webnovel

Healed

Lisa's Pov

Lumipas ang isang linggo pwede na akong lumabas ng ospital. Si Jk at ang dalawang kaibigan nya na sina V at Jimin ang nagsalit salitan sa pagbabantay sakin. Pero si Jk halos dito na nakatira. Uuwi lang pag papasok sa school. Ang sarap ng pakiramdam na inaalagaan. Hiyang hiya ako sa kanilang lahat pero nde nila pinaramdam na pabigat ako sa kanila. Parang matagal na rin nila akong kaibigan. Ipinakilala ni Jk lahat ng kaibigan nya. Pero ang kasundo ko o sabihin na nating napalagay ang loob ko bukod kay Jk ay sina V at Jimin. Lahat naman sila masaya kasama eh. Lalo na nung minsan magdala ung mga kaibigan nya ng pagkain. Lahat sila dito sa ospital nag kainan. At pagkatapos sina Jk, V at Jimin dito natulog sa kwarto ko. May sarili namang kama ang tagabantay ko. Ang ganda at ang laki naman kasi ng kwarto ko. Malamang mamahalin to. Laki panigurado ng bill ko.

"Ready ka na bang lumabas ng ospital?" tanong ni Jk.

"Oo nababato na nga ako dito sa ospital pag wala akong kasama. By the way magkano nga pala ang bill dito sa ospital? Paki abot na lang ung bag ko. Nanjan kasi wallet ko." sabi ko.

"Wag ka na mag alala bayad na lahat. Nabili ko na rin ang mga gamot mo. Ang importante eh ang tuluyan mong paggaling." sabi ni Jk

"Ang laki na ng utang ko sayo Jk pati sa mga kaibigan mo." sabi ko.

"Kaibigan natin Lisa. Ang kaibigan ko ay kaibigan mo na rin. Just say thank you, thats all i want to hear from you. Wala kang utang sakin. Ginusto ko yun at bigay ko sayo lahat yun." sabi nya. Ang bait talaga nya at galante. Sigurado akong malaki ang bill ko sa ospital kasi naka VIP room ba naman ako eh.

Napaisip na naman ako kung tama ba ang ginawa ko. Alam ko naman na pagnapalapit ako sa kanila eh madadamay at madadamay sila. Pero ang hirap lumayo sa kanila kasi sila lang ang nagparamdam sakin ng ganito. Kahit hindi pa nila ako lubusang kilala eh tinanggap nila ako. Ewan ko bahala na si batman.

"Halika na Lisa uwi na tayo sa bahay." aya ni Jk. Napangiti ako sa sinabi nya. Wow ang sarap pakinggan, uwi na daw kami sa bahay parang mag asawa lang hehehe.

"Sige sige uwi na tayo hehehe. Salamat sa lahat Jk." sabi ko at nakita ko na ngumiti sya sa sinabi ko. Lubos lubusin mo na Lisa.