webnovel

Jungkook

Lisa'a Pov

Ang sakit ng buong katawan ko. Iminulat ko ang mga mata ko at lumingon ako sa buong paligid.

"Wait nde naman ganito ang itsura ng clinic ah. Nasan ako?" tanong ko sa sarili ko. Ang alam ko nasa clinic ako ng school. Ang ganda kasi ng kwarto parang nasa high class na hotel hehehe.

Napansin ko na may nakayuko sa hinihigaan ko. Tinapik ko ito.

"Oh Lisa ok ka na ba? May masakit ba sayo? Gusto mo ba kumain? Nagugutom ka na ba? Teka lang tatawagin ko ang doktor mo." sunod sunod na tanong ni Jk.

"Wait hahaha!" di ko napigilan ang pagtawa kasi muntik pa syang madapa sa sobrang pagkataranta. Nakita ko naman na sumeryoso sya. Hala nagalit ata.

"Sorry di ko napigil eh. Anong nangyari? Asan ba ako?" tanong ko sa kanya.

"Natawa ka pa. Di mo ba nakikita na sobra akong nag aalala sayo. Naimpeksyon ang mga sugat mo kaya ka nilalagnat. Isa pa marami nang nawalang dugo sau. San mo ba nakuha ang mga sugat na yan?" tanong ni Jk. Alam ko naman na nag aalala sya. Naguilty tuloy ako dahil tinawanan ko pa sya.

Tikom lang ang bibig ko at di na nakapagsalita. Mas mabuti kasing wala syang alam.

"Kung ayaw mong sabihin ok lang naman. Pero Lisa tandaan mo na nandito lang ako. Iintindihin ko lahat ng sasabihin mo at hindi ka huhusgahan. I can always listen and if you need help just ask." sabi nya.

"Salamat." yan lang ang nasabi ko. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Sanay kasi akong mag isa at walang nag aalala sakin. At isa pa nde ako madaling magtiwala sa tao. Baka kasi pag napalagay ang loob ko at nalaman nya ang totoo bigla na lang syang mawala.

"Sya nga pala sabi ni dok kailangan nya daw makausap ang mga magulang mo o kamag anak. Ibigay mo sakin ang number nila para ako na ang tatawag." sabi ni Jk.

"Wala na akong magulang." sabi ko. Lumayo ako ng tingin sa kanya kasi baka tumulo lang ang luha ko.

"Sino ba ang pwede kong makontak? Ung kasama mo sa bahay kaya?" tanong pa nya.

"No one. Nag iisa lang ako." sabi ko. Totoo naman na nag iisa lang ako. Wala na akong magulang namatay sila nuong ako'y 10 taong gulang pa lamang.

"San ka nga pala nakatira? May mag aalaga ba sau? Hindi mo pa kasi pwedeng igalaw galaw ang mga braso mo. At isa pa kailangan may maglinis ng sugat mo sa likod mo." pagpapaalala ni Jk.

"Wala mag isa lang talaga ako. Kaya ko naman ang sarili ko eh." sabi ko

"Kaya eh bakit ka andito ka ngaun sa ospital? Kung wala naman palang mag aasikaso sayo eh sa bahay ka muna tumuloy hanggat hindi ka pa magaling." sabi nya

"Naku hindi na nakakahiya na sayo at sa magulang mo." pagtatanggi ko

"Sa ayaw mo at sa gusto sa bahay ka na muna. Kung nahihiya ka sa magulang ko, wag ka mag alala hindi ko sila kasama sa bahay. Nasa ibang bansa sila nakatira. Sarili kong bahay yon. At kung inaalala mo ung mag aalaga sau wag la mag alala si manang Rita ang gagawa nun." pagpupumilit nya

"Salamat." un na lang ang nasabi ko. Alam kong nde na ako makakatanggi pa at tama naman sya kailangan ko ng aalalay sakin lalo na sa paglilinis ng sugat ko.

Sumasagi sa isip ko ngaun ang sitwasyon ko. Tama ba ang ginagawa ko? Baka madamay lang sya pero bakit ganito ang gaang ng loob ko sa kanya. Parang lahat ng sabihin nya sasang ayon lang ako. Nararamdaman ko na pwede ko syang pagkatiwalaan. Wag naman sanang mahulog ang loob ko sa kanya baka isang araw nde ko na sya kayang iwan.

Nagsimula nang bumigat ang mata ko.

Di ko na namalayan nakatulog na ako.