webnovel

Life of an Agent

Lisa's Pov

Sumakay kami ng kotse ni Jk. Si Jk ang nagdadrive katabi ako. Tapos sa likod sina Jennie, V at Jimin. Una naming pinuntahan ay ang bahay ni Jennie para kausapin ang daddy ni Jennie na aming boss. Sa isang compound lang kaming mga secret agent nakatira.

Hindi namin naabutan si boss kasi  may emergency mission. Kinuha lang ni Jennie ang van na pang mission.

Sunod na pinuntahan namin ang bahay ko. Simple lang ito pero sa loob napaka elegante. Kumuha ako ng mga mahahalagang bagay na kailangan ko. Binuksan ko ang garage at napanganga ang mga kasama ko.

Kinuha ko ang puti kong sasakyan. Handa na kami sa mission. Sumakay kami sa sasakyan ko, kasama si Jk at V. Nauna na kasi sila Jennie sa venue para makapag imbestiga.

Dumaan ako sa bahay ni Errol. Alam ko naman ang passcode ng kambal ko kaya nakakapasok ako. Pumunta ako sa basement para kunin ang mga silencer nya. Pinapili ko ang dalawa ng silencer.

"Eto ang bala nyan. Ang balang binigay ko sa inyo ay hindi nakakamatay. Pampatulog ang laman nyan. Kahit legal ang operasyon natin, nde dapat tayo papatay." sabi ko 

Binuksan ko ang isang drawer ni Errol. Binigay ko kay Jk at V ang hikaw ni Errol.

"Suotin nyong dalawa ang hikaw. Tracking device yan at may camera yan. In case of emergency ay matutunton namin kayo." sabi ni Lisa.

"Astig!" sabi ni V.

"Maghihiwahiwalay tayo kaya kailangan nyo yan. Eto ang mic para makausap nyo kami. Si Jennie ang magbibigay ng dereksyon sa inyo. Pangako nyo sakin mag iingat kayo." tumango lang ang dalawa.

Kumpleto na ako sa armas. Inilagay ko na sa ibat ibang bahagi ng katawan ko ang mga armas na kailangan ko. Umalis akong may lungkot dahil hindi ko na makikita pa ang may ari ng bahay na iyon.

Nakarating kami sa lugar kung saan kami lulusob. Sabi ni Jennie kokonti lang ang bantay kasi nasa operasyon ang iba. Nagsuot kami ng mask at bonnet para hindi kami mamukhaan. Pumasok kami sa likuran ng mansion. Binaril ko muna ung mga cctv sa dadaanan namin.

"V ikaw ang magbabantay sa groundfloor. Ikaw Jk sa second floor. Barilin nyo ang aakyat sa mga pwesto nyo. Bigyan nyo ng oras makapaghanap ng mga ebidensya si Lisa." sabi ni Jennie

"Copy!" sabi namin. Yan ang turo ni Jennie na isasagot.

Narating namin ang likurang bahay. Sa bandang kitchen kami dumaan.

"Lisa may tatlong bantay sa groundfloor." sabi ni Jennie.

"Copy" sabi ko. Maya maya, may pumasok sa kinaroroonan namin. Binaril ko agad ito.

" Tulungan nyo akong buhatin at itago ang katawan nya." sabi ko.

Lumabas na kami ng kitchen. Nakita ko ang mga kalaban sa sala. Binaril ko ang mga ito.

"Groundfloor cleared!" sabi ni Jennie. Iniwan na namin si V duon at umakyat sa second floor.

"Tatlo din ang bantay sa second floor." sabi ni Jennie. Nakarinig ako ng yabag ng paa kaya nagtago kami ni Jk. Nakita ko papalapit ang tatlo.

"Kung sinuswerte ka nga naman. Sila na lumalapit, mapagsasabay ko na sila." sabi ko. Sumenyas ako kay Jk na wag maingay at lumabas ako sa kinalalagyan namin. Isa isa kong pinagbabaril ang tatlo.

"Jk lahat ng makikita mo, barilin mo. Kahit pa katulong ang lumabas. Pampatulog lang naman yan. Pero magcover ka pa din baka matyempuhan ka at maunahan. Mag iingat ka Jk ha." sabi ko at hinalikan ko sa labi si Jk.

Umakyat na ako sa thirdfloor. Ipinaliwanag na sa akin ni Jennie kung saan ako pupunta. Pinagbababaril ko ang nakakasalubong ko. Sinimulan ko nang maghanap ng ebidensya. Kaso wala akong mahanap. Ang huling pinto na pinuntahan ko ay nakalock. Sinubukan ko itong kalikutin at ayun nabuksan. Napakababa ng security na ginawa ni Takamura. Magmula sa tauhan hanggang sa mga lock.

Naghanap ako ng naghanap hanggang sa makita ko sa isang drawer ang mga ebidensya. Isa isa ko itong kinuhanan. Malapit na akong matapos nang nagsalita si Jennie.

"Dumating na sila. Magtago muna kayo Jk at V. Masyado silang marami. Lisa bilisan mo. 5 min. matutunton nila si V." sabi ni Jennie

"Copy!" sabi ko at nagsimula na akong bumaba sa second floor. Nakita ko si Jk na nakatago sa isang kabinet.

"Jk labas na." sabi ko. Mahirap na pag lumapit ako bigla eh, baka barilin agad ako hahaha.

Lumabas si Jk at lumapit sakin. Bumaba na kami sa groundfloor nang bigla kaming may nakasalubong na 2 tauhan. Pinagbabaril ito ni Jk. Nakarinig naman ako ng yabag ng paa sa likuran ko. Kaya lumingon agad ako at binaril sya. Naku katulong pala.

"V nasaan ka?" sabi ko. Lumabas naman sa pinagkakataguan nya si V.

"Dalian nyo padating na sila. Alam na nilang may nakapasok. Dali dali kaming umakyat sa bakod na pinasukan namin. Nakababa na ng bakod ang dalawa nang may magpaputok.

"Lisa ano yun?" narinig kasi ni Jk yung putok ng baril.

"Wala yun bilisan nyo nang pumunta sa sasakyan. Lalabas ako agad." sabi ko.

"Mag iingat ka Lisa."sabi ni Jk.

"Andito na sila Lisa. Ligtas na sila." sabi ni Jennie. Salamat naman.

Nagtago muna ako. Naghanap ako ng ibang lalabasan. Nakakita ako ng pwede kong labasan. Dali dali ko syang inakyat. Tumalon ako pababa. Napansin ko may nakatitig sa akin mula sa itaas. Tinignan ko ito, laking gulat ko ng makita si Josh. Anong kinalaman nya kay Takamura? Bakit sya nandun?

Lumapit na ako sa van at inabot ang nga ebidensya kay Jennie. Si Jimin ang nagdadrive at si V tinutulungan si Jenniesa mga

"Kita na lang tayo sa headquarters" sabi ko kay Jennie at tumango sya. Niyaya ko na si Jk sa sasakyan.

"Ok ka lang ba Jk?" tumango naman si sya. Humarap sya sakin at bigla akong hinalikan. Tumigil sya sa paghalik at idinikit ang noo nya sa noo ko.

"Pakasal na tayo!" sabi nya na ikinagulat ko.

"Seryoso ka?" sabi ko at tumango lang sya.