webnovel

our sort off fairytale

[ COMPLETED IN BOOKLAT & SWEEK | UPDATES WEEKENDS ] "I love you because everything seems better when you're there, when you're right here with me." Marquis Gilbert von Beckenbauer was left for dead on the hands of his competitors because he had the lead of the game for his country's princess husband search. Nagising na lang siya na nakabenda at sa realisasyon na nasa ibang bansa siya. Walang envoy. Walang phone. Walang kahit ano bukod ang sarili at ang dala-dala niyang passport, kendi, at isang bill. At hindi siya gaanong nakakaintindi ng Tagalog. In short, he's practically going to have a really hard time getting back on the game. Hindi pwede iyon dahil hindi niya gustong mapunta sa kamay ng mga nagtangka sa kanya ang pinakamamahal niyang Prinsesa. Ang makakatulong na lang sa kanya ay ang nagligtas sa kanyang babae. The girl who he should have rather left alone but he can't. Not when watching her look like she carries the world in her shoulders makes him worry so much. And not when he's starting to care for her more than he even cares about anyone else. Pero... hindi ba ang prinsesa ang mahal niya?

pinutbutterjelli_ · Urban
Not enough ratings
23 Chs

seven } Agreement, The Mall, and the Flower Attached

INULIT ni Marieke ang sinabi ng binata. Bago nagpokus na lang sa kinakain at nanahimik. Nang sinabi nitong aalis ito ay biglang nanlamig ang kalamnan niya. Paanong hindi kung hindi maganda ang timing nito? He said he'd leave just after witnessing her having a panic attack. Pakiramdam niya tuloy ay kinakaawaan lang siya nito kaya hindi siya nito hinusgahan nung una.

Hindi niya inaasahan ang mga sunod na lumabas sa bibig nito. 'Will you come with me?'

Hindi niya alam kung ano ang isasagot. At hindi niya alam kung bakit nga ba hinahayaan niyang naririto pa rin ito. A fact that she forgets when she wakes up at five in the morning, wondering why there's a five foot eleven guy sitting on her couch. And thinking he's a threat, she's going to be taking her bat and readying to bash his heads in.

So, bakit kaya naisipan nitong isama siya?

"Bakit ako?" tanong niya nang natapos na niya ang pagkain. Paglingon niya ay nakatingin sa kanya ang binata habang kumakain rin ng pancake. Linunok muna nito ang kasalukuyan nitong nginunguya.

"I don't really know how to go to vhere I plan on going and I don't speak the language," simpleng sagot nito.

Tumango siya. "Maraming ibang pwedeng tulungan ka diyan. I can talk to some. Ako na ang bahala sa bayad."

Tatayo na sana siya pero pinigilan siya nito. Hinigit nito ang sleeve ng onesie niya. Kaya wala siyang nagawa kundi ang bumalik ng upo.

"It has to be you."

"Why?"

Inubos muna nito ang kinakain bago kinuha ang plato niya, ipinatong sa sariling plato at inilagay sa lamesa.

Ngumiti ito sa kanya, "Because you're a friend and I know I can rely on you."

"And you are a poor decision maker."

"But--"

Huminga siya nang malalim. "I'm not very healthy, Gilbert. Madalang lang akong lumabas ng bahay dahil hindi ko alam kung kailan ako aatakihin. And it's not just panic attacks. I get asthma attacks as well. And--" She should stop. She should just stop. Just let the poor man go.

Huminga ito nang malalim saka na lang narandaman niya ang paghawak nito sa isang kamay niya. He takes her hand to his side and locks his fingers on hers. Kaya kahit subukan niyang bawiin iyon ay hindi niya magawa. She swallows hard. Natatakot siya na nagugustuhan ng utak niya ang ideya ng nakakalmang kamay nito sa kamay niya.

"I don't suffer from attacks like you do. But it must have been hard dealing with all those on your own," he lightly rubs the back of her hand with his thumb. Napalunok na naman siya. "Like say, burning in a fever and having no one to take care of you or coughing for a whole week because no one seemed to notice that you're sick and you don't want to bother anybody so you just chose to try to remedy the cough with water and store brought medicine.

"I know what it feels, Miss Marieke. And I want you to know that I don't want you to be alone when I can be there. So, I want to take you."

