webnovel

Josh

Lisa's Pov

Matapos kong matanggap ang tawag ni Josh, tumawag agad ako sa headquarters para ipatrace ang location ng tumawag. Oo alam ko na si Josh yun. Boses pa lang, boses ng isang demonyo. Humanda ka sa akin, sisiguraduhin ko na magbabayad ka sa kasalanan mo.

Tinawagan ni Jk sina V at Jimin. Nandito na kami sa kotse ko papuntang headquarters.

"Sis ano ba nangyari at parang balisang balisa kayo?" tanong ni V.

"Natunton na ako ni Josh. Tumawag sya sa cp ko kanina. Kailangan maunahan na natin si Josh bago pa tayo mapahamak." sabi ko.

"Teka pano ang ibang Bts? Asan sila?" tanong ni Jimin.

"May mga elite na akong pinagbabantay sa kanila. Wag kayong mag alala nararamdaman ko hindi sila ang pupuntiryahin ni Josh. Isa pa mga magagaling ang inassign kong mga agent para sa kanila." sabi ko.

Habang nasa sasakyan kami sinimulan ko nang gawin ang pagtetrace ng location ng tumawag. Panay pindot ko sa laptop pero hindi ko pa rin makuha ang sagot. Tinawagan ko si Jennie.

"Agent black masyadong magaling ang kalaban natin. Mukhang mahihirapan tayo. May nalaman ako na ikakagulat mo. Bilisan mong pumunta dito." sabi ni Jennie.

"Copy agent pink." sabi ko.

Napatingin ako sa mga kasama ko. Kaya ko ba silang protektahan o baka mapahamak lang sila. Alam kong di biro ang kakaharapin namin. Pero gusto kong subukan para sa hustisya kay Errol.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Tinignan ko si Jk na syang humawak sakin.

"Alam ko mahal na nag aalala ka sa amin nila V at Jimin. Lagi mong tatandaan na nandito lang ako. Hindi kami makakahadlang sa plano mo. Lalaban tayo nang magkakasama. Hindi kita hahayaang mapahamak pa." sabi ni Jk.

"Tigilan nyo na nga yan nilalanggam na kami dito. Hindi rin namin kayo hahayaang mapahamak na dalawa. Kaya pwede ba magplano tayong maige nang maparusahan na yang Josh na yun." sabi ni V.

"Teka Lisa mukhang may natrace ako dito. Alam mo ba tong lugar na to?" tanong ni Jimin.

Ipinakita ni Jimin ang lugar pero hindi namin matrace kung saang exact na lugar sya. Para bang hindi nag eexist ang lugar na yun. Mukhang bihasa din ang nasa likod nito.

"Sya nga pala bibigyan ko kayo ng iisang hikaw. Ako may gawa nitong mga hikaw na to. Kapag kinabit nyo to sa mga tenga nyo mahirap itong matanggal unless masasabi nyo ang password nyo. May voice recognition ito at mismong boses nyo lang ang susundin ng device na ito. Isa pa kailangan natin ito, dahil isa itong tracking device. Para alam ko kung saan ko kayo hahanapin kung sakaling magkahiwahiwalay tayo." paliwanag ko.

"Ang cool mo talaga sis. Costumize pa to ah. May nakalagay na BTS." sabi ni V habang tinitignan maige ang hikaw.

"Syempre naman kayo pa ba? Mahalaga kayo sakin. Nabigyan ko na din ang mga tanders hahaha." sabi ko.

"Tanders? Tanders?!!!!!" sabay na sabi ni Jimin at V.

"Oo tanders. Turo ko yan kay Lisa, kapag tayo tayo lang tanders na ang tatawag natin kina Namjoon, Jin , Jhope at Suga hahaha!!!" sabi ni Jk. Nagtawanan naman sila. Kawawang mga tanders hahaha pinagkakaisahan.

Tawa kami ng tawa sa daan habang papunta sa headquarters. Para kaming walang problema. May napansin ako sa likuran namin. Mukhang may sumusunod sa amin.

"Jk drive faster. May nasunod sa atin. I unlock mo ang mga bintana. V patamaan mo ang gulong. Eto ang baril. Jimin tignan mo kung ilang kotse ang nasunod sa atin. Eto ang laptop ko. Kapag may green, mga ordinary car lang yan. Kapag pula naman mga armado yan. At kapag nagbiblink ibig sabihin un ang kalaban natin." sabi ko.

