webnovel

Mrs. Garcia

Inihatid na nga ako ni Topher sa kwarto namin ni Janica. Noong nasa tapat na kami ng pinto ay hinarap ko si Topher para magpasalamat.

"You sure you're okay there?" aniya.

"Yes, uhm, thank you. You should go back there na lang, nakakahiya na lang." Sabi ko.

"Okay, Via. Pahinga ka ha? Bawal magkasakit. May celebration pa bukas!" Aniya na ngiting-ngiti. I smiled a little.

"Of course, haha."

"Good night, Via."

Binuksan ko na ang pinto at pumasok doon. Sumilip ako ng kaonti para sagutin si Topher. "Good night," saka ngumiti ng kaonti at isinara ang pinto.

Doon lamang ako nkahinga ng maluwag. I sigh deeply bago naglakad palapit sa aking kama. Parang sobrang bigat ng pakiramdam ko na hindi ko maintindihan. Pinagsama-samang emosyon.

I am staring blankly somewhere nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad na kumalabog ang dibdib ko dahil doon.

Nico: You okay?

I bit my lower lip dahil sa kirot sa tibok ng puso ko. My heart skipped a bit noong may panibagong mensaheng dumating galing sa kanya.

Nico: Bakit masama pakiramdam mo?

What do you want now Nico? Ano bang gusto mong mangyari? Tuwing sinusubukan kong bumitaw sa iyo ay doon ka lilitaw. The time I was going to let go of you months ago, after 6 years of waiting, bigla kang dumating.

Nico: Via.

I closed my eyes then typed something.

To Nico: Nothing. Like what Topher have said, dahil lang sa byahe.

Nagreply siya agad.

Nico: Okay

Pagkatapos n'on ay wala na siyang sinabi. Itinabi ko na ang phone ko saka sinubukang ipikit ang mata, hanggang sa hindi ko na namalayan ang pagtulog ko.

Nagising ako kinabukasan sa marahang yugyog ni Janica.

"Via, wake up..." aniya. I opened my one eye to see her. "Gising na. Let's go to the beach. Ang ganda ng view!"

Kahit inaantok ay napabangon na rin ako dahil sa pangyuyugyog ni Janica. "Oo na, babangon na nga oh."

Napatingin ako kay Janica at nakitang nakasando na siya at shorts na panswimming. Bumangon na ako't nagkusot ng mata.

"Magsuot ka na rin ng swimming wear mo," utos niya sa akin. Wala naman akong nagawa kundi sumunod na lang. Bukod d'on gusto ko rin namang makita ang view ng dagat sa umaga.

"Sayang talaga kagabi umakyat ka kaagad, kumanta rin 'yong ibang member ng DANGER." kwento ni Janica noong pababa na kami galing sa kwarto. I'm wearing a highwaist shorts na panswimming at U-back bralette. "Si Nico kasi pinapakanta namin ulit pero ayaw niya na daw kumanta."

Napatingin ako sa kanya dahil sa pangalan ni Nico, pero I shrugged na lang afterwards.

Nakarating kami sa restaurant kung saan nandoon na rin ang ibang mga pamilyar na mukha. Agad na kumalabog ang dibdib ko nang matanaw ko si Nico sa table kung saan nandoon rin sina Topher at Hazmin. He's looking at us right now habang papalapit kami kaya naman napatingin na rin sa amin sina Topher.

"Via," ani Topher saka agad na inoffer ang upuan sa tabi niya. Sa tapat mismo ni Nico. Saglit akong tumingin kay Nico pero agad ko ring iniwas iyon.

"Thank you," sabi ko kay Topher.

"Okay ka na ba, Via?" Napaangat ako ng tingin kay Hazmin na mukhang nagaalala nga sa akin.

I smiled a little, "Uhm, yes, sorry kagabi if I had to leave."

"It's okay Via. Mahaba pa naman ang araw, we have a lot of time to have fun!"

"Guys walang KJ sa team building ha?" Humalakhak ang lahat sa sinabi ni Amiel. Si Rain naman na kahit tahimik ay ngumisi rin.

Kumain kami ng almusal noong time na 'yon at pagkatapos ay napagdesisyunan nang pumunta sa beach upang maglakad-lakad at magpicture.

"Awe, Via, you have such a nice body..." komento sa amin ni Hazmin noong nasa dagat na kami. "Kayo ni Janica. Nainsecure tuloy ako."

"You're kidding me..." mahina akong tumawa. Kung basehan ng magandang katawan ay mas mature ang katawan niya. She's wearing a one piece, na talaga namang nahahighlight ang mayaman niyang butt and boobs, parang katawan ng mga Victoria's Secret Models.

Samantalang ako e, sakto lang.

