webnovel

Brother's Girlfriend

Para bang gininaw ako sa klase ng tingin ni Mrs. Garcia sa akin. Kung mapanghusga ako minsan sa mga tao sa paligid ko, tingin ko ay mas mapanghusga ito. Pakiramdam ko sa klase pa lang ng titig niya e, nahusgahan na niya ang buong pagkatao ko.

She's wearing a full dark violet attire. Tingin ko ay nasa 50+ years old na siya pero nadala niya ng maganda ang violet niya na bestida na may sequins at flower pa sa bandang dibdib, screaming that she's a Donya.

"Nice to meet you, Via..." anito noong matapos akong titigan.

"Via, meet my Mommy..." ani ni Topher. "Mommy don't scare her like that..."

Noong sinabi sa akin dati ni Topher na Mama's Boy siya ay ayaw ko pa maniwala, pero ngayon na sinasabi niya ang salitang Mommy ay nakumbinsi na ako. Parang he's really close to his Mom at kahit gaano pa ito mukhang nakakatakot ay parang siya lang ang kayang humarap dito.

"Of course not, anak..." sagot ni Mrs. Garcia. "Sorry, hija, if I scared you."

"Uhm, hindi n-naman po." Sagot kahit ang totoo ay nakakatakot talaga ang klase ng titig niya.

"Mabuti po tita at nakarating po kayo?" Singit ni Hazmin saka pulupot ng braso kay Nico. Agad akong umiwas ng tingin upang huwag makita iyon.

"Natapos lang ng maaga ang meeting ko with your uncle," ani nito kay Hazmin. "I've decided na dumaan ng maaga, para makita ko rin ang pagfacilitate ng team building." Dugtong pa niya sabay tingin muli sa akin. "Anyway, I'll go to my room. Nico, you come with me."

"Mom!" Tawag ni Topher dito.

"Dyan ka lang Topher, don't come with us." Pahabol ni Mrs. Garcia.

Sumunod na si Nico at Hazmin samantalang naiwan naman sa tabi ko si Topher na bumagsak ang balikat.

"Sorry, Via. Natakot ka ba ni Mommy?" Napalingon ako kay Topher.

"Hindi naman," sagot ko.

"Bakit kaya sinama ni Mom si Kuya?" Sambit ulit ni Topher, sa tonong nagaalala. "Gan'on lang siya tuwing papagalitan niya si Kuya e."

Napatingin lang ako sa lumalayong pigura nila. So gan'on pala ang relasyon ni Nico kay Mrs. Garcia? Malayong malayo sa relasyon nito kay Topher mismo.

Time passed at naglunch time na. Simula kanina ay hindi ko na napansin pa si Nico. Parang hindi na siya bumaba pagkatapos siyang ipatawag ni Mrs. Garcia.

Noong magsisimula na ang company team building bandang 2 PM, ay doon ko lang ulit siya nakita, kasama na naman ni Mrs. Garcia...

"Okay guys, this station is what we called FEAR FACTOR..." Ani ng facilitator ng Team Building.

Everything went nice and fun. Sumaya at natuwa naman ako kahit na papaano... may team building kung saan may patalinuhan, may activity na patapangan... kung kaya mo bang humawak ng ahas o ipis. Mabuti na lang that time ay earthworms lang ang napunta sa akin, hindi ko yata kaya kung ipis.

"That's all! Thank you so much again, JCG Firm, for having us as your Team Building Facilitator..." ani n'ong leader ng team na nagfacilitate sa amin. Nasa activity area na kmi at natapos na namin lahat ng paactivity nila... It's almost 6PM na rin. "We can eat our dinner first and then it's time to party!"

Napanganga kaming lahat noong nagbukas ang kurtina sa likuran n'ong nagsasalita sa stage, na sinabayan pa ng pampahype na music. I clapped my hands...

Bumungad ang isang malawak pang parte nitong venue kung saan nandoon ang mga sofa, cocktail table at bar. Para bang nagsilbi iyong extention. May mga empleyado na rin doon sa loob na siyang nagwelcome sa amin.

May ilan na dumiretso na doon sa bar, may ilan na kumain muna ng dinner tulad namin ni Janica at Topher. Pagkatapos ay doon lang kami pumunta sa bar. Umupo kami sa bakanteng sofa... kasama pa rin namin ang DANGER. Napangisi lang ako noong napansin dinidikitan pa rin ni Garem si Janica.

