webnovel

One Week Love: Isang Linggong Pag-ibig

Serenader 5: JOSEPH LO

AriadneWP · Teen
Not enough ratings
12 Chs

Chapter 4

- HUWEBES -

[ALEX'S POV]

Apat na araw na kaming magkakilala ni Joseph, at apat na araw na ring kaming mag-jowa.

Sa loob ng apat na araw ay maraming nangyari. Grabe, hindi ko pa rin ine-expect na boyfriend ko na ang lalaking mahal ko.

Hindi ngayon makakapasok si Joseph dahil kasama raw niya ang kanyang parents sa business trip in Italy for three days. Buti pa siya, nakakasama niya ang parents niya. Samantalang ako, mga three years ko na hindi nakikita ang parents ko. Alam niyo namang busy silang magpayaman.

Pina-excuse ko na rin siya sa mga professors.

Alone tuloy ako ngayon sa paglalakad. Nagtatampo pa rin sa akin si Ann eh. Well, kinausap niya ako kanina tungkol kay Joseph pero umalis na agad siya.

Nakakalungkot.

Kahapon ang saya ko pero ngayon hindi na.

Ano kaya ang ginagawa niya?

Iniisip din ba niya ako?

[ANN'S POV]

Hindi talaga maganda ang kutob ko do'n sa Joseph na 'yon. I'm sure niloloko lang niya ang bestfriend ko.

Nalaman ko kay Al na pupunta raw ngayon si Joseph sa Italy.

Pero ang totoo niyan, niloloko lang siya ni Joseph. Hindi totoong pupunta si Joseph sa Italy. Nandito pa rin siya sa Pilipinas hanggang ngayon.

Sinusundan namin ngayon ng driver ko ang van na sinasakyan ni Joseph.

Saan kaya siya pupunta?

Tumigil ang van sa isang clubhouse na pagmamay-ari ni Dad. Sakto at dito sila nagpunta. Mababantayan ko siya nang maayos.

Lumabas si Joseph kasama ang apat niyang kaibigan sa van at pumasok sa loob ng clubhouse.

Pumasok na rin ako do'n para manmanan sila.

Pagpasok ko pa lang sa loob ng clubhouse ay naaamoy ko na ang alak at sigarilyo rito.

Hinanap ko ang pwesto nila Joseph.

Nang mahanap ko ito ay nakita ko si Joseph na may kausap na babae habang nakakandong ito sa kanya. Ang sarap niyang suntukin dahil niloloko niya ang bestfriend ko.

Nakangiti si Joseph sa babae at sumayaw na sila sa dance floor. Kinuha ko yung cellphone ko sa purse at vinideohan sila.

Nakita kong hinalikan ng babae ang labi ni Joseph.

At si Joseph naman ay tumugon sa halik ng babae.

Palalim nang palalim ang halik nila hanggang sa binuhat ni Joseph ang babae at pumunta sila sa second floor ng clubhouse. Maraming bedrooms do'n sa second floor para sa mga customers na lasing at hindi na maka-uwi. Pero may bayad 'yan.

Inend ko yung video at sinave ko ito sa gallery. Kailangan makita 'to ni Al.

[JOSEPH'S POV]

Nakakabadtrip ang araw na 'to dahil sa parents ko.

Ayoko nang tumira sa Italy at do'n mag-aral. Mas gusto ko pa rin dito sa Pilipinas.

*flashback*

Kaninang umaga ay nag-iimpake na ako para sumama sa parents ko papuntang Italy. Hindi ko nga alam kung bakit nila ako sinama.

Nang makapag-impake na ako ay pupunta na sana ako sa sala, ngunit may marinig akong nag-uusap sa kabilang kwarto na nasa kaliwa which is kwarto ng parents ko.

"Sabihin na natin kay Joseph ang totoo na doon na tayo titira sa Italy at hindi na tayo babalik pa sa Pinas." narinig kong sabi ni Mom na ikinagulat ko.

What the? No way! Ayoko nang tumira do'n sa Italy.

Akala ko ba magkakaroon lang sila ng business trip do'n? Kaya pala nila ako gustong isama dahil do'n na kami titira.

"Baka tumanggi 'yon. Alam mo namang hindi maganda ang past ng anak natin dahil sa ginawa sa kanya ng Uncle niya." sabi ni Dad kay Mom.

Shit! Naalala ko na naman ang pambabastos sa akin ni Uncle.

'Yon ang dahilan kung bakit ayaw ko nang tumira sa Italy. Dahil nandoon pa rin hanggang ngayon ang Uncle ko na bumastos sa akin. Silahis ang Uncle ko at may gusto siya sa akin.

Two years ago, sa Italy ay inaya niya akong makipag-sex sa kanya kapalit ang buhay ng parents ko. Halos gusto ko nang patayin ang Uncle ko dahil sa gusto niya pero hindi ko 'yon magawa dahil sa dami ng mga tauhan niya. Wala akong magawa noon at sinunod ko ang gusto niya kapalit ang buhay ng parents ko.

Pero akala ko ay matutuloy na ang binabalak sa akin ni Uncle nang biglang may nagsilabasang mga pulis at hinuli siya pati na rin ang mga tauhan niya.

Patong-patong ang sinampang kaso ng mga magulang ko laban sa kanya. Pero nawalan lang 'yon ng bisa dahil sa pera.

Dahil sa nangyari ay nagkaroon ako ng phobia na tumira ulit sa Italy kaya dinala ako rito nina Mom at Dad sa Pilipinas.

Umalis muna ako sa mansyon at pumunta ako sa isang clubhouse para mag-relax.

Sa totoo lang, hindi ko naman talaga mahal si Alex. It was just a bet.

Hinamon ako ng mga kabarkada ko na makipag-relasyon sa kanya in one week. Dapat daw ay hindi ako ma-inlove sa kanya, at sa pagsapit ng linggo ay do'n ko na siya hihiwalayan. Kapalit no'n ay isang sports car kapag nagawa ko 'yon.

Pero habang tumatagal ay hindi ko na maintindihan kung ano ang nararamdaman ko sa kanya.

*end of flashback*

"Fuck!" Napamura ako bigla sabay tulak sa babaeng nasa ibabaw ko ngayon na hinahalikan ang leeg ko.

"Babe, anong problema?" Lumapit sa akin ang babae pero lumayo ako.

"Magbihis ka na." sabi ko sa babae.

"Ha? Pero hindi pa tayo tapos?" pagrereklamo nito sa 'kin.

"Magbihis ka na. Nawalan na ako ng gana." ani ko sa babae at tumayo ako mula sa kama.

Dinampot ko ang damit ng babae at itinapon ko 'yon sa kanya.

Nagbihis na rin ako at agad na lumabas ng kwarto.

Pero paglabas ko ng kwarto ay hinarang ako ng isang babae. Masama ang tingin niya sa akin.

Ang kaibigan ni Alex.

Mukhang nakita niya lahat.