webnovel

our sort off fairytale

[ COMPLETED IN BOOKLAT & SWEEK | UPDATES WEEKENDS ] "I love you because everything seems better when you're there, when you're right here with me." Marquis Gilbert von Beckenbauer was left for dead on the hands of his competitors because he had the lead of the game for his country's princess husband search. Nagising na lang siya na nakabenda at sa realisasyon na nasa ibang bansa siya. Walang envoy. Walang phone. Walang kahit ano bukod ang sarili at ang dala-dala niyang passport, kendi, at isang bill. At hindi siya gaanong nakakaintindi ng Tagalog. In short, he's practically going to have a really hard time getting back on the game. Hindi pwede iyon dahil hindi niya gustong mapunta sa kamay ng mga nagtangka sa kanya ang pinakamamahal niyang Prinsesa. Ang makakatulong na lang sa kanya ay ang nagligtas sa kanyang babae. The girl who he should have rather left alone but he can't. Not when watching her look like she carries the world in her shoulders makes him worry so much. And not when he's starting to care for her more than he even cares about anyone else. Pero... hindi ba ang prinsesa ang mahal niya?

pinutbutterjelli_ · Urban
Not enough ratings
23 Chs

five } Baguio, Text Messages, and Holding a Hand

GILBERT:

Is this more convenient?

Fraulein Marieke:

Kailangan mo ba talagang i-change ang nickname ko?

GILBERT:

Hmm.

Okau.

*Okay.

Got it.

How avout

*about

How about my name? Ut

*It's capitalized?

Kinuha ni Marieke ang cellphone sa binata ng walang paalam. Hindi naman ito nagreklamo, pinanood lang nito ang ginagawa niya. Pumunta siya sa keyboard settings ng phone na iyon at in-enable ang autocorrect, text suggestion, at spell check. At sigurado siyang kung iko-correct ng binata lahat ng typo nito ay sasakit ang mga daliri nito sa kaka-type. Nang matapos ay ibinalik niya ang phone rito. Sa peripheral vision ay nakita niyang ngumiti ito at mukhang medyo napahiya sa kanya.

Miss Marieke:

It's okay. Hindi ka sanay sa gadgets?

GILBERT:

Kind off. I'm used to telephones. And the phone given to me that was stolen is minimalist.

GILBERT:

This is the only time that I'd seen so many apps in a phone.

Miss Marieke:

How minimalist is minimalist, exactly?

At sumagot na naman ito. Medyo nakakatawa para sa kanya dahil magkatabi lang naman sila. Asa bus na sila pa-Baguio at kung malaman siguro ng mga kasama nila doon na nagte-texan sila kahit na magkatabi na sila ay mawindang pa ang mga iyon at magsabing mag-usap sila.

It's a good idea coming from Gilbert though. Mula kasi nang magsimula silang mag-text-an ay iyon na ang naging mode of communication nila. Except na lang nung commute dahil ang ginawa niya ay humawak sa sleeve ng jacket nito at iginaya ito sa mga tao. Siya lang kanina ang may hawak ng phone at tumitingin sa Google Maps.

Karga naman nito ang bag niya na kahit in-insist niyang buhatin sana dahil shoulder bag at hindi naman ganoon kabigat ay kinuha pa rin ng binata. Nang makasakay na sila at nakaupo ay nauna itong mag-text sa kanila. At kinuha niya muna ang phone nito para i-connect ito sa chatbox na ginawa niya dati.

Wala siyang kausap doon at kung tutuusin kahit na maayos na ang app ay hindi niya pa rin nire-release sa market. Kaya kung tutuusin ito ang pinakaunang gumamit ng app niya. Mukha namang madali lang itong gamitin para sa binata. Nung una nga ay itinuro niya muna ang lahat ng features para naman hindi sayang ang app sa binata.

GILBERT:

Did I ever tell you that you're amazing?

Miss Marieke:

Pinupuri mo ba ako kasi andami ko ng libre sa'yo?

GILBERT:

I just didn't think that you're designing apps for a living.

Kumunot ang noo niya. Ano bang ine-expect nito? May masama ba sa pagiging mobile apps developer? Well, subukan nito at mage-angry typing na siya ngayon din o baka kausapin niya pa ito.

GILBERT:

You look offended. Did I say something wrong?

Napaamang ang bibig niya at nilingon ito. Nakatingin ito sa kanya. His features softening.

Worry. She can see worry. Mukhang nag-aalala ito kung may nasabi ba itong masama. She looks away. Huminga nang malalim. Para itong malaking aso na gumawa ng kasalanan at guilty at apologetic ang hitsura nang makita niya sa tabi ng kasalanang ginawa.

Miss Marieke:

Mukha kasing weird sa'yo na gumagawa ako ng apps. Hindi ngay siya male job.

Thank God, they're chatting dahil baka medyo mapalakas ang boses niya at baka may lumingon at bigyan pa siya ng judging na tingin. Kanina pa nga lang na kasa-kasama niya si Gilbert ay bukod sa may naramdaman siyang nakatingin sa kanila ay may narinig pa siyang, "Ay ang swerte, bata pa nakahanap na ng forenjer."