Mas lalong lumalim ang gabi kaya naman mas lalong umingay ang paligid. Dumilim pa na dinagdagan ng makukulay na ilaw. Nakakailang inom na rin ako ng mga iniaabot sa akin, pero alam ko na kung anong limitations ko...

"Nasaan ang kuya mo, Topher?" Tanong ni Ethan.

Iyan rin ang nasa isip ko kanina pa pero ngayong may nagtanong ay mas lalo akong nagtaka. Kunwari ako wala akong pakialam pero ang buong atensyon ko ay nasa sagot kung nasaan nga ba si Nico.

"I don't know?" Sagot ni Topher s tabi ko. "Maybe with ate Hazmin? She's not here as well..."

Inagaw ko ang alak na dapat ay iinumin ni Amiel... "Woah, woah, easy there, Via!"

Nilagok ko iyon saka humalakhak.

"Sorry, nauhaw lang..." sagot ko. Hinaplos naman ni Janica ang likuran ko.

"Easy ka lang girl." Bulong niya.

So magkasama ngayon sina Nico at Hazmin? Tss. Pakialam ko sa kanila? Wala akong pake kung maglambingan man sila sa kwarto o sa dilim man. Wala akong pake!

"Janica, can you stay with Via?" Ani ni Topher. "Mukhang tipsy na kasi, we just had to prepare on the back stage kasi ayon sa program we need to perform."

"Okay, yes, ako nang bahala sa kanya." Rinig kong sabi ni Janica. "Ikaw naman kasi friend, huwag ka na ngang uminom! Ang dali mong malasing e!"

"What? Hindi ako lasing! I'm just tipsy."

"Hay nako... basta dito lang tayo. Magpeperform daw ang DANGER. Kyaaaaa!"

"O sige dyan ka lang, I need to pee." Sabi ko.

"Ha? Sige samahan kita." Ani ni Janica.

"Huwag na. Hindi nga ako lasing. Oh." Tumayo pa ako at pinakitang hindi nahihilo. Hindi naman talaga ako lasing, I'm just tipsy. Sobrang konti lang. "Huwag ka na sumama. Dyan ka na, okay? Mamissed mo pa ang performance ni Garem. Hihihi."

"Via..."

"Dyan ka lang, huwag kang sasama..." dahil hindi naman talaga ako iihi. I just need to find someone... kung nasaan sila ngayon. I need to find out.

Kung saan-saan na ako nakarating. Natahak ko na ang daan papunta sa karagatan, hanggang sa may narinig akong maliit na tinig.

"Then what's your problem? Kanina ka pa malamig sa akin..." sabi ng boses ng babae. "Touch me, Nico..."

Agad na naalarma ang utak ko pagkarinig n'on. Mas lalo pa akong bumaba upang makita kung sino ang mga iyon... at hindi nga ako nagkamali.

Parang sinaksak ng isang libong kutsilyo ang dibdib ko nang makitang nandoon si Nico... and he's kissing Hazmin. Agad na natapos ang halikan nila at halos malaglag ang puso ko nang magtama ang mga mata namin ni Nico.

Agad akong tumakbo palayo...

"Via..." Narinig kong tawag ni Nico pero hindi ako tumigil, hanggang sa makarating ako pabalik sa venue ng party.

Madilim at naglalaro ang mga makukulay na ilaw. Mabuti na rin iyon dahil mas hindi mapapansin ang pagtulo ng luha ko at hindi ako agad mahahanap ni Nico.

"This song is dedicated to Via..." natigilan ako nang marinig ang tinig ni Topher sa stage. Napuno ng hiwayan ang buong venue, ang ilan ay nakilala ako't hinatak papalapit sa stage. "Via, if you hear this please listen carefully... kasi... dito ko na sasabihin lahat lahat ng hindi ko masabi..."

"Nandito si Via! Kyaaaa! Nandito Sir Topher!"

Wala akong magawa kung hindi ang magpahila sa kanila. Ni hindi ko na nga alam kung sino 'yong mga nababangga namin.

Nakarating ako sa unahan kung saan kitang-kita ko si Topher. Malakas ang dating niya. He's wearing a floral poloshirt na bukas ang butones kung kaya't naeexpose ang maganda niyang katawan.

Namalayan ko na lang na he started singing...

--------

Do you love the rain? Does it make you dance

When you're drunk with your friends at a party?

What's your favorite song, does it make you smile?

Do you think of me?

--------

Natuod ako sa kinatatayuan ko, pressured dahil ang mata ng lahat ay nasa akin at kay Topher na kumakanta ngayon. I wiped the tears na dulot ng pagiyak ko dahil sa nakita ko kanina...