Mapait siyang natawa. "Tapatin mo nga ako, do you pity me?"

"I do. But before you say anything, I am not doing any of what I'm doing just because I pity you. I care about you."

Nagpanting ang mga tenga niya sa narinig at hindi makapaniwalang tinitigan ito. Ano raw?

"I'm not lying, I don't know how to lie and I won't benefit from doing so," wika nito sa seryosong tinig. Nawala na rin ang ngiti sa mga labi nito. "And don't worry, I promise I'd pay you double for everything in case you'd rather be motivated by money rather than just being there with...me," mukhang bigla itong nahiya sa pinagsasabi kaya binitawan nito ang kamay niya at napahilamos ng mukha. "I sound like some kind off persuasive salesman," natawa ito sa sarili. "I'm sorry. I do care about you even if I only met you for a few days. And I'm going to worry about you once I leave."

He gave her an apologetic look. "But I believe that you don't really need me. You lived here on your own for long and battled on your own. And that's very brave and admirable of you. Just keep chatting me here, okay? I'll reply. I'll talk to you, I promise."

Hindi niya alam kung ano ang mas malala ang pag-insist nito na huwag siyang iwan o ang pagsuko nito. Nakakatawang hindi nito p-in-ursue ang line of persuasion nito.

"Anong plano mong gawin?" nasambit na lang niya dahil hindi niya alam kung paano sagutin ang sinabi nito. Parang sobrang aga para sa ganoong usapan. It's five thirty in the morning. Ang dapat na ginagawa nila ay nagkakape at kumakain ng breakfast. At nanonood ng morning news.

Hindi dapat sila nagha-heart to heart.

Lumingon siya sa pinto. May bag na nakalagay sa upuan na naroroon. His bag. She gave it to him then. Paglalagyan ng damit na mga binili niya para rito nung pangalawang araw na pananatili nito sa puder niya. In-order niya pa ang mga iyon online.

Tumikhim ito at sa peripheral vision niya ay nakita niyang nakatingin rin ito sa tinitignan niya. "I managed to find a way to contact Viktor without alerting anyone. Your phone is pretty secure so I figured I can do a safe search."

Tumango siya.

"He says he'd be willing to give any sort of assistance--"

"Hindi ka nagpa-send ng money, ano?"

"Um... No?"

"Hmm."

"A little."

"Bad idea. Tell him to cancel it already. Now, please."

"O-Okay."

Narinig niya itong tumipa-tipa at mabilis niyang kinuha ang laptop niya mula sa kwarto niya. Naka-hibernate lang iyon kaya madali niyang nabuksan. Thankfully. Ch-in-eck niya kung may nakapansin ba ng signal niya. "Anong oras?"

"Four o'clock."

"Ukis ti saba."

"Fraulein Marieke?"

Napahagod siya ng buhok at napahinga nang malalim. Tumipa-tipa siya sa laptop at tinignan ang tracker ng phone niya. Mukha namang hindi pa sila mapi-pick up ng kung sino. So far, so good. May maliit na trace lang na nagpakitang may nag-transfer ng pera mula sa Valwick: express. "Ghad. Gilbert. Bakit 'di mo ako ginising?"

"I thought--"

Napahilamos siya ng mukha. "Fine." Mabilis siyang tumipa-tipa ng code para burahin ang linya mula sa phone niya at sa Valwick. Napakagat na rin siya sa mga kuko at kung hindi pa kinuha ni Gilbert ang kamay niya ay naubos na naman ang mahaba niyang kuko at pagsisihan niya kung masakit na iyon mamaya. Nilinga niya ito. "Kina-cancel na ba niya?"

"Yes... Yes, he is."

Huminga siya nang malalim. It's early. Kung sakali ay baka tulog naman ang mga humahabol sa binata. "Do they wake up at four o'clock too?"

"...Well."

Ch-in-eck niya ang laptop at mukhang may naka-pickup nung maliit na trace. Looks like she can remove it or overload data. K-in-eyword niya ang Valwick. At mukhang may isa pang gustong magpadala express pero sa ibang bansa ang pagse-send-an.

