saka ito tiningala. "Are you okay?"

Mukha kasing hindi ito natutulog nang maayos for the past three days. Ngayon nga ay kitang-kita niya ang pagod sa mga mata nito. In fact, mas malago na atang tignan ang eyebags nito kaysa noong asa Manila sila.

She nods.

"Iz it me? Are you afraid of me?"

Umiling ito saka kinuha ang phone sa bulsa at nagsimulang tumipa-tipa. Asa sofa ang phone niya at kukunin niya sana pero mwinestra nito sa kanya ang phone nito.

Miss Marieke:

I'm sorry. Hindi mo deserve ang ginawa ko.

"It's fine. I understand," sinabayan niya pa ng ngiti. Sumama lang ang mukha nito at tumipa-tipa muli bago ipinakita sa kanya.

Miss Marieke:

Hindi kaya. Ano yun? Natutuwa ka kasi ang bungad ko sa'yo ay parang papatayin kita sa umaga?

"I admit that I'm surprised. But I understand, I promise."

Galit na itong tumipa ng message.

Miss Marieke:

What in heavens do you really understand?

Sasagot pa sana siya pero tumipa-tipa na naman ito kaya napagpasyahan na lang niyang manahimik.

Miss Marieke:

Ano, Gilbert? Stop trying to go around it. Stop making it all nice. It's not. This is not okay. Paano kung sa susunod basta na lang kita binigwasan? Paano kung sa susunod basta mananakal na lang ako ganon? Anong nakakatuwa doon? What's fine? What part of that did you understand?

Nilipat niya ang tingin sa phone sa nagmamay-ari noon. Her hand is shaking. Nakatingin ito sa kanya na parang iiyak ito anumang oras. Pagod ang mga mata nito. Takot. Sa kanya at sa sarili nito.

"Bakit ka natatakot?" tanong niya sa sariling wika. Hindi niya maintindihan. Kung una ay oo, naiintindihan niya dahil unang-una baka hindi ito sanay na may kasama sa bahay. Parang kung ihahalintulad sa isang robot. Isa itong detector ng posibleng makapanakit rito. At dahil hindi ito sanay sa kanya ay nakikita siya nitong threat.

That he can get from the past two days.

Ito ang hindi niya maintindihan. Kung bakit parang sobra ang takot na lumukob sa hitsura nito ngayon. At kung bakit nanginginig ito. Binawi nito ang cellphone at tumipa-tipa muli. Nanginginig pa rin at napapalatak nang magkamali. Umiling at mukhang b-in-ackspace ang lahat nang tinipa bago sumusukong nag-type ng mensahe. Iniharap na nito sa kanya.

Miss Marieke:

I'm having a panic attack. Please let me gp. I need to get to my room

Doon niya na-realize na hawak-hawak niya pala ito sa mga balikat. Tumayo siya at sa halip na bitawan ito ay hinawakan niya ang kamay nito. "H-huy!"

Hinigit niya ito saka pinaupo sa sofa. Hinawakan niya ang dalawang mga kamay nito na hanggang ngayon ay naginginig. Her body quakes. Her eyes are shifty. Shame. So ashamed.

Hinawakan niya saglit ang pisngi nito. "Listen to me, okay?"

Nanginginig na tumango ito at ibinaba niya ulit ang kamay sa mga kamay nito. He held them both protectively.

"Close your eyes."

Masunuring pumikit ito. Lumapit siya at idinikit ang noo nito sa balikat niya. Inilipat na niya ang isang kamay sa batok nito at ang isa ay nakahawak pa rin sa mga kamay nito. He pats her gently and whispers. "Breathe with me, schatz."

Schatz. His petname for his little brother.

Huminga siya nang malalim at sumunod ang dalaga. Dahan-dahan niyang pinakawalan iyon. She obediently followed his stead. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Walo. Siyam. Sampu. Hanggang sa kumalma na ito. It's a good thing that Princess Wilhemene dragged him to first-aid classes. Kung hindi ay hindi niya siguro malalaman kung papaano mag-deal sa isang nagpa-panic attack.

Parang napapasong lumayo sa kanya ang dalaga at itinaas ang mga hita sa sofa. Sabay na ipinatong nito ang ulo sa mga tuhod. Nagtago. Yep. Just like a hamster. He had a pet hamster once. Tinuruan siya niyon na maging patient. And he had bite scars before to prove that.

"Ayokong makita mo akong ganito," mahinang wika nito. "I'm pathetic. Akala ko kaya kong magmukhang cool. Lol."

Umusog siya para makaupo nang mas malapit rito. "You're cool. And you're pretty alright in my book."

"Sinasabi mo lang 'yan kasi nagkawang gawa ako sa'yo."

"Kaywang gawa?"

Narinig niya itong suminghot. Umiiyak ba ito? Bago niya ito mahawakan ay nagsalita ulit ito. Umusog din ng konti ang mga paa nito ay narinig niya ang mahinang pagkaluskos ng mga paa nito sa sofa. "I'm taking care of you. I helped you. Yep. I'm cool now. A superhero."