"Hala, na-tears of joy si Via! Kyaaaa! Kiliggggg!!!"

What?

"Kahit ako maiiyak ako sa kilig dyan e!"

---------

When you close your eyes, tell me, what are you dreamin'?

Everything, I wanna know it all...

--------

"Via sagutin mo na! Aaahhhhck! Nakakakiliggggg!"

"Topher ang pogi mo!!!"

Tumingin ako sa buong paligid. Para bang nahihilo ako sa dami ng tao at sa dami ng kulay. Hanggang sa tumama ang paningin ko kay Nico na bagong dating lang.

Mukhang hinihingal pa siya at nabigla noong makita kami ni Topher sa gitna ng maraming tao.

----------

I'd spend ten thousand hours and ten thousand more

Oh, if that's what it takes to learn that sweet heart of yours

---------

Halos hindi ko na nga maintindihan ang kinakanta ni Topher. Nakatitig lang ako kay Nico at gan'on rin siya sa akin...

Biglang lumakas ang sigawan ng mga tao. Noong ibinaling ko ang tingin kay Topher ay naglalakad na pala siya papalapit sa akin. He held my hand saka kinanta ang mga susunod pa na lyrics.

--------

And I might never get there, but I'm gonna try

If it's ten thousand hours or the rest of my life

I'm gonna love you...

----------

Once again I turn my gaze to Nico. Bagsak ang balikat niya habang nakatingin sa akin. Basa ang buhok niya na para bang galing siya sa pagligo. Pagkatapos ay dahan dahan siyang umiling sa akin...

Muling nag-umapaw ang galit sa dibdib ko lalo na noong maalala ko ang halikan nila ni Hazmin.

Kapag siya pwedeng makipaglandian sa iba, pero ako hindi? Kapag siya pwedeng sumaya, pero ako hindi? Kapag siya pwedeng makalimot tungkol sa akin, pero ako hindi ko siya pwedeng kalimutan?

"Yes..." walang anu-ano'y sambit ko kay Topher. Natigil siya sa pagkanta at sandaling nalaglagan ng panga. Noong nagprocess na sa isip niya kung ano 'yong sinabi ko ay sumigaw siya't tumalon talon.

"Yesssss! Woooooooo!!! Finally! Guys!!! She said yessss!!!"

Umingay dahil sa hiyawan ng mga tao sa buong venue, na sinabayan pa ng malakas na tugtog. Niyakap ako ni Topher sa sobrang tuwa.

Noong una ay para akong namanhid na ewan... I don't know what will I react... I don't hear anything but my heart beat and my loud thoughts. Hanggang sa mapatingin ako sa direksyon ni Nico,

ngunit wala na siya doon.

Doon lang ako nagising sa katotohanan.

Fuck...

What did I just do?

"Congrats Topher and Via!"

"Congrats pre!"

"Congrats Topher! You got it!"

Napuno ng pagbati ang tenga ko, pero hindi pa rin nagpoproseso.

Hawak pa rin ni Topher ang bewan ko habang binabati kami ng mga kaibigan niya. Noong nagkaharap kami ay todo ang ngiti na hinarap niya ako.

"Via... thank you, thank you so much..." aniya, kaya napatingin rin ako sa kanyang mukha. Halata dito ang sobra niyang pagkatuwa. "You made my birthday even happier..."

Bigla akong tinamaan ng konsensya. I can't see him hapoy like this... it's my fault. He didn't deserve this... mali itong ginawa ko.

Naramdaman ko ang bikig sa aking lalamunan.

"Topher... I'm... I'm sorry... it's... it's a mistake---" sambit ko pero hindi na niya iyon naintindihan dahil biglang lumapit sina Amiel sa amin upang batiin rin si Topher.

"Dude! Congrats!" Ani ni Ethan sabay tingin sa akin. "Via! Mabuti naman at sinagot mo 'tong si Topher. Tagal niyang pinraktice iyang kantang 'yan para lang sa 'yo..."

Binatukan naman ni Topher si Ethan. "Huwag mo nga akong ibuking!"

Habang pinagmamasdan ko silang masaya at naghaharutan ay mas lalo kong hindi kinakaya. I think I'm gonna cry anytime...

"M-Mag-babanyo lang ako..." paalam ko kay Topher noong nabusy na sa ibang bagay 'yong mga tao.

"Ha?" Kumalas ako sa pagkakahawak niya sa bewang ko. "O sige, Via..."

Hindi ko na siya hinintay na magreact at tuluyan na akong umalis sa dagat ng mga tao.