She shakes her head. His next message popped out.

GILBERT:

I'm sorry I should have paid attention of how I worded it. I didn't mean to. What I meant is I think it's cool that you're creating apps for a living. I don't think I can do this.

GILBERT:

It's good to see Filipino women standing toe to toe with their men counterparts.

Miss Marieke:

Oh. Okay. Apology accepeted and what do you mean?

GILBERT:

Well. In my country, women just do domestic jobs and jobs that don't really require them to think much or do much.

Miss Marieke:

In other words, a patriarchy.

GILBERT:

Yes.

Miss Marieke:

Kaya hiyang-hiya ka na sa akin ngayon, ano?

GILBERT:

Hiyang-hiya?

Miss Marieke:

You're ashamed that I'm spending stuff on you and basically taking care of your needs. And I'm a woman on top of that.

GILBERT:

You're annoyed :<

Napapiksi siya. Nag-emoji talaga ito? Hindi niya mapigilang mapangiti.

GILBERT:

And you're smiling now. Good.

Miss Marieke:

May tinatago ka ba talagang charm sa katawan or gusto mo lang mag-please ng tao?

GILBERT:

I don't know. Maybe I just want you to trust me. I'm not going to bite.

Miss Marieke:

Am I not trusting you enough now? Dadalhin na nga kita sa tinutuluyan ko, di'ba?

GILBERT:

You feel obligated, don't you? Or is this maternal instinct kicking in?

Miss Marieke:

What maternal instinct? What the heck?

Narinig niyang tumawa ito nang marahan kaya nilingon niya ito. He smiled at her. At halos mapapikit na ang na-black eye-an nitong mata sa ginawa nito. Ito ba ang gagawin nito para amuin siya? Ngi-ngitian hanggang sa tanggapin na niya ang inuumang nitong friendship? Must be a better world he's living in.

Kinurot niya ang tungki ng ilong nito saka humilig sa balikat nito. Na ikinagulat niya naman kaya mabilis din siyang umalis ngunit narandaman na lang niya ang kamay nitong maingat na ibinalik ang ulo niya sa balikat nito.

"It's okay," he clears his throat and speaks softly after, as if isa siyang nanginginig na hamster na kelangan nitong i-approach. "I won't bite. And it's better to sleep zis way."

"...Okay."

He pats her cheek carefully and softly. Parang gusto niya tuloy kunin ang kamay nito at panatalihin sa pisngi niya. Hindi niya ginawa, hinayaan niya lang na mawala na ang kamay nito at bumalik sa side nito.

Two days. She has been with another person for two days. Hindi niya pa rin lubos na pinagkakatiwalaan ang binata. She's keeping him at arm's length. Tama ito na kaya kasama pa rin siya nito ay dahil pakiramdam niya obligado siyang alagaan ito hanggang sa gumaling na ito nang tuluyan. Kahit hanggang doon lang.

Idagdag din kasing mukhang na-mug nga ito at ni kusing o kahit ano ay wala ito. Hindi naman siya masamang tao para iwan lang itong magdusa kung saan.

But then. It didn't have to be you. What do you know? Are you so desperate that you got the helpless Marquis help para lang maibsan ang kalungkutan mo? What for?

Mapait siyang ngumiti habang pinupupog ang utak niya ng mga masasamang isipan. Pumikit siya. "Good night, Gil."

"Good night, Fraulein."

Mabuti na lang at mabilis lang siya makatulog.

::

Nang magising siya ay baliktad na ang naganap. Si Gilbert na ang nakahilig sa balikat niya. He was kind off heavy. Kumurap-kurap siya at kinusot ang mga mata. Tumingin siya sa labas ng bintana at nakita na ang mga kabahayan at establishment sa Magsaysay. Mga bars na lang ang bukas like usual. Malapit na sila sa terminal.

Liningon niya ang binata at wala sa sariling hinawakan ang buhok nito. His hair is soft. It's like touching a baby's blanket. Unfair. She half closes her eyes and keep touching. Parang makakawala ng stress iyon kung sakali.

Funny. If he's really a marquis of some country (which coincidentally nage-exist pala) ay baka ipakulong siya at kaswal niya lang hinihimas ang buhok nito. Ano kayang kaso ang iapapataw sa kanya kung sakali?

Napapiksi siya nang marinig itong bumulong. Inalis na niya ang kamay at hinarap ito. He's murmuring something in German. At nagulat na lang siya nang biglang umalis na ito sa pagkakahilig sa kanya at napahimas ng mukha. Nanigas naman siya sa kinauupuan nang lumingon ito at tipid na ngumiti. His hair is messy now because of her. Magagalit ba ito sa kanya?

"You were murmuring..."

"Ah... I said your hand's rather curious on how my hair feels like."

"G-Gising ka non?"

Pinandilatan niya ito at napaamang na rin ang bibig niya. He raises a hand at kusa siyang napapikit. Nagulat ba lang siya nang marandaman ang kamay nito sa ulo niya. He pats her gently. "Guten tag, Fraulein Marieke."