She sighs. She can clone that and send it on different directions. Tinapos niya muna iyon bago nilingon si Gilbert. Kagyat pa siyang pinagpawisan sa ginagawa. She had never typed that fast and intensely in her whole life. Mabuti na lang talaga na isa ito sa mga inaral niya at kung hindi ay baka natunton na sila.

Ngayon lang nagsi-sink in sa kanya na nang dinala niya rito ang binata at lalo na nang tinulungan niya ito ay maaring malagay siya sa panganib. Sinabi naman nitong imposible iyon dahil sa simula't sapul ay ang iniisip ng mga umatake rito ay patay na ang Valwickan.

But if he's going to ask someone to send money here in the Philippines without a secure connection ay talagang mahuhuli ito. Hindi niya naman s-in-ecure ang phone para sa ganoong transaksyon. She always pays in cash. As much as possible ay hindi siya gumagamit ng online transactions na hindi niya muna sinisigurong walang magnanakaw ng data niya.

Liningon niya si Gilbert. Nakaamang ang bibig ng binata habang nakatingin sa laptop niya. Nang marandaman ang pagtitig niya ay itinikom nito ang bibig. "Um, can I say that what you did is cool?"

"No."

"You're an amazing woman, schatz."

Huminga siya nang malalim at nag-lean back sa sofa. "What does schatz even mean? Wait, don't answer that."

Ch-in-eck niya ang meaning sa google at pinadilatan ito. "Ukis ti... Seryoso?"

Ang nakalagay kasi room ay sweetheart. Like is he flirting with her? Hindi ba ang prinsesa ang gusto nito? He said so himself!

Mabilis namang umiling ang binata at namula pa ang mga pisngi. "No, it means, treasure," itinuro nito ang treasure na definition sa ibaba ng sweetheart. "It's treasure, Fraulein. I even call my brother that..."

Hindi niya alam kung mafla-flatter ba siya o iisipin na binobola lang siya nito. "Why?"

"Do I really have to explain why?"

Napailing siya at isinara ang laptop. "Fine. Sasama na ako sa'yo. Not because you care and yadda yadda but because you look like you need IT assistance. May bayad, okay? Idagdag pa ang fees ng pagiging tour guide at translator mo."

Ngumiti ito na parang batang binigyan ng kendi sa isang store. "I'll take what you're willing to give. Thank you."

Nagkibit balikat siya saka tumayo at kinuha ang laptop mula sa lamesa pero bago pa siya makabalik sa kwarto ay hinarap niya ito. "Thanks for... Your help. And for caring. And... Uh kelangan natin mag-shopping at maghanap ng disguise mo. You stand out."

"Ja. Noted."

Tumalikod na siya pero hindi rin nakapagpatuloy dahil nagsalita muli ang binata. "You know, I always do things on my own and don't fully depend on anyone. But I trust you and I will depend on you."

Nakarandam naman siya ng kakaibang takot sa sinabi nito. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa laptop. "I'm scared, Gilbert."

Marahan itong natawa at narinig niya ang paghimas nito sa batok. "I am too... to be honest."

Hinarap niya ang Valwickan at marahan na ngumiti bago tuluyan nang bumalik sa kwarto. It badly sounded like he's leaving his life on her hands which might or might not be capable. Napakagat labi siya. "Ano ba itong pinasok ko?"

::

Natapos na ang naging shopping nila matapos ang ilang oras. Ngayon lang nag-shopping si Marieke sa SM at kung may choice lang sana siya ay baka sa wagwagan na lang sila. Ang problema nang sinubukan nila kanina ay halos walang kasya sa binata. Nakakatawa nga dahil ang mga asa wagwagan naman ay mula sa ibang bansa. Kaya ayun.

Feel niya iiyak na ang debit card niya na kinailangan niyang gamitin pandagdag bayad. Kung hindi ba naman mahal ang mga damit sa SM. Mukha namang na-guilty ang binata nang masilip nito ang presyo ng binili nila. Ch-in-eck ba naman nila ang pinagkaiba ng money conversion ng Valwick at Pilipinas bago sila umalis ng apartment.

Kaya in-assure ulit siya nito na basta matapos lang ang mga problema nito ay babayaran talaga siya nito. At kung gusto pa niyang bumisita sa Valwick ay ito mismo ang magfa-fund ng travel expenses niya. Tumango lang siya.

