webnovel

Lisa

Jungkook's Pov

"Lisa maupo ka sa bakanteng upuan." sabi ni Mrs. Castro. Hinanap ko ang bakanteng upuan. Swerte sa tabi ko lang pala ung bakanteng upuan. Nakapwesto ako sa likuran kasi tahimik.

Tumingin ako ulit kay Lisa habang papalapit sya. Nakita ko na nanlaki ang mga mata nya. Malamang namumukhaan nya ako, ung lalaking tinakbuhan nya kagabi. Umupo sya sa tabi ko.

"Ako nga pala si Jungkook." pagpapakilala ko. Napansin ko ang suot nya. Ang astig all black at nakajacket. Ganyan din hilig ko kaya lang pinagagalitan ako nila Namjoon kasi mukha daw ako gangster. Kaya un minsan ko na lang suotin un.

"Lisa." Tipid nyang sagot. Well maganda na yun kaysa nde nya ako kinausap. Ang ganda nya talaga pero bakit malungkot pa din sya? Ano kaya nangyari sa kanya?

Tumingin ako sa harap kasi naglelesson na si Mrs. Castro. Section 1 kasi kami kaya medyo seryoso sa pag aaral. Lahat kaming BTS matatalino hinde nga lang halata hahaha.

Wala akong ginawa kundi makinig sa lesson at sumulyap kay Lisa. Ewan ko ba nde ko maiwasan. Natapos ang lesson ni Mam sa Math. Natapos na din ako magsulat. Sakto naman at nagbell. Oras na para magrecess.

"Halika na bell na. Kain na tayo. Nagutom ako sa lesson ni Mrs. Castro." sabi ni J-Hope. Oo nga pala hate nya Math pero napasa yan.

"Oo nga kain na tayo. Nagugutom na din ako tapos di nyo pansin dumudugo na ilong at utak ko sa lesson?" isa pa tong mahina sa Math at syempre magmamadali yan favorite nya kasi ang recess. Matakaw kasi si Jin

"Ano pa hinihintay nyo pasko? Tayo na lang ang natitira dito." Hala galit na si Suga. Wala na sya Swag. Hahaha.

Lumingon nga kami sa paligid at kami na lang natitira.

"Oo nga no wala na sila hahaha." Parang loko loko lang tong si Jimin. Tango kasi ng tango habang natawa.

Well ganun talaga sanay na kami. Wala naman kasi samin normal hahaha. Si Jin sobrang takaw pero hindi nataba. Si Suga masungit. Si J-Hope at V weird. Si Jimin laging nakangiti at natawa parang baliw lang pero masama yan magalit wag nyo subukan. Si Namjoon seryosong lider. Magaling sya sa lahat pero wag mo papahawakin ng mahalagang bagay mo kung ayaw mo makitang sira ito. At ako tahimik pero minsan pag tinopak ako binubully ko ang BTS hahaha.

Napansin ko na wala na din si Lisa. Bilis naman nya lumabas. Nasa canteen kaya iyon? Lumabas na kami at pumunta sa canteen.