"Good morning?"

He nods.

Sasagot pa sana siya pero tumigil na ang bus at andito na sila sa Baguio. Her home.

::

The first thing Gil noticed about Baguio is how quickly it felt cold. Hindi pa iyon dala ng hangin, pandagdag lang iyon. Pero ang temperatura ay talagang malamig. Huminga siya nang malalim at ninamnam ang pakiramdam ng kakaibang hangin sa mga baga. The temperature feels good. Mas maganda ang contrast sa kanilang bansa rito kaysa sa Manila. Manila was a cooking pot. And Baguio is being in front of the freezer. Wala rin dito ang prinsesa. That he knows as much.

Bago umalis si Princess Wilhemene ay iniwanan siya nito ng hint. Ginugol niya ang nakaraang dalawang buwan para i-crack iyon. Buti nga at memorized niya ang listahan niya dahil kung hindi ay wala na naman siyang magagawa dahil sa nangyaring ambush. He sighs.

Nag-vibrate ang phone niya at kinuha niya iyon mula sa bulsa. Miss Marieke chatted. Ngumiti siya at naghikab.

"Is your shoulder okay?" Pinandilatan siya nito at akala siguro'y magre-reply siya gamit ang phone. Saglit lang iyon bago nag-reply ulit ito sa chat. "Yes. I think I like Baguio better. No offense to Manila. Are you sure your shoulder is okay?"

"This is awkward," sabi nito bago nagtaas ng kamay at may puting sasakyan na tumigil para rito. The word 'Taxi' can be seen on the vehicle's top. Ito pala ang hitsura ng taxi rito. Pumasok na ito at hinigit ang sleeve ng jacket niya. Which she had always been doing whenever she feels it's better to just drag him instead off telling him where to go.

Hindi naman sa nagco-complain siya dahil hindi naman ito marahas sa kanya. In fact, even if she pulls him, titingin muna ito sa kanya at parang humihingi ng permiso bago siya tuluyang hihigitin. For a half, he's still playing it safe. For another half, he feels like he should befriend her. Mukha kasing hindi ito palakaibigan.

And... Wala rin naman siyang masyadong kaibigan.

"You can hold my hand, you know?" he offered nang makaupo na sila at masara na ang pinto ng taxi.

Tinignan naman siya nito na parang nag-offer siya ng isang nakakaeskandalong bagay.

"What a charmer," sarkastikong tugon nito. Marahan siyang natawa at napailing na lang sa sarkasmo nito.

"Is it a big deal here?"

Kung bibigyan man nito iyon ng ibang dahilan ay mabuti sigurong hindi na. Ang naiisip lang naman niya ay para itong ang bunsong kapatid. He can't leave Alistor alone for one minute. Ngayon nga lang nasanay ang kapatid dahil pinadala ito sa boarding school.

Pero kung tutuusin, he was kind off worrying himself for nothing. The girl... can obviously take care of herself.

Nagulat na lang siya nang marandaman niya ang maliit nitong kamay sa taas ng kanya. It was smaller than his and warm. Definitely warm. He turns his hand and close it on hers.

Nag-iwas ng tingin ang dalaga. Hindi niya naman alam kung bakit siya nakangiti. Feel lang niya ay may na-achieve siyang kung ano kahit wala naman. Narinig naman niyang tumikhim ang taxi driver. Nang tumingin siya sa overhead mirror ay nag-iwas ito ng tingin.

Hindi na lang niya pinansin iyon. He just leaned back and looked outside. Paumaga pa lang sa Baguio at tahimik bukod sa mga sasakyan na nagpaparoo't parito. Ilang kabahayan lang ang may ilaw sa mga nadadaan nila. And the best part? The cool wind on his still healing face and the feeling of her warm hand on his.

Sa tanang buhay niya ay si Princess Wilhemene lang ata ang nahawakan niya ang kamay sa ganitong posisyon. But that was mostly on opposite positions. At dahil kung saan saan lang siya nito dinadala. It was fun but exhausting.

At ngayon, he never thought, someone's hand rather given to him so he can satiate his curiosity feels calming.

Nag-vibrate ang phone niya. Kinuha niya iyon at binasa ang mensahe.

Miss Marieke:

Can I have my hand back now?

GILBERT:

Can I hold it until we get to your place? Please?

Tinitigan siya nito at ibinalik niya naman ang tingin. He smiles. Napabuntong hininga ito.

"Sus. Nu haan ko lang nga kaasyan ay nilako kan," matabang na wika nito na ikinatawa naman ng taxi driver.

"Apay ngay nga ilakom? Asawaem kitdi," komento ng taxi driver.

Pinandilatan ito ng dalaga. "Diyak ay-ayaten. Kayat laeng nga ag-holding hands."

"Ilakom garuden."

Marahan at awkward na natawa ang dalaga. Nagpalit-palit naman ang tingin niya sa driver at dito na parehas na nag-iwas ng tingin.

Okay?