Fudge. This ain't me. Madalas ay ibang tao ang hinuhusgahan ko at sarili ko ang itinataas ko, pero ngayon ay hindi ko iyon magawa. She's really beautiful at kung titignan at wala akong binatbat sa kanya.

"No! I'm telling the truth ha?" Aniya. "I'm sure Topher's so proud of her, right Nico?" Tumingin kami kay Nico na nasa gilid niya. Si Topher ay nasa unahan namin at nakikipagkulitan sa miyembro ng DANGER.

"Yeah..." sagot ni Nico sabay iwas ng tingin.

Nico's wearing a white poloshirt top, habang floral naman ang kay Topher. Dalawang butones lang ang open sa kanya, habang kay Topher ay halos lahat ay exposed na. Pero pareho silang dalawang may matured na pangangatawan... no wonder pati 'yong ibang mga kababaihan ay sila talaga ang tinitignan.

Yumuko na lang ako at hindi na nagsalita pa.

Insecurities are eating me up again...

"Hey guys, let's go surfing!" Masayang sigaw ni Amiel habang tumatakbo na sa isang kubo kung saan doon pwede magrenta ng surf board...

Nakangiti naman akong sinabayan ni Topher sa paglalakad. "Via, you wanna try surfing?" Tanong niya.

"Hindi ako marunong e."

"Don't worry, I'll teach you how."

"Huwag na, delikado, Topher." Singit ni Nico. "Kung hindi marunong si Via, dapat professional ang magtuturo sa kanya. Plus mataas pa ang alon ngayong oras..."

"Am I not professional to you Kuya? Magaling naman akong mag-surf ah?" Ani ni Topher.

"Oo nga naman, Nico, kaya ni Topher 'yan. Alam mo mag-surf na lang rin tayo." Sabi ni Hazmin. "Namiss ko na rin e."

Hinila na ako ni Janica at ni Topher papunta doon sa kubo saka kami nagrent ng surf boards.

"Woohooooo! Tara takbo na!" Nanguna si Amiel sa pagtakbo pasalubong sa dagat.

"Ikaw Miss Janica, you know how to surf?" Tanong ni Garem kay Janica.

"Hindi nga po e... hehehe."

Gusto kong humalakhak dahil ang pabebe ni Janica.

"That's great! I'll teach you how... I'm Garem nga pala ulit."

"Janica..."

Nagshake hands sila at mukhang nagkayayaan nang sumunod kay Amiel sa dagat.

I laugh and shouted, "Janica, ingat!"

Lumingon siya at nag-okay sign.

Humalakhak ako habang naglalakad pa rin kasabay sina Topher, Nico at Hazmin. 'Yong iba ay nagsitakbuhan na rin.

"Don't worry, magaling magsurf si Garem," humahalakhak rin na sabi ni Topher.

"Okay, that's good!"

Halos gusto kong umatras dahil sa lamig ng tubig, pero agad akong inalalayan ni Topher noong muntik na akong matumba dahil sa alon.

"Hahahaha, okay lang yan, Via." Humalakhak si Topher noong binitawan niya ako.

Napalingon ako kay Nico at nahuli ko ang pagiwas niya ng tingin. Kinunot ko ang noo ko. Nawala ako sa focus kaya naman noong humampas ang malakas na alon ay muntik na naman akong matumba, mabuti at hinawakan ni Topher ang bewang ko.

"Thank you," ani ko.

"I told you malakas ang alon. If you don't know how to swim then don't do surfing." Kunot ang noo ni Nico habang sinasabi iyon.

"I know how to swim." Simpleng sagot ko lang. "Let's go, Topher."

"You sure, Via?"

"Yes, maganda rin kasi na may matutunan naman akong iba..." dugtong ko pa.

Nagsimula na akong payakapin ni Topher sa Surf board. Iisang surf board lang ang gamit namin ni Topher, habang 'yong iba ay tigiisa.

"Ganito lang ang gagawin, Via..." nagsimula na si Topher na ituro sa akin kung paano mag-surf. He's really pretty good at it. Lalo na kapag siya na 'yong gumagawa ng mga sinasabi niya. Mukhang madali kung titignan pero ang hirap kapag gagawin ko na.

"Paddle your hands, Via!" Sigaw ni Topher noong nakadapa ako sa surfboard upang salubungin 'yong alon. "And then... try to stand..."

Sinubukan ko 'yong sinabi ni Topher, kaya lang ay agad akong nawalan ng balanse kaya naman bumagsak ang katawan ko sa tubig.

Saktong bagsak lang naman ang nagyari sa akin, kaya lang ay parang may tumamang kung ano sa braso ko. Pag-ahon ko ay kitang-kita ang pamumula nito.

"Aww," napainda ako noong tamaan ng alon iyon. I think may kaonting sugat pero hindi naman sobrang laki para katakutan. Kaonting gasgas lang. Lumayo ako ng kaonti sa alon para hindi iyon mahampas.

