webnovel

Kisses

Isang linggo matapos 'yong team building at birthday celebration ni Topher ay naging busy na naman ang lahat... ilang araw ring hindi ko nakita si Nico. Si Topher naman ay busy sa rehearsal kasama ang DANGER kaya hindi pa rin kami nakakapagkita...

...at hindi ko pa rin nasasabi sa kanya ang gusto kong sabihin.

Yes, tumagal ng isang linggo. And every day that passed, mas lalo akong nagi-guilty... mas lalong nadaragdagan ang bigat ng dibdib ko.

Everytime I'm trying to ask Topher na magusap kami ay palagi niyang tinatanggihan... mapa-personal man o tawag. Palagi niyang sinasabi na kung kaya ay itext ko na lang.

Pero I'm too guilty to just text it. Masyado na ngang malupit na ginamit ko siya para kay Nico, at mas wala na akong puso kung sa text ko lang ipapaliwanang iyon. Hindi ako duwag upang hindi harapin ang pagkakamali ko.

"Ano? Kamusta? Nakausap mo na ba?" Tanong ni Geraldine sa tawag. Nakwento ko na rin sa kanya ang mga nangyari sa akin these past few weeks. Alam niya na rin ang tungkol sa hindi sinasadyang pagsagot ko kay Nico at ang paghahalikan nila ni...

Napailing ako upang huwag iyon isipin.

"Naku, mukhang wrong timing talaga. Bukas ay birthday pa naman ni JM. Invited sina Topher at Nico, by the way." Aniya.

I bit my lower lip. Kailan ba ang tamang timing to say those words to Topher? Tsk.

"Don't worry, we won't cause any trouble." Sagot ko.

"Naku, huwag mo kaming isipin. If you got the chance today, i-go mo na kasi mas mahirap kapag pinatagal pa." Aniya. "Basta you'll come ha? May mga kabatch rin tayo na pupunta."

Ibinaba ko na ang tawag. Noon rin ay isang text ang natanggap ko mula kay Topher.

Topher: I love you, Via. Good night.

He'd been sending me texts like this in the past days...

I sighed, at hindi iyon sinagot. Isang text muli ang dumating.

Topher: See you tomorrow in JM's party. I'm sorry I can't pick you up. Hahabol lang kasi kami. We'll be there around 9 PM pa.

Via: It's okay. I can drive naman papunta sa kanila.

Hindi na siya sumagot so I sighed heavily again. I'll confront him when the time is right, when he's ready.

Kinabukasan ay tanghali na ako nagising. Bandang 3pm ako naghanda para mga 4pm ay makaalis at makabyahe na. Traffic pa naman... ang isang oras na byahe papunta kina Geraldine ay magiging dalawa hanggang tatlong oras.

6 PM nang makarating ako doon. Sinalubong agad ako ni JM at ni Geraldine pagkapasok ko sa gate nila. May kaya ang dalawang ito kaya naman hindi nakakapagtaka kung gaano kaganda ang bahay nila... tapos architech pa si JM, ani ni Geraldine ay si JM mismo ang nagdisenyo nitong dream house nila.

Hindi ko maiwasang mapangiti at maging masaya para sa mga kaibigan ko. Sobrang swerte nila sa isa't isa... hinihintay ko na lang talaga ay ang inaanak ko sa kanilang dalawa. Syempre ninang dapat ako, no!

"Happy birthday, JM!" inabot ko ang regalo ko sa kanya sabay beso rin.

Bumungad sa akin ang malawak nilang front yard. Kahit nakarating na ako dito ng ilang beses ay gandang-ganda pa rin ako. May set-up na ng videoke't mga upuan sa gilid ng front yard nila. Tingin ko doon gaganapin ang party mamaya.

"Upo ka muna besh, actually wala pang mga bisita. Baka mga 7pm ang dating n'on o baka mas gabi pa." Sabi ni Geraldine noong pumasok na kami sa bahay nila.

Umupo ako sa couch ng sala saka nag-browse ng mga magazine sa center table.

"Inexpect ko na no, mga late comers mga tao talaga. OTW daw pero nasa banyo pa naman. Inagahan ko talaga kasi traffic." sagot ko naman.

