webnovel

Bestfriend

Jungkook's Pov

Yakap yakap ko si Lisa. Hindi ako mapakali. Bakit sya ganito? Iyak sya ng iyak. Sino ba ang babaeng yun?

"Lisa, please kausapin mo naman ako. Wag mo na akong taguan pa. Kahit saan ka magpunta hahanapin pa rin kita." sabi nung babaeng kasama ni V.

"Pwede bang umalis ka muna. Ayoko pa kitang kausapin. Hindi ko pa kaya."  sabi ni Lisa.

"Lisa im so sorry. Hindi ko ginusto yun. Hindi ko alam. Patawarin mo na ako. Hindi ko sinabing sumama sakin si Errol. Sorry talaga." sabi nung babae habang nahagulgol din.

Nararamdaman ko na nanghihina si Lisa at parang matutumba. Buti na lang nakayakap pa din ako sa kanya. Sino ba si Errol?

"Alam ko Jennie, alam ko na hindi mo sadya. Ang hindi ko matanggap ay yung wala akong nagawa para iligtas pa sya. Masakit yung makita ko syang mamatay nang wala akong magawa. Jennie nasa harap ko lang sya ng bawian sya ng buhay." sabi ni Lisa

Naguhuluhan na kami sa sinasabi ni Lisa at nung Jennie. Nabigla kami nung lumuhod yung Jennie.

"Sorry sana pinigilan ko sya. Sana nakinig ako sayo. Patawarin mo ako. Lisa miss na miss na kita. Pakiusap isama mo ako sayo. Alam kong gaganti ka pakiusap sasama ako sayo." sabi nung Jennie.

Bumitiw sakin si Lisa at lumapit kay Jennie. Lumuhod din sya at yumakap sa babae na yun.

"Jennie, kaya nga ako lumayo ay para wag ka madamay. Ayokong ang kaisa isang mahalaga sa buhay ko ay mapahamak pa. Pakiusap umuwi ka na Jennie." sabi ni Lisa

"Hindi! Hindi ako uuwi hanggat di ka kasama. Sa ayaw at sa gusto mo susundan kita. Alam mo na kaya kong gawin yun." sabi nung babae.

"Alam ko. Mukhang wala na akong magagawa pa. Parehong matigas ulo natin hahaha." hala nabaliw na ang dalawa naiyak sabay natawa.

"Wag mo na akong iiwan Lisa. Please." sabi nung babae.

"Teka lang naguguluhan ako. Sya ba ang hinahanap mo Jennie?" tanong ni V dun sa babaeng kasama nya.

"Oo sya nga. Buti na lang pinilit mo akong sumama sayo. Salamat V." sabi nung babae.

"Alam nyo wala ako maintindihan."

sabi ni Jhope.

"Wala ka maiintindihan kasi walang laman ang utak mo hahaha." pagbibiro ni Jimin.

"Sya nga pala Jennie sya si Jhope, Jimin at Jungkook. At siguro naman na kilala mo na si V. Guys sya si Jennie ang bestfriend ko." pagpapakilala ni Lisa kay Jennie.

"Thats odd Lisa. Alam ko nde ka nakikipaglapit kahit kanino maliban samin ni Errol." sabi ni Jennie.

"Sino ba si Errol?" tanong ni ko.

Nagtinginan sina Lisa at Jennie.

"Errol is my twin. Actually baby pa lang kami nang kami nagkalayo na kami. Napunta sya sa family ni Jennie.  Inampon nila ang kapatid ko. So ung kapatid ko kapatid din ni Jennie. Ang gulo noh hahaha." sabi ni Lisa.

"Wait lang, pwede ba tumayo muna kayo dyan. Bago ka magkwento ulit umupo muna kayo sa sofa." sabi ni Jimin.

"By the way Lisa hinahanap ka ni." hindi natapos ni Jennie ang sasabihin nya kasi tinakpan ni Lisa ang bibig ni Jennie.

"Wag ka muna magbabanggit ng kahit ano." sabi ni Lisa

"Wait di nila alam kung sino ka?" tanong ni Jennie.

Bumaling ng tingin si Lisa sa akin.

"Saka ko na sasabihin sa inyo kung sino ako. Pakiusap lang mas mapapanatag ako kung nde nyo muna alam kung sino kami. Ayokong mapahamak kayo. Please Jk." pakiusap ni Lisa.

"Igagalang ko kung ano ang desisyon mo. Pero Lisa hanggat maaari sabihin mo samin para matulungan namin kayo." sabi ko. Hinawakan ko ang kamay ni Lisa.

"OMG Lisa boyfriend mo sya?" sabi ni Jennie.

"Hindi pa nililigawan ko pa sya. Kakapayag nya pa lang kanina." sabi ko.

"Wow congrats napapayag mo. Hahaha matigas ulo nyan eh. Go for it, susuportahan kita hahaha." sabi ni Jennie na ikinangiti ko.

Naisip ko ung sinabi ni Lisa kanina. May kakambal sya? Ang masaklap pa, namatay sa harap nya. Paano at bakit nya sinasabing wala syang nagawa? Sana lang tuluyan na syang magtiwala sakin. Sobrang nahihiwagaan ako sa kanya. Sino ba sya? Pero sa ngayon igagalang ko muna ang gusto nya.

"Saan ka nag iistay Jennie?" tanong ni Lisa.

Sa bahay ni V ako mag iistay kasi nabangga ako kanina at oobserbahan pa ako. Tumama kasi ang ulo ko. Hindi nya sinasadya kasi ako may kasalanan. Pero nagpumilit sya bantayan ako." sabi ni Jennie.

"Di na ako magtataka ganyan din ako dito kay Jk hahaha. Mababait talaga sila." sabi ni Lisa.

"Kaya pala ang bilis mo mapalapit sa kanila." sabi ni Jennie at tumango lang si Lisa bilang tugon nya sa sinabi ni Jennie.

"Mabuti pa dito ka na matulog Jennie. May laro kasi kami. Malamang gagabihin kayo ng uwi." sabi ko na ikinatawa ni Lisa.

"Hahaha parang ang layo ng bahay ni V." sabi ni Lisa. Nahawa ako ng kakatawa kay Lisa.

"Bakit saan ba bahay mo V?" tanong ni Jennie kay alien.

"Ayun lang sa tapat." sagot ni V. Mukhang mahaba habang kwentuhan ang mangyayari sa amin.