Lumusot ako sa parte ng venue na walang naglalarong mga ilaw, malapit sa CR para hindi ako mahalata, pero bago pa man ako makarating sa CR ay bumagsak na ang luha ko.

What did I just fucking do?

That's wrong right? I know that's wrong. Masyado akong galit noong makita sina Nico at Hazmin na naghahalikan at iyon ang naging sagot ko dahil sa galit na iyon.

"Bakit parang lugi ka pa?"

Pinunasan ko ang luha ko dahil sa biglang nagsalita sa likuran ko. It was Jason.

Agad akong nakaramdam ng kaba. He's smirking like a jerk habang naglalakad palapit sa akin. Halatang lasing na siya dahil hanggang ngayon ay may hawak siyang bote ng beer.

"Don't tell me ayaw mo na kay Topher bigla? Big fish na 'yon o! Siya ang tagapagmana ng JCG Firm."

Marahan akong umatras dahil sa paglapit niya.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

Humalakhak siya.

"Jason,"

Naramdaman ko ang mainit na dibdib na tumama sa likuran ko. May kamay rin na dumapo sa bewang ko upang higitin ako palapit sa katawan niya. Pag-angat ko ng tingin ay natanaw ko ang pag-igting ng panga ni Nico at ang pagsalubong ng makakapal niyang kilay habang nakatingin na kay Jason.

Jason smirked bigger noong makita ang kamay ni Nico sa bewang ko.

"Ikaw..." Inalis na ni Nico ang kamay niya sa akin saka tuluyang hinarap si Jayson, protecting me from him. "Ikaw rin 'yong pakialamero sa bar e. 'Yong sumuntok sa akin, 'di ba? Bakit ba ang hilig mo sumulpot? Ano ka ba ni Via, ha?"

Sinuntok? I can't remember what happened that night na nalasing ako sa bar. Pero ngayon ay parang naging malinaw na sa akin lahat. Lumapit nga noon sa akin si Jason, at noong oras na 'yon dumating rin si Nico para ipagtanggol ako.

Napatingin ako kay Nico.

I just saw how tense his muscles are. Hindi ko alam kung bakit automatic na itinaas ko ang kamay ko upang haplusin ang galit niyang braso upang pakalmahin iyon. I can't controlled it. Gusto ko lang malaman niya na I'm okay, hindi niya kailangang patulan si Jayson sa mga kalokohan nito.

"She's my..." nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga. "She's my brother's girlfriend, Jason."

Hindi ko alam kung bakit napaso ako sa kanya nang dahil doon. Bumitaw ako samantalang humalakhak naman si Jason.

"Iyon naman pala e!" Ani ni Jason. "Eh bakit kung mangialam ka parang ikaw ang may-ari? Ha?"

"Anong nangyayari dito?" Napalingon kami sa papaeatinh na si Topher. Nasa likuran niya si Hazmin na ngayon ay tumakbo na papalapit kay Nico. Napatingin ako sa kung paano nito ipinulupot ang kamay sa braso ni Nico, like she really owned it. "Anong ginagawa mo, Jason?"

Napayuko ako noong muling maalala ang halikan nila kanina.

Naramdaman ko rin ang pagpulupot ni Topher sa bewang ko. Imbis na kay Topher ay ka Nico ako napatingin. Tumingin rin siya sa akin habang kunot na kunot ang noo.

Doon ay muli na naman naming narinig ang halakhak ni Jason.

"Topher, wala akong ginagawa." Itinaas niya ang dalawa niyang kamay na para bang inaaresto siya. "Kinakausap ko lang si Via. Alam naman ng lahat na nanligaw ako noon sa kanya, pero ngayon na kayo na... she's yours." Humalakhak muli siya na para bang nangaasar. Siguro'y lasing na rin siya dahil may hawak pa rin siyang alak hanggang ngayon. "Pero mag-ingat ka. Baka nandyan lang sa paligid mo 'yung totoong aagaw diyan sa girlfriend mo."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumingin muna siya ng nakakaloko kay Nico saka naglamad palayo.

"Don't worry Via. I'll fire him." Sabi ni Topher pagkaalis ni Jason.

Hindi ako makaimik. Para akong naputulan ng dila. Sumisikip ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Sinabayan pa ng guilt ko dahil sa nagawa kong ito kay Topher.

Mali na sinagot ko siya dahil lang sa galit. Mali na ginamit ko lang si Topher para tapalan ang sakit na pinaparamdam sa akin ng tadhana.

I need to tell him the truth about Nico.