webnovel

One Week Love: Isang Linggong Pag-ibig

Serenader 5: JOSEPH LO

AriadneWP · Teen
Not enough ratings
12 Chs

Chapter 5

- BIYERNES -

[ALEX'S POV]

Haaaay! Nakakalungkot naman. Kumusta na kaya si Joseph si Italy? Hindi man lang siya tumatawag sa akin para kamustahin ako.

Na-mi-miss ko na siya.

"Our Dear Princess. We're here."

Teka, parang pamilyar ang boses na 'yon ha.

Napalingon ako sa nagsalita at nagliwanag ang mga mata ko nang makita ko sila.

Teka, nananaginip ba ako?

"Mom! Dad!" masayang sabi ko sabay yakap sa parents ko.

Hindi nga ako nananaginip. Nandito nga sila.

"Our Dear Princess. Na-miss ka namin." sabi sa 'kin ni Mom.

"Na-miss ko rin kayo." tugon ko sa parents ko.

"Kumusta ang school, anak?" tanong sa 'kin ni Dad.

"Okay lang naman po Dad." sagot ko.

"May boyfriend ka na ba anak?" tanong sa 'kin ni Mom.

Hindi naman ako makasagot. Waaaaa! Sasabihin ko ba sa kanila ang totoo?

"Silent means yes." sabi sa 'kin ni Mom.

Huminga muna ako nang malalim. "Yes Mom. May boyfriend na po ako." pag-amin ko.

Malalaman din naman nila ang totoo kahit hindi pa ako umamin.

"Who's that guy? Gusto namin siyang makilala." seryosong tanong sa 'kin ni Dad.

Napalunok naman ako bigla.

"Hay naku Hon! Wag mo ngang takutin ang anak natin. Hayaan na natin siya. Nasa tamang edad na siya para magdesisyon." sabi ni Mom kay Dad.

Si Mom talaga ang savior ko kapag tinatakot ako ni Dad.

"Sorry Hon. Hindi na mauulit." tugon ni Dad kay Mom.

"We miss you so much Our Dear Princess. Sorry kung ngayon lang kami naka-uwi ng Daddy mo. Pero don't worry dahil babawi kami sa 'yo. Mag-impake ka na dahil pupunta tayo sa Private Resort natin sa Cavite at mag-eenjoy tayo do'n." Nagliwanag naman ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Mom.

"Talaga po? Kailan po?" hindi makapaniwalang tanong ko sa parents ko.

"Ngayon na anak." sagot sa 'kin ni Dad.

"Waaaaaa! Ngayon na? Sige, sige." excited kong sabi at nag-impake na ako.

Tatawagan ko sana si Joseph kaso lowbat pala ang cellphone ko. Nakalimutan kong i-charge. Mamaya na lang siguro ako mag-cha-charge kung makarating na kami sa Cavite.

"Ready ka na ba sa family outing natin anak?" tanong sa 'kin ni Mom.

Masayang tumango ako. Kasama rin si Yaya sa outing na mas ikinatuwa ko pa.

Cavite here we go.

[ANN'S POV]

(The number you have dialed is unattended or out of coverage area. Please try your call later.)

Sinubukan kong tawagan si Al nang maraming beses pero cannot be reach pa rin siya.

Ba't hindi niya sinasagot ang tawag ko?

Since hindi ko matawagan si Al ay napagdesisyunan kong pumunta sa mansyon nila.

- RODRIGUEZ RESIDENCE -

*ding dong*

Nag-doorbell ako nang makarating ako sa mansyon nina Al.

Dapat makita niya 'to bago pa makipaghiwalay sa kanya si Joseph.

Biglang bumukas ang gate at tumambad sa akin ang isang Guard.

"Hello po Manong Guard. Nandyan po ba si Al?" tanong ko sa Guard.

"Ma'am Ann, wala po dito si Ma'am Alex. Nasa Cavite po siya ngayon kasama ang parents niya." sagot sa 'kin ng Guard.

Nasa Cavite si Al? At naka-uwi na pala sina Tito at Tita.

"Ah gano'n po ba? Kailan po ba sila uuwi?" tanong ko sa Guard.

"Sa Sunday pa po." sagot sa 'kin ng Guard.

Sa Sunday pa?

Ito yung araw na hihiwalayan na siya ni Joseph ha. Lagot na.

"Sige po." sabi ko na lang at umalis na ako.

Ano na ang gagawin ko ngayon?

Dapat maunahan ko ang Joseph na 'yon.