Tama nga ang sinabi nila. Mga 7 PM nang isa-isa nang nagsidatingan ang mga bisita. Noong una ay mga pamilya nila JM at Dine na hindi ako pamilyar sa iba, kalaunan ay mga kabatchmates na namin.

"Balita ko pupunta daw ang DANGER?" sabi agad ni Marg noong pagkadating.

Nagbatian kaming lahat at nagkwentuhan. Nasa may front yard na rin kami nakapwesto at ang iba ay nagsisimula nang kumanta sa videoke at sumayaw.

"Oo, kaibigan ni JM 'yong Dan Christopher e," sagot naman ni Huck. "At balita namin... Via..."

Nagtinginan ang lahat sa akin. Kumalabog ang dibdib ko.

"What?"

"Jowa mo na si Topher?" Tanong ni Marg.

Hindi ako makasagot. Hindi ako maka-hindi at hindi rin maka-oo. I don't know what to react.

"OMG, ayan na sila..." bago pa man ako sumagot at napalingon ang mga kasama ko sa table sa mga bagong dating. Hindi na ako nagtaka, dumating na nga 'yong DANGER...

Kumabog ang dibdib ko hindi dahil sa kanila kundi dahil sa kasama nilang naglalakad rin.

Si Nico.

"Look, who's that hot guy? He looks familiar..." tanong ni Monique.

Agad akong napainom ng alak. I forgot... maaaring pamilyar si Nico sa ilan sa mga kabatchmates ko dito dahil ilan sa kanila alam ang issue ko noon... 'yong pinagkalat ni Lindsey na kundoktor si Nico.

Si Monique pa naman ay kaibigan noon ni Lindsey.

Sa kakaisip ay hindi ko na namalayang lumapit na pala sila kay JM at ngayon ay papalapit na sa direksyon ko si Topher.

"Hi, Via." Pagkaangat ko ng tingin ay agad ang paghalik niya sa pisngi ko. Bahagyang lumaki ang mata ko dahil sa gulat. "Hi, everyone..."

Laglag rin ang panga ng mga kasama ko sa table. Hindi rin inasahan ang paghalik ni Topher sa akin.

"H-Hi... Topher." Anila. Noong tignan nila ako ay parang sinasabi na nga nila na boyfriend ko si Topher.

"Excuse me," Tumayo ako upang makaiwas sa tanong. Bahagya kong hinila sa pulso si Topher. Pero mahinhin lang iyon upang hindi nila mapansing may mali. "Topher, let's talk."

Tumigil siya kaya naman napaharap ako.

"Why?" Aniya.

"I just want to say something to you..."

"Kung ano man iyan, huwag muna ngayon, Via." Aniya.

"I need to say this to you." desperado na ang boses ko. Pakiramdam ko all this time ay sinasadya niya lang na huwag makipagusap sa akin para iwasan ako. Pakiramdam ko he had a clue.

"I'll give time to you, okay?" Aniya. "Just... not today..."

Nagpadala ako noong hinawakan niya ang kamay ko. Iginiya niya ako doon sa table kasama ang DANGER. Kasama si Nico.

Buong oras ay wala ako sa wisyo. Kabaligtaran naman 'yong DANGER na sobrang lakas uminom at sobrang energetic, maliban kay Rain na palagi namang tahimik.

Nagsipalakpakan ang lahat nang matapos kumanta ni Topher.

"You're so good, Man! Hoy Rain ikaw naman ang kumanta!" Sigaw ni Amiel, at nagkulitan na nga sila doon.

"You like my song?" Tumalon ang dibdib ko nang umakbay at sumandal sa balikat ko si Topher. Para bang nanglalambing. "That song is for youuu."

Napatingin ako sa kanya bago ako napatingin kay Nico na nasa harapan lang naming dalawa. Iniwas ni Nico ang tingin sa amin bago inilagok ang hawak niyang alak.

"Topher..." I said.

He giggled. "I like it when you say my name."

Lasing na ito...

Noong mas lalo pang lumalim ang gabi ay mas lalong nagpakalunod sa alak ang lahat. Dumating na rin ang ininvite na DJ nila JM at Geraldine kaya naman mas lalong umingay dahil sa magagandang beats at music nito.

