webnovel

Headquarters

Jungkook's Pov

Matapos ang mission namin, papunta daw kami sa headquarters nila. Huminto kami sa isang malaking gate.  Binuksan ni Lisa ang bintana nya at may pinindot sa gilid. Ipinatong nya ang palad nya sabay sabi ng "Agent Black."

Bumukas ang gate at nagdrive pa ng kaunti si Lisa. Pagdating sa headquarters may sumalubong sa amin na mga kabataan.

"Welcome back Agent Black!" sabay sabay na sabi ng mga bata.

"Salamat. Cge magsipagbalik na kayo sa trainings nyo." sabi ni Lisa.

"Kayo na po ba ulit ang magtuturo? Sana po bumalik na kayo. Mas natututo po kasi kami sa inyo." sabi nung isang binata.

"Bakit sino ba pumalit sakin?" tanong ni Lisa.

"Si Agent Violet po." sagot nila.

"Sige na bumalik na kayo sa loob." sabi ni Lisa.

Pumasok kami ng building. Bawat tao isa isang bumabati kay Lisa.

"Lisa bakit panay bati nila sayo. Samantalang yung iba kahit matanda, hindi nila binabati." tanong ko.

"Mataas kasi ang katungkulan ko. Kung baga sa ranking ang boss ang #1 tapos kami nila Jennie at Errol #2." sagot nya.

Habang nag uusap kami ni Lisa biglang may bumato ng kutsilyo samin. Agad na ginantihan ni Lisa. Binato nya din ito ng kutsilyo. Hindi kami tinamaan dahil mabilis akong naiwas ni Lisa. Pero ang bumato kay Lisa ay tinamaan sa braso. Daplis lang naman.

"Hindi ka pa rin nagtatanda no! Gusto mo bang sa susunod sa puso mo na patatamain ang kutsilyo ko? Laki ng problema mo, bitch!" sabi ni Lisa.

Sumugod ang babae. Inilagay ako ni Lisa sa likuran nya. Nagsimula na silang maglaban. Napansin ko na walang umaawat sa kanila. Hindi pa rin natigil ung babae sa pag atake. Pero si Lisa puro depensa lang.

Dumarami na ang tao na nagkukumpulan. Pinapanood lang nila ang naglalaban. Aawat sana ako nang may humawak sa balikat ko. Pinigilan ako ni Jennie kasama nya sina V at Jimin.

"Wag kang lalapit sa kanila, delikado ka lang." sabi ni Jennie.

"Teka hindi ba nila aawatin yung nag aaway? Baka mapahamak si Lisa." tanong ni V.

"Sa ganyang pagkakataon ayaw ni Lisa magpatulong. Wag kayo mag alala kaya nya yan." sabi ni Jennie.

"Kaya eh hindi makalaban si Lisa." sabi ni Jimin. Tumawa ng malakas si Jennie.

"Hahaha!!! Lisa tapusin mo na yan nag aalala sayo mga kaibigan mo. Hahaha nag eenjoy ka pa dyan. Bilisan mo madami pa tayong tatapusin." sabi ni Jennie.

Di kami makapaniwala sa sinasabi nya. Nag eenjoy? Nagulat na lang kaming lahat ng biglang binalibag ni Lisa yung babae. Inginudngod nya sa sahig yung babae at pinilipit ang braso nung babae.

"Sa susunod na kakalabanin mo ako siguraduhin mong nag ensayo ka ng maige. Baka gusto mo ibalik kita sa mababang rank. Sayang nag eenjoy pa naman ako. Tagal ko din walang training. Ayus ayusin mo ang ginagawa mo kung ayaw mong masayang buhay mo." sabi ni Lisa.

Nagsimula na ang usap usapan ng ibang tao sa paligid. Halos lahat sila namamangha kay Lisa kahit daw sadista. May ibang nagsasabi na terror pagdating sa trainings si Lisa. Grabe ang taas ng tingin nila kay Lisa. Hindi mo mahahalata na kaya nyang gawin ang mga bagay na to.

Binitawan na ni Lisa yung babae. Inalalayan naman ng 2 lalaki yung babae. Siguro kaibigan nya. Lumapit sa amin si Lisa.

"Ang cool mo Lisa. Grabe ang akala namin dehado ka. Yun pala nagpipigil ka lang." sabi ni Jimin.

"Sa susunod turuan no kami ng ibang moves mo." sabi ni V.

"Sure isasabay ko kayo sa trainings ng mga bata hahaha." sabi ni Lisa. Tumingin sa akin si Lisa at ngumiti sya.

Pumasok kami sa kwarto na puro computers at iba pa. Ito daw ang tech department. Malaki ang kwarto. Naglakad kami hanggang dulo. May isang pinto dun na nakalagay na restricted area.

Itinapat ni Jennie ang mata nya sa scanner tapos bumukas ang pinto. Pumasok kami at para syang gaming room ko. Sa isang side medyo dark. Blue ang lightning nya. Ung isang side violet naman. May mga kama din sya.

"Dito kami nalalagi ni Lisa pag may pinagagawa samin indoor mission. Pag medyo matitigas ang ulo ng mga hacker inaabot kami ni Lisa ng 1 araw kaya pagtapos namin, dito na kami natutulog. Ung blue side kay Lisa, sakin yung violet." sabi ni Jennie. Nagsimula nang magtrabaho sila Lisa. Ang bilis nilang gumalaw sa computer. Talong talo talaga kami nila V. Tumulong din kami sa pag likom ng mga informations at kung saan matatagpuan ang mga bagay bagay. Ibang iba talaga ang dalawang babaeng ito nung una naming makita. Hindi mo aakalain na ganito sila at di mo nanaising gawing kaaway.