webnovel

One Week Love: Isang Linggong Pag-ibig

Serenader 5: JOSEPH LO

AriadneWP · Teen
Not enough ratings
12 Chs

Chapter 3

- MIYERKULES -

[ALEX'S POV]

"Alex, I have something to tell you." sabi sa 'kin ni Joseph.

Nagtaka naman ako kung bakit Alex na lang ang tawag niya sa akin at hindi na baby. Yung endearment namin.

"Ano 'yon baby?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Maghiwalay na tayo." sabi sa 'kin ni Joseph na ikinatulala ko.

"A-anong sinabi mo?" tulala kong tanong.

Sana mali ang narinig ko mula sa kanya.

"Maghiwalay na tayo. Hindi na kita mahal." sagot niya sa 'kin nang walang emosyon.

"Ano? Maghiwalay na tayo? Hindi mo na ako mahal?" Naiiyak na ako dahil sa sinabi niya.

"Oo kaya 'wag mo na akong lalapitan pa." sagot sa 'kin ni Joseph at umalis na siya.

***

"JOSEPH!"

Napabangon ako bigla sa kama.

Panaginip lang pala 'yon.

Nakahinga naman ako nang maluwag. Akala ko totoo yung nangyaring hiniwalayan ako ni Joseph.

Panaginip lang pala.

Pero bakit parang totoo?

- RODRIGUEZ UNIVERSITY -

"Baby, gala tayo sa mall." masiglang sabi sa 'kin ni Joseph.

"May pasok pa tayo." tugon ko sa kanya.

Parang nanghinayang ako sa sinabi ko sa kanya. Huhuhu! Gusto ko ring gumala sa mall kasama siya.

"Pwede mo namang i-excuse sa mga professors natin na may lakad tayo. Tandaan mong ikaw ang anak ng may-ari ng Rodriguez University." ani Joseph.

Nabuhayan naman ako sa sinabi niya.

"Oo nga noh. Bakit hindi ko 'yon naisip?" sabi ko kay Joseph.

Tinawagan ko ang mga professors ko at ni Joseph na hindi muna kami makakapasok ngayon.

Nang nakapag-excuse na ako ay gumala kami ni Joseph sa mall.

"Grabe, nakakapagod gumala." sabi ko kay Joseph.

"Sa food court muna tayo, baby." aniya.

Pumunta kami ni Joseph sa food court para kumain.

Marami kaming nakaing pagkain sa food court.

"Kyaaaaaa! Ang gwapo naman ng guy na naka-blue." narinig kong sabi ng isang babae mula sa gilid namin. At alam kong si Joseph ang tinutukoy niya dahil siya lang naman ang naka-blue rito sa food court.

"Sssssshhhh! 'Wag kang maingay girl. Kasama niya ang girlfriend niya ngayon at baka marinig nila tayo." narinig ko namang sabi ng isang beki.

Wow ha! 'Wag maingay pero dinig na dinig naman ang usapan. Gano'n ba ang 'wag maingay?

"May konting kanin sa mukha mo baby." sabi sa 'kin ni Joseph.

"Ha? Asan?" tanong ko sabay kapa sa aking pisngi.

Inilapit ni Joseph ang kamay niya sa mukha ko sabay kuha sa isang butil ng kanin na nasa gilid ng labi ko pala.

Feeling ko namula na ako sa kilig dahil sa ginawa niya. Enebe!

***

Pagkatapos naming kumain sa food court ay pumunta naman kami sa sinehan para manood ng movie.

"Ano ang gusto mong panoorin, baby?" tanong sa 'kin ni Joseph.

"Beauty and the Bestie na lang." sagot ko sa kanya.

"Sige baby kung 'yan ang gusto mo." nakangiting tugon niya sa 'kin.

Bumili muna kami ng ticket, popcorn at slurpee bago kami pumasok sa sinehan.

Habang nanonood kami ni Joseph ay may narinig akong ungol mula sa likod namin.

"Ooooohhhh! Babe faster."

"Fuck! You're so tight babe."

Waaaaa! Ang ingay naman nila. At dito pa talaga sila gumawa ng milagro. Well, I'm aware of that.

"Aaaaahhhhhh! Babe, I'm cumming."

Ewwww! Kaderder sila. Hindi man lang 'to napansin ni Joseph.

Pagkatapos naming manood sa sinehan ay pumunta naman kami ni Joseph sa amusement park.

"Tara baby, do'n tayo sa Ferris Wheel." sabi sa 'kin ni Joseph.

"Ayoko nga, ang boring do'n. Do'n tayo sa roller coaster para mas exciting." pagtutol ko sa kanya.

"Shit!" narinig kong mura niya.

"Ano ba ang problema mo baby at ayaw mong sumakay sa roller coaster?" tanong ko kay Joseph.

Bigla siyang umiwas ng tingin.

"Natatakot ka siguro noh kaya ayaw mong sumakay." pang-aasar ko sa kanya.

"Hindi ah." depensa ni Joseph. Halata naman sa mukha niya na natatakot siya. Ang cute niyang matakot.

"Eh kung hindi ka natatakot ay sumakay na tayo sa roller coaster." hamon ko kay Joseph.

"Ayoko. Hindi mo ako mapapasakay diyan kahit kelan." tugon niya sa 'kin sabay irap.

***

"Weeeeeeeeeeeeee!" masayang sabi ko habang nakasakay sa roller coaster.

"WAAAAAAAAAAA! IBABA NIYO NA AKO! HUHUHU!" narinig kong sigaw ni Joseph dahil sa takot. Grabe, ang laughtrip ng mukha niya.

Pagkatapos naming mag-roller coaster ay sinakyan namin ang iba pang rides at ito namang si Joseph ay sigaw nang sigaw na ibaba na siya. Bwahahaha! Nakakatawa ang itsura niya habang takot na takot.

"Grabe, napagod ako do'n ah." sabi ko nang makasakay na kami sa Ferris Wheel.

"Nag-enjoy ka ba baby?" nakangiting tanong sa 'kin ni Joseph.

"Yup." sagot ko sa kanya.

Naging masaya ang araw namin ngayon ni Joseph.

Ano kaya ang magiging future naming dalawa?