"WOOOO! HAPPY BIRTHDAY JM!!!" Sigaw ni Amiel.

Napatingin ako kay Nico noong tumaas ang labi niya upang ngumiti. Kaming dalawa lang ang naiwan sa table, ang lahat ay nasa dance floor at nagwawala na.

He looked at me too. Hindi lang basta tingin dahil nagtagal iyon. Kumalabog ang dibdib ko dahil doon pero hindi ako nagpatalo, dala na rin siguro ng alak kaya naman matapang ako ngayon. Noong umiwas siya ng tingin ay ngumisi ako...

Hindi mo pala kaya e. Sabi ko sa sarili ko, sabay tungga ng alak. Noong nagsalin ako upang tumungga ulit ay inagaw na niya sa akin 'yong bote kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Hey!" Sigaw ko pero alam kong hindi iyon rinig dahil sa lakas ng sound system.

He didn't respond. Nakaupo lang siya habang naka-dekwatro at nakapatong ang braso sa head ng upuan niya... looking directly at me.

Kumuha ulit ako ng bote ng alak na malapit sa akin, kaya lang ay sarado pa. Walang pambukas na malapit at I'm too dizzy to get it somewhere.

Kinuha ko na lang ang random na basong may lamang alak sa lamesa at tutunggain sana iyon nang pigilan na naman ako ng walanghiyang si Nico. Ngapaangat ako ng tingin, ngayon ay nakatayo na siya sa harap ko habang hawak ang braso kong may alak.

"What? Let me go!" I demanded.

"Stop it." Aniya lang.

"Ano bang pakialam mo!"

"You're drunk."

"No, I'm not."

"You are..." sabay hablot ng baso at inilagay iyon sa mas malayo. Nagtangin tuloy ang bagang ko. Tumayo ako para sana kumuha ng alak pero naramdaman kong may yumakap mula sa akin sa likod.

Sumingit ang mukha ni Topher sa balikat ko.

"Viaaaaa...." aniya, lasing na rin. Inalis niya ang yakap sa akin saka niya ako tinignan. His eyes were sleepy. "Let's dance... hmm?"

Hilo na rin ako at hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Hinayaan ko si Topher na ilagay ang kamay ko sa balikat niya at ang kamay niya sa bewang ko. Sinubukan kong tanggalin iyon pero mahigpit ang kapit niya sa akin.

"Shhh...." aniya. Nakapatong ang noo sa noo ko habang nakapikit, tila ba dinarama ang kanta. Ngayon ko lang namalayan na slow songs na pala ang pineplay.

"Topher..." sinubukan kong lumayo ng kaonti. Kahit lasing ako ay hindi ko pa rin nalilimutan ang nararamdaman ko.

"Via, let me please." Aniya. Nabasag ang puso ko dahil doon. His voice were broken. "I like you a lot, Via. I like you a lot..." sandaling tumigil ang tibok ng puso ko nang mabilis na dumampi ang labi ni Topher.

Wala akong nagawa agad. Hindi ko napigilan. Masiyadong mabilis ang pangyayari at namalayan ko na lang na nakabitaw na si Topher sa akin...

Hawak ni Nico ang braso ko't umiigting ang panga habang kay Topher nakatingin.

"Kuya ano ba!" Sigaw ni Topher.

Napalingon tuloy sa amin ang lahat. Mabuti at hindi nila nakita kung paano ako inilayo ni Nico kay Topher. Napatingin lang sila sa amin noong sumigaw na si Topher.

"Topher, lasing ka na. We should go home."

"Bakit ba palagi ka na lang nangingialam?! Palagi ka na lang sumisingit!" Sigaw pa nito.

Dumating sina Amiel at ang buong DANGER para hawakan si Topher. Si Geraldine naman ay dumalo rin sa akin.

"What's happening?" Aniya.

"Wala, sobrang lasing lang si Topher." Sagot ko. "I-I think... I need to go home too." Sabi ko kay Dine.

"Hala, can you drive? Eh lasing ka na rin."

"Yes, I can." Napahawak ako saglit sa ulo ko.

"No, you can't." Sabi ni Dine saka tumingin sa paligid. Parang naghahanap ng taong pwedeng mahingan ng tulong. Napatingin siya kay Nico na nasa likuran ko.