"What happened?" Agad na lumapit si Topher sa akin upang tignan ang braso ko.

"Wala 'to, just a little bruise--"

Natigilan ako noong sumingit si Nico sa amin ni Topher. He hold my arm upang mas makita pa ng malapitan ang nangyari sa braso ko.

Umigting ang kanyang panga at magdilim ang mukha.

"We're done surfing. Let's go now, we will cure this." Ani ni Nico nang walang sinasabi man lang na kung ano.

"Maliit lang naman 'to, hindi kailangang--" lumingon ulit siya sa amin at seryoso pa rin ang awra niya. Kunot ang noo at madilim ang ekspresyon, wala naman siyang sinabi pero alam na namin kung anong ibig niyang sabihin...

Saka siya tumalikod at naglakad na palayo.

"Let's go," ani ni Topher. Maging siya ay hindi rin makapagsalita. "Ganyan lang talaga si Kuya. Kahit sa akin. Sobrang protective."

Bumalik na kaming apat sa restaurant, nauna sa paglalakad si Nico... seryoso pa rin at blanko ang mukha.

"You take a shower first, bago magamot 'yang sugat mo." Malamig niyang sinabi sa akin bago tignan si Topher. "Topher, parating na daw si Mommy. Dito siya maglalunch."

"What? Akala ko gabi pa siya pupunta?"

Hindi sinagot ni Nico si Topher. Tinapunan niya lang ulit ako ng tingin bago na siya naglakad palayo. Tinignan lang rin ako ni Hazmin without saying anything bago sinundan si Nico.

"Sige, Topher. Balik lang ako sa kwarto."

I took a shower gaya ng utos ni Nico. Doon na mas humapdi 'yong sugat, lalo na noong dinaanan ko ang paligid nito ng sabon upang linisin.

Unlike kanina ay spaghetti strap nude sando na lang ang suot ko na binagayan ko ng black shorts. Mula sa kwarto ay bumaba na ako patungo sa restaurant, kung saan natanaw ko agad si Nico na nakaupo sa hagdanan na tiles, na kapag tinahak mo ay patungo na sa buhanginan at sa karagatan.

Kumakalabog man ang dibdib ko ay lumapit ako sa kanya. Umupo rin ako sa hagdanan na tiles habang tinatanaw ang asul na karagatan. Sariwa ang hangin at malakas, kaya naman sinasayaw nito ang buhok namin ni Nico. He's wearing a white Tshirt now. Walang nakalabas na balat pero grabe pa rin ang lakas ng dating niya.

Ilang minuto kaming tahimik lang at nagpapakiramdaman. Hanggang sa may kinuha siyang kung ano sa gilid niya, pagtingin ko ay isang maliit na first aid kit.

Pinagmasdan ko kung paano niya buksan iyon, at kung paano siya kumuha ng bulak at ng betadine. He put a drop of betadine doon sa bulak bago niya marahang kinuha ang braso ko.

Para bang may dumaloy na kuryente nang hawakan niya iyon. Hindi ako makagalaw. Para akong natuod at the same time ay parang nagwala ang mga paru-paro sa tiyan ko.

"Next time ay mag-ingat ka," aniya habang idinadampi ang bulak sa aking sugat.

"That's just a little bruise," ani ko.

Nothing compared to what you did to me, Nico. Iyan ang gusto kong isumbat pero ni kaonting boses ay wala na akong nasabi. Itinikom ko na lang ang ibibig ko't tumingin sa karagatan.

Malakas pa rin ang alon. Malakas ang hangin at tumataas na ang araw. It urges me to be calm, pero hindi magawa ng sistema ko dahil sa kagagawan ng taong nasa tabi ko ngayon.

Nilagyan na niya ng band aid ang sugat ko matapos gamutin. Pagkatapos niyang gawin iyon ay bumalik ulit kami sa pagtitig sa dagat... without saying anything.

"Kuya..." automatic na napalayo ako ng bahagya kay Nico noong marinig ang boses ni Topher.

"Nico..." na kasunod si Hazmin.

Napalingon ako sa kanila at natanaw na mayroon silang bagong kasama. Napatayo na si Nico. Ako naman ay marahan ring tumayo, at nang mapagmasdan ko 'yong taong kasama nila Topher ay para bang may kaba akong naramdaman dahil sa klase pa lang ng titig at tindig niya sa amin.

"Ma..." sambit ni Nico, ngunit hindi man lang ngumiti 'yong babae.

Dumako ang tingin niya sa akin at pakiramdam ko bigla akong nanlamig.

"Mommy, she's Via..." ani ni Topher.

So siya ang mommy ni Topher, at ang half-mother ni Nico... siya si Mrs. Garcia...