Mas distracted pa siya sa dami ng taong nandito ngayon. Sabado ngayon kaya hindi na kataka-takang andaming nasa mall. Nagsisimula naman siyang magngitngit. Kinakagat na naman niya ang mga kuko niya na napansin naman ng binata kaya hawak nito ngayon ang isang kamay niya.

Pakiramdam niya para siyang masu-suffocate. Malawak naman ang mall pero parang ang sikip at parang mas lalo pang sumisikip.

"Can we go zere?" tanong ng Valwickan sabay lahad ng kamay sa direksyon ng Broadway Gems.

"Sige lang."

Dinala na siya nito sa Broadway Gems at mas lalo niyang narandaman ang suffocation. Maraming tao sa loob at dahil masikip na sa lugar ay kailangan niyang sumiksik sa mga parte na walang tao dahil laging may mage-Excuse Me o tahasan lang na sisiksik sa kanya na kailangang siya pa ang mag-adjust.

Binitawan naman na ni Gilbert ang kamay niya at nawiling umikot sa store. Medyo nag-stand out pa ito dahil ito lang naman ang pangatlo sa lalaking asa loob. Karamihan na ng mga naroroon ay babae. Idagdag pang natural na matangkad ang binata at maganda pa ang hitsura.

Huminga na lang siya nang malalim at nagbilang para hindi siya atakihin. Mahirap na. Nang makakalma na siya ay lumingon na siya sa katabing stall. Nakakita siya ng isang tali ng buhok na may pekeng asul na bulaklak sa itaas at sa dulo ay may puting pekeng pearl.

Dinampot niya iyon at marahang pinaroo't parito ang pekeng pearl sa gitna ng kanyang hinlalato at hintuturo. Tinignan niya ang presyo. Mura lang iyon. Pero kahit parang gusto niyang bilhin ay naisipan niyang ibalik na lang.

Nagulat na lang siya nang marinig ang boses ng Valwickan. "Are you going to take zat?"

Muntik na siyang mapatalon sa biglang pagsasalita nito sa tabi niya. Liningon niya ito saka ibinalik ang tali ng buhok. "I'm fine. May gusto ka bang bilhin?"

Itinaas nito ang isang pares ng earrings na may moon design. "Prin... I mean, Wilhemene will like zis," sagot nito. Sinabihan niya itong 'wag gamitin ang terminong prinsesa kung asa publiko sila dahil baka may makarinig. Kaya ganoon na lang kabilis nitong binawi ang sasabihin sana. Tinignan niya ang price nang gusto nitong bilhin bago ibinigay sa kanya ang buong isang daan, 79 pesos ang mga earrings at wala siyang barya.

"Hintayin kita sa labas."

Lumabas na siya bago pa ito makasagot at doon lang siya mas nakahinga nang maayos. Madami pa ring tao pero mabuti na lang at mas malawak nang kaunti. Pero kahit hindi niya napapansin ay unconsciously na naman niyang nginangatngat ang kuko.

"You should really stop zat," maingat na kinuha ng binata sa kanya ang kamay niya at napapiksi na naman siya dahil biglang sulpot na naman ito.

"I... um... unconscious habit," tipid na sagot niya. Kapag lumalala ang anxiety niya ay doon dumadaan. Kung hindi siya nagkaka-panic attack ay inuubos niya ang kuko niya. Umaabot sa halos masakit na ang balat ng daliri niya sa ginagawa.

Huminga ito nang malalim. "If you feel like doing this or you can't calm down, you can just hold my hand or my sleeve. You can even hold on to it tightly if you want."

"...Hindi ka naman palaging asa tabi ko, di'ba?"

"Temporary solution, Miss Marieke. Please."

"Fine." Binawi na niya ang kamay rito at nagulat na lang nang suot niya na sa pala-pulsuan ang tali ng buhok na kanina lang ay minamataan niya. Napakurap siya sa asul na bulaklak na andoon. "Ano ito?"

"It suits you, schatz," mahinang tugon nito. "You should keep it."

Hindi na siya nakasagot napahawak na lang siya sa mga talulot ng pekeng bulaklak at wala sa sariling napangiti.