"I'll drive her home." Ani ni Nico saka tumingin kay Rain na tahimik lang sa gilid. "Rain, ikaw na bahala sa kanila." Sabi ni Nico kay Rain na tahimik lang na umiinom sa gilid, inihagis niya dito ang susi saka ako nilingon. "Let's go. Can you walk?"

Marahan akong tumango.

"Bye, Dine. Thank you." Hinalikan ko sa pisngi ang kaibigan ko.

"Bye, ingat kayo ha."

Para bang nawala ng kaonti ang pagkalasing ko, though may nararamdaman pa rin akong hilo. Inabot ko kay Nico ang susi ng kotse ko habang naglalakad na kami palabas. Kinuha niya naman iyon ng walang sinasabi saka pinatunog ang kotse ko noong malapit na kami dito. Pinagbuksan niya muna ako ng pinto sa passenger seat, saka ako inalalayang umupo doon.

He didn't even look at my eyes. Wala rin siyang sinasabi. Noong nakaupo na ako ng ayos ay isinara niya agad ang pinto saka umikot para umupo naman sa driver's seat. Pinaandar niya ang sasakyan nang walang salitang sinasabi... ngunit kunot ang noo niya at salubong ang kilay habang diretsong nakatingin sa daan.

"Galit ka ba sa akin?" tanong ko sa wakas. Saglit siyang tumingin sa akin. Noong ginawa niya iyon ay nawala na rin ang kunot niyang noo at ang salubong niyang kilay.

Huminga siya ng malalim saka sumagot.

"No," aniya. "Bakit naman ako magagalit?"

I shrugged.

Dahil hinalikan ako ni Topher? Bakit? Bakit nga ba siya magagalit? Ang tanga mo, Via.

"You didn't do something wrong... It is just me." aniya saka ako tinignan saglit. "I won't get mad at you, even if you did something wrong as well."

His words are all comforting. Para bang kung inaantok ako ngayon ay mas lalo akong inantok. Para bang gusto kong matulog habang nasa tabi niya, pero gusto ko ring manatiling gising para namnamin itong sandali na nandito siya.

"C-can we go somewhere?" out of the blue na sinabi ko. "I-if it is okay."

Ilang segundo na ang lumipas pero hindi siya sumagot. Nilingon ko siya habang nakapatong ang siko ko sa nakabukas na bintana ng passenger seat.

"Saan?" tanong niya, nilingon ako saglit, saka muling tumingin sa kalsada.

"Ikaw ba, s-saan mo gustong pumunta?" tanong ko pabalik.

Marahan siyang ngumiti. "Anywhere you want, Via. We'll go there."

I smiled and faced the road. Nilanghap ko ang malamig na hangin at ang pakiramdam na ito.

"Ako rin," I said. "Kahit saan..." Basta kasama kita. Wala na akong pakialam kung saan kami makakarating ngayong gabi. As long as I'm with him, it doesn't matter.

"As you wish," aniya saka iniliko kung saan ang sasakyan.

Ilang sandali ang dumaan ng tahimik. Ang tanging pumupuno lang sa tainga ko ay ang hangin at ang tugtog sa speaker ng sasakyan ko. Sa cellphone niya connected iyon kaya malamang ay mga paborito niyang kanta ang tumutugtog ngayon.

Tumugtog ang isang pamilyar na kanta. Kung tama ang naaalala ko ay iyon ang kinanta ni Topher sa akin noon sa Baler, Aurora... noong sinagot ko siya.

----

Do you love the rain? Does it make you dance

When you're drunk with your friends at a party?

----

Natigil lang iyon noong bigla niyang nilipat.

"Why?" tanong ko. He shrugged while choosing something sa phone niya na nasa phone holder ng sasakyan ko.

"Don't like that song anymore." simpleng sagot niya. Pagkatapos ay may panibagong kanta na nag-play. I'm kinda familiar with the song he's playing now.

"You know why I love playing songs?" aniya. Napalingon ako sa kanya habang sumasabay na ang tainga ko sa instrumental ng kanta. "Because songs... can tell so much. Even those words we cannot say."

