webnovel

Canteen

Jungkook's Pov

"Mga tol ang ganda nung transferee. Para syang manika. Naalala ko tuloy ung kinukwento ni Jungkook na babae sabi nya mukhang manika. Baka sya yun." sabi ni JHope habang naglalakad kami.

"Sya nga." Sabi ko. Natawa naman ako sa mga itsura nila.

"Isara nyo nga ang mga bibig ninyo baka pasukin ng langaw yan." saway ko. Pano ba naman kasi makanganga sila.

"Wow eh di sorry na lang kayo. Mukhang markado na ni bunso. Tinamaan na ni kupido. In fairness maganda sya bagay sila ni JK. Pero parang ang sungit parang si Suga lang." sabi ni Jin

"Sure ka Jk sya un." tanong ni Namjoon.

"Sure na sure ako. Hindi nyo ba nakita nagulat sya ng makita nya ako?" tanong ko

Umiling silang lahat. Nakarating kami sa canteen at naupo sa lamesa ng BTS. Oo may nakareserved na lamesa para samin. Napansin ko sa dulo ng canteen si Lisa na nag iisa. Nakita ko na may 3 estudyanteng lalaki lumalapit sa kanya.

"Miss pwede bang maupo? Ano nga palang pangalan mo?" tanong nung kalbong lalaki.

"Nagsi upo na kau di ba, bat pa kayo nagtatanong"? sagot ni Lisa. Tumayo si Lisa at akmang aalis nang hawakan sa braso nung kapal kilay na lalaki.

"Aray! ano ba masakit!" narinig kong sigaw ni Lisa.

Di ako nakatiis at tumayo ako at lalapit kay Lisa nang may tumapik sa balikat ko.

"Jk san ka pupunta?" tanong ni Jimin.

"Dun kay Lisa. Di nyo ba nakikita nasasaktan na sya?" tanong ko sa kanila.

"Sama ako. Mukhang kailangan mo ng back up. Kumukulo na dugo mo sa mga lalaking yun, baka kung ano pang gawin mo." sabi ni V. Di na ako nagtataka kasi kilalang kilala na nila ako.

Naglakad kami ni V sa kinaroroonan ni Lisa. Narinig kong nagsalita ung lalaking may mahabang buhok.

"Pare napalag." Nakita ko na hinatak ni kalbo si Lisa at akmang hahalikan. Di ko na napigilan ang sarili ko at sinuntok ko si kalbo.

"Ano bang problema mo?" tanong ni kalbo.

"Nasasaktan na di ba? Di ka pa natigil at bakit mo sya hahalikan? Siguro walang nagkakagusto sayo kaya namimilit ka ng babae." sabi ko.

"Boom! Panes! Sapul kang kalbo ka. Hahaha." tawa naman ng tawa itong si V.

"Pare tara na mahirap kalabanin ang BTS." sabi ni long hair kay kalbo.

"Di pa tayo tapos Miss. Tandaan mo mapapasakin ka rin." banta ni kalbo kay Lisa.

"Gago subukan mo ulit lumapit sa kanya nang makita nyo ang hinahanap nyo." sigaw ko sa 3.

Nag iinit na ang ulo ko at parang gusto ko nang bugbugin ung tatlong bastos na lalaki nang may kumalabit sakin.

"Jk tama na. Nakatingin na satin ang lahat." sabi ni Lisa. Tumingin ako sa paligid. Oo nga pala hindi sila sanay makita ako ng ganito. Ang alam ng mga estudyante dito at tahimik ako at walang pakialam.

Hinatak ko palabas ng Canteen si Lisa para pumuntang clinic. Maputla na kasi si Lisa at isa pa baka may pasa na sya dahil dun sa pagkakahatak ni kalbo. Iniwan ko ng walang sabi sabi ang BTS. Alam ko naman maiintindihan nila ako. Itetext ko na lang sila.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit sobrang apektado ako kay Lisa.

Nahuhulog na ba talaga ako sa kanya? Di ko pa sya ganun kakilala. Posible kaya yun?