webnovel

Surprise birthday party

Jungkook's Pov

Lumipas ang mga panahon naging tahimik ang buhay namin. Maraming nangyari sa amin. Lalong naging close si Lisa sa Bts pati na si Jennie.

Lagi kaming nagtetraining ni V. Si Jimin din kaso sa tech department na sya. Ang mga tanders naman busy sila sa mga negosyo naming mga Bts.

Si Lisa at Jennie busy sa pag eensayo ng mga bagong agent syempre kasama kami dun. Maraming nangyayari sa loob ng training room. Ung mga galit kay Lisa, bumait simula nang nalaman na pagmamay ari pala ng pamilya ni Lisa ang agency.

Hindi kinuha ni Lisa ang pamamalakad sa agency sa pamilya ni Jennie pero nakapangalan na kay Lisa ang buong kompanya. So far so good, walang gulo. Kaso lately naging busy ang lahat sa kanya kanyang gawain., which is weird kasi dati kahit gabi na nagsasama sama kami kumain sa bahay. At hindi lumilipas ang araw na di kami nagkikita.

"Jk samahan mo ako mamaya may bibilhin akong bagong game." sabi ni V.

"Kakabili mo lang di ba?" tanong ko. Grabe talagang pagkaaddict nitong si V sa mga games. Kapag may bagong labas bili agad sya.

"Cge na Jk, busy kasi si Jimin kaya ikaw na inistorbo ko alam ko naman di ka busy hahaha." sabi ni V.

Tama nga naman busy silang lahat. May gagawing mission daw si Lisa kaya nde kami magkikita ngayon. Masamahan na nga lang tong alien na to para hindi ko mamiss si Lisa.

"Cge na nga. Tara na alis na tayo." aya ko kay alien.

Nagpunta kami sa mall. Habang napili ng game si V, may tumawag sa kanya. Lumayo naman sya konti sakin. Mukhang ayaw marinig. Ang weird talaga. May nililihim na sakin si alien.

"Sino yun? Girlfriend mo ba? Naglilihim ka na ata alien kasi ayaw mo parinig sakin ang usapan nyo. Akala ko ba walang lihiman?" sabi ko sa kanya.

"Wala yun. Di ko girlfriend yun. Ikaw naman di ako naglilihim, may tinignan lang kaya ako dun." palusot pa nya.

"Kain na nga lang tayo. Nagugutom na ako." aya ko kay V.

"Sa bahay mo na lang. Namimiss ko luto ni Manang." sabi nya. Ang weird talaga nito.

Umuwi na kami ng bahay ko. Ayoko pa sana kasi maiisip ko lang si Lisa pag nasa bahay ako kaso ang alien excited umuwi. Binuksan ko ang pinto.

"Happy Birthday Jk!!!!!" sigaw nilang lahat. Huh birthday ko nga pala nakalimutan ko.

"Mukhang nakalimot na naman ang bunso natin." sabi ni Jin.

"Oo nga eh di ko naisip na birthday ko na. Grabe kayo kaya pala ang wiweird ninyo, may surprise pa kayo." sabi ko.

Ang daming pagkain. May mga decorations pa. Hindi naman ganito tong mga to dati. Pinaupo nila ako sa isang chair sa gilid. Maya maya bumukas ang projector screen. Lumabas dun ang lahat ng magagandang alaala namin ng Bts pati na si Lisa at Jennie.

Maya maya kumanta sila ng birthday song tapos lumabas si Lisa may hawak na cake.

"Happy birthday mahal ko. Make a wish first and then blow the candles." sabi ni Lisa.

Sinunod ko ang sabi nya. Nagwish muna ako bago ko hinipan ang mga kandila.

"Ang swerte mo brad, si Lisa lahat nag organize nyang birthday mo. Alam mo naman di uso satin yang ganyan hahaha." sabi ni Jhope.

"Tama! Siguro naman pwede na tayong kumain no." sabi ni Suga.

"Happy birthday Jk. Wala ako masabi eh hahaha."  sabi ni Namjoon.

"Eto nga pala regalo ko. Happy Birthday Jk." sabi ni Jennie.

"Eto rin ang sakin." sabi ni Jimin at ayun nga sunod sunod nilang binigay sakin ang mga regalo ko.

" Happy birthday mahal ko. Thank you for everything as in everything. Wag kang magbabago. At sana konti pang pasensya sakin hehehe. I love you always." sabi ni Lisa.

"Thank you mahal ko. Grabe ang wiweird ninyo. Lahat kayo hahaha. Yung mga tanders di marunong magdala ng lihim hahaha." sabi ko sabay tawa.

"Anong sabi mo? Sinong tanders!!!!?" sabay sabay na sabi nila Namjoon, Suga, Jin at Jhope.

Naghabulan kami sa lamesa. Tawa naman ng tawa sila Jennie at Lisa habang pinanonood kami. Hiling ko lang na sana ganito kami lagi hanggang sa magkaroon na kami ng sari sariling pamilya.

Natapos ang party na lahat masaya. Nagkanya kanyang uwian na sila. Si V hinatid si Jennie sa headquarters kasi may mission pa sya. Nandito ako sa gilid ng swimming pool nakaupo.

"Ang lalim ng iniisip mo mahal ko." sabi ni Lisa.

"Hindi naman. Masaya lang akong nagmumuni muni sa nangyari kanina. Salamat nga pala sa inorganized mong party. Sa totoo lang sobrang saya ko. Lalo pa at dumating ka sa buhay ko." sabi ko sa kanya.

"Mas masaya ako Jk. Feeling ko ako na ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo dahil nakilala kita at syempre ang mga kaibigan mo. Nawala man si Errol napalitan naman ninyo. Buong buhay ko puro lungkot ang naramdaman ko. Ngayon lang ako sumaya ng ganito." sabi ni Lisa.

Niyakap nya ako at hinalikan. Natigil lang kami dahil sa pagtunog ng cp ni Lisa. Sinagot nya ang tawag. Sa pag aakala namin na ang Bts lang eh niloud speaker namin ito.

"Hello sino to?" tanong ni Lisa sa tumawag.

"Magsaya ka na at pagnaging akin ka na hindi ka na makakawala pa. Hahaha!!!!." sabi nung tumawag. Nagkatinginan kami ni Lisa. Nakakapangilabot ang halakhak nya.

"Jk di na tayo safe dito. Natunton nya na tayo." sabi ni Lisa.

"Tatawagan ko ang Bts para mapagplanuhan lahat ng to." kalmado kong sabi. Tatapusin ko to. Hindi ko na hahayaang mapahamak pa si Lisa.