--------

I look at her and have to smile

As we go driving for a while

Her hair blowing in the open window of my car

And as we go, the traffic lights

I watch them glimmer in her eyes

In the darkness of the evening

--------

Hindi ko alam kung bakit kumalabog ng napakalakas ang dibdib ko as I saw his eyes lit. Pakiramdam ko umilaw ang buwan sa mata niya at naging magical iyon sa paningin ko.

[NP: Passenger Seat by Stephen Speaks]

-------

And I've got all that I need

Right here in the passenger seat

Oh, and I can't keep my eyes on the road

Knowing that she's inches from me

-------

Some strange feeling fulfill my heart. Feelings I've longed for a long time... feelings I cannot explain... ang alam ko lang, masarap sa pakiramdam. Umiwas akong tingin upang itago ang munting ngiting kumawala sa labi ko. Tahimik ngunit sumisigaw ang puso ko...

I wish I could also hear his heart.

-------

We stop to get something to drink

My mind clouds and I can't think

Scared to death to say I love her

Then the moon peeks from the clouds

I hear my heart, it beats so loud

Try to tell her simply

That I've got all that I need

Right here in the passenger seat

Oh, and I can't keep my eyes on the road

Knowing that she's inches from me

Oh, and I know

That this love will grow

------

Tumayo na ako't nagpagpag ng pants. Nauna na akong magtungo sa sasakyan.

"Via..." ani ni Nico kaya naman natigilan ako sa pagbukas ng passenger seat ng kotse ko. Liningon ko siya. Tumayo na rin siya't naglakad papalapit sa akin. Tumigil lang siya noong isang yarda na lang ang pagitan naming dalawa... "You ask me earlier if I'm mad at you..." he took a step closer. Iyon ang naging call ko para mapasandal na sa sasakyan dahil sa sobrang lapit niya. I can't take it...

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na para bang anytime ay lalabas ito. Lahat rin ng init sa katawan ko ay umakyat papunta sa mukha ko.

"Yes, I'm mad... I'm very very mad... but not with you. Galit ako sa sarili ko kasi naiinggit ako sa kapatid ko..." he took another step hanggang sa naging isang dangkal na lang ang layo ng mukha niya.

He cornered me through his arm. Nakasandal ako sa sasakyan habang ang braso niya ay nakapatong sa ulunan ko banda upang hindi ako makawala.

"Naiinggit ako dahil pwede ka niyang mahalin... nang malaya..." aniya saka bumaba ang tingin sa labi ko.

Hindi ma-digest ng utak ko ang mga sinabi niya. Wala akong maprocess... parang wala akong magawa kung hindi ang tumitig sa kanyang mukha.

I gulped.

"Why are you s-saying this to me? How about H-hazmin? She's y-your..." gusto kong magtunog galit o magtunog inis man lang pero hindi ko magawa. Nanlalambot ang buong katawan ko, lalo na ang tuhod ko.

"Si Hazmin, she's just a friend, na nireto ni Mrs. Garcia dahil partner niya sa business ang uncle nito," aniya. "That night si Hazmin ang humalik sa akin... pero tinulak ko siya, Via. Didn't you see it?"

Hindi ako nakapagsalita dahil sa mga inamin niya. Pinakiramdaman ko ang kalabog ng dibdib ko at ang mga paru-parong naglalaro sa tiyan ko. He leans even closer at mas lalong tinitigan ang aking mata at labi.

"Ikaw..." aniya. "Do you love Topher?"

He's aking as if he already knew the answer. He smiled a little noong hindi ako sumagot. Inilapit niya ang labi niya sa labi ko kaya naman saglit na naglapat iyon.

Napapikit ako dahil sa saglit na sensasyong dulot nito sa katawan ko. Parang lasing na napadilat lang ako noong inilayo niya ang labi niya.

"You don't need to answer. Your kisses are enough..."

He grab my waist and claimed my lips the second time around. But this time, mas malalim na iyon at may galaw. Halos para akong nawala sa sistema at umangat dahil sa dulot ng halik niya.

Umaapaw ang damdamin ko noong oras na iyon. Pakiramdam ko, he was my Nico from 6 years ago... walang nagbago... hindi niya ako nakalimutan. Parang bumalik ulit kami sa nakaraan... For me that was the happiest, and I won't let that end...