webnovel

First Step

Jungkook's Pov

Ang tagal ni Lisa bumalik. Gusto ko sya samahan kasi nag aalala ako sa kanya kaso ayaw nya magpasama. Nawala lang ang pag aalala ko nang dumating na sya sa classroom.

"Bakit ang tagal mo Lisa? May nangyari ba?" tanong ko.

"Wala naman." sabi nya habang nakangiti.

"Mukhang masaya ka ata Lisa." sabi ni Jhope.

"Medyo, may napaamo lang akong mga mababangis na pusa hahaha!" sabi ni Lisa.

"Nanjan na si Sir Vince. Magsisimula na ang klase kaya magsitahimik na kayo." saway ni Namjoon.

Buong araw wala akong ginawa kundi sumulyap kay Lisa. Sana naman pumayag sya. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pakikipag usap sa kanya.

Nagring ang bell. Hudyat na tapos na ang klase. Nagsilabasan na ang mga classmate namin. Kami kami na lang natitira.

"Lisa pwede na ba tayong mag usap?" tanong ko.

"Ok. Saan naman?" sagot nya.

"Dito na lang. Mga brad mauna na kayo may pag uusapan lang kami ni Lisa." sabi ko sa mga kaibigan ko.

"Goodluck brad." sabi ni Jin.

"Kaya mo yan. Galingan mo hahaha." kantyaw ni Jhope.

"Sige mauna na kami Lisa." sabo ni Suga.

Isa isa na silang nagsialisan ng classroom. Bago umalis si Jimin at V ay tinapik naman nila ako sa balikat. Alam ko na paraan nila yun para sabihin na sumusuporta sila sakin.

"Jk ano ba ang pag uusapan natin." tanong ni Lisa.

"Lisa alam mo na gusto kita. Gusto ko na mapalapit sayo. Gusto ko pagkatiwalaan mo ako. Magpapaalam ako na manliligaw ako sayo." sabi ko.

"Jk mahirap ang gusto mo. Di ba sabi ko sayo pigilan mo ang nararamdaman mo? Ayokong madamay ka pa sa gulo ng buhay ko."

sabi nya.

"Lisa handa ako kung ano man ang kakahinatnan nito. Wag mo naman akong pigilan na gustuhin kita. Wala na eh hulog na ako sayo. Kung ano man ang ipinag aalala mo alisin mo na sa utak mo. Kasi hindi na kita hahayaan na mag isa sa mga problema mo. Kahit hindi mo ako payagan ay makikialam parin ako." sabi ko.

"Jk ayokong mapahamak ka. Hindi ko kakayanin na ako maging dahilan ng ikakapahamak nyo. Sa inyo ko lang naramdaman ang ganito. Di ko mapigilan na lumapit sa inyo. Masaya ako pagkasama ko kayo, lalo ka na Jk." sabi nya.

"Wag mong pigilan. Please Lisa, let me. Hayaan mo akong makapasok sa buhay mo. Please." pagmamakaawa ko. Niyakap ko sya nang mahigpit.

"Sige Jk susugal ako para sayo. Hahayaan ko muna ang gusto mo." sabi ni Lisa na ikinatuwa ko. Atleast ito na ang simula. Bumitaw na ako aa pagkakayakap.

"Tara na baka hinihintay na tayo ng mga kaibigan natin." sabi nya. Masaya ako kasi ito na ang first step ng pag oopen up nya samin. Ang tanggapin kami.

"Hindi Lisa may pupuntahan pa tayo. Gusto ko mamasyal tayo. Gusto kong makita mo kung ano ang ginagawa ko pag mag isa ako." sabi ko.

"Sige tara na." sabi nya at ngumiti.

Nagpunta kami sa paborito kong pasyalan ang beach.

"Jk ang ganda dito. Madalas ka dito?" tanong ni Lisa.

"Oo madalas ako paggusto kong mapag isa. Sina V at Jimin lang may alam dito. Pagsinasabi ko na gusto ko mag isa, pinababayaan lang nila ako dito at alam nila na dito ang punta ko. Minsan kasi may mga pagkakataon na gusto mo mag isip at mapag isa." sabi ko.

"Hala bakit mo ako dinala dito?" tanong ni Lisa.

"Gusto ko kasing ibahagi sayo ang mga importanteng bagay sa buhay ko. Anytime pwede ka pumunta dito. Nandun ang resthouse ko." tinuro ko ung bahay sa likuran nya.

"Tara Jk picture tayo." sabi nya sabay ngiti.

Ang ganda ng kuha namin ni Lisa. Habang naglalakad lakad kami panay kuha naman ni Lisa. Di namin namamalayan na gumagabi na pala.

"Tara na Lisa, uwi na tayo. Gabi na kasi." pag aaya ko.

"Aahh gusto ko pa dito. At di ko pa nalilibot yung resthouse mo." sabi nya.

"Dont worry babalik tayo dito at ililibot kita sa bahay ko at sa buong isla. Sa ngaun uwi muna tayo." sabi ko.

"Cge na nga. Ano ba yan ang bilis ng oras. Tara na." pag aaya na ni Lisa.

Umuwi na kami sa bahay ko. Nadatnan namin na nandun sina Jimin at Jhope.

"Oh bakit andito kayo?" tanong ko sa kanila.

"Wala lang para makibalita hahaha." sabi ni Jhope.

"Anong balita?" pagtataka ni Lisa.

"Wala yun Lisa tsismoso lang tong si Jhope hehehe. Padating na nga pala si V nagkaproblema lang daw sya. Hintayin na natin para masimulan na natin yung game natin." sabi ni Jimin. Mukhang di kami sa secret gaming room ngaun araw. Nandito kasi si Jhope.

Umakyat si Lisa para magpalit ng damit. Bumukas ang pinto at pumasok si V kaso may kasama. May benda yung babae sa ulo.

"Ano nangyari dyan alien?" tanong ko kay V.

"Brad nabangga ko eh. Biglang tumawid. Sinama ko muna kasi oobserbahan ko ung lagay nya. At isa pa nangako ako tutulungan ko mahanap ang bestfriend nya." sabi ni V.

"Jk naiwan ko ata yung cellphone ko sa kotse mo. Oh nandyan ka na pala V may kasama ka?" sabi ni Lisa.

Inangat nung babae ung mukha na.

"Lisa." sabi ng babae

Tumingin ako kay Lisa at nakita ko na natulala sya at unti unti na syang lumuluha. Nilapitan ko si Lisa at niyakap. Unti unti nang humagulgol si Lisa. Anong nangyayari?