"Lisa may 2 na pinagigitnaan tayo. Ano Jimin ilan ba ang nakapalibot satin?" tanong ni Jk. Alam ko kinakabahan sila. Una itong pakikipaglaban nila nang matindi.

"Walo sila. May paparating pa na 5 sa likuran." sabi ni Jimin.

Umalog ang sasakyan namin. Tanda ito na binabangga kami.

"V patamaan mo ang gulong ng kotse sa likuran. Mag iingat ka. Dito muna ako sa dalawa kotse sa gilid natin." sabi ko.

"Copy Agent Black!" sagot ni V. Napangiti naman ako, mukhang natututo na ang mga ito.

"Jk medyo bilisan mo pa ang pagpapatakbo. Babarilin ko ang gulong nila. Wag mo hahayaang madikit satin sila." sabi ko at tumango naman si Jk.

Binaba ko ng kaunti ang bintana ni Jk at binaril ko ang gulong ng sasakyan na nasa kaliwa namin. Gumewang gewang ito at napahinto. Naiwan na ito. Binangga naman kami ng nasa kanan. Mukhang no choice na ako, ginagalit ako ng isang to. Ibinaba ko ng kaunti ang bintana ko at pinuntirya ko ang driver. Shit mukhang bulletproof din ang sasakyan nila. Nakita kong ngumisi ang driver. Ngumisi din ako na ikinataka nya. Pinalitan ko ang baril ko at muling binaril ang driver. Bang!!!! Hahaha sapul sya. Tanga lang sya nakaimbento kami ng bala para tumagos sa mga bulletproof.

Napahinto naman ito at tumama sa isang sasakyan na nakasunod. 3 down 5 more to go. Napansin ko na medyo nahihirapan patamaan ni V ang gulong ng mga sasakyan sa likod. Binuksan ko ang bintana sa itaas ng sasakyan. Tumabi ako kay V.

"Hinga ng malalim at magfocus ka sa pagpuntirya sa gulong." sabi ko kay V. Tumango naman ito.

Binaril ni V ang gulong. Sapul! Mukhang kaya naman pala ni V. 4 na lang ang kailangang itumba. Panay kami baril ni V sa likuran ng sasakyan. Kumocover kami pag nagpapaputok din sila. Bang! Bang! Bang! Sapul! tinamaan ang tatlo. Wala na tapos na, pero teka pito pa lang ang nababaril namin ah.

"Jimin asan ang isa? Sabi mo walo, pito pa lang ito." tanong ko kay Jimin.

Bigla namang hinto ng sasakyan namin.

"Nasa harap Lisa at inaabangan na tayo." sabi ni Jk

Napansin ko ang isang sasakyan na nakahinto sa amin. Nakatagilid sya at hinaharangan ang dinaraanan namin.

Hinanda ko na ang baril ko. Napansin ko na nagbaba ng bintana ang kotse na nakaharang. Tumunog ang cp ko. Sinagot ko ito at niloud speaker.

"Mukhang handa ka sa surprise ko sayo. Nagustuhan mo ba hahaha!!! Magaling nga ang mapapangasawa ko kaya naman ayaw kitang bitawan. Magiging malaki ang tulong mo sa grupo ko. Tandaan mo Lisa akin ka lang! Akin!!!!" sabi sa kabilang linya.

"Sisiguraduhin ko na hindi mangyayari yun Josh, dahil papatayin kita. Papatayin kitang demonyo ka tandaan mo yan!" sigaw ko. Pinatay ko na ang tawag. Nakita ko sa si Josh na nakangiti sa sasakyan sa harapan namin. Babarilin ko sana ito kaso pinigilan na ako ni Jk. Mabilis namang humarurot paalis ang kotse.

"Kumalma ka muna Lisa. Tara na muna sa headquarters at kailangan ng maigeng pagpaplano mukhang bigatin ang kalaban natin." kalmadong sabi ni Jk. Tumango ako at ikinalma ang sarili ko. Hintay ka lang Errol bibigyan kita ng hustisya.