The very statement shouts, What do you know?

Hindi niya alam kung ano ang isasagot. He can enlist a lot of things she has and her skillset to convince her. Pero mukhang hindi ito makikinig. Sa hitsura pa lang nito ay mukhang lahat ng sasabihin niya ay kaya nitong baliktarin at gawing negatibo.

Kung ito siguro ay isang porcupine ay nakalabas na ang mga spikes nito ngayon. Nagui-guilty siguro ito na kelangan niya itong makitang mag-panic attack.

"How frequent do you get zese attacks?"

Lumunok ito at suminghot muli. "Kapag may human interaction or minsan random. I just..." huminga ito nang malalim. "I don't know."

"I see."

Mas lumapit siya bago kaswal na niyakap ito. Napapiksi ito pero hindi nag-angat ng ulo. Hindi rin nagsalita. He can hear her asking why he's doing this still though.

"Vhat do you want for breakfast, schatz?"

Mukhang nagulat ito at saglit na napapiksi. Hindi siya nagsalita at hinintay lang itong sumagot. Nang mapansin nitong seryoso siya ay tumikhim ito. "Pancakes."

Tumango siya. "You have ze ingredients for ze pancakes?"

"Yea."

"Ja. I vill cook you some then."

"Okay."

He squeezed her lightly before letting go. Marahan niya ring p-in-at ang ulo nito. "I'll bring it here vhen it's done."

Tumango lang ito at nanatili sa ganoong posisyon. Tinapunan niya ito ng nag-aalalang tingin bago nagpasyang tumalikod at magsimula na sa gagawin.

Namayani ang katahimikan sa apartment ng dalaga bukod sa ticking sound ng digital clock at sa tunog ng mga ginagawa niya. Doon lang naman ang pokus niya ngunit panaka-naka niya ring tinatapunan ng tingin ang dalaga. Nasa ganoong posisyon pa rin ito. Nag-adjust na lang ng konti.

He can't help but feel sorry for her. Kung frequent ang panic attacks nito at base na rin sa katotohanang mag-isa lang ito sa bahay ay siguro'y nahihirapan ito. Maisip pa lang itong mag-isa at pinipilit na kalmahin ang sarili ay pakiramdam niya'y sumisikip na ang dibdib niya.

If Princess Wilhemene is the type he can let roam around free, Marieke isn't. Ito ang tipong nagsisinungaling kung sinabi nitong ayos lang ito at hindi nito kailangan ng ibang tao.

And now he's a little amused that he's distracted. He should have been on his way now. In fact, manageable na ang sugat niya ngayon. Iyon din ang sinabi ng doktor sa clinic na andito sa apartment building.

Isa siya sa mga taong nakapokus lang sa ginagawa. Kung sinabi mong magso-sort lang siya sa isang araw ay iyon lang ang gagawin niya. Isasabay niya pa sa ginagawa ang break na pag-inom ng beer at currywurst.

In fact, the past few days ay halos wala siyang ginawa kundi ang makihalubilo kay Fraulein Marieke. Ayaw din nitong umalis siya at hanapin ang prinsesa hanggang sa walang 'Go' signal ng doktor, preferrably. Dahil sasabihin pa rin nito na kung gusto niyang umalis ay umalis lang siya.

Hindi naman siya umalis. Masunurin siyang nanatili. At ngayong may 'Go' signal na... Inilipat na niya ang mga pancakes sa plato at nilagyan ng honey. Pinamalutian niya naman ng banana slices at blueberries. Nagulat pa nga siya nang makitang may blueberries sa fridge nito. Idagdag pang mukhang fresh iyon.

Nang binalikan na niya ang dalaga ay nakaayos na ito ng upo at nakatingin sa mga paa. "Here."

Binigyan niya ito ng plato. Kinuha naman nito iyon at hindi nakatakas sa kanya ang pagngiti nito. Ilang beses lang ngumiti ang dalaga. At sa mga kaunting beses na iyon ay laging sinsero at nakakataba sa pusong makita. Parang may ginawa siyang tama sa mundo.

"Ang cute mo," mahinang wika nito habang tinutulak nang kaunti ang isang piraso ng blueberry mula sa smiley position nito. He designed the pancake top like a face with a warm smile on it.

"Um... Zhanks?" Is he really?

Napailing ito saka naghati na lang ng pancake at parang kinakabahan pang kumagat. Pinanood niya itong kumain at hindi niya alam kung bakit para siyang proud parent nang humati pa ito sa pancakes.

Nag-iwas na siya ng tingin at nagsimula na ring kumain. "I'm planning to leave tomorrow," mahinang wika niya matapos nang makalahati na niya ang sariling pancake. Nasabi na niya rito ang patungkol sa prinsesa at ang kailangan niyang gawin. In fact, aalis na sana siya three days ago if she isn't persistent in suggesting he stays for now to recuperate.

Narinig niya namang nahulog ang tinidor nito. Tinignan niya ito at nag-iwas ito ng tingin bago pinulot ang tinidor na buti na lang ay hindi sa sahig nahulog. "Will you come with me